Nang gabing iyon, si Mo Ting ay nagising sa loob ng resting lounge ng Hai Rui at natagpuang si Tangning ay nakaupo sa paanan ng kama, nakatingin sa kanya habang nakangiti, "Sa wakas ay nagising ka na."
"Hindi naman ako..."
"Inutusan ko si Lu Che na buhatin ka papunta sa kama. Kahit pa sa lahat ng mga paggalaw na iyon, hindi ka nagising," nagbigay si Tangning ng mapait na ngiti at iwinagayway ang script na nasa kanyang kamay. "Para sa kapakanan nito, hindi ka natulog buong magdamag."
"Hindi naman iyon kasing sama ng iniisip mo. Nabasa mo na bang lahat ito? Kamusta naman? Kaagad na iniba ni Mo Ting ang usapan. "Sabi mo ay gusto mong isama ang kakayahan ni Senior Long at palitan ang plot upang ituon sa isang estudyante at teacher..."
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者