webnovel

Chapter 5 Aurora?

12:30 na nang makauwi si Zia pagod na pagod sa buong mag hapon.

"Nandito na ako" Walang kagana ganang bumati si Zia. 'at least natapos ko na. Tomorrow ippresent ko na lang '.

"Abat anong oras na Zia! Madaling araw na kumain ka na ba?" Tanong ni Carmen.

"Opo Mama, matutulog na po ako" sabay pasok sa kwarto. Sa totoo lang ay hindi pa sya nakakain puro biscuit at tubig lang para makaapos siya agad sa report. Pero wala rin 11pm na siya nang matapos at kailangan pang i print at i file.

Isa lang ang gusto niya ngayon. Ang matulog, mula nang lumipat siya sa bago nyang Department ay hindi na siya nakakauwi ng mas maaga.

"Ano bang nangyari sa batang iyon?"kamot ulong tanong ni Carmen sabay balik sa kuwarto

"Itong anak mo Roberto tatlong araw nang gabing gabi kung umuwi pag katapos ay hindi kumakain! Ano kayang ginagawa nya?"

Abala naman sa pag gugupit ng kuko si Roberto "Ano pa bang gagawin ng anak mo? Abay malay mo kung may ka date, kaya na huhuling umuwii at hindi na kumakain dito"

"Date?! Ayon ba sa tingin mo?" Napapa isip si Carmen sa sinabi ng asawa. Mula kasing ng dalaga ang anak niya ay ni minsan wala man lang ito naipa kilala sa kanila o kahit mag kuwento man lang kung may crush sya. Kaya nag aalala silang mag asawa iniisp nilang baka tomboy ang kanilang anak. Wala namang problema kung maging tomboy ang kanilang anak dahil matagal na nilang gustong mag ka anak ng lalaki pero dahil hirap si Carmen mag buntis ay hindi na nila nasundan si Zia.

Habang abalang nag iisip si Carmen ay napansin niyang may ginagawa ang asawa sa kanyang kuko at nang makita niya ito halos umusok ang ulo ni Carmen sa galit.

"ROBERTO! Alam mo ba kung anong ginagawa mo?!"

"Mama ang lakas ng boses mo maririnig tayo ng kapit bahay! At ano namang masama sa ginagawa ko, nag kukuko lang naman ako."

"Yun nga eh! Nag kukuko sa gabi! Alam mo bang masama yan! Itigil mo yan!" Sabay agaw ni Carmen sa niel cutter.

"Mama ano ka ba naman! Ayan ka nanaman sa mga pamaihin mo"

"Abat ako pa ang masama ngayon! Sabi ng mga matatanda bawal mag kuko sa gabi dahil may balik iyon sa magulang mo!" Sigaw ni Carmen habang naka pa meywang.

"Carmen anong masama don. Nag papaniwala ka sa mga ganyan. At isa pa may magulang ba ako?"

Napatigil bigla si Carmen sa asawa. Oo nga pala wala nga pala itong magulang galing kasi sa orpanage ang asawa at doon na lumaki hanggang mag ka trabaho. "Alam ko naman singaw ka lang Roberto! Pero hindi mo ba na isip na puwede yan maka apekto sa anak natin?! Nag iisa nating anak si Zia! Paano kung may mag yari sa kanyang....blah....blah...blah...."

Tuloy tuloy sa pag ratrat si Carmen sa asawa.

'Gusto ko lang naman tang galin ang ingrone ko. Ang sakit kaya! ' isip ni Roberto.

Sa kabilang kuwarto ay bahagyang naririnig ni Zia ang mga magulang pero dahil dala ng sobrang pagod ay agad siyang nakatulog.

******

Malamig ang hangin habang kumakanta ang mga ibon. Sa paningin niya ay isang malawak na taniman ng mga bulaklak animoy nasa isang fairy tale garden.

Nilapitan niya ang isa mga ito at inamoy "a...atchoo!" Sabay siyang napatawa. Sariwa at mababago ang mga bulaklak pero sa tuwing aamuyin nya ang mga iyon ay hindi niya mapigilang bumahing.

"Seniorita!" Tawag ng isang babae, subalit malabo ang mga mukha. Ang paligid niya ay nababalutan nang parang makapal na hamog.

"Seniorita wag po kayong masyadong mag tatakbo marami pa po kayong makikita mamaya. Mag pahinga po muna kayo"

Hindi ko alam kung bakit pero sumunod pa rin ako sa kanya.

'Sinong Seniorita?'

Habang sumusunod siya sa isang babae ay biglang may tumawag at napalingon siya.

"Aurora"

****

Na gising si Zia at agad na umupo. Habang ang kanyang kamay ay humawak sa kanyang dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog ng puso nya. 'Aurora? Sinong Aurora? At saka sino yung Seniorita? '

Hindi siya mapakali at dali dali siyang pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Pag katapos uminom ay pina kalma ang sarili. Hindi niya maintindihan ngayon lang siya nag karoon ng isang ganitong panaginip ang hindi niya maintindihan ay pakiramdam niya totoo ang lahat ng 'yon.

"Oh! Anak ang aga mo naman yatang nagising? Naka tulog kaba ng maayos?" Wika ni Carmen.

Dahil sa lalim nag kanyang inisip ay nagulat sya sa boses ng kanyang Ina.

"Mama!"

"Ano bang nangyari sayo Zia para kang nakakita ng multo. Saglit lang at mag luluto ako ng agahan kumain ka muna bago umalis". Sabay punta ni Carmen sa Ref. At nilabas ang mga lulituin.

"Hmmm...maliligo po muna ako mama"

'Anu bang nangyari sa batang 'yon? Nakita lang ako nagulat na sya? Hmmm... Sa tingin ko tama ang papa nya may boy friend sya at tinatago nya iyon sa amin.. huh! Akala mo ba anak hindi ka nmin mahuhuli. Ako yata ang mama mo ' pangiti ngiti si Carmen habang ng iisip.

"Hmm...hmm..hmm.. mag kakaroon na ako ng son in law" pakanta kanta si Carmen habang ng luluto.

"Morning Mama. Good mood ka yata ngayon"

Nang makita ni Carmen ang asawa ay agad niyang kinuwento ang tungkol sa anak habang naka ngiti.

Authors Note:

Ang pag kukuko sa gabi ay isa sa mga lumang pamaihin galing sa ating mga kanunu-nunuan.

Enjoy reading Guys!!!

Thank you!