4 Chapter 4 Who?

City S China

Isang pinaka magarang tirahan ng mga makapang yarihan at mayayamang pamailya ang Imperial Palace at isa sa mga pamilyang nakatira rito ay ang Lu Family. Pinaka mayaman at makapag yarihan sa larangan ng negosyo.

At ngayon sa isa sa pinaka magandang bahay na mala palasyo ang laki sa loob ng sala nakatayo ang isang lalaki sa harap ng bintana habang hawak sa kanang kamay ang isang wine glass. Malayo ang kanayang tingin na para bang may malalim na iniisip.

Siya si Herbert Lu ang CEO ng buong Lu International Corporation. May katamtaman na pangangatawan at medyong mapuputing buhok dala rin ng kanyang edad. Sa kanyang pamumuno bilang CEO ay mas lalo nyang napalago ang kanilang negosyo at samut saring desisyon sa kumpanya na ang kanyang nagawa subalit ngayon ay makikita sa kanyang mukha ang tilang isang problema na hindi niya kayang solutionan.

"Bert!"

Agad naman napalitingin si Herbert sa taong tumawag sa kanya. Nang makita niya ito ay agad siyang nabigay galang "Father!".

Ang matanda ay tumango at dahang dahang umupo sa sofa habang inaalalayan ni Butler Ji isa sa pinaka matagal na nag ttrabaho sa Lu Family.

Napabugtong hininga ang matanda habang pinag mamasdan ang anak na ngayon ay nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Sa edad nyang pitongput limang taon at isa siya sa mga bumuo ng kanilang negosyo alam niya na ngayon ay dumating nanaman sila sa isang desisyon at yun ay para sa future head lady ng kanilang pamilya. Noon ay ginawa na nila ito subalit nabigo sila at ngayon sa henerasyon ng kanyang apo ay kailangan nila itong gawin ulit.

"Bert tama ang desisyon mo para kay Lie"

Napabugtong hininga si Herbert bago sumagot sa kanyang ama "Father hindi ko alam kung tama ba na hanapin pa iyon ni Lie o kung tama bang nalaman pa niya to"

"Anu bang sinasabi mo!" Napa higpit ng hawak ang matanda sa kanyang tungkod. "Sigh... Herbert alam kong nag aalala! ka pero nararapat lamang malaman ni Lie ang tungkol sa kanyang Lolo sa tuhod at kung paano umahon ang ating pamilya" napatigil saglit ang matanda at mahinahon na nag salita "at para naman sa mapapangasawa ni Lie, kung sa loob ng dalawang taon at hindi pa rin natin nahahanap ako mismo ang mamimili sa mapapangasawa nya"

"O kung may mahanap siyang babae na may magandang pinang galingan at talagang mahal niya saka ako papayag" dagdag ng matanda.

Alam ni Herbet na ito ang pinaka magandang solution ngayon, at para naman sa hinahanap nila hindi niya masasabi kung magugustuhan niya iyon. Ang kinabukasan pa rin ng kanilang pamilya ang importante sa kanya at hindi ang kung anong pangako na walang basehan kung mag kakatotoo ba.

"Si Liam ay ipadala mo rin sa pilipinas upang tumulong kay Lie"

"Pagkatapos ng inagurasyon ng bagong barko Father saka ko siya ipapadala"

"Hmm...hmm.." sang ayon ng matanda.

City M Philippines

Abala pa rin si Zia sa tinatapos niyang reversal report.

"OMG! Guys!" Sigaw ni Thelma isa sa mga kasama nya na always updated sa tsismis.

Agad naman napatingin sa kanya ang lahat.

"Wait! Wait! Hihinga muna ako!" Sabay lunok at exaggerated na humarap sa mga kasamahan "Guys! May bago tayong head! As in head to the highest head!"

"What?! Anung head to the highest head!" Isa sa mga ma aarte.

"Linawin mo kung anung klaseng head!" Sigaw ng isa sa mga lalaking empleyado. Nag tawanan naman ang iba.

"Ew!! Gross!" Ang ilan sa mga babeng empleyado.

"Huh! Cindy para namang hindi ka nakakita-"

Binato ni Cindy ng pantasa ang lalaki para tumigil "Bastos!" Pabiro nyang sabi. Sa Department kasi nila ay madalas sila kung mag biruan ng mga ganito marahil dahil matatanda na sila at wala nang virgin kung mag isip. "Ano ba kasi yon Thelma!"

"Ok Guys! Tama na yan! Ang gusto kong sabihin ay may bago tayong COO from China and member ng Lu Clan!"

"Hmmp! Bale wala sakin yan! Matutuwa pa ako kung ang future CEO natin ang darating" sabat ni Cindy.

"Dah! Sino bang may sabi sayo na hindi ang future CEO natin ang sinasabi ko!" Pilyo nyang sagot?

Agad napatingin sa kanya ang mga kasama.

"Wwhat?! You mean ang magiging COO natin ay si Lu Quing Lie?! The hottest man in asia for 3 consecutive year?!"

"Yes!" Pag sang ayon ni Thelma.

"Ahhhhh!!!!!!!" Nag tilian ang mga babae habang si Cindy ay kulang na lang ay mahimatay sam sobrang saya.

Habang abala ang mga kasama nya sa pag kkwentuhan tungkol sa COO nila ay abala naman ni Zia sa report niya. Bukas ay kailangan na ito ipasa at marami rami pa syang kailangang gawin.

Pero sa hindi maipaliwanag mula ng marinig nya ang pangalang Lie may kung anong tuwa ang nagingibabaw sa kanya, at lihim siyang napangiti.

avataravatar
Next chapter