Dumating na Ang pinakahihintay na araw ni Jungkook Ang araw Kung saan ay makakaharap Niya sa Coelum Ang kanyang Innerwolf na si Balerion.
May tatlong lugar sa Kabilang buhay Ang pinupuntahan Ang Mga ispirito NG Mga namatay na lobo.
Ang Coelum ay Ang paraiso Kung saan nahihimlay Ang Mga Bayaning Lobo. Ang Mga magigiting na Mga Hari, knights, kawal at sundalo na nagbuwis NG kanilang buhay sa digmaan alang-alang sa kabutihan. Narito Rin Ang kaharian ni Galadriel
Ang Milieu Kung saan nahihimlay Ang Mga maharlika at Mga pangkaraniwang Lobo na naging mabuti noong nabubuhay pa at
Ang Enfer Ang walang hanggang apoy, Kung saan walang hanggang sinusunog Ang espiritu NG Mga makasalanan. Dito pinaniniwalaan na ikinulong Ang masamang Dyosa NG Bagong Buwan.
*
"Handa ka na ba sa iyong Paglalakbay ispiritwal upang harapin si Balerion at patunayan Ang iyong sarili sa kanyang kapangyarihan?" Tanong NG Vice Commander Chang Wok sa kanya NG yayain sya nitong magkwentuhan.
"Opo, Master Matagal ko itong pinaghandaan." Halata Ang determinasyon sa kanyang tinig. Ang kanyang pisikal na katawan ay handang handa na din. Pumuputok Ang Mga muscle sa bawat parte NG kanyang katawan. Sa loob NG maiksing panahon ay nahubog sya at naihanda sa tulong na din NG masinsinang pagsasanay sa kanya NG Gentle Knight.
"Mula nang gawaran Kita NG pagkilala bilang isang Knight sa Isang murang edad ay Hindi ako nagdalawang isip sa iyong kakayahan. Taglay mo Ang tapang NG iyong ama, Ang kabaitan NG iyong Ina at Ang lakas NG kagalang-galang na Balerion sa loob mo. Mabigat Ang responsibilidad na maging Isang Hari, pero ihanda mo Ang iyong sarili dahil mas mabigat na ngayon Ang iyong obligasyon bilang tagapag-protekta NG mag-i-isang lahi NG Mga Silverwolf. Taglay pa nya Ang kagalang-galang na Silvermist Kaya tatagan mo Ang iyong loob. Sa Iyo nakasalalay Ang kinabukasan NG dalwang lahi at NG ating kaharian."
" Tatandaan ko pa Ang lahat NG sinabi nyo master."
Isinaisip at isinapuso ni Jungkook Ang lahat NG sinabi NG kanyang Master. At inihanda Ang sarili para sa haharaping pagsubok.
*
Nakaluhod sa gitna NG dambana kaharap Ang malaking Rebulto ni Balerion si Jungkook kinabukasan. Lahat NG Mga naroroon ay tahimik na nanood sa kanya. Iniabot sa kanya NG Vice Commander Ang Isang mahiwagang Punyal na kulay itim na tinatawag na Coal Dagger. Ito Ang relic ni Balerion. Ang Punyal na Ito ay gawa sa kanyang Mga itim na pangil.
Pagka-abot nya nito ay kanyang sinugatan Ang kanyang palad at ipinatak Ito sa Isang tubig na NASA Isang baso. Ang tubig na Ito ay nagmula pa sa Bundok NG Sapphir. Ito ay tinatawag na Moon Tears. Isang natatanging Tubig na nagmula pa Kay Galadriel. Ininom niya Ito at Walang ano-ano'y bigla lumiwanag ang kanyang paligid. Pagdilat niyang lumitaw sa kanyang harapan Ang Isang Malaking itim na Lobo na may asul na asul na mga Mata. Alam na nyang Ito si Balerion. Kinausap siya nito sa tinig na animoy dumadagundong na Mga kulog.
*Ikaw ba si Jeon Jungkook?"
" Ako nga po kagalang-galang na Balerion." Nakayukong tugon nyo.
" Sukatin natin Ang taglay mong lakas Kung Kaya mo nga ba Ang aking kapangyarihan." Nangungusap Ang Lobo sa kanyang isipan. Una siya nitong sinubok sa lakas.. makailang ulit sya nitong kinalmot, kinagat, binalibag. Lahat NG natatamo nya sa Coelum ay natatamo nya sa pisikal niyang katawan.
*
"Jungkook!" Sasaklolo Sana si Jimin NG Makita Ang masagang dugo na umagos Mula sa apat na hiwa NG kuko sa likuran NG Prinsipe. Ngunit mabilis syang pinigilan NG vice Commander.
"Wag, kaharap na nya ngayon Ang kagalang-galang na Balerion. Magtiwala tayong kakayanin nya Ito." Saad NG Vice Commander.
*
Halos lupaypay si Jungkook at duguan. Wala siyang Laban sa lakas at bilis NG Lobo. Ang kondisyon nito ay kailangan makakuha si Jungkook NG kahit Isang Hibla Lang Ng kanyang Buhok at maniniwala na itong karapat dapat siya. Ngunit bugbog na siya ay Hindi man Lang nya mahawakan Ang Lobo.
Sunod syang Sinubok nito sa isip.
*Hanggang Jan ka na Lang ba? Paano ko ipagkakatiwala sayo si Silvermist Kung ganyan ka kahina.*
Habang nakalugmok sya sa sahig ay nakita Niya si Taehyung May dalawang Mga pulang Lobo Ang nakapalibot sa kanya. Kitang Kita Niya Ang takot sa magandang mukha NG kanyang Luna. Gayon na lamang Ang takot nya NG biglang sunggaban NG Mga Ito si Taehyung at hawakan Ang magkabilang kamay nito.
"Hindi!" Napasigaw na lamang sya. Hindi sya makatayo kahit pilitan nya.
Maya-maya pa ay lumitaw sa likuran nito Ang Prinsipe NG RedMoon. Pulang Pula Ang Mga Mata na dinilaan NG mahaba nitong dila Ang Napakagandang Mukha NG kanyang Luna.
"Sa akin na sya Jungkook, napaka-hina mo Kasi. Hahaha"
Biglang mag-iba Ang aura ni Jungkook. Tumayo Ito na para bang walang nangyari sa kanya.
"Hindi mo ko malilinlang, lumabas ka! Kagalang-galang na Balerion."
Nawala Ang ilusyon at nagpakita sa kanya Ang Lobo. Muli silang naglaban halos pumantay na sya sa lakas NG Lobo at sa huling sugod nito ay ibibigay na nya Ang buo nyang lakas. Tangan sa isip Ang kaligtasan ni Taehyung. Halos patay na syang bumagsak sa lupa. Matapos syang sakmalin nito sa Balikat. Hinarap sya NG Lobo
*Nabigo ka munting Prinsipe* Sabi nito sa kanya.
*Hindi ka nakakasigurado dyan.* Bugbog man ay nakuha pa Rin nitong ngumisi at ibuka Ang kanyang Mga pala. Mula rito ay nakita NG Lobo Ang tatlong itim na itim na Mga buhok na nagmula sa kanya.
*Magaling, Ang Sabi ko ay Isa lamang ngunit Tatlo Ang iyong nakuha.. pinahanga mo ko sa lakas NG iyong katawan at talas NG iyong isip at tibay ng iyong puso. Tunay ngang ikaw ay karapat dapat sa aking kapangyarihan. Ito'y Isang tagubilin ko lamang. Huwag na huwag mong hahayaang mapahamak Ang iyong Luna. Itaya mo Ang iyong sarili para sa kanyang kaligtasan. Nakikiusap ako sayo.. dahil Kung Hindi sa inyong DAlawa at Hindi kami muling magkikita ni Silvermist.. dahil sa inyong DAlawa at nabigyan NG pagkakataon Ang naudlot naming pagmamahalan.*
*Makaka-asa po Kayo Kagalang-galang na Balerion. Gagawin ko Ang lahat kahit buhay ko pa Ang kapalit maprotektahan ko Lang sya. Mahal na Mahal ko po Ang aking Luna.*
*Alam ko, Kaya bilang parangal sa iyong katapangan at lakas.. Alam Kong Matagal mo na syang gustong Makita Hindi ba?*
Kapagkuwan ay lumiwanag Isang nakasisilaw na liwanag. Tumayo siya sa Gilid ni Balerion at Isang nakabibinging palakpakan Ang sumalubong sa kanya.
Thanks for reading and support
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.