We are now heading to Hephaestus' island. Si Hephaestus ang asawa ni Goddess Aphrodite, at sa tingin ko ay sa panig namin siya. The God of blacksmith, fire and forge, and also known as the Ugly God.
Hindi mawala-wala sa isip ko kung nasaan si Cassandra. I haven't seen Thanatos para kausapin siya about doon, and I can't barge in the Underworld dahil hindi ko naman alam kung paano. Plus, why whould I barge in just to find Cassandra?
Oh, Meli, huwag mo nang lokohin ang sarili mo. You care for Cassandra, kahit kaonti lang.
I looked down from my chariot at namangha nang makakitang iba't ibang factory. His island had a volcano in the middle, and it was shaped perfectly like a cone.
All the buildings are also built well. Though it had a very dark aura.
Marami kaming mga trabahador na nakikita, and it was rare to see women in here. Baka nga kaming mga mortal or demigods lang ang babae rito sa ngayon.
Bumaba na ang aming chariot at nagsimula na kaming magtipon-tipon. Wala pa si Hephaestus, ngunit narito ang ilan niyang trabahador upang bantayan kami.
I noticed that his workers are all incapable of showing emotions, or maybe it's just me that can't read any emotions from them.
Napansin ko rin ang ilang mga multo, pero ni isa ay walang lumapit sa akin. They kept distance from me, and did not even bother looking at me. How weird, I thought so.
Nagulat naman kami nang biglang mula sa isang kalye, sunod-sunod na dumating ang napakaraming estatwa ba iyon? Para siyang kalabaw este toro. Kulay bronze sila, ngunit may ilan na kulay silver.
What's this for?
Binilang namin kung ilan iyon, at sumakto naman sa bilang kung ilan kaming mga nagnanais maging semideus. Twenty four. Twenty-five sana, ngunit hanggang ngayon ay nawawala pa rin si Cassandra, and Asclepius and Harmonia could not calm down.
I believe Ares is finding her, or probably pretending to find her. Malakas talaga ang kutob kong nasa underworld si Cassandra.
After all the bulls, may isa namang lalaki na naka-armor at halatang isa siyang diyos. His jaws are sharp, nose pointed, eyes are alike of a hawk and it was color blue like Zeus'. He is also very tan, and his muscles are well built. Mayroon din siyang balbas at bigote, and his hair was untidy.
Ito na ba ang tinatawag nilang ugly god? Oh my Gods, ang taas naman ng standards nila if they call this beauty an ugly! Ang nakapagpasama lang naman kay Hephaestus ay ang hair niyaa, but his features are handsomely!
Hindi niya kami ningitian, but we all knelt and bowed down to him.
He snapped, at inassume naman namin na pinapatayo na kami. He spoke, "Mortals, I am Hephaestus and this is my island."
Lumapit siya sa isang statue bull, at hinawakan ito. It was big that a human could fit inside the statue's body.
"Ito ay tinatawag na Brazen Bull, at ito ang magiging test ninyo sa akin.
The Brazen Bull is a torture device for one to speak out the truth.
Kapag nasa loob kayo ay papaliyabin namin ang gilid ng brazen bull, you will feel the heat if you speak lies.
Pare-parehas lang ang magiging tanong sa bawat isa, at tanging ako lang ang makakaintindi ng inyong mga sagot."
Nagulat ako nang bigla siyang napatingin sa'kin, at bumaba ang kaniyang tingin sa aking necklace. He seemed to be familiar to the necklace, pero mukhang nagugulahan din siya.
"Ang mga silver bulls ay para sa mga demigods, at ang bronze ay para sa mga mortals. Mas mataas ang heat na mapapapunta sa mga demigods, since mas malakas ang resistance nila. Kilala ko naman kung sino dito ang may dugo ng diyos," sabi pa niya. Muli na naman siyang napasulyap sa'kin.
May lumapit na sa aming mga trabahador niya at dinala kami sa mga brazen bull. Ang napatapat sa'kin ay bronze, sa mga kasama ko naman na demigod ay silver.
Muli na naman akong napasulyap kay Hephaestus nang magsalita siya, "You may now enter the brazen bulls."
Nagbukas ang katawan ng brazen bull, at pumasok na ang mga kasamahan ko pero hindi ako. Ako naman ay pumasok na rin, ngunit napansin kong hindi nila isinara ang katawan ng bull.
I creased my forehead pero nagulat nang makita si Hephaestus sa harap ko. Nasa labas siya ng bull at nakatanaw sa'kin. Mali, sa kwintas ko.
Nakakunot din ang noo niya habang nakatingin sa kwintas, tumingin siya sa mata ko at nandilim ang paningin. Ang alagad naman sa tabi niya ay biglang nagsalita, "Siya na ba 'yon, Lodd Hephaestus?"
Huh? Ako ang alin?
Sinara na nila ang bull, at nawala na sila sa paningin ko. Nalamon na ako nang kadiliman, but then I felt a burning sensation.
Napahawak naman ako sa kwintas ko, at naramdaman ko ring nag-init ito.
Hindi ko alam ang gagawin hanggang sa tinanong ako ni Hephaestus, I'm sure it was his voice. "Sino ang magulang mo?"
Napalunok naman ako at sumagot, "Hindi ko kilala ang ama ko, ngunit si Eriphyle ang aking ina."
"Why are you here in the Olympian World?"
Napapikit naman ako, the rule here is not to lie right?
"To be powerful," sagot ko.
"Why be powerful, Melizabeth?" Tanong na naman ni Hephaestus.
I held my breath, "To gain answers about my abilities and identity." Ngunit parte lang 'yan ng buong dahilan ko kung bakit ako narito.
"Sinong nagbigay sa iyo ng kwintas na iyan?" Tanong sa akin.
Nagtaas kilay naman ako kahit hindi nila ako nakikita, "Ang aking ina..."
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ka nabigyan ng kwintas na yan? At alam mo bang ako ang may gawa niyan?" Tanong niyang muli.
"Hindi," maikling sagot ko. May dahilan ba ito?
"Huling tanong, Melizabeth.
That necklace is called The Cursed Necklace of Harmonia, it was given to Harmonia on her wedding day para magsilbing sumpa. Ako ang pinaggawa niyan. Pinasa ang necklace ngunit hindi nawala ang sumpa.
Higit sa lahat, ginawa ko iyan in the future not here in the present world, Melizabeth. At ngayon ay suot-suot mo ang bagay na ginawa ko mula sa future. Ibig sabihin ba noon, katulad ko, nagmula ka rin sa hinaharap? May ideya ka ba sa pagkatao mo?"
Hindi ako nakasagot. Ano bang pinagsasabi ni Hephaestus? What do you mean that this was made in the future? Binigay lang 'to sakin ng aking ina at wala nang iba pa!
"Are you from the future, Melizabeth?" pag-uulit ni Hephaestus sa tanong niya.