"Huh? Ano? Kailan pa?"
Halos ganoon din ang reaksyon ko noong sinabi sa akin ni Stan na hiwalay na sila ni Denise. May kasamang samid lang ang sa akin at ang tanong ko ay bakit sa halip na ano. Bigla tuloy kaming pinagtinginan ng iba. Buti na lang wala pang guro noon. Sa unang araw ng pasukan ko na nasabi kay Aya ang balitang iyon. Akala ko ay alam na niya dahil baka nabanggit na ni Stan kay Andy. Saka ko lang napagtanto na ang ibig sabihin din noon ay wala pang may alam sa barkada maliban sa akin.
Ang isinagot ko kay Aya ay kung ano lang din ang sinabi sa akin ni Stan pati kung paano niya ito sinabi. Pinalitan ko lang ng niya ang ko.
"Ummm. Mag-iisang buwan na ata. Pagkatapos noong birthday ko."
"Seryoso? Eh bakit daw?" tanong pa ulit ni Aya pero mas mahina na ng konti ang boses niya. Magkatabi pa kasi kami ng upuan.
Nagkibit balikat ako. "Hindi din ako sigurado. Hindi naman nilinaw sa akin ni Stan."
"Ibig sabihin hindi na sila noong nagpunta siya noong birthday ni Ate Liza," sabi ni Aya.
Tumango lang ako. Yun din kasi ang unang pumasok sa isip ko pagkatapos ibahin ni Stan ang usapan nang tanungin ko siya ulit kung bakit sila nagbreak. Hindi ko na din naman siya kinulit dahil ayaw kong isipin niya na big deal sa akin ang paghihiwalay nila kahit totoo man iyon. Syempre napaisip ako kung bakit. Lalo na't wala pang isang buwan ang pagitan noong nagtapat ako sa kanya at paghihiwalay nila. Hindi ko mapigalang isipin na kung isa ba ako sa dahilan.
"Yan lang ang reaksyon mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Aya.
Nakahalumbaba lang kasi ako. "Anong gusto mong gawin ko? Magpaparty?"
Oo, masaya ako nang nalaman ko. Ni hindi ko nga malasahan ang lomi ko noon eh. Pero magkahalo pa din ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako at hindi ko din maiwasan na mag-assume kahit ayoko. Para kasi niya akong binigyan ng pag-asa kahit alam kong nagkaliwanan na kaming dalawa na hanggang kaibigan lang talaga.
Napabuntong hininga na lang ako at si Aya naman mukhang nag-iisip ng mga pwedeng dahilan kung bakit nagbreak si Stan at Denise. Sinabi niya lahat ng naisip niya noong recess na habang bumisita kami sa kabilang classroom. Kami lang kasing dalawa ni Aya ang napapunta sa c at si Mia naman ay naiwan sa b. Ang kasama naman niya ay si Lance at Andy samantalang si Keith, Stan at Dan ay nasa class a.
"Teka, sino nga pala ang nakipagbreak?" tanong ni Mia.
Nagkatinginan lang kami ni Aya. Hindi pa sumagi sa isip naming dalawa iyon kung hindi nabanggit ni Mia. Nasagot ang tanong na iyon noong naglunch na kami. Inantay kami nina Mia kaya sabay sabay kaming bumaba. Pagdating namin doon sa lagi naming pwesto, nandoon na yung tatlong lalaki.
"Hoy lalaki, baka may gusto kang ikwento samin," bati kaagad ni Aya kay Stan.
"Nakwento na kaagad sainyo ni Risa?" ang sagot naman ni Stan sa kanya.
"Ano yun ha?" singit naman ni Dan.
Sa mga oras na iyon, nagpadesisyunan ko na na magiging supportive na best friend lang ako. Normal. Aarte lang ako ng normal at kagaya ng orihinal na plano, kakalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Stan.
'Oo, mawawala din 'to.' I assured myself before putting a wide smile on my face. Pinalo ko sa likod si Stan. "'Wag kang magalala. Makakahanap ka din ng iba. Si Stanley Ramirez pa."
Mukhang nakuha na ni Dan kung anong nangyari dahil nagulat siya at tinanong niya si Stan. Ako naman, niyaya ko na sina Mia bumili ng pagkain. Dahil mukhang ayaw pag-usapan ni Stan ang tungkol sa kanila ni Denise, tumigil na sila sa pagtatanong at naiba na ang usapan. Tungkol na sa mga schedule at teacher ang pinagusapan namin buong lunch.
Mabilis naman akong nasanay sa klase ko kahit na medyo kakaunti ang naging kaklase ko na dati pero nanibago pa din ako kasi ang isa pang katabi naming classroom ay isa sa mga section ng third year. At sa hindi kapani-paniwalang pangyayari, nanalo ako bilang treasurer ng klase namin. Sobrang nalungkot ako pero naisip ko din na magandang pagbabago na din yun.
Iba ang buhay ng juniors sa seniors. Naramdaman ko agad iyon ng pumasok na ang ika-dalawang linggo ng school. Hindi alam ng mga guro namin ang salitang hinay hinay. Laging ang dami magbigay ng assignments at ang higit sa lahat ay mayroon kaming LPON o Learning Psychis as One Nation. Halos araw-araw kailangan kong magsulat para doon. Dagdag pa sa tambak ng assignments, may CAT pa kami. Buti na lang community service lang ang sa amin at walang military training.