webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasy
Not enough ratings
49 Chs

chapter 38

BATTLE OF TWO KINGDOM

BAGONG PANGANIB

TAMBEROW LAURHIM:

Dapit hapon na nang makarating kami sa punong tanggolan ni aces tactirien,sa unang paghawak ko sa puno ng akasya ay nakaramdam ako ng kakaibang mahika. Isang mahikang matagal ko ng hindi nararamdaman.

"Mizheir lur ka tir nu nani mahika? anong uri ng salamangka ang ginagamit mo aces?"

Saad ko sa kaibigan kong salamangkero, napaatras na lamang ako mula sa pagkakahawak sa puno ng akasya.

Masyadong malakas ang salamangkang bumabalot sa buong paligid at hindi ko iyon kayang kalabanin.

"Huwag kang mag-alala tamberow!ang salamangkang bumabalot sa paligid ng balandor mountain ay isang proteksiyon laban sa pitong summoners ng kadiliman at sa dark lord!"

"Tama ka!kung gan'on ating pag-usapan ang tungkol sa banta ng mga iyon!"

Malakas ang mahika ng dark lord at ng pito nitong summoners, sila ang tinatawag na seven ghost of the death. Hindi ko pa sila nakakaharap ngunit base sa aking mga naririnig o nakikita ang kanilang kapangyarihan ay walang limitasiyon.

"Halika!Nasa mga kamay ko ang isa sa pahina ng itim na aklat at nakapaloob sa pirasong pahina ang kamatayan ng pitong elemento at ng dark lord!"

Nagtataka ako kung bakit napunta sa kanya ang pahina ng aklat dahil sa pagkakaalam ko ay nasira na ito nung kunin ng mga diyos ang susi nito.

"Alam ko ang iniisip mo tamberow!nakipaglaban ako para kunin ang aklat at hindi ako nagkamali sa aking ginawa!Bago nawasak ang aklat ay aking napunit ang isa sa pahina nito!"

Hindi ko namalayan ang oras dahil bigla na lang nagdilim ang buong paligid,at ang buwan ay natatakpan ng makakapal na ulap.

"May mali dito! naririnig mo ba ang pagaspas ng mga pakpak sa himpapawid?aces?"

"Ang mga mata ng dark lord ay nagmamasid sa paligid!"

Sinilip namin ang mga nilalang na nasa himpapawid, nagulat ako sa aking nakita. Nakasakay ang mga ito sa malalaking dragon na may tatlong ulo at may mga suot ang mga dragon nito ng makikinang na bakal.