webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · 奇幻
分數不夠
49 Chs

chapter 37

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG PAGLALAKBAY NI TAMBEROW LAURHIM SA LUPAING PUNO NG PANGANIB

TAMBEROW LAURHIM:

TATLONG araw na akong naglalakbay kasama ang hiram na kabayo mula sa randeror,naghahanap ako ng mga kasagutan.

May hindi ako magandang nararamdaman mula nang umalis ako sa tarzanaria. Hindi pa ako nakalalabas ng nuhrim eartin bagkos nasa loob pa ako ng mga lupain nito,sa ngayon nasa lupain ako ng sagador kung saan sa lupaing ito madali akong makalalabas ng nuhrim eartin.

"Sariwa pa ang dugong nasa mga dahon at malamig pa ang mga bakas na ito"

Hinawakan ko ang dugong nasa dahon at inamoy ito,dugo ng mga orcs. Ano ang ginagawa ng mga orcs sa sagador? hindi kaya't may mga orcs na nakatawid mula sa nether land papunta dito sa nuhrim eartin?

Tinungo ko ang sagador at tinignan muli ang loob nito,nagulat ako sa aking nakita dahil ang punong diyos na si lord airin enirin ay kinakausap ang mga narcan at rebdi.

"Lumikha kayo ng libu-libong mga orcs at ipagpatuloy ang paghukay!"

"Paghukay?ano ang ibig niyang sabihin?"

Naramdaman ko ang kapangyarihang ni lord airin enirin,nagkakamali ako hindi siya ang punong diyos bagkos siya ang dark lord.

Pinatay nya ang punong diyos at ang kaluluwa niya'y sinakop ang katawan ni lord airin enirin. Isa itong malaking banta sa aming kaligtasan kaya't kailangan ko kaagad makarating sa white counsel upang ipaalam ang aking nakita.

"Alam kong naririto ka at nakikita mo kami salamangkero!"

Iwinasiwas ko ang hawak kong tungkod para makalikha ng liwanag,nabalot ng liwanag ang buong paligid ng sagador at nagbagsakan ang mga tore nito.

"Panoorin mo!panoorin mo salamangkero tignan mo ang hukbo niya!"

Nagpakawala ng itim na mahika ang dark lord at tinalo nito ang liwanag,sinakop ng itim na mahika ang buong paligid ngunit ang pwesto ko'y hindi nito nasakop.

"Bumalik ka sa kadiliman at huwag ka ng babalik dito!"

Iwinasiwas kong muli ang aking tungkod ngunit napigilan ang pagkalat ng mahika ko at ang kadiliman ay binalot ang aking pagkatao.

Ang hawak kong tungkod ay nalusaw at unti unti akong iniaangat sa eri at mabilis na ibinagsak sa sahig,ininda ko ang sakit na natamo ko.

"Tapos na ang panahon ng wrin at ang panahon ng kadiliman ay babalik na!"

"Wala kayong lugar dito!"

"Salamangkero ang mga salita niya ang aming lakas!"

Kitang kita ko ang mukha nito na walang laman,bungo na lamang ang mukha nito at nababalotan iyon ng makapal na usok.

Nakasuot ng itim na mahabang damit ang dark lord habang nakasakay sa itim na kabayo. Suot suot niya rin ang koronang may mata ng kadiliman,si lord teraiziter dejirin ay ang kanilang diyos.

Akmang tatagpasin na sana ng dark lord ang aking ulo nang biglang tumilapon sa malayo ang katawan nito, isang napakalakas na pwersa ng hangin ang tumama sa katawan ng dark lord.

Nagliwanag rin ang buong paligid at ang mga paniki ay nagliparan at saglit na tumahimik ang paligid.

"Kalapastanganan!sino ka para kalabanin ang kadiliman!"

"Dark lord!tinalo na kita noon!kaya ngayon bumalik kang muli sa kadiliman!!!!!!!"

Nagsagupaan ang dalawa,liwanag laban sa dilim.

Naramdaman ko ang lakas ng mahika ng isang estrangherong nilalang na nakikipaglaban sa dark lord.

Hanggang sa magapi ng estranghero ang dark lord at unti unting naglaho ang katawan nito.

"Tumayo kana riyan at umalis na tayo!"

Si ace tactirien ng balandor ay nasa harapan ko,tumakbo kami palabas ng kastilyo at saka sinakyan ang kabayo palayo sa lugar na iyon.

"Kahit magsama-sama pa ang mga gaya nating salamangkero ay hindi pa rin natin matatalo ang mga alagad niya!"

"Ano ang ibig mong sabihin?"Saad ko sa kanya.

"Ang dark lord ay nagpakita na,ibig sabihin nito ang pitong guardians ni lord teraiziter dejirin ay buhay na at marahil naglalakbay na sila papunta sa teruvron!"

"Hindi ba't ang pitong summoners ni lord teraiziter ay matagal ng patay?ano ang ibig mong sabihin?"

"Buhay!buhay ngunit mga kaluluwa na lamang!bilisan na natin at tayo'y magtungo na sa balandor mountain!"

May bago na naman kaming haharaping panganib,isang panganib kung saan digmaan ang nag-aabang.

Ang balandor mountain ay ang tahanan ni ace tactirien at doon kami magtutungo upang pag-usapan ang tungkol sa aming mga nasaksihan.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-