Sinusubukan pa rin himukin ng kanyang manager si Ling Feng na pumunta sa shooting. Sa mga sandaling iyon, sa wakas ay natapos na din ang pag – eehersisyo ni Ling Feng. Butil ng mga pawis ang dumadaloy pababa sa kanyang kulay bronse na balat. Kung titingnan ang ang lalaking katawan nito na sinamahan pa ng gwapong mukha nito, makikita na ng malinaw kung paano nito nakayang maging sikat sa loob ng maiksing panahon.
Gayunpaman, ang kanyang personalidad…
Hindi na alam ng manager niya kung ano pa ang sasabihin. Bagaman ginalit din siya ni Tangning, pakiramdam niya na hindi naman kailangan na maantala ang trabaho ng isang tao para sa kaparusahan ng iba. Gayunpaman, ganitong uri ng tao si Ling Feng.
"Pumunta na tayo, pumunta na tayo sa shoot," umakto si Ling Feng na para bang napakabait niya habang pinupunasan niya ang kanyang pawis.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者