webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · Horror
Not enough ratings
115 Chs

Chapter 100

Crissa Harris' POV

"Akala n'yo ba, hahayaan ko kayong tumakas nang ganon-ganon na lang?"

May isang lalaki na lumitaw sa likod ng puno. Meron s'yang daplis ng saksak sa may balikat n'ya. Alam ko yun dahil bukod sa wala s'yang suot na pantaas, kitang-kita ko rin ang sugat n'yang hiwa. Galing yun sa saksak ng isang matalim na bagay.

Mukhang ito na nga si Joey.

"Syempre hindi diba? Kasi totodasin ako ni boss Jade 'pag nagkataon." dagdag pa n'ya.

Si Joey na nga ito.

Saglit kong pinukulan ng tingin si Renzy dahil sa ibang direksyon s'ya bumagsak. Doon pa sa malapit sa lalaki na 'yun. Nakita kong gumagalaw na s'ya at pinipilit tumayo pero mukhang nanghihina pa rin ang katawan n'ya dahil sa kalapastanganan na ginawa sa kanya.

Bahagyang napabangon si Renzy habang yakap-yakap ang kumot na nakatakip sa kanya. Nang magtama ang panginin namin, agad s'yang umiyak at nagpumilit tumayo. "C-crizza.." pag-iyak n'ya sa akin. Gusto ko s'yang lapitan. Pero nakaumang yung kamay ni Joey at nakatutok kay Renzo na mas malapit sa akin.

"Subukan mong lumapit, Crizza. Sabog ang bungo ng lalaking 'yan."

Naaligaga si Renzy at napatingin dun sa kuya n'yang namimilipit sa sakit. Umaagos ang dugo mula sa hita n'yang tinamaan ng bala ng baril.

"K-kuya.. Anong ginawa mo sa kuya ko.." sigaw ni Renzy kaya sa kanya naman napatingin si Joey.

Ngumisi si Joey na para bang asong nauulol. Lumapit s'ya kay Renzy at bahagya ko nang ihinanda ang kamay ko sa pagkuha sa baril na nasa likod ko. Mukhang hindi rin alam ni Joey na may baril ako dito. Kaya subukan n'ya lang hawakin ulit si Renzy, 'di ako magdadalawang-isip na paagusin ang dugo sa noo n'ya.

"Oh, pretty girl. Sakit ba ha?" mapang-inis na sabi n'ya. "Kami nasarapan. Sikip e. Nagdugo pa nga oh."

Nakita kong mas umagos ang luha ni Renzy. Senyales 'to na sariwang-sariwa pa sa kanya yung trauma at sakit dahil sa kababuyan na ginawa sa kanya. At ngayong masyado pang pinapamukha ng demonyo na 'to yung mga kawalangyaan n'ya, mas lalong tumuturok sa dibdib ni Renzy yung sakit.

"Putang ina ka. Intayin mo." madiin na bulong ko.

Mas lumapit pa si Joey at lumuhod na para maging kapantay ang ngayong nakaupo nang si Renzy.

"Pesteng Brod yun. 'Di pa kami tapos sa'yo e. Kung yung iba nagawa n'yang patayin habang tulog sila, pwes ako hindi. Nagawa n'ya akong saksakin din, pero daplis lang. Kasi mas nauna na akong magising. Binaril ko s'ya sa noo. BOOMMM!! Boom butas. Butas ang noo." nakakalokong sabi ni Joey sa harap ng mukha ni Renzy na s'ya namang mas ikinilakas pa ng pag-iyak nito. "Pero 'wag ka mag-alala, pretty girl. Magraround 2 ako sayo ngayon. Dito mismo sa harapan ni Crizza. At ng kuya mo."

Mas nagngitngit sa galit ang panga ko. Damang-dama ko rin ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa sobrang pagkasuklam. Kaya nang tumayo yung humal na 'yun at akmang huhubarin yung pang-ibaba n'ya, mabilis ko nang binunot yung pistol na nakatago sa likod ko. Pero dahil nanlalabo na naman sa luha ang mata ko, hindi ko na 'sya masyadong naasinta. Basta nagpaputok nalang ako ng dalawa.

"TANGINA MO! SUBUKAN MO PANG HAWAKAN ULIT S'YA, SASABOG NA TALAGA 'YANG UTAK MO!!" madiin kong pinunasan ang mata ko at doon ko nakitang nagawa ko s'yang patamaan sa kanang braso n'ya at sa may tagiliran n'ya.

Nabitawan na n'ya rin tuloy yung hawak n'yang baril at napatumba sa lupa. Nasa may tabi lang halos ni Renzy. Napansin ko rin na si Renzo ay pinilit pang tumayo pero muli ring bumagsak. Kita kong mas namilipit pa s'ya sa sakit dahil doon.

"A-ahh, ang s-sakit nun ha? S-san ka nakakuha ng baril? Tanginang Brod talaga yun. Pero wrong move ka, Crizza. Kinuha mo na atensyon nila." bakas sa humal na yun na napuruhan ko talaga s'ya dahil bukod sa hirap na hirap s'yang magsalita, umaagos na rin sa bunganga n'ya yung pulang-pulang dugo.

Pero hindi nga nagkamali ang humal dahil may isang undead nga na lumabas mula sa kung saan. Tatakbo na sana ako para saksakin lang yun pero laking gulat ko nang biglang tumayo yung humal at itinulak yung undead pasubsob kay Renzy.

Naramdaman kong parang biglang tumigil ang oras ng mga sandaling yun. Pati yung paghinga ko ay parang bigla nalang ding lumalim at bumagal. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko at parang sa isipan ko ay may biglang nagflash na alaala.

Si Renzy nung kadarating palang n'ya sa mansyon namin at may dala-dalang maleta.

Si Renzy na kasama naming nakikipag-asaran sa kuya n'ya.

Si Renzy nung mga panahong naggugupit kami at nagkukulay ng buhok para sa panibagong simula namin.

Si Renzy na kasama namin sa tawanan, si Renzy na kasama namin sa iyakan. Sa hirap at ginhawa. Sa lahat ng gutom, sa pagtitiis at pagsasakripisyo.

Si Renzy na itinuring ko na rin na mahigit sa isang kaibigan.

Si Renzy na parang kapatid ko na rin.

"Akala mo, 'di ko na kayang tumayo?"

Doon ako tuluyang bumalik sa sarili ko. Dahil sa malademonyong boses na 'yun. Kaya hindi ko na s'ya hinayaan pang mahanap ang barili n'ya at pinagpuputukan ko na s'ya sa paa n'ya. Sa hita n'ya. Sa mga parte na sigurado kong hindi na s'ya makakalakad pa.

Pagkatapos nun ay mabilis ko ring pinaputukan yung undead na nagawa ring maitulak palayo ni Renzy sa kanya.

Humahagulgol ako ng iyak habang nilalapitan si Renzy na ngayon ay napahiga na sa lupa. Gayon din si Renzo na hindi ko napansing nagawa na palang makagapang papunta sa kapatid n'ya.

"R-RENZY!!" gayon nalang din ang sigaw na pinakawalan ko nang makita ko ang kamay n'yang nakatakip sa bandang leeg n'ya. Mas napahagulgol pa ako ng iyak dahil sa napagtanto kong..

..nakagat na ng undead si Renzy. Sa parte ng katawan n'ya na sobrang kritikal.

"R-renzy?! Renzy!!!" sigaw din ng kuya n'ya na parang sandaling nakapagpabingi sa akin.

Napaupo ako sa lupa at napahawak sa ulo ko. Hindi ko na halos maproseso ang mga nangyayari. Ayaw pang pumasok sa isip ko. Nahihilo ako. Parang nagdidilim ang paningin ko. Napapikit ako dahil pakiramdam ko sasabog ang ulo ko. May nakikita akong ilang mga undead mula sa malayo na unti-unting naglalakad papunta sa amin. Pero bakit ganito? Ni hindi ko magawang tumayo. Hindi ko magawang kumilos para barilin yung mga naglalakad na halimaw na 'yun.

Naghahalo sa isipan ko yung naririnig kong pagdaing ni Renzy at ang tuloy-tuloy na paghagulgol ni Renzo.

"K-kuya, kumilos na.. n-na kayo ni Crizza. D-dumadami na sila.." dinig kong sambit ng malumanay at matamis na boses ni Renzy. Hirap na hirap. Na para bang sa bawat salita na binibitawan n'ya ay unti-unti ring bumabagal ang paghinga n'ya.

Pero nanatili pa rin akong nakatulala doon na sinasabunutan ang sarili ko. Umiiling-iling. Umiiyak at nanginginig. Si Renzo na umiiyak din ay niyakap na ang kapatid n'ya habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.

Napapikit ako. Sinasapok-sapok ang ulo ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Pero nagpapasalamat ako dahil sa nakakaloko uling pagtawa na 'yun ng humal na 'yun, sinampal ako ng katotohanan at napabalik sa sarili ko. Kahit nagdidilim ang paningin ko, marahas akong tumayo at naglakad palapit sa putanginang humal na 'yon.

Nagpakawala s'ya ulit ng malademonyong tawa n'ya kaya sinunggaban ko na s'ya at mariing sinakal.

"Putangina mo. Putangina mo. Hindi kita bubuhayin hayop ka." nanggigigil na sabi ko habang nanginginig ang kamay ko na sinasakal s'ya. Nagagawa n'ya pang pumiglas pero hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng ganoong klase ng lakas kung kaya hindi ko iniinda ang pagpupumiglas n'ya.

Paulit-ulit akong nagmumura habang nanlilisik ang lumuluha kong mata na nakatitig sa kanya. Inalis ko ang pagkakasakal ko sa kanya at inilipat ko yun pasakop sa ulo n'ya. Itinapat ko ang dalawang hinlalaki ko sa tapat ng mata n'ya at madiin kong pinagsiksikan 'yun doon.

Napangisi ako nang magawa kong ibaon sa mata n'ya ang mga hinlalaki ko. Nagtalsikan ang dugo n'ya sa mukha ko. Napatawa ako at mas lalo ko pang diniinan nang makita kong medyo nangingisay na s'ya sa sakit. Ni hindi na s'ya makapiglas. Kitang-kita ko rin na ang ilang parte ng mata n'ya ay lumuwa na at lumabas. Umaagos. Sa mukha n'ya.

"Sakit ba? Ako, nasarapan. Sikip e. Nagdugo pa nga oh." mapang-inis na sabi ko sa kanya. "At para sa finale.." piniga ko yung magkabilang pisngi n'ya para pwersahan nang bumukas ang bibig n'ya. At doon, BANG!

Umalingawngaw ang nakakabinging tunog ng putok ng baril na inasinta ko sa loob ng bunganga n'ya. Nakapatay na ako ng tao sa wakas at wala ako ni miski na maliit na pagsisisi o kilabot na naramdaman.

Mabilis kong hinanap yung nalaglag na baril ng humal na 'to at agad kong pinagpuputukan lahat ng undead na nakikita ko. Kaya pala hindi nagawang tumayo ni Renzo sa tama n'ya dahil hindi simpleng baril ang ginamit sa kanya. Pangratratan ang isa na 'to.

Nang magawa kong patumbahin lahat ng undead na pinakamalapit samin, mabilis akong lumapit kay Renzy. At gamit ang duguan kong kamay, hinawakan ko ang mukha n'ya at hinalikan ko s'ya sa noo.

"N-nakita mo 'yun? R-renzy? Naiganti na kita sa kanya." nakangiting sabi ko pero hindi nakiayon ang mata ko dahil sunod-sunod na ulit na nagpakawala ng luha ang mata ko.

Nang makita ko ang inosente at matamis na ngiti ni Renzy, mas lalo pang tumindi ang kirot na nararamdaman ko.

"K-kahit kelan talaga, C-crizza.. hindi ka p-pumapalya.. na p-pamanghain ako.." nakangiti n'yang sinabi 'yan. Pero katulad ko, hindi rin nakiayon ang mata n'ya dahil umaagos din doon ang mainit na luha.

"T-tara na, dali uuwi na tayo." inakay ko s'ya patayo. Pero hindi s'ya kumilos man lang at pumikit nalang. "T-tara na, Renzy. Dali.. Miss na tayo nila Alessa at Harriette.."

Pinilit ko pang ibangon s'ya pero parang mas pinabigat pa n'ya ang katawan n'ya na nakahiga doon.

"Tama na, Crizza. Tara na.." nakayukong bulong ni Renzo. Di ko napansin na nakuha na pala n'ya sakin yung baril na hawak ko at ngayon pinapaputukan na n'ya yung ibang undead na lumalapit sa amin.

"A-anong tara na? Akayin mo na kaya si R-renzy.. Para makauwi na tayo.." umiiyak na sabi ko. Nagsusumamo sa kanya. "Please, bestfriend.. P-please.."

Iniwasan lang ako ng tingin ni Renzo na nagawa nang tumayo. Kahit hirap na hirap s'ya sa ginagawa n'ya ay tinulungan pa rin n'ya akong itayo. Nanatili nalang akong ganoon habang nakatingin sa kanilang dalawa. Lumuhod s'ya ulit at niyakap ang kapatid n'ya.

Ayaw kong tanggapin e. Ayaw kong isipin. Gustuhin ko mang ipaintindi sa sarili ko na ilang oras lang mula ngayon, mag-iiba na s'ya, hindi na s'ya si Renzy, ayaw pa rin e. Mas gustong isipin ng sistema ko na maiuuwi pa namin s'ya. Na normal namin s'yang makakasama pa. Normal pang makakasama sa tawanan at kulitan. Sa pang-aasar at pang-iinis.

Ayaw ko talaga. Hindi ko matatanggap na, na huling beses ko na s'yang makikita ngayon. Na hindi ko na s'ya ulit makikitang nakangiti. Hindi ko na s'ya maririnig na tumawa. Hindi ko na s'ya mayayakap ulit. Masakit. Sobrang sakit. Para akong pinapatay.

"Mahal na mahal ka ni kuya, ah? Patawarin mo ako kung wala akong nagawa para iligtas ka.."

Nang marinig ko ang sinabi na 'yun ni Renzo, mas lalo pang kumirot ang dibdib ko. Ni hindi ko sila magawang tignan nang matagal.

"A-ano ba, kuya. Ang tinuturing ko lang na, na p-pinakamatindi mong kasalanan sakin, yung, yung lagi mo ko i-inaagawan ng pagkain..

Mas tumindi pa ang pagbuhos ng luha ko. Kasabay nun ay ang pagsaksak ko sa mga undead na nakakalapit na sa kanila. Gusto kong bigyan sila ng sapat na oras para, para makapagpaalam sa isa't-isa. Napapansin kong mas dumadami na yung mga undead kaya ginawa ko ang lahat para mabawasan sila kahit paunti-unti.

"K-kuya, tama na iyak. Baka bumalik pa sila.. saka dumadami na yung mga undead.." pumikit ulit si Renzy. "S-sige na kuya, iwan n'yo na ako dito. Mahal na mahal din kita. Pero siguraduhin mo lang na, na hindi ka na mambabastos at magbabanggit ng kabastusan. Tuwing m-mararamdaman mong gusto mo m-maghaliparot, isipin mo nalang y-yung nangyari sakin."

Napailing ako habang pinapakinggan ang sinasabi ni Renzy. Nagagawa n'ya pa talagang pagaanin ang loob namin ng kuya n'ya na para bang wala s'yang dinanas na pambababoy sa pagkatao n'ya. Na kahit ba alam n'yang ilang oras mula ngayon, mawawala na s'ya.

Kasabay ng paglapit ko sa kanya, ay ang dahan-dahang pagtayo ni Renzo.

"R-renzy? Mahal na mahal din kita ha.." bulong ko sa kanya at hinalikan ko ang noo n'ya. Nanatili lang s'yang walang imik dun kaya parang mas lalo pang dinudurog ang puso ko.

Tumayo ako at hinawakan ang mukha ni Renzo. Pilit na nagsusumamo sa kanya. "B-bestfriend.. Hindi ko talaga s'ya kayang iwan dito.. Dalhin na natin s'ya.. Please, please.."

Wala akong nakuhang sagot mula kay Renzo dahil iniwasan n'ya lang ako ng tingin.

Pero napabalik ulit ang tingin ko kay Renzy nang biglang magsalita s'ya.

"C-crizza, walang mang-mangyayari kung, kung i-iuuwi n'yo pa ako.. A-ayaw kong makita pa nila a-ako sa halimaw na e-estado." huminto s'ya at nakangiting tumingin sa akin. Isang ngiti na parang dinurog ang buong pagkatao ko. "At i-isa pa, ayokong, ayokong madungisan pa ang mga kamay n'yo, n-ng dugo ko. K-kaya mas gugustuhin ko pang, undead na lang ang, ang tumapos sa b-buhay ko d-dito."

Kasabay ng pagsabi n'ya noon ay ang unti-unting pagdumog sa amin ng mga undead. Hinaltak ako ni Renzo papunta sa parte na wala pang gaanong sumusugod na undead at kahit na iika-ika s'ya ay pinilit n'ya pa rin akong hilahin paalis.

Napansin kong walang undead na sumusunod samin ni Renzo. Tila ba hindi kaakit-akit ang laman at utak namin sa paningin nila. At doon, nung lumingon ako sa lugar na pinanggalingan namin, nakita ko na sa iisang bagay na lang nakapako ang atensyon nila.

Doon sa lugar kung saan may isang babaeng nakahandusay sa sahig, takip ng puting kumot ang katawan n'yang hapong-hapo.

Doon sa babaeng pinakamamahal namin, na ngayon ay haharapin na ang kapalaran n'yang mapait, na ni minsan ay hindi namin ginusto na maranasan n'ya.

Sunod-sunod na sumunggab ang mga halimaw. At nang marinig ko yung nagdudusang sigaw ni Renzy na puno ng sakit na hindi kayang maipaliwanag, binalik ko na ang tingin ko deretso sa tinatahak naming daan. Niyakap ko nang mahigpit ang lalaking katabi ko ngayon at gamit ang lahat ng lakas na natitira sa akin, ako na ang umakay sa kanya at mas mabilis na naglakad.

Deretso lang din na umaagos ang luha sa mga mata ko. Kahit parang nabablangko ang isip ko, nagagawa ko pang paputukan yung mga undead na nasasalubong namin.

"Gaganti ako, hindi pa ako tapos. Gaganti ako, hindi pa ako tapos." paulit-ulit na sabi ko habang wala pa ring tigil sa pagpapaputok. Si Renzo naman na nasa tabi ko ay nanatili pa ring walang imik.

Sa halip, sinalo nalang n'ya ang ulo ko at mariing binigyan nang mahihinang tapik.

To be continued..