webnovel

this is how you fall in love (GL) [FILIPINO]

Isang babaeng lubog sa utang na may taong sasalo sa kanyang kahirapan. Ngunit may kapalit ito. Kaya bang itaya ang pagmamahal dahil lang sa pera? This is LGBTQIA+ story and available on WATTPAD!

leavamarie · LGBT+
Not enough ratings
22 Chs

Chapter 12 - No Deal

"Wait!"

Sabi ko sa isang babaeng nakahoody at naka-mask. Hinahabol ko dahil siya yung nagrequest na nabunot kong kanta. And I find her curious about her looks. She looks like Jacey.

Bakit niya tinatago ang mukha niya? Artista ba siya?

Huminto siya kaya naman huminto rin ako sa paghabol ko sa kanya.

"Can you take your mask off so I can see you?" tanong ko.

Hindi siya mapakali sa pwesto niya dahil natataranta ito.

"Please?" pamimilit kong sabi sa kanya.

Tinanggal niya ang kanyang mas-

"BABE!" nagulat ako at napalingon ako kung sino ito.

Si Clint. So girlfriend niya itong nakamask?

"She's my girlfriend. At.." hinipitan niya ang pagakbay sa kanyang nobya, "artista kasi itong girlfriend ko kaya ayaw niya magpakita talaga." pagpapaliwanag ni Clint.

"I understand. Sorry, kung na-force kita." paumanhin kong sabi sa girlfriend ni Clint.

Tumango lang siya pero parang kasing tangkad niya lang si Jacey.

Speaking of Jacey, hindi na kami nag-uusap at nagkikita dahil iba na ang tabaho ko ngayon. May malaki kasing offer na binigay sa akin si Clint kaya kinuha ko na.

Kumakanta sa bar ang aking trabaho. Kinuha ko lang ito dahil malaki ang offer sa akin. Hindi ko na rin nakakausap si Jacey simula na nagtatrabaho na ako dito.

Parang hindi na siya nagparamdam sa akin.

Walang usap kahit magkalayo kami. Hindi ko alam kung nakipagbalikan si Megan kay Jacey at ako naman sadyang wala rin saysay kung ipagpapatuloy ko pa yung pagkagusto sa kanya. Tutal wala naman kaming komunikasyon sa isa't isa.

Ni walang text or tawag mula sa kanya. Gusto ko man tawagan siya pero natatakot ako na baka ako na lang may gusto makita siya.

Namimiss ko na siya.

"Tawagan mo na, ate." sabi sa akin ni Kevin.

"Baka hindi niya sasagutin." sabi ko.

"Try mo lang ate. Wala naman masama kung susubukan mo." pamimilit sa akin ni Kevin pero nanatili pa rin ako hindi mapakali habang nakatitig sa cellphone ko.

Pipindutin ko na lang hindi ko magawang tawagan siya.

Nasaan na ang Scarlet na matapang pagdating sa love? Walang inuurungan at walang inaatrasan na pagdating sa pag-ibig. Pero bakit naduduwag ako ngayon?

Kakamustahin ko lang naman siya.

Gusto ko lang siya makita.

'Yon lang naman gusto ko. Masaya na ako do'n.

Nakarinig akong pagtawag sa aking phone at nakita ko sa aking phone screen si Clint.

Sinagot ko ito.

"Hello? Napatawag ka." sabi ko sa kanya.

"Are you trying to call her?"

"Ha? Bakit mo alam?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Tinext ako ngayon ng kapatid mo." sabi niya at sinamaan ko ng tingin si Kevin.

Nagpeace sign ito sa akin at akmang babatuhin ko siya ng unan kaya lang lumabas na agad siya.

Ang epal talaga ng kapatid ko. Inuunahan ako.

"Gusto ko lang naman kamustahin siya pero hindi ko siya tatawagan 'no?" pagbabawi kong sabi.

"Jacey is fine. I guess. Nabalitaan ko sa kanya na papunta siya sa London dahil may project siya doon. But she'll come back." sabi niya sa akin.

"Kailan siya uuwi?"

"We don't know, Scarlet." nanlumo ako dahil matagal-tagal ko rin hindi siya makikita.

Pero huminga muna ako ng malalim at pinindot ko ang decline. Hindi ako masaya pero kung ganito ang mangyayari sa aming dalawa. Kailangan ko na rin tanggapin.

Gano'n talaga. Hindi sa lahat ng pagkakataon nauuwi tayo sa happy ending. Minsan masaya lang sa una pero sa huli nauuwing malungkot at umiiyak.

Pero part pa rin naman ng life yan.

Malay niyo hindi kami para sa isa't isa?

Marami pa naman sa tabi na makakatagpo tayo ng deserve natin. Malay niyo hindi pala si Jacey.

"Cheers!" sabay-sabay namin sinabi iyon para magcheers kami ng beer. And it's February 14. Alam niyo na Valentine's Day. Maraming magkarelasyon na nagd-date ngayon. Nakakainggit.

Inaya kasi ako ni Chloe after gig na pumunta sa Queenie's Resto. First time ko lang pumunta dito makisocialize din without Jacey. Meeting some new friends at may nakilala ako si Shaira Lopez. Trainee rin katulad ni Winry pero sa ibang company naman. EyeRed Entertainment Company daw. Hindi ako nagkakamali.

Panay sulyap lang ako sa pinto.

Nagbabaka-sakali na rin makita ko siya dito.

Pero hindi talaga ako handa. Hindi talaga. Pero kung darating man siya. Atleast hi-hello lang conversation naming dalawa.

'Yon lang.

Hindi na 'ko aasa pa.

"Omg! Timothy Ced! You're here." napatungga ako ng beer sa baso at napansin ako ni Chloe na iba makatingin sa akin.

Timothy? Ex ko? Nandito siya ngayon. Oh my God!

Hindi ako ready makita siya.

"Tabi kayo ni Scarlet." panunukso ni Chloe sa amin at mga tropa talaga niya nakisabayan din sa pant-trip sa aming dalawa.

"Hi. Long time no see, 'Let." sabi niya at may binigay na flower sa akin si Ced.

"Thank you." nahihiyang sabi ko sa kanya.

"No prob." ngumiti siya at sobrang pogi niya ngayon.

"Magkakilala kayo?" curious na tanong ni Chloe sa amin.

"She's my ex." sabi ni Ced at nagulat siya.

"Wala kang kinukwento sa amin ni Clint." sabi ni Chloe sa akin.

"Sorry hindi ko nasabi. Hindi rin naman kasi importante." sabi ko pero umiling siya parang sasabihin niya 'no! it's okay.' pero may kumalabit sa kanya kaya naiba ang atensyon niya.

"Uy! Chloe may pinadala si Kiel." sabi ng kaibigan ni Chloe sa kanya at nakatuon ulit ako sa atensyon kay Ced.

Dati sobrang payat nito at hindi mo aakalain na walang magkakagusto sa kanya dati dahil hindi naman siya kagwapuhan. Pero ngayon, super duper gwapo niya sa flannel shirt and blue pants.

"So ano pinagkakaabalahan mo?" tanong niya sa akin habang busy ang mga kaibigan ni Chloe na makipagchismisan.

"Singer sa bar."

Nag-iba ang reaksyon niya at napainom siya ng beer.

"Where?" tanong niya at kita ko siya napakaseryoso nito.

"Juxred Resto Bar." he's looking at me with a curious look.

"I'm sorry kung hindi ako sumipot at hindi nagpakita dati sayo. Si inay kasi naaksidente at na-coma siya kaya hindi ako sumipot no'ng araw ng monthsary natin." sincere kong sabi sa kanya.

"I heard it in the news. I'm sorry about your mother." sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Ehem! Ehem! Nagkakamabutihan kayong dalawa dyan ha?" panunukso ni Chloe sa aming dalawa, "Taken na yan." panunuro niyang sabi.

Napakunot-noo ako, "Taken? Wala naman umangkin sa akin. Wala naman nagsabi na gusto niya ako. Parang pinagsisiksikan ko lang sarili ko." seryosong sagot ko at napanguso siya pero hindi ko na lang pinansin.

Tuwing naalala ko si Jacey doon nag-iiba ang mood ko. Sobrang badtrip na para bang sinusumpa ko siya kung bakit nagkagusto ako sa kanya.

Akala ko naman tanggap ko na hindi na kami nag-uusap pero tuwing binabanggit ang pangalan niya, doon umaakto ako na hindi pa rin makaget over sa aming dalawa ni Jacey.

Nagulat si Chloe, "S-she's here." napatingin ako kung sino dumating na may dalang flower.

Siya...

"Justine!" tumayo agad si Ced at sinalubong ito ng yakap.

She was looking straight at me. She looks so serious. Narinig niya siguro sinabi ko.

Totoo naman kasi wala naman umangkin sa akin. Wala naman prowebya na gusto niya ako. Sana man lang nagsabi siya at ngayon ganyan siya kaseryoso makatingin sa akin.

Hindi siya masaya noong sinalubong siya ng yakap ni Ced at binigay na lang yung flower kay Chloe.

"Okay okay! Para magising ang lahat sa katotohanan. Two Truths and a Lie tayo. Just tell your 3 statements that consist of two truths and one lie. After that, you need to tell them what is the one lie in your 3 statements." habang nakatingin sa akin si Chloe.

This is not just a game. This is finding lies between us.

"Pero with a twist, spin the bottle ang mangyayari. Kung sino man nakatadhana sa nakaturong bote, "tinuro niya ang nguso at talampakan na bote, "Sila ang maglalaro." sabi ni Chloe sa amin.

First time ko lang laruin ito at kinakabahan ako pero bahala na kung kanino natapat.

"Game na?" tanong sa amin ni Chloe na mukhang excited ang maglalaro except sa amin ni Jacey at ako.

"Unang spin." pinaikot ang bote at ilang sandali lamang nakaturo kay Shaira at Christine.

"Si Shaira nakatapat yung nguso ng bote kaya siya magsasabi ng 3 statements." tumango-tango lang si Shaira.

"I don't like seafoods. Members ako ng Queen of Hearts. I'm your fan." sabi ni Shaira.

Kita kong seryoso nag-iisip si Christine, "'I'm your fan' yung lie." sabi niya.

"Wrong." sabi ni Shaira, "Members ako ng Queen of Hearts ang lie do'n. Diba soloist na ako?" tumango si Christine na parang nabobored ito sa laro pero pinipilit niya lang.

Mukhang gets ko na yung game.

"Okay next. Sino kaya ang mapapalad sa larong ito?" sabi ni Chloe at pinaikot ang bote, "Gusto ko yung makakasagap kami ng chismis sa 3 statements about yourself na sasabihin niyo."

Biglang tumigil ang bote at napalad ako na hindi ako naturo. Ligtas na naman ako.

"Si Oli ang nakaturo." sabi ni Chloe na nakatayo at ginawang mic ang isang bote ng beer, "What are your 3 statements about yourself?" nakatapat kay Chloe din ang bote.

"I can't swim. 3rd year civil engineer na ako. NGSB." sabi ni Oli sa kanya.

"I guess... NGSB yung lie?" hindi sigurado sagot ni Chloe.

"Tama." ngumiti si Oli sa kanya.

"Okay next. Wala pa yung gusto ko makatapat. Nakakainis naman. Baka naman!" sabi ni Chloe habang pinaikot niya ang bote.

Pero nagulat ako na papalapit kay Jacey ang pagturo ng bote.

Ngunit nakaturo din sa akin ang talampakan ng bote kaya ako ang manghuhula.

"OMG! ETO NA NGA HINIHINTAY KO! HINDI BA KAYO EXCITED?" biglang naging hyper si Chloe no'ng kami na ang nagkatapatan ni Jacey.

"So What are your 3 statements lang?"

"I'm in the process of moving on, I'll go to London next week and I'm starting to like someone however I don't know if she still likes me."

Shet ang hirap ng binigay niya.

Pwedeng truth yung nasa process siya ng moving on. Pwedeng truth din yung next week na siya pupunta ng London. Kasi sabi ni Clint pupunta siya ng London. Feeling ko eto yung last statement yung lie. Imposible magkagusto siya.

"Last statement." sabi ko sa kanya at tumayo siya. Kinuha niya ang bulaklak na binigay niya kay Chloe.

Huh? Wait... Bakit papunta na siya sa akin?

Wait lang. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Wrong... My last statement is the truth." sabi niya at binigay sa akin ang flowers, "I'm starting to like you but I don't know if you still like me." sabi niya sa akin at napansin ko naghiyawan ang mga kaibigan ni Chloe.

"Kayo na lang, please?!"

"Go ScarCey!"

"Please paki like si Jacey!"

"Omg! You are so brave, Jacey. Good girl!"

Wait! Naprepressure ako. Hindi ko alam sasabihin ko.

"Ano to? Nagcoconfess ka ba sa akin?" hindi ko pa rin gets nangyayari ngayon.

"Mukha naman diba?" sagot niya at hindi pa rin ako naniniwala.

Pero ginising ko ang sarili ko sa katotohanan.

Hindi pala totoo ang nangyari.

Masyado ko na pinapagana ang imahinasyon ko para kami magkatuluyan ni Jacey pero hindi. Hindi totoo ang lahat.

Bumalik ako sa katotohanan.

"What's your 3 statement about yourself, Jacey?" tanong ni Chloe.

"I'm in the process of moving on. I entertain anyone. I'm not going anywhere," sabi niya.

Ang hirap ha?

Una, nagdadalawang isip ako na lie or truth to kasi alam kong mahal niya pa si Megan kaya siguro ito yung lie. Pangalawang statement, alam kong si Megan lang ang gusto niya, Bakit pa siya mag-eentertain ng iba? For sure lie, ito. Pangatlo naman, huwag niyang sabihin truth yan dahil sinabi ni Clint na pupunta siya ng London next week.

Lahat naman kasinungalingan ang sinasabi niya. Pero alam kong isa lang ang lie dito.

Halata naman yung 3rd statement eh. Lie yon talaga. Tama ako nito.

"I'll go with third statement. Lie yon." sabi ko sa kanya, "Pupunta ka ng London diba?"

"Huh?" nagtatakang reaksyon nilang dalawa ni Chloe.

"Sabi ni Clint..." sabi ko, "Pupunta ka ng London para sa new project niyo." sabi ko at natawa si Jacey.

Bakit ba ako tinatawanan nito?

"No. I'm not going anywhere, Scarlet. The lie is 'I don't entertain anyone." sabi niya at nagulat akong truth pala iyon.

Akala ko pupunta siya ng London pero hindi pala totoo. Nakakainis! Napahiya ako doon. Si Clint ang may kasalanan nito. Kakausapin ko nga 'yon.

So ibig sabihin din nag-momove-on na siya.

Pero bakit hindi niya ako kinakausap? Bakit ganito kami kalayo sa isa't isa?

Napatungga ako ng beer at pumunta ako ng CR dahil naiihi ako.

Pagkatapos, nagkasalubong kami ni Chloe.

Ngumiti ako habang naghuhugas ng kamay sa lababo. Siya naman naglalagay ng lipstick sa labi. After niya maglagay humarap siya sa akin.

"Are you two okay? It seems you two have distance from each other," sabi niya.

"Hindi ba halata?" nalungkot kong sabi.

"What's the problem, girl?"

"I don't know, Chloe. Ang last namin pag-uusap noong birthday pa ni Megan. Can you ask her why din kasi sobrang gusto ko siya kausapin pero wala akong lakas na loob sa kanya? Para kasing may nagawa akong kasalanan sa kanya." sabi ko sa kanya.

"I'll ask her for you." sabi ni Chloe pero hinawakan ko ang braso niya.

"Don't tell her na sinabi ko." sabi ko sa kanya at tumango siya. Nag-okay sign naman ito sa akin.

Bumalik kami sa kinauupuan at biglang nagtext si Megan sa akin.

You need 500k to help her to move on pero balita ko wala kang ginagawa. Baka gusto mo bawiin ko yung 500k? At malaman ni Jacey na nangutang ka sa akin. - Megan

Paano niya nalaman? Minamatyagan ba niya ako?

Tumingin ako sa paligid at may isang babaeng nakahoody na puti. Si Megan ba yon?

Tumayo ako at hinabol ko ang babae pero tumakbo siya ng mabilis.

Pasalamat siya nakaheels ako.

Hindi pa rin ba natatapos ang 500k na utang ko kay Megan? Kailangan na kailangan kong magawa yung misyon ko na tulungan siyang magmove-on.

Pero bakit parang ayaw kong gawin? Natatakot ako na baka mahulog ako sa kanya. Alam ko na 'to. Napapanood ko na to sa mga teleserye.

Bakit nagkatotoo pa sa akin?

"Are you okay? Sino hinabol mo?" tanong sa akin ni Ced.

"Wala. May namukhaan lang ako." nagpanggap akong tumawa para makumbinsi ko siya na wala siyang nakita.

Pumasok ako sa loob at nagtataka sila kung bakit umalis ako.

"Sino yon?" tanong ni Chloe sa akin.

"Namukhaan ko lang." hindi ako makatingin kay Chloe ng maayos. Ganito ako magsinungaling hindi ako makatingin ng deretso.

Napansin kong apat na lang kami natira sa table. Kami nina Chloe, Jacey, Ako, at Ced.

"Nasaan na sila?" tanong ko kay Chloe.

"Ayun nagbar sa Queenie's bar at yung iba naman medyo may tama na kaya umuwi na sila." sambit ni Chloe.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" sunod na tanong niya.

Tiningnan ko ang aking relo kung anong oras na. 7pm na. Kailangan ko na rin umalis.

"Aalis na ako." sabi ni Jacey.

"Alam kong hindi sa akin 'tong flowers." sabi ni Chloe kay Jacey pero dinedma ko lang.

Bitbit ko rin ang flowers na binigay ni Ced at inamoy ito.

Ang bango.

"Itapon mo na lang." walang ganang sagot ni Jacey.

"Jac-" umalis agad si Jacey at gusto ko siyang sundan kaya binigay ko yung bouquet kay Ced.

Sinusundan ko siya na hindi niya alam na nakasunod sa kanya. Pero nung napansin niya ako na sobrang ingay ng sapatos ko dahil nakasuot akong heels...

Lumingon siya at napangiti na lang ako dahil no choice ako magpakita sa kanya.

"Can we talk?" alanganin kong sabi sa kanya.

"Wala na tayo pag-uusapan pa." sabi niya, "Just leave."

"Bakit, Jacey?" lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya pero pumiglas siya.

"Anong bakit?" sabi niya.

"Bakit ganito na tayo kalayo sa isa't isa?"

"Hindi kita gusto." mariin niyang sabi sa akin.

"I can help you to move on." pagtatapat kong sabi sa kanya.

"What?" tanong niya at kita kong napakaseryoso niya, "What are you saying?"

It's all about the 500k debt to your ex.

Mas pipiliin ko na lang hayaan kang maglakad papauwi kaysa manatili sa'yong tabi.

Mas pipiliin kong mag-isa ngayon kaysa kasama ka.

"I know you are still in love with Megan but I can help you to move on." pag-uulit kong sabi.

"I'm in the process of moving on. I don't need you."

Seryoso ba siya? Nagmomove on na siya... Hindi na niya ako kailangan pa. Pero yung utang ko... Paano na gagawin ko?

"Bigyan mo ko ng isang buwan para tulungan ka. Kapag hindi ko nagawa, lalayuan kita." seryosong sabi ko sa kanya.

"Hanggang friends lang tayo. Yun ang rule natin. Off limits ha no kiss. Siyempre, no dating." napangisi siya at napataas ako ng kilay.

"Are you sure? You wanna do this?" linapit niya mukha niya sa akin at napalunok ako ng bahagya.

Bakit sa una pa lang sinusubukan mo na ko, Lord?

"Deal?" nakipaghandshake ako sa kanya.

Focus on your debt, Scarlet. 'Yon lang ang kailangan ko.

"Your moves are so cliché. Pero hindi ko kailangan ng tulong mo." seryoso siyang nakatingin sa akin at tuluyan na siyang naglakad papalayo.

Sa una pa lang talo na ako.

Bakit ba ayaw niya pumayag?

Paano na yung utang ko?

Nakakainis!

Like it? Add to Library! Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:wattpad: @leavamarie ; dreame: @leavamarie ; twitter: @leavamarie

leavamariecreators' thoughts