"Si Ling Feng ay masigasig magtrabaho at hindi pa siya kailanman nahuhuli sa mga shooting niya. Ang lakas naman ng loob nilang sabihin na ginagamit ni Ling Feng ang industriya para gawin ang kanyang personal na paghihiganti, nag – iisip ako kung sino ba talaga ang nagsisinungaling," tulad ng inaasahan, lalaban ang mga tagahanga ni Ling Feng.
"Para lamang maalis sa kanila ng responsibilidad, ang LM ay kasuklam – suklam. Ang nais namin ay ang katotohanan, kundi kaming mga tagahanga ay lalaban sa LM hanggang sa wakas."
"Si Tangning ay isa talagang p*t* … hindi siya kailanman nagsalita pero kaya niyang magawa na kampihan siya ng iba."
"P*t*…"
Tulad ng inaasahan, pagkatapos ng klaripikasyon ng LM, mas nabaliw pa ang mga tagahanga ni Ling Feng. Nagbanta pa sila na iboboykot nila si Tangning at ang LM hanggang sa personal na humingi ng paumanhin si Tangning kay Ling Feng.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者