webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · 灵异恐怖
分數不夠
115 Chs

Chapter 101

Crissa's POV

Kapwa walang umiimik sa amin ni Renzo habang tinatahak ang daan pabalik sa kampo namin. Kung s'ya ay patuloy pa rin sa mahinang pag-iyak doon, ako naman ay parang himala nang tumigil ang mga mata sa pagluha.

Yung kani-kanina lang na lungkot at pagluluksa na dinaramdam ko, ngayon ay napalitan na ng matinding galit. Hinding-hindi ako papayag na hindi ko maiganti yung ginawa nila samin pati na sa tatay nina Lily at Rose. Lalong-lalo na yung ginawa nila kay Renzy.

Si Renzy..

Wala na sa amin si Renzy..

Muli na namang namuo ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi na yun ng utak ko. Nakalimutan ko pansamantala, pero ito na naman. Bumalik na naman sa alaala ko.

Hindi ako mapakali.

Dahil hindi ko pa rin matanggap. At pakiramdam ko, kailanman ay hindi ko yun matatanggap. Na sobrang biglaan, isang iglap lang, ninakawan kami ng buhay.

Buhay ng isang taong pinakamamahal namin.

"Gaganti ako, hindi pa ako tapos." madiing bulong ko sabay paputok sa ilang undead na sinusubukan na kaming abutin.

Talagang gaganti ako dahil yung ginawa ko sa demonyong Joey na yun kanina, hindi pa doon nagtatapos yun. Hindi ako titigil, at hinding-hindi ako magiging kalmado hanggat hindi ko nauubos lahat ng miyembro ng kampo nila. At mas lalo nang wala akong pakialam kahit na ba kapamilya na rin ang turing namin sa mga Suarez.

Dahil magkaiba ang dati, sa ngayon.

Hindi na talaga ako makapaghintay na makita silang magdusa sa sakit gamit ang sarili kong mga kamay. Lalo pa ngayon, na nalaman ko nang sila rin pala yung matagal nang nagtatangkang pumatay sa amin.

Kahit hindi ko alam kung bakit ba nila kami gustong patayin, or kung pati ba yung mga threats na nakukuha namin simula mga bata palang kami e sila ang may gawa, wala pa rin akong pakialam. Gusto nila ng patayan? Mag-intay sila. Dahil hindi ko sila uurungan.

"Kumapit ka lang, bestfriend. Malapit na tayo sa atin.." seryosong sabi ko kahit na ba alam kong hindi rin s'ya sasagot.

Hahayaan ko muna s'yang ganito. Na manahimik at makapag-isip-isip. Dahil alam kong kung anong lungkot ang nararamdaman ko ngayon, mas malala pa yung lungkot na nararamdaman n'ya ngayon.

Kaya pagkarating na pagkarating namin doon sa kampo, kakausapin ko na agad ang kakambal ko para magplano ng pagsugod at paghiganti. Ayaw kong mag-aksaya ng oras. Nanginginig na ang laman ko na maningil sa mga may utang sa amin.

Sana nga lang, nandoon ang kakambal ko. Dahil kung hindi, at nagkataong umalis s'ya para hanapin nga kami, wala na akong ibang choice kundi mag-isang kumilos.

Kahit ikagalit pa n'ya.

Kahit ikagalit pa nilang lahat.

Bahagyang nagpakita ng isang matipid na ngiti ang sarili ko nang matanawan ko na mula sa kinaroroonan namin yung tower ng kampo namin. Wala akong naaaninag na kasamahan namin doon para magmatyag pero pinilit ko pa ring pakalmahin ang sarili ko dahil sa wakas makakauwi na kami.

Bagamat kulang na kaming uuwi ngayon, mas sumidhi naman ang nararamdaman ko na maghiganti dahil makikita ko na ulit ang kakambal ko. Ang mga kaibigan ko.

Pero yun lang, hindi ko malaman at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil habang palapit na kami nang palapit sa kampo namin, at habang mas nagiging malinaw na ang mga nakikita ko, para bang unti-unti naman ding binabawi yung namuong kaunting saya na kani-kanina lang ay nadadama ko na.

It is just like, my heart felt so much emptiness all of a sudden.

Ang empty ng loob ko pero bakit parang ang bigat din ng nararamdaman ko ngayon?

Parang di ako makahinga.

Parang nauubusan ng hangin ang baga ko.

Parang gusto ko nalang magsuka bigla.

Parang may maling nangyayari.

Sobrang daming tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon nang biglaan. Katulad nalang nang bakit ang tahimik bigla ng kampo namin? Bakit parang walang tao? Wala yung masasayang tawanan ng mga bata na ilang linggo na ring gumigising sa akin sa umaga?

Parang may mali talaga.

Pero mali rin. Nagkamali ako. May mga tao sa kampo namin ngayon. May narinig ako. May naririnig ako.

May naririnig akong ingay mula sa mga pamilyar na boses ng ibang kasamahan ko. Pero itong klase ng ingay na 'to ang mas lalo pang nagpabigat sa nararamdaman ko.

Parang gusto kong umatras.

Parang ayaw kong tumuloy dahil sa naririnig ko ngayon.

Para bang hindi ko gugustuhin ang madadatnan ko once na maitapak ko na ang paa ko sa loob ng kampo namin.

Pero hindi. Hindi nakiayon ang paa ko dahil dere-deretso lang itong naglakad papasok sa gate namin na ngayon ko lang napagtantong bahagya palang nakabukas.

Pula.

Kulay pulang likido na nakakalat mula sa kung saan-saang parte ng bakuran namin ang unang nakita ng mga mata ko.

Gusto kong isipin na baka may pumutok lang na ugat sa magkabilang mata ko kung kaya't puro pula nalang ang nakikita ko ngayon; pero ayaw gumana. Ayaw tanggapin ng utak ko yung inuutos ko dahil na rin sa siguro mas malakas nang ingay na naririnig ko ngayon.

Ang ingay ng pag-iyak ni Harriette na ngayon ay wala na sa wheelchair n'ya bagkos ay nakaupo na sa damuhan. Yakap-yakap ang duguan..

..at mukhang wala nang buhay na si Lennon.

Bumaling ang paningin ko sa kabilang parte ng bakuran kung saan nandoon ang maliit na palaruan ng mga bata. At doon, doon ko nakita ang tanawin na mas lalo pang nakapagpaguho ng mundo ko.

Nakahilera sa may damuhan ang mga duguang katawan ng dalawang batang babae na sina Aurora at Eudora. Katabi rin nilang nakahiga ang pare-parehas ding duguan na sina nanay Sonya at Marie, pati na rin si tatay Roger na iniiyakan ng tatlo n'yang apong mga lalaki.

Pula. Puro nalang pula.

At lahat sila, may iisa lang na pagkakapareha.

Pare-parehas silang may tama ng baril sa iba't-ibang parte ng mga katawan nila. Butas at umaagos ang sariwang dugo na pulang-pula.

Tuluyan nang nanlambot ang tuhod ko at napaupo sa lupa. Si Renzo na kani-kanina lang din na inaalalayan ko ay kasabay ko ring napasadlak sa sahig. Hindi ko alam kung dahil ba sa akin lang s'ya talaga dumedepende ng lakas o sadyang parehas lang kami ng nararamdaman at paraan ng pag-absorb sa mga nasasaksihan ng sistema namin ngayon.

Mainit na butil ng luha ang sunod-sunod na tumulo mula sa mata kong halos ayaw nang kumurap. Deretso lang na palipat-lipat nang tingin sa mga katawang nakahandusay ngayon sa lupa. Nakikita kong bumubuka ang bibig ni Harriette habang nakatingin sakin pero parang wala akong marinig. Para bang nabibingi na naman ang pandinig ko.

Pumikit ako habang pinagsasasapok ang ulo ko. Papalit-palit na sapok at sabunot ang ginawa ko. Dahil kung nagkataong panaginip lang lahat ng 'to, gusto ko nang gumising. Ayaw ko nitong mga nakikita ko. Masyadong masakit.

Hindi pa nga ako nakakarecover dahil sa nangyari kanina kay Renzy. Tapos biglang ganito nalang ang madadatnan namin ngayon?

Parang, parang sobra na ata 'to.

Sobra-sobrang sakit na 'to para sa isang araw lang.

Hindi ko na kinakaya.

Kaya kung isang panaginip lang 'to, sana magising nalang ako sa sampal ng kakambal ko. Kung eksena lang 'to sa isang pelikula, sana may magsarado na ngayon na pulang tela. Kung palabas lang 'to at umaarte lang silang lahat, sana tumayo na sila at tigilan na nila ang pagbibiro na 'to.

Dahil hindi nakakatuwa. Sobrang masakit sa ulo at dibdib. Pakiramdam ko lantang-gulay na ako ngayon. Kunting-kunti nalang, susuko na yung sistema ko.

Hindi ko na talaga kinakaya.

Tinigilan ko ang ginagawa kong pananakit sa sarili ko nang maramdaman kong parang may tumutulo sa mukha ko na galing sa kaliwang parte ng noo ko. Doon ko lang napagtanto na dahil sa ginagawa kong pagsapok sa ulo ko ay muling bumuka ulit yung medyo naghihilom na sanang sugat ko na nakuha ko kahapon. Dumudugo ulit ang sugat ko.

Tumayo ako unti-unti, at kung kanina lang ay purong pag-iyak lang ang naririnig ko, ngayon ay sabay-sabay na nilang tinatawag ang pangalan ko.

"C-crissa.. W-wala na si Lennon.." puno ng paghihinagpis ang boses ni Harriette habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng kanyang namumutla nang kasintahan.

Sa kabilang banda ay sabay na nagtakbuhan palapit sa akin ang tatlong apo tatay Roger. Niyakap nila ako nang mahigpit at damang-dama ko sa bawat paghikbi nila yung nararamdaman nilang takot at sakit.

"P-pinatay nila si Lolo. Pati sila Lola Sonya at Lola Marie.."

"Ate C-crissa, lumaban kami. P-pero di namin sila kaya. Pinagtanggol kami ni Lolo.."

"Pati sila k-kambal, d-dinamay nila.."

Napabitaw ako sa pagkakayakap nila nang biglang bumukas ang pintuan ng day care center at lumabas si Owen na karga ang walang malay na si ate Romina; na may tama naman ng bala sa dibdib. Kasunod n'ya ang paghabol ng magpinsang si Rusell at Rosette, na kapwa pumapalahaw ng iyak at may dugo sa kanilang mga braso, dibdib, at mukha.

"Humihinga pa s'ya.." hinihingal na sabi n'ya sakin at dumeretso sa kinaroroonan ni Harriette.

Tuluyan nalang akong pumasok sa loob at nakakailang hakbang palang ako ay narinig ko na ang paghagulgol ng namamaos nang boses ni Nanay Nellie. Sumilip ako sa kwarto ng mga lalaki at doon ko nakita ang wala ring malay na si Tatay Jack habang nakaunan sa hita ng kanyang asawa.

Napatakip nalang ako sa bibig ko at mas lumuha pa nang makita kong sa noo rin ang tama n'ya. Sa noo na isa ring vital part ng katawan ng tao na kapag binaril, milagro nalang ng Diyos kung makakaligtas pa s'ya.

Naramdaman ko nalang ang marahang pagyakap ni Elvis sa akin na tahimik lang kaninang pinapanood ang pag-iyak ng matandang babae.

"A-ano bang nangyari, Elvis? A-alam ko kung sino ang gumawa nito. Isa lang ang, ang naiisip ko at alam k-kong gagawa nito.." pinunasan ko ang mata ko at humiwalay sa pagkakayap n'ya. "Pero Elvis, ikwento mo lahat. N-nasaan ang kakambal ko? Pati si T-tyron at si Sedrick?"

Nakita kong mas lalo pang lumungkot ang itsura ni Elvis at sa isa pang bibihirang pagkakataon ay nakita ko ulit s'yang umiyak. Bata palang kami nang huling beses ko s'yang makitang umiyak. Yun ay nung ipagkatiwala s'ya ng mga magulang n'ya sa kanyang lolo at lola para pumunta sa ibang bansa.

"S-si Christian, kasama si T-tyron at Sedrick. Kahapon pa sila u-umalis para hanapin kayo. Pinagkatiwala n'ya sa akin yung mga naiwan dito pero hindi p-pa rin sila bumabalik hanggang ngayon.." yumuko s'ya at kitang-kita ko kung paanong yung malungkot n'yang mukha ay napalitan ng nagngangalit na galit. Naninginginig ang panga n'ya habang pinagpapatuloy ang sinasabi n'ya.

"Hanggang ngayon-ngayon lang. Wala pang isang oras mula nang dumating kayo dito, pinasok tayo ng isang grupo ng mga lalaki, kasama si.." huminto s'ya at mas lalo pang nanlisik ang mata. "Kasama yung ate ni Axel Suarez. Pilit nilang kinuha si Alessandra at si Alex. Umalma si nanay Sonya at nanay Marie, kaya pinaputukan sila nung isa sa mga lalaki. Doon na nagkaroon ng mas malaking tensyon lalo pa nung isa sa mga batang babae, hindi ko alam kung si Lily o si Rose ang bigla ring nagpaputok ng baril. Nadaplisan n'ya sa hita yung bumaril sa magkapatid na matanda. At iyon, hindi ko na nasundan ang mga pangyayari dahil umalingawngaw na ang sunod-sunod na putukan. Ang alam ko nalang ay, si ate Romina, pati si tatay Roger at tatay Jack ay may hawak na ring mga baril. Kasama rin namin silang nakikipag nila Fionna at Owenn. Pero ang ipinagtataka ko Crissa, habang nakikipagputukan sila sa amin ay mabilis din sila at maingat na lumabas nitong kampo. Na para bang may iniingatan sila na hindi dapat matamaan ng bala." tumingin si Elvis sa akin nang seryoso na para bang may isang puzzle na gusto n'yang masolve. "Crissa, bukod kay Jade, ingat na ingat din sila na 'wag matamaan sila Alessandra at Alex. Dahil kitang-kita ng mata ko na talagang may mga lalaki pa na yumakap sa kanilang dalawa at mabilis silang tinangay papunta sa get-away vehicle nila sa labas.

Yun ang sunod-sunod na pahayag ni Elvis na halos hindi maproseso ng sistema ko. Pero hindi ko na yun masyadong napagtuunan ng pansin, lalo pa nang maalala kong pati yung kambal na batang babae na walang kamuwang-muwang, ay nadamay sa nangyari kanina. Unti-unti na namang nag-init ang sulok ng mga mata ko at napuno ng sakit ang dibdib ko.

"E-eh si Eudora at Aurora?" alam kong hindi sapat yung tanong na ipinukol ko sa kanya kaya na rin siguro tanging pag-iwas nalang ng tingin ang binigay n'ya sakin.

Pero laking gulat ko na lang nang si nanay Nelie naman ang nagsalita habang hindi pa ring tumitigil sa pag-iyak.

"W-walang awa ang babae na 'yun, anak. D-demonyo s'ya. B-binaril n'ya nang walang pagdadalawang-isip yung kambal at sinabayan pa n'ya ng nakakainsultong pagtawa.." puno ng pagkasuklam ang boses ng matanda at alam kong wala na s'yang ibang tinutukoy kundi si Jade.

Hinarap ako ulit ni Elvis at nakita ko na naman ang ilang pares ng luha na lumalandas sa pisngi n'ya. "S-sorry, Crissa. S-sorry.." paulit-ulit n'yang sabi.

Isang mahinang tapik nalang sa pisngi ang binigay ko sa kanya matapos kong punasan ang mga luha n'ya. "Wala kang dapat ihingi ng tawad, ha? Wala." hinaplos-haplos ko ang ulo n'ya para mapakalma s'ya.

"Pero, C-crissa.." muli na namang tumulo ang luha sa mga mata n'ya. Tinignan ko lang s'ya at inintay na ipagpatuloy ang sinasabi n'ya pero imbes na magsalita muli, sinenyasan na lang n'ya ako na lumabas sa may likod ng kampo.

Mabagal akong tumalikod sa kanila at mabagal ko ring tinahak yung daan papunta sa tinuturo ni Elvis. Ayaw kong bilisan ang paglakad ko dahil alam kong hindi ko rin naman magugustuhan yung makikita ko doon. Kaya bawat mababagal at maliliit na hakbang na ginagawa ko, unti-unti ko ring dinidiktahan ang sarili ko para humanda. Na huminga muna ako nang malalim para magawa ko ring agad-agad na tanggapin kung ano man yung makikita ko pagbukas ko ng pinto na yun.

Pero mali.

Hindi ganon ang nangyari dahil kabaliktaran na naman ang nangyari.

Kahit medyo alam ko na yung makikita ko, hindi pa rin ako nakapaghanda talaga. Hindi pa rin sumapat yung malalim na paghinga ko at hindi rin yata talaga magagawang tanggapin ng kalooban ko, itong tanawin na nakikita ko ngayon.

Dahil ito, pakiramdam ko mas lalo pang nadagdagan yung bigat ng pinapasan ko dahil sa pagguho ng mundo ko.