JACEY
When we were dancing, I felt something in my chest. Parang ngayon ko lang naramdaman ito habang sinasayaw si Scarlet.
Bumalik ang mga alaala naming dalawa. Hindi alaala namin kundi ni Megan. I imagine dancing with Megan right now but suddenly it fades away. Si Scarlet ulit ang nasa harapan ko.
Inalok ko siya isayaw kanina dahil si Chloe mapilit. I have no choice to dance with her. Ayoko lang umasa siya sa akin. Sadyang si Megan pa rin ang mahal ko.
She followed my step at tuwing sumasayaw kaming dalawa napapalapit ang mukha namin sa isa't isa.
Why my heart beating so fast?
"I want to tell you something," she told me when we were dancing.
"What?"
"I think I'm starting to like you."
Why can't I say anything?
I needed to respond but I couldn't say anything—any words.
Nakatingin lang ako ng maigi sa kanya and I watched him to walked away pero hinabol ko siya.
I don't want to end our friendship because she likes me.
Sinalubong ako ng mga reporter pero hindi ko sila pinansin. Hindi na maalis sa paningin ko si Scarlet na tumatakbo papalayo sa akin.
"Scarlet, wait." hingal na hingal siya sa akin at minamalas nga naman umulan ng malakas.
Basang-basa kami.
"Ano ba! 'Wag mo kong sundan!" sigaw niya pero naabot ko siya kaya hinatak ko ang kamay niya.
Humarap siya sa akin, "Nakakahiya. Binabawi ko na." nakayuko niyang sabi sa akin.
"Sorry. Pero ayoko lang umasa ka sa akin na magugustuhan kita. Alam mo naman na g-"
"Alam ko naman na mahal mo pa rin si Megan. Kaya ko naman sarili ko. Pero sana alam mo rin kung paano bumitaw." sabi niya sa akin.
Kailangan ko na bang bumitaw?
"Ikaw na lang kumakapit. Ikaw na lang ang hindi bumibitaw." ang sakit ng mga salita na binitawan niya.
Napaupo ako sa isang bench at napatakip ako ng mukha dahil hindi ko na alam gagawin ko.
"Hindi ko na alam kung ano gagawin ko." naninikip dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko.
"I have no right to say this. But you have to move on for your sake. You will feel lost if patuloy mo pa rin siya mamahalin." sabi niya at tumingin siya sa kalangitan.
Bakit sa tuwing nakikita ko siya naalala ko si Megan.
"Hindi ko makita ang bituin ngayon." sabi niya sa akin at tumingin naman ako sa langit.
"Sa tuwing nakikita ko ang mga bituin, nananalangin ako sana matupad ang mga pangarap ko ngunit hindi ko araw ngayon." sabi niya sa akin at pumikit siya habang tumutulo ang mga ulan sa kanyang mukha.
"Sorry. Pero totoo sinasabi ko kanina. You'll get hurt because of me." sabi ko sa kanya.
"I don't want to think negatively para pakinggan ka. Pero gusto ko 'to. Isa sa mga gusto ko na gustuhin kita kaya hayaan mo ko." sabi niya sa akin at ngumiti siya sa akin.
I don't have a choice to let her do what she wants.
Ano magagawa ko kung gugustuhin niya ako?
Hindi ko pala namalayan na basang-basa na kami kaya hinubad ko yung coat ko para isilong sa kanya.
"Sumilong ka baka magkasakit ka." pag-alalang sabi ko sa kanya at tumayo na kami papunta sa sasakyan.
Buti na lang hindi kami napansin ng mga reporter kaya agad kami nakapunta sa labas ng venue para hintayin si manong.
Tinawagan ko ito at sabi niya paparating na raw siya.
Nakita kong giniginaw si Scarlet kaya nilagay ko ang coat sa balikat niya at least mainit ang pakiramdam sa tulong nito.
"Oh! Bakit basang-basa kayo?" napalingon kami sa sinabi ni Chloe.
"Trip lang namin." walang-gana kong sagot sa kanya at alam kong aasarin kami nito.
"Nag-kiss in the rain na ba kayo?" tanong ni Chloe sa amin at dinedma ko na lang siya.
"H-Hindi ah!" deny ni Scarlet at hindi pa rin naconvince si Chloe. Mangangasar na naman siya.
"Wushu! Bakit ka nagwalk-out?" Natahimik si Scarlet at mukhang hindi niya kaya sagutin ang tanong ni Chloe kaya ako na lang gumawa ng paraan para hindi na magtanong si Chloe.
"Masyado kang chismosa, Chlo. Stop interogating." inis na sabi ko sa kanya.
"Okay Fine. I'll stop. Pero pag sinaktan mo talaga si Scarlet. Sinasabi ko sayo friendship over talaga." pagbabanta niya sa akin.
"I will never hurt her." seryosong sabi ko sa kanya at tumingin ako kay Scarlet to make a promise to her.
I almost held her hand but I stopped.
Hindi ko namalayan na muntik ko na mahawakan ang kamay niya. Hindi naman kami ni Scarlet pero parang na-carried away ako. Buti na lang hindi niya nahalata.
Ayokong umasa siya na gugustuhin ko siya dahil hindi pa ko handa sa lahat ng bagay ngayon.
Magulo pa ang utak ko.
Dumating na si manong at sumakay kami sa likuran. Kanina pa sinisipon si Scarlet.
"Meron akong gamot sa bahay." sabi ko sa kanya at bibigyan ko siya ng gamot para sa sipon niya.
"Wag na," Ang tigas ng ulo niya.
"Nagpaulan ka kanina. Baka trangkasuhin ka pa niyan." pag-alalang sabi ko sa kanya.
"Sige." matipid niyang sabi sa akin.
Pagkarating namin sa bahay. Dali-dali akong pumunta sa aparador ng mga gamot ko. Pagkatapos, dali-dali ako pumunta sa sasakyan at hindi ko akalain na nakatulog na pala siya.
Binuksan ko yung pinto ulit para hawakan niya ang gamot na binigay ko sa kanyang paperbag. Kinuha ko yung kamay niya para hawakan ito.
"Kuya, pakisabi huwag kalimutan yung gamot na hawak niya. Sabihin niyo na lang po kapag gising na siya." bilin ko sa driver ko.
"Yes Ma'am. Masusunod po." sabi nito sa akin at minatyagaan ko sila paalis ng bahay.
Kailangan ko na maligo agad para hindi ako magkasakit.
Ayoko pa naman umabsent ng ilang araw dahil may sakit ako.
Naligo na ako at pagkatapos, tiningnan ko yung phone ko. Wala naman nagreply. Hinihintay ko man lang message ni Scarlet sa phone ko pero wala pa rin.
Kamusta na kaya siya? Nakainom na ba siya? Tulog na ba siya?
Itext ko na nga kaysa mag-isip ako dito.
Are you still awake? - Me
Yes. Pero sleepy na rin - Scarlet
Make sure. Nakainom ka na ng gamot. Para hindi lumala yan - Me
Yes. Nakainom na ko. How about you wala kang sakit? - Scarlet
Humiga ako sa kama at nakaramdam ako ng paghilo. Pinatawag ko ang butler ko na kuhain niya ako ng gamot.
Habang hinihintay siya sa kwarto, dumating siya at nakaramdam ulit ako ng paghilo and the next thing I knew...
Everything went black.
***
"She has symptoms of over-fatigue. She needs some rest and a proper meal. Please tell her don't overwork baka bumalik na naman sakit niya."
Pagkamulat ko ng mata nandito si Scarlet sa tabi ko at kita ko kung paano siya nakikinig ng maigi. She also holding my hand at pinisil ko ito.
"She's awake, doc." sabi ni Scarlet at nakita ko si Ms. Ramirez na nakatingin din sa akin.
"Hello doc." hindi ko maalis ang paningin kay Scarlet. She looks so worried.
"Sabi pala ng nobya mo, mahirap kang makatulog pero pumupunta ka ba sa psychiatrist every session?" sabi niya sa akin.
"Hindi na. Okay na ko." sambit ko sa kanya.
"You're saying, you stop going to your psychiatrist?" pag-aalalang sabi ni Doc Ramirez.
"Yes." umiling siya.
"Why did you stop?" tanong ni Scarlet sa akin at umupo siya sa tabi ko.
When you came into my life.
"Sa tingin ko kaya ko naman kahit walang meds at sessions."
"You need to take your medication, Justine. Hindi tatalab ito kung pang short term lang." sabi niya sa akin.
"Pero okay naman ako."
"Hindi ka okay." pinitikni Scarlet ang noo ko.
"I just recommend your new psychiatrist." may sinulat siyang reseta sa akin, "Kung gusto mo lang." at binigay sa akin ni doc Ramirez.
"I need to go." sabi ni doc Ramirez at kumaway naman siya sa amin bilang pagpapaalam niya sa amin. Napansin ko si butler na hinatid siya sa baba.
"Ba't nandito ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Babantayan kita." sabi niya.
Nag-aalala ba siya sa akin?
"If you're still worrying about me, nandyan naman butler ko para alagaan ako." Sinamaan niya ako ng tingin. Kita ko may gamot siyang nilagay sa table at may nakita akong tablet kaya binigay niya sa akin.
"Hindi ka nagpapaalaga."
"Kaya ko naman sarili ko." binatukan niya ako ulit. Nakakarami na ito sa akin ha? Kanina pinitik niya ako sa noo. Ngayon, batok naman.
Akmang gagantihan ko siya pero pinigilan niya ang dalawang braso ko.
"Kailangan mo ko."
It beats so fast. I need to calm myself.
Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa akin, at umiwas ako ng tingin. Kinuha ko yung gamot at ininom ko kasama ang tubig na binigay niya sa akin.
Someone texted me at si Megan nagtext sa akin.
Are you okay? Napadaan pala ako dyan sa bahay mo. Para ibigay ko yung mga gamit mo sa condo natin. - Megan
Yes. I'm okay. Pero hindi ka dumalaw dito. - Me
There's nothing I can do for you. At least si Scarlet may magagawa para sayo. We're done na rin, Jacey. - Megan
Miss na kita. - Me
Ilang sandali wala pa rin siyang reply sa sinabi ko.
Tumayo ako at kita kong nagtaka si Scarlet habang nanonood siya ng movie sa tv ko.
Nakita ko yung butler ko sa ibaba at naghahakot sila ng mga kahon sa may sala.
"Ang dami nito."
Pati mga upuan namin na binili namin dati sa mall noong kami pa. Naglive in partner kasi kami ni Megan. Sa tuwing nakikita ko yung mga gamit na binibigay niya sa akin ngayon, nasasaktan ako dahil sa mga magagandang alaala naming dalawa na nasayang na.
May pumukaw sa aking atensyon na bitbit ni manong na malaking picture frame dalawa, "Ako na, manong." sabi ko at pinabitbit niya sa akin.
Tiningnan ko ito.
Litrato naming dalawa na nakaupo ako sa cabinet. Ako naman naka-yakap sa kanya na nakaupo ito sa upuan.
Ito yung unang monthsary naming dalawa. Nagpapicture kami sa kilala naming photographer. We are having fun in a photoshoot parang normal lovers lang kami talaga. We kissed each other habang tumatawa kaming dalawa.
"Ano yan?" napaharap ako sa kanya at tinago ko sa kanya ang litratong napakabigat, "Bakit ka nakangiti?" sunod niyang tanong sa akin.
"W-wala." tinago ko maigi ang litrato sa likod at hinarap ko ito sa likuran.
"Anong wala?" mukhang hindi ko siya nakumbinsi na wala lang 'tong litrato na 'to kaya hinawakan niya ang braso ko.
Masasaktan na naman siya kapag nakita niya 'to.
"Gusto ko makita." pamimilit niya.
"Hindi mo magugustuhan makita 'to." sabi ko sa kanya at napasuko ako ibigay sa kanya ang litrato.
She was not happy when she saw it. I knew it already.
Klinaro niya ang kanyang boses, "Ah kayo pala." matipid niyang sabi. Ngumiti siya pero alam kong peke lang ito.
Tumalikod na siya at pumunta sa kwarto.
Bakit ko ba kasi 'to kinuha? Okay na kaming dalawa pero bumalik na naman siya pagkatahimik niya. Lalo na ngayon tahimik lang kami nanonood ng movie.
I knew it was about the picture.
"I'm sorry kung pinakita ko." sabi ko sa kanya at tumingin siya pero ngumiti siya.
"Wala yon." matipid niyang sabi at tumingin siya sa akin na nakangiti, "Alam ko naman mag-ex kayo. Kaya naiintindihan ko." sabi niya.
"Ano kasi... binabalik yung mga gamit ko sa condo namin ni Meg. Kaya hindi ko rin alam na pati yung picture kasama rin." pagpapaliwanag ko at ngumiti lang siya.
Hindi ko intensyon kung nasaktan siya sa nakita niyang picture. Pinasabi ko kay manong na itabi na lang niya yung picture na hawak ko since hindi naman na importante yon.
Tama nga si Scarlet, ako na lang ang hindi bumibitaw.
Kung bibitaw ako, ayoko makasakit ng tao.
Ayoko rin magpaasa kung hindi ko paninindigan.
Si Scarlet naging karamay ko sa tuwing kailangan ko ng kasama pero ayokong gamitin ang feelings niya para sa akin kaya naman minessage ko si Clint at Chloe na pauwiin si Scarlet ngayon at hanapan siya ng desenteng trabaho. Umuwi naman ito nang wala kaalam-alam na ako nagpauwi.
Ayoko rin harapin si Scarlet ngayon dahil hindi pa ko handa. Sinabi ko na rin kay Chloe at Clint Saka na lang kung handa na ko magkagusto sa iba.
Kung ipagpapatuloy ko na ganito kami, malaking red flag yon sa akin lalo na kung ipagpapatuloy namin 'tong feelings na meron kaming dalawa.
Kinausap ko si Megan na magkita kami. Hindi dahil gusto ko makipagbalikan.
Siguro ito na ang one last goodbye ko sa kanya. Yes , you're right magmomove-on na ako.
Nandito ako sa unang tagpuan namin.
Tagpuan kung saan ang first kiss, at first hug naming dalawa.
Nasa First Pop Resto ako, may banda na kumakanta at nagrequest ako ng isang artist si Winry na dito magperform ngayon.
Maraming fans si Winry sa harapan ng stage kaya kumaway siya at kinawayan kami.
Ngumiti ako sa kanya at sinabi ko sa kanya kahit mahina lang at hindi niya marinig, "Galingan mo."
"Jacey..."
Alam ko kung kanino yung boses nanggaling sa kanya.
"Bakit gusto mo makipagkita?" tanong niya.
"Last time, may kasama ka at alam kong hindi pa ko ready to let you go. Pero ngayon wala kang kasama kaya let's enjoy our last time together." sabi ko sa kanya.
"Sige." ngumiti siya sa akin pero kakaiba ngiti niya ngayon parang may lungkot sa mga mata niya.
Umupo siya sa tabi ko at pinakinggan namin si Winry.
Habang pinapakinggan namin si Winry, "Do you like it?" tanong ko.
"Ikaw nagsulat 'no?" natawa ako.
"Yes. Noong broken pa ako, sinulat ko yan. It was dedicated to someone I loved before. That's you, Meg." seryoso ako nakatingin sa kanya.
"You know, Meg." tumingin siya sa akin.
"Scarlet let me realize na kailangan kitang bitawan. She said na I will feel lost kung maghahabol ako para sayo kung hindi mo na ako mahal. I just want you to know na sobra kitang minahal to the point na kaya kita kunin sa fiancé mo. Kaya kitang ipaglaban pero hindi mo naman ako paninindigan. As early as I can, I choose myself right now. Wala ako magagawa kung ayaw mo na sa akin." gusto kong pigilan ang pag-iyak ko pero kaya ko naman pigilan hangga't kaya ko pa.
"I'm really sorry, Jacey. Kailangan ko din isalba ang business namin ni Dad. I don't want to disappointed infront of my parents." tumango ako.
"Sana sa umpisa pa lang ng relasyon natin, nakipagbreak ka na kung ayaw mo ma disappointed Dad mo." naiinis ako sa kanya ngayon.
Bakit ko nga ba siya minahal kung sa huli naman hindi niya ako kayang ipaglaban?
Parang pinagsisihan ko na minahal ko siya dahil sayang lang.
Sa maling tao lang ako napunta.
"Minahal din naman kita, Jacey." nakaramdam ang paligid na nag-aaway na kaming dalawa kaya hinila ko siya sa labas ng bar para dito kami mag-usap.
"Sana hindi na lang kita minahal sa umpisa." tumalikod ako sa kanya at natakip ako ng mukha dahil naiinis ako sa nararamdaman ko ngayon.
"Pinagsisihan mo bang minahal mo ko? Ganun ba, Jacey?" hinatak niya ako paharap.
"Oo. Hindi ako magkakaganito kung hindi kita minahal." naiiyak kong sabi sa kanya.
"Sana hindi na lang kita minahal." at iniwan ko mag-isa si Megan sa labas ng bar.
Sumakay ako sasakyan at dumeretso ako sa pinagtatrabahuan ni Scarlet.
Nalaman ko kay Clint na dito siya nagtatrabaho sa Juxred Resto Bar kaya nagdisguise muna ako. Pinaalis ko siya sa pagdadrive dahil masyadong toxic kung ipagpapatuloy namin kung ano meron kami. Kaya si Clint ang gumawa ng paraan para makahanap siya ng trabaho. Naalala ko na kumakanta siya dati kaya inalok ko siya na maging singer sa Juxred Resto Bar nang hindi niya alam.
Nagsuot ako ng cap at mask na black. Buti na lang pinayagan ako. Mukha din kasi akong holdaper kapag ganito.
Singer sa bar pinagtatrabahuan niya kaya natuwa ako na inuuna niya ang kanyang pangarap. Nalaman ko rin galing kay Clint na malaki ang utang niya sa hospital kaya dito sa pagkanta kumikita siya ng malaking halaga kasi ako nagbabayad sa kanya. Para mabuhay niya ang mga kapatid niya. Kahit sa ganitong paraan masuklian ko ang kabaitan niya para sa akin.
Nakakamiss din siya. Naalala ko yung araw na nagrides kami sa Enchanted Kingdom. Ako nagsilbing pampakalma niya tuwing natatakot siya. Nakakamiss ang yakap niya sa akin.
Pero nasa healing process pa ako kaya sana gusto pa rin niya ako kapag okay na ako.
"Okay guys, I'm Syndra. Just request a song to me on a tissue or small piece of paper. Kakantahan ko kayo." sabi ni Scarlet habang hawak niya ang gitara niya.
Sinulat ko sa tissue ay...
Nag-iisang Muli by Cup of Joe.
Sana ako mabunot niya. Binigay ko sa lalaki ang tissue.
"Pre, pakisabi ito piliin niya. May dagdag na tip yan." sabi ko sa lalaki.
"Sige po. Masusunod po."
"Wow! Ang dami naman nito." napatigil siya sa paglipat ng papel or tissue dahil kinakausap siya na lalaki at tinuro pa nga ako kaya kinabahan ako dahil nakamask ako.
Nabunat kaya yung akin.
"Nag-iisang Muli by Cup of Joe ang nabunot ko." Napa-yes! ako dahil doon, "Feeling ko nakakarelate ako sa song nito. Ito yung mga dati pang kanta ng Cup of Joe na wala pa rin kupas. Kay ganda parin ang musika nila." sabi niya. I agree. Ang ganda ng nirecommend kong kanta para sa kanya. Fan din ako ng Cup of Joe.
I want to dedicate this song for her kasi alam kong ready siya magmahal kaya nalulungkot ako para sa kanya dahil mag-isa na naman siya.
Pasensya na kung mag-isa kang muli, Scarlet.
Narinig ko ang intro na tumutugtog ng piyano.
"Kay lamig ng simoy ng hangin, mga tala'ng yumayakap sa akin. Kasabay ng aking pagpikit. Suminag ang pait, pag-asa'y 'di masilip."
damang-dama ko ang pagkanta niya.
"Sa gitna ng gabing kay dilim, naghihintay mula takip-silim. 'Di susuko sa pagtitiwalang, ikaw ay makakamtan nang hindi panandalian" Ang galing niya kumanta.
"Kahit kumpiyansa'y unti-unting nawawala, 'Di uubra ang hamon ng duda"
"Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na, ng puso kong naghihintay na makasama ka. Sa 'king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan. Ikaw ang hanggan." nagkatitigan kaming dalawa, "Patuloy na inaasam na masilayan na kita, babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala. Ang kahilingang mahanap kita, ang tanging hangad ng puso'y ikaw."
At mukhang hindi na maalis ang paningin niya sa akin kaya umalis agad ako.
"Wait..." napapikit ako ng mariin dahil hinabol niya ako kaya napahinto ako.
Please hindi pa ako handa ngayon.
Can someone help me.
Clint? Chloe?
"Can you take your mask off so I can see you." humarap ako sa kanya.
Umiling ako.
"Please?" pero nagpupumilit siya.
Wala akong choice kundi magpakilala sa kanya.
Like it? Add to Library!
Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:
> wattpad: @leavamarie
> twitter: @leavamarie
This story is also available on Wattpad!