The Rhythm of Us
Her POV
Napalingon ako sa may hamba ng pintuan matapos makarinig ng sunod-sunod at malalakas na katok. Ang balak kong pagpunta sa kusina para sana kumuha ng tubig na maiinom ay naudlot dahil sa ingay na nanggagaling doon.
Nagmadali akong bumaba sa hagdanan at agad na binuksan ang nakalock na pinto. Iniluwa noon ang aking ama na nababalot ng tubig ulan. Nagkukumahog itong pumasok sa living room at hindi na alintana ang kaniyang basang damit.
"Dad? Is there anything wrong? Bakit basang-basa ka ng ulan? Hindi ba't sinundo kayo ni Mang June sa office niyo?"
Magkakasunod kong tanong sa aking ama na tila balisa at wala sa sarili. Umupo ito sa one seater sofa at luminga-linga sa paligid.
Ang tila natutulog kong diwa ay nagising dahil sa kilos na nasaksihan ko sakaniya. Halos isang oras akong nakatulog kanina galing sa practice namin dahil siguro sa pagod. Ni hindi ko na namalayan na mag aalas otso y media na pala ng gabi kung hindi ko pa nakita sa malaking orasan sa sala.
"Nanay Rosing, pakikuha naman po ng towel si Daddy pati na rin po ang pamalit na damit." utos ko sa may edad na katulong na bahagyang nakamasid sa'min.
Agad naman itong tumango at dumiretso sa hagdanan. Nilapitan ko ang aking ama na nasa ganoon paring ayos. Sinubukan ko siyang hawakan sa balikat pero agad itong umiwas.
Napansin kong kalkulado ang galaw niya, ni hindi umiimik sa mga sinasabi ko. Sinubukan kong hanapin ang mga mata niya at gayon na lang ang pagtataka ko ng hindi ko ito makitaan ng kahit anong emosyon.
"Pa, i'm worried. May masakit ba sa'yo?" , I grabbed his hands. Nanginginig ito at hindi mapakali. "I think you need to rest."
Pilit ko itong pinakalma hanggang sa lumapit si Nanay Rosing na may dala-dalang makapal na tuwalya at damit. Makahulugan ako nitong tiningnan na sinuklian ko lang ng isang iling.
Bakas ang mga tulo ng tubig sa sahig na galing sa suot na uniporme ng aking ama. Bumalik ako sa puwesto kanina at inilahad ang tuwalya sakaniya.
Ilang segundo ang nakalipas pero hindi niya pa rin 'yon tinanggap. Kinabahan ako ng lumipat ang tingin niya sa'kin. Ang kaninang walang emosyon niyang mga mata ay napalitan ng pangamba.
Pagagalitan na naman ba niya 'ko?
Nalaman ba niya na tinakasan ko na naman si Mang June para makapunta sa violin practice?
"I'm a Governor, right? Sigurado ako na hindi nila ako paghihinalaan." sambit nito gamit ang maotoridad na tono.
Nawala ang mga namuong tanong sa isip ko dahil sa sinabi niya. Kunot noon ko siyang tiningnan dahil malayo ang naging sagot nito sa mga tanong na akala ko'y sasabihin niya.
As long as my secret is safe...
Imposible rin na malaman niya 'yon dahil hindi naman madaldal si Mang June.
At saka, maingat naman ako sa pagtakas at sinigurado ko naman na walang nakahalata.
Patay ako nito kapag nabuking ako kay Daddy! Panigurado na gagawa ito ng paraan para hindi ako maka-attend sa mga practice.
Katulad ng ginagawa nito noon. Ika nga nila, old habits die hard.
Napunta ang tingin ko sa itsura ng mukha nito. Pabalik-balik ang tingin nito mula sa front door at papunta sa'kin. Nang hindi niya tanggapin ang tuwalya ay ako na mismo ang nagpatong nito sa balikat niya. Doon ko napagtanto na amoy alak ito at mukhang marami ang nainom.
"Pa, paano na lang kung may nakakita sa'yo in public? Mamaya niyan ay ipababa ka sa puwesto niyo." aniya sa mas mababang tono.
Napasimangot na lang ako nang makita na hindi ito naapektuhan sa sinabi ko. Kung tutuusin ay dapat na masanay na 'ko sa ganito niyang gawain.
Ilang linggo na rin ang nakalipas ng mamatay ang balita tungkol sa pangungurakot ni Daddy dito sa Quezon. Pakiramdam ko ay hindi pa rin nauubusan ng problema ang aking ama pagdating sa politika.
Napaatras ako ng tumayo ito at dumiretso sa may hagdan. Susubukan ko sana siyang pigilan para makausap pero agad na hinawakan ni Nanay Rosing ang aking braso. Umiling ito sa'kin at saka ako binigyan ng isang tipid na ngiti.
"Nagugutom ka na ba? Nagluto ako kanina, sandali lang at ipapainit ko para sa'yo." agad ako nitong tinalukaran at hindi na 'ko hinayaang makasagot o makapagtanong pa.
Dumiretso ito sa kusina dahilan para mapasimangot ako. Halata sa mukha ni Nanay Rosing kanina na gusto niyang magtanong tungkol sa kalagayan ni Daddy pero pinigilan niya lang.
I think I have to do the same. Mukhang kailangan ko rin alisin ang maraming tanong na gumugulo sa aking isipan.
Sumunod ako sa kaniya sa kusina at umupo sa high stool sa island counter. Pinagmasdan ko kung paano nito ayusin ang iilang hibla ng takas na buhok at saka isinipit sa likod ng kaniyang tainga. Hindi nakatakas sa paningin ko ang panginginig ng kaniyang kaliwang kamay habang hawak ang ipapainit na pagkain. Sigurado ako na dahil iyon sa pamamanhid na ilang araw niya nang nararanasan dahil sa katandaan.
"Ano kaya kung magbakasyon muna tayo, Nanay Rosing? May rancho kami sa Batangas na hindi ko na nabisita pa. Baka sakaling mabawasan ang stress ni Daddy patungkol sa politika." pagbubukas ko ng usapan.
Humalumbaba ako sa counter at saka pinagmasdan kung paano nangunot ang noo ni Nanay Rosing.
Great! Alam ko naman na hindi maari ang sinabi ko.
Mula sa paglalagay nito ng plato sa dining table hanggang sa lagyan niya ang plato ko ng pagkain ay nakaantabay ako sa kung ano man ang isasagot niya.
Bukod sa aking ama ay siya na ang nag alaga sa'kin. Ilang taon na siyang naninilbihan sa pamilya ko at ni wala akong maipintas sa pag aalaga niya.
"Alam mo naman na hindi maari ang sinabi mo, Melody. Gobernador ang iyong ama dito sa Quezon kayat tungkulin niya ang maglingkod hanggang matapos ang kaniyang termino."
Sa mga sagot na ibinigay niya naisip ko ulit kung gaano kahirap ang naranasan ng aking ama bago siya nakarating sa pagiging gobernador. Sigurado ako na hindi niya pababayaan ang pangalan na binuo niya sa loob ng ilang taon. Ni hindi ata papasok sa isip niya na iwanan ang puwesto na matagal niyang iningatan.
Napabuntong hininga nalang ako ng patago dahil sa pagkadismaya. Nagsimula na 'kong sumubo ng pagkain habang si Nanay Rosing naman ay umupo sa katapat na upuan sa harapan ko. Pinagmasdan ako nito na wari'y tinatantya ang bawat kilos ko.
"Why not try it for a vaction, Nanny? Summer na naman kayat hindi na siguro magiging busy si Daddy." , I frowned, the expression on my face warning of a foul mood was already visible.
"At saka ang huling bisita ko sa rancho ay noong nandito pa si Mommy."
Dugtong ko na mas lalong nakapagpadadag sa kunot ng aking noo.
Pilit kong itinago ang kagustuhan na umalis na lang at lumayo sa maruming mundo ng politika.
Napahigpit ang hawak ko sa kubyertos nang umiling ito ng ilang beses. Halata ang hindi niya pagsang-ayon sa suhestiyon ko.
"Hindi basta-basta ang pagpasok sa politika, ija. Mas lalong magiging abala ang iyong ama dahil papalapit na naman ang araw ng eleksyon." aniya bago siya tumayo at kumuha ng maiinom.
Inabutan ako ni Nanay Rosing ng isang basong tubig na agad ko namang tinanggap. Tanging tango lang ang naisagot ko sa sinabi niya. Walang imik kong tinapos ang aking pagkain at hindi na nagpumilit pa patungkol sa pagluwas sa batangas.
Nang matapos ay nagpaalam na 'ko sa kaniya at saka dumiretso sa may hagdan. Pumanhik na 'ko sa aking kwarto at hindi na siya muling nilingon pa. Panigurado na mag iimis pa ito sa may kusina bago dumiretso sa sariling kwarto.
Saka lang ako nakaramdam ng pagod nang mahiga na 'ko sa sariling kama. Ilang minuto pa akong nakatulala sa kawalan habang iniisip ang mga nangyari kanina.
Maraming tanong ang unti-unting lumulukob sa sistema ko habang patuloy na iniisip kung paano ko mapapapayag sa pagpunta ng Batangas ang aking ama.
Siguro nga ay nakatuon na ang isip nito sa politika at marahil ay gugustuhin na nitong manatili dito sa maynila.
Unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata at ang malalim na paghinga ko. Katahimikan ang lumukob sa apat na sulok ng aking kwarto kayat nagsimula na 'kong dalawin ng antok. Hinayaan ko ang sarili na lamunin ng dilim at doon ko naramdaman ang tuluyang pagpikit ng aking mga mata.
Ilang linggo na rin ang nakalipas nang napag usapan namin ni Nanay Rosing ang patungkol sa pag punta sa Batangas. Buhat ng gabing iyon ay palagi ng tuliro at wala sa sarili ang aking ama. Palagi na itong abala sa kaniyang opisina at halos dalawang beses lang sa isang linggo kung umuwi ito sa bahay.
Kapag kakausapin ko naman siya at tatanungin kung may problema ba ito para sa nalalapit na eleksyon ay agad nitong iniiba ang usapan.
Hindi na rin ako muling pumunta pa sa practice namin dahil natatakot ako na baka malaman ni Daddy ang mga pinaggagagawa ko sa buhay. Kung iisipin ko ay paniguradong buong Summer ay nandito lang ako sa kwarto o kung hindi naman ay kasama ko si Euclyde sa paglalakwatsa.
Alam ko ang pakiramdam sa pagbabago ng kilos ng aking ama. Sariwa pa sa alaala ko ang araw na naaksidente si Mommy. Ganito rin ang ikinilos noon ng aking ama. Ni ayaw niyang pag usupan o marinig manlang ang mga bagay na may kaugnayan sa aking ina. Mismong ako na anak niya ay ayaw niyang makita.
Halos ilang buwan rin ang nagtagal noon bago siya bumalik sa dating gawi. Doon na nagsimula ang pagiging abala ng aking ama. Wala na itong oras sa akin magmula ng mawala si Mommy.
Nag iisang anak lang ako kayat wala akong napagsabihan ng kahit na ano. Kung tutuusin ay wala pa ang saloobin ko sa nararamdaman ni Daddy sa nagdaang taon.
Hindi ko ito masisisi kung abala ito sa pagiging Gobernador.
It's been a tough years for us.
Sigurado akong may mali sa bawat kilos niya dahil ganito rin ang gawi ni Daddy isang taon na ang nakalipas.
"Ija, handa na ang almusal sa kusina. Pinapatawag ka na ni Sir Vincent para sa agahan."
Mula sa siwang ng aking pintuan ay sumilip si Nanay Rosing habang nakasuot ng apron. Marahil ay kakatapos lang nitong magluto ng agahan at hindi na napansin pa na suot niya pa rin 'yon.
Suddenly I turned around and she was standing there, with a silver bracelet on her wrists and flowers in her hair. I look at the mirror infront of me and then I glanced back at her direction.
"Did I hear it right? Pinapatawag ako ni Papa for breakfast? Ang akala ko ay maaga siyang pumunta sa opisina for paperworks, Nay?" I asked while trying to find the right words to utter.
Mula sa puwesto nito kanina ay lumapit ito sa'kin at bahagyang hinaplos ang may kahabaan kong buhok na hanggang siko. Mas lalong nadepina ang maliit nitong kulot sa dulo nang suklayin niya ito gamit ang kaniyang daliri.
"Nandoon si Sir Vincent sa may kusina kasama ang Tito Euan mo. Sa palagay ko'y may mahalagang pag uusapan ang dalawa." she said nonchalantly before taking a step back.
"How come na bumisita si Tito? Sa pagkakaalam ko ay marami itong hinahawakan na kaso."
Nagkibit balikat lang ito at akma nang lalabas sa aking kwarto nang muli itong nagsalita.
"Sa palagay ko'y mas mahalaga ang pag uusapan nila ng ama mo kaysa sa hinahawakan niyang mga kaso." aniya pagkatapos ay nagsimulang maglakad palabas ng aking kwarto.
Mas mahalaga pa kaysa sa hinahawakan nitong kaso?
Sa pagkakaalam ko'y wala ng mas importante pa sa pagiging attorney niya. Katulad ni Daddy ay palagi rin itong abala sa buhay at sa abogasya.
May oras pa rin pala siya para sa amin ni Daddy.
Mula sa isipin na 'yon ay nakaramdam ako ng matinding kaba sa dibdib ko. May ideya na pumasok sa isip ko ngunit pinipilit ko itong iwaglit.
Tama ba ang kutob ko?
Hindi pupunta dito si Tito Euan kung hindi importante ang pag uusapan nila ni Papa.
Something is wrong.
I can feel it.
Pagkaraan ng ilang minutong pagkakatigil ay tumayo na 'ko at sumunod na kay Nanay Rosing. Huli ko ng namalayan na kanina pa pala itong nakalabas sa aking kwarto. Masyado ng sinakop ng napaka daming tanong ang isip ko kung kayat hindi ko na ito napagtuunan ng pansin.
Inayos ko ang pagkakalugay ng aking buhok. Dali-dali kong isinipit ang iilang takas na hibla ng buhok sa likod ng aking tainga. Pinasadahan ko ng daliri ang suot na sunny dress at saka nagdesisyon na sumunod dito.
...