Unang dinalisay si Taehyung sa Moonpool. Isa itong natural spring na bumubukal Mula sa sa ilalim NG bundok. Bilog na bilog Ito na NASA gitna NG Templo. Umaagos Ang tubig na Mula dito sa tatlong magkaka-ibang direksyon. nahahati Ito sa tatlong Falls na Kung tawagin ay The Three Crystal falls. Sapagkat Mula sa malayo Ay kumikislap Ito kapag natatamaan NG sikat ng araw o nang liwang NG Buwan. Ang tatlong sanga NG Crystal falls ay tumatapon sa tatlong magkaka-ibang direksyon. Ang Isa ay sa BlueMoon na syang nagiging umpisa NG Azure river na natural na kulay asul. Sa Isang direksyon Naman ay tumatapon sa lupain NG RedMoon at nagiging umpisa ng Ilog Rubrum mistulang kulay dugo Ang ilog na Ito dahil sa mga batong kulay Pula na nang-galing sa Mga bulkan Sapagkat maraming bulkan sa RedMoon. pero napakalinis nito at sagana sa Mga mineral at buhay. Ang Isa Naman ay tumatapon sa Nasirang kaharian NG PurpleMoon at dito nagsisimula Ang Hyacinthum river. Nagiging kulay Purple Ang ilog dahil dito lamang tumutubo Ang Mga bulaklak na Hycinthus. Isang napakahalagang sangkap sa anumang uri NG gamot panlaban sa ibatibang uri NG sakit.
*
Nagbabad si Taehyung sa maligamgan na tubig NG Moonpool bagamat Isa itong bukal. NASA gitna NG Moonpool Ang estatwa ni Galadriel na gawa sa Batong nalaglag Mula sa Buwan. Ipinagawa raw Ito NG tatlong Bayaning Lobo tanda NG pasasalamat sa pag-pili sa kanila NG Dyosa upang iligtas Ang Lycana.
Pagka-ahon Niya ay binalot siya NG balabal ni Galadriel tinuyo Ang kanyang buhok at isnuot sa kanya Ang Crystal nitong korona. Taimtim syang nanalangin habang sinasayawan sya NG Mga Galadrals NG Moon Dance o Ang invocation NG basbas ni Galadriel. Araw araw nyang gagawin Ang ritwal na Ito. Limang Oras sa umaga at Limang Oras sa Gabi sa loob NG kalahating Buwan. Ang nalalabing kalahating Buwan ay nakalaan sa pagpapalalim Niya sa ugnayan Niya sa kanyang innerwolf.
*
Napakahirap NG naging pagsasanay nila Jungkook. Pero tiniis nila itong lahat. Ang sa kanya ay mas doble Ang hirap kumpara sa Mga kasama. Araw araw silang nagsasanay maghapon hanggang gabi. Sinansanay Ang lakas kapag umaga, Ang bilis Naman kapag Gabi. Halos Wala silang pahinga. Pagkain lamang Ang halos apat na Oras na tulog. Ang kalahating Buwan NG pagsasanay ay nakalaan para sa pisikal nilang katawan at isip. Ang kalahati ay para mapatibay Ang ugnayan nila sa kanilang Mga innerwolf. Ibang ugnayaan Ang kakaharapin ni Jungkook dito. Dahil dito sya susubukan ni Balerion Kung karapatdapat ba sya sa kapangyarihan nito. Kapag Hindi sya pumasa sa Mga pagsubok nito ay maari sya nitong abandunahin at mawawalan sya NG innerwolf. Kaya ganon na lamang Ang pagpupursigi nya Kaya kahit napapagod at nahihirapan na sya ay patuloy Lang sya Kung Ang kapalit Naman nito ay Ang kasiguraduhan NG kaligtasan NG kanyang Luna at NG bubuuin nilang pamilya. Naiisip pa Lang nya na may Mga munting Taehyung at Jungkook na tatakbo sa pasilyo NG palasyo ay nagbibigay na sa kanya NG lakas.
*
Mabilis na lumipas Ang kalahating Buwan at napakalinis NG pakiramdam ni Taehyung. Pakiramdam Niya ay pinanganak syang muli. Lalong kuminis at bumusilak Ang kanyang balat at lalong kumintab at lumago Ang kanyang Silver na kulot sa ilalim na buhok. Halos kuminang na sya kapag nasisinagan NG araw. Isang katangian NG Mga Silver wolf. Tunay na napakaganda ni Taehyung, walang kaparis sa buong Lycana.
"Napakaganda mo talaga Mahal na Luna, kamukhang kamukha ka NG iyong Ina." Bati sa kanya NG Punong Galadrals.
" Kilala nyo po Ang aking Ina?"
"Oo, sya Ang kahuli-hulihang Silver Wolf na dinalisay dito sa Galadreum. Walang kaparis Ang kanyang ganda. Ganun din Ang kanyang puso. At nakikita Kita sa kanya.. Kaya Alam ko na magiging mabuti Kang Luna."
" Salamat Po Nana Baek Jo"
" Wala pang Isang taon noon ay biniyayaan agad sila NG Isang supling. At Alam ko na ikaw Yun."
" Ahh Nana, binibiyayaan po ba agad NG supling Ang Mga itinatakda?"
" Kapag Isang Dugong Bughaw ay mabilis silang binibiyayaan NG Dyosa, upang mapatibay Ang kaharian."
" Ahh.."
" Bukas ay makikipag-ugnayan ka na sa iyong innerwolf. Sa kagalang-galang na Silvermist."
" Kinakabahan po ako Nana"
" Huwag Kang matakot. Ayon sa alamat ay napakalakas ni Silvermist dahil taglay nya Ang liwanag NG Buwan. Kaya gayun na lamang Ang tagal NG kanyang pagbalik dahil Wala sa inyong lipi Ang makaya Ang kanyang kapangyarihan. Hanggang sa dumating ka.. makukuha mo Ang Mga kakayahan ni Silvermist, Ang kanyang nakasisilaw na liwanag, Ang kanyang mapanghalinang Mga tingin at Ang kanyang kakayahang Makita Ang hinaharap."
" Makita Ang hinaharap?"
" Oo Yun Ang dahilan Kaya nilipol NG Scarlet King Ang iyong lahi. Dahil nais ka nyang makuha dahil napakalaki NG maitutulong NG iyong kapangyarihan sa kanyang pansariling Mga interes."
"Hindi lang Yun ayon pa sa alamat. Ay may kakayahan si Silvermist na magbigay NG Isang marka at Ang markang Ito ay magbibigay sa Alpha NG kakaibang lakas. Ang Marka na iyon Ang lumipol sa kadiliman.. noong unang naghasik NG lagim Ang Dyosa NG bagong Buwan."
Isinapuso lahat Ito ni Taehyung kailangan nya si Silvermist upang makatulong sya Kay Jungkook kapag Ito na Ang naghahari.
Yay! I'm almost there! Please keep on supporting me.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.