webnovel

Ikadalawang Ritmo: A lull before the storm

The Rhythm of Us

Kabanata II

"Eucllide?"

Nabitin sa ere ang mga katanungan sa isip ko nang makita ang kababata na masayang nakikipag kwentuhan sa aking ama. Ang katabi nito ay si Tito Euan na maingat na humihigop sa isang tasa ng tsaa.

Panigurado na ang paboritong chamomile tea na naman nito ang iniinom niya.

Natigil sa pag uusap ang dalawa at saka bumaling ng tingin sa akin. Napunta ang atensyon ko kay Eucllide dahil sa nakakalokong ngiti ang ibinigay nito.

"Yeshia ija. How have you been?" bungad na tanong ni Tito Euan.

"Para namang hindi niyo ko nakita ng isang taon, tito."

Sinimangutan ko ito at saka napagpasyahan na maupo sa tabi ni Cllide. Base sa mga kilos nila, parang wala namang mahalagang pag uusapan ang mga 'to. Hindi rin nabanggit ni Nanay Rosing na kasama pala ang ungas na si Cllide.

Mabuti na lang at may nakahanda ng pinggan sa puwesto ko dahil wala ako sa huwisyo na kumuha pa sa kusina. Halos ilang buwan ko rin na hindi nakita ang mag ama kaya gusto ko sanang makiusyoso.

Kumuha lang ako ng bacon at pancake dahil hindi naman ako ganoon kalakas kumain kapag breakfast. Mabuti na lang din at may nakahanda ng kape para sa'kin. Kung ang iba siguro ay mas pipiliin ang fresh juice o kaya ay gatas, ako naman ay hilig ang kape sa umaga.

"Malimutan ko, ija. What's your plan for college? Nalaman ko dito kay Cllide na you're planning to pursue law?" nabaling ang atensyon nito sa'kin mula sa mga paper works na hawak niya.

I guess na dito niya dinala ang trabaho niya kasabay ng pakikipag usap niya kay Daddy.

Tumigil ako sa balak na pag subo at saka tiningnan si Cllide sa aking tabi, naka ngiting aso na. Mula sa ilalim ng lamesa ay sinipa ko ang binti niya. Kung kami lang ang nandito ay malamang na baka itong tinidor na ang naitusok ko sakan'ya.

Napaka daldal.

Pansin ko ang pag lingon sa'kin ng aking ama na sa palagay ko'y naninimbang. Ibinaba ko ang hawak na tinidor at saka ako ngumiti ng malamya kay tito.

"I haven't decided yet, tito. Naikwento pala sainyo ni Cllide," binigyan ko ng patagong irap si Cllide matapos niyon. "Ang alam ko nga ho ay siya ang may gusto no'n."

A wicked smile was plastered on my face. Hindi ako maaring sumunod sa yapak ni Tito Euan. Not gonna happen. Hindi pa ata ako handang mastress katulad niya.

Well, maybe Architecture ang nasa isip ko.

Ni wala sa choices ko ang law at iyon ang huli kong isasama kapag nagkataon.

"Hell no. I don't want to dissapoint you dad pero madadaan naman 'to sa magandang usapan, right?" he's a bit nervous I guess.

Nanginginig ang boses nito na kahit ano mang oras ay para bang pagsasakluban siya ng langit.

Magkasabay pa kaming napatawa ni Tito Euan dahil sa inasal ng sarili niyang anak.

"Ganoon mo na ba kinasusuklaman ang pag aabogado para manginig ka d'yan, Cllide? Your face is so priceless." muli akong nagpakawala ng malakas na halakhak pagkatapos niyon.

"Of course, son. Follow your dreams ika nga nila. Hindi kita pipigilan sa gusto mo."

Magsasalita na sana ulit si Cllide nang tumikhim ang aking ama. Kung hindi pa sana ito nagpahayag ng prisensya ay makakalimutan na namin na nandito siya.

"I want to discuss something with Euan. Excuse us." diretso ito sa kaniyang pag tayo at ni hindi manlang ako binati kahit ng magandang umaga.

I'm kind of used to it. Minsan lang din naman kami mag sabay sa hapag ng aking ama. Ngunit alam kong may kakaiba. His actions seems odd.

Bago pa man sumunod sa kaniya si Tito Euan ay pinigilan ko na ito.

"Is it something so important, Dad? Bakit hindi niyo kami isama ni Cllide, malay natin na mag bago ang isip nito tungkol sa abogasya." I suggested before I sipped my coffee.

Sa gilid ko ay si Cllide na ano mang oras ata ay sasabog. Alam kong gusto na nitong sumalungat sa sinabi ko ngunit agad ko itong pinanlisikan ng mata dahilan para manahimik ito. Ngayon, ang buong atensyon ko ay nasa dalawang nakatatanda na.

Trying to hide something from me?

Napatigil ang aking ama sa balak na pag hakbang. Ang kaninang tikom na bibig nito ay nalagyan ng kaunting guhit. Nangunot ang noo nito na mukang sinusubukan ata na basahin ng ekspresyon ng mukha ko. Masusi naman akong binigyan ng tingin ni Tito Euan na wari'y nagtataka.

"Ano ka ba naman, Melody! Nakalimutan mo na ba na may pupuntahan tayo ngayong araw?" hindi nakatakas sa aking pandinig ang nerbyos sa mga salitang pinakawalan niya. "You know, bar hopping?" dugtong nito na mukang hindi pa ata sigurado.

Bumusangot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. 'wag niyang subukan na sirain ang plano ko!

Kinuha ko ang tinidor at saka tinusok ang isang piraso ng bacon sa harapan niya. Ipinakita ko kung paano ko ito tinusok ng paulit-ulit hanggang sa magka gutay-gutay. Kita ko ang hirap nito sa pag lunok dahil kaming dalawa lang naman ang nagkakaintindihan sa ginawa ko.

Matakot ka! Kung tutuusin ay ikaw lang naman ang makikinabang sa bar na 'yan.

"Bar hopping sa katanghalian? Cllide, boang ka ba?" pinandilatan ko ito ng mata bago muling bumalik sa tahimik kong pagkain.

Inalis ni Daddy ang suot niyang salamin at saka bumaling sa'kin. "It's about Politics, ija. Do you still want to join us?"

Pagkatapos kong marinig ang sinabi niya ay umasim ang mukha ko. Mapakla akong ngumiti at saka nag punas ng labi.

"Well, hindi naman siguro masamang mag bar sa katirikan ng araw 'di ba? Don't worry, I'll keep myself busy." tumayo na 'ko ako at sinenyasan si Cllide na sumunod sa'kin.

Nang lagpasan namin si Tito Euan ay hindi na ito umimik at binigyan lamang ako ng isang naninigurong ngiti. Hindi ko ito sinuklian pabalik bagkus ay inismiran ko pa siya.

Alam ko namang sasabihin din naman niya sa'kin ang napag usapan nila ng aking ama. Kung tutuusin ay mas malapit pa ang loob ko kay Tito kahit hindi ko ito kadugo.

"Why don't you change your clothes, Melody? Don't tell me may balak kang mag suot lang ng ganyan sa Envy club? 'wag na tayong pumunta kung ganoon." nakapamaywang itong tumayo sa hamba ng hagdanan at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago umiling.

What's his problem with this? I'm comfortable with my sunny dress although this is short than the usual style.

Kung nanaisin ko ay kayang-kaya kong magsuot ng ganito doon, pero ngayong araw ay wala iyon sa agenda ko.

"Sino ang may sabi na sa Envy club ang punta natin? Don't worry, dadalhin kita sa mas exciting." I winked at him, trying to surpass a laughter.

Nagmadali akong umakyat sa hagdan at saka dumiretso sa aking kwarto. Nakita ko pa ang tulalang pagmumukha ni Cllide bago ko maisara ng tuluyan ang pintuan. Sa isipin pa lang na naiwan siya roon sa sala na hindi pa rin naintindihan ang sinabi ko ay gusto kong matawa.

Ang akala niya siguro'y papayag ako na magpakasaya siya ngayon. Lalo pa't ipinag bilin ito sa'kin ni Margaux. Hihintayin ko na lang na magkatapat silang dalawa.

Isang simangot galing sa kaniya ang agad na bumungad sa'kin pagbaba ko sa pinakahuling baitang ng hagdan. Sa palagay ko'y inip itong naghintay sa matagal kong pagbaba. Umasim ang mukha nito na para bang inabot ako ng ilang siglo sa pagpapalit ng damit.

"What's wrong with that face of yours? Kung may makakita sa'yo ay iisipin nilang inaapi kita." I rolled my eyes as if it is a way to control my snobbish attitude.

Kanina naman ay maayos pa ang itsura niya nang mabanggit ang bar tapos ngayon ay daig pa ang inagawan ng pagmamay-ari.

As usual, Eucllide and his remarkable 'nalugi' face. Kahit noong junior high pa lang kami ay ganyan ang pag iitsura niya kapag nabasted ng mga babae. Paano ba naman siya hindi mababasted, kulang nalang ata ay pati ang mga professor naming babae ay ligawan niya.

Kilala ko na siya hanggang sa kadulu-duluhan ng kuko niya. Hindi ko naman siya masisisi kung ganoon ang pananaw niya sa pakikipag relasyon. It's like a line that I won't cross no matter what.

Nag tiim bagang ito at saka ako binigyan ng nakakairitang irap. Nilagpasan ako nito at saka dumiretso palabas habang nilalaro sa mga daliri ang susi ng sasakyan.

How dare him used that expression again!

"Isa pang irap mo'y papapuntahin ko dito si Margaux." banta ko na handa nang gawin kung ano man ang sinabi ko.

Alam niyang hindi ko gusto ang ideya na may lalaking umiirap sa'kin. Sino ba naman ang hindi maiirita kung inirapan ka ng isang lalaking may makisig na pangangatawan. It's disgusting. Para akong masusuka sa iritasyon sa tuwing maaalala ko ang pag irap na ginawa ni Cllide.

He knows that Melody's rule, bawal umirap sa harapan ko. And no one is an exception for that rule. Hindi ko maatim na magkaroon ng lalaking kaibigan na mas maarte pa sa'kin.

"Inaapi mo naman talaga ako ah."

Iyon ang huling narinig ko galing sa kaniya pagkatapos ay dumiretso na siya sa driver's seat ng kaniyang sasakyan, ni hindi ako pinagbuksan ng pintuan. Wala talaga akong maasahan sa isang 'to!

Sumunod na ako sa kaniya at hinayaan kong nakalugay ang medyo maalon kong buhok. Humampas ang malamig na hangin sa aking balat dahilan kaya nag madali akong pumasok sa Hillux ni Cllide.

Halos nanuot sa aking katawan ang lamig dahil may kanipisan ang suot kong see through black floral dress. Hindi lumagpas ang haba nito sa aking tuhod kaya naman mas lalo kong naramdaman ang malakas na ihip ng hangin sa labas ng kotse.

Narinig ko pang may ibinubulong sa hangin si Cllide bago pinaandar ang makina ng sasakyan. Kumportable akong umupo sa passenger's seat bago itinuon ang pansin sa labas ng bintana.

Hindi alam ni Cllide kung saang lugar ko siya dadalhin. At wala rin sa isip ko ang sabihin sa kaniya kung ano ang plano at pakay ko. I'll let my curiosity slide this time.

Alam kong may mali.

Malakas ang kutob ko sa mga ganitong bagay. Madalas ay tama ang mga hinala ko sa huli.

"Sa parking lot ng Municipality mo itigil ang sasakyan." agaw ko sa pansin ni Cllide na seryosong nakatuon ang atensyon sa daan.

Bahagya kong nakagat ang pang ibabang labi ko dahil sa sobrang kaba sa mga posibleng mangyari. Mariin akong napapikit at maya't maya ang pag hinga ng malalim. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko.

Lumipat ang tingin sa'kin ni Cllide at pagkatapos ay muling ibinalik ang mga mata sa daan. Nangunot ang noo nito na para bang may malalim na iniisip.

"It's not what you think, hooker. Gusto ko lang makasigurado na walang inililihim sa'kin si Dad." pangunguna ko kahit hindi naman siya nag tanong.

Alam ko na sa ekspresyon pa lang ng mukha nito ay kinukwestyon niya na ang pag punta ko roon. As if naman na gagawa ako ng eskandalo doon na ikakasira ng pangalan ng aking ama. I'm the Governor's daughter, and I have my own principles and rules.

Alam kong sasabihin niyang defensive ako kaya agad ko siyang pinag taasan ng isang kilay. Ngunit nagdaan ang ilang segundo na walang salita ang lumabas sa bibig niya.

Nagpatuloy siya sa pagmamaneho at hindi na pinansin ang mga sinabi ko. Itinuon ko nalang ang aking atensyon sa mga nagtataasang mga puno na nadadaanan namin.

Malapit lang ito mula sa mansion namin kaya hindi kami aabutin ng ilang minuto.

Mabuti nalang.

Ilang liko ang ginawa niya bago ko natanaw ang nakasentrong rebulto na agaw pansin sa unahan ng City Hall. Tahimik kung pagmamasdan ang labas nito pero nasa loob ang mga abalang empleyado at mga kinikilalang mayor at congressman.

Dumiretso ang sasakyan namin sa parking area at hindi alintana ang katirikan ng sikat ng araw. Kung wala lang akong sadya dito ay hindi ko babalakin na pumunta dahil hindi pa rin nauupos ang isyu na kinasangkutan ng aking ama.

"Dito ka muna, hintayin mo kong matapos." hindi ko iyon sinabi sa kaniya kung hindi ay isa 'yong utos.

Kapag isinama ko siya sa loob ay paniguradong hindi siya matatapos sa kakatanong sa'kin. Sayang ang oras at laway.

Bago ko pa man mabuksan ang pinto ng sasakyan ay agad na iyong inilock ni Cllide. Padarag akong lumingon sa kaniya, nagtitimpi ng inis. Tinaasan ako nito ng isang kilay at saka inirapan.

Mali talagang isinama ko ang isang 'to dito!

Panira ng diskarte!

"What the heck, Eucllideon!" hindi ko naiwasang nabuo ang sarili niyang pangalan.

Nananantya ang mga tingin niya at siguro'y sinusubukang alamin ang takbo ng isip ko.

"Alam ko kung ano'ng tumatakbo d'yan sa isip mo," he seems bothered with my actions. "Kung ako sayo'y maghahanda nalang ako para sa kasal nina Tito Callum at Tita Aereal."

Napamaang ako dahil sa huli niyang sinabi. Ni hindi ko alam kung saan niya napulot ang rason na 'yon para lang pagbawalan akong pumunta dito.

"Bakit naman ako maghahanda? Ako ba ang ikakasal, huh? At saka ilang araw pa naman bago ang kasal, so don't worry, I know I'm pretty," inismidan ko siya at bahagyang itinaboy sa kaniya ang nakalugay kong buhok. "Kung ako sayo'y buksan mo na itong pinto at hindi ka papasang paepal ng taon."

Nakita ko ang pag kunot ng noo niya at pagkaraan ng ilang segundo ay kinalas ang sariling seatbelt niya.

After what I said, I heared the sound of a click. Binuksan niya na ang pinto, hindi ko alam kung dahil sa inis o kung pinapayagan niya na 'ko.

"Sasama ako."

Hindi niya na hinintay pa ang pagsang-ayon ko at nanguna na sa paglabas ng sasakyan. Ilang segundo akong napatigil bago natauhan nang kinatok niya na ang pinto sa gilid ko.

Padarag kong binuksan ang pinto at nagpapapadyak na naglakad palayo sa kaniya. Kung kanina'y gusto kong lumabas ng sasakyan, ngayon ay mas nanaisin ko pang magkulong doon kaysa ang sumama ang isang 'to.

Kairita!

May iilang napapatingin sa direksyon namin habang papasok kami sa may lobby ng City Hall. Nagpatiuna na si Cllide at dumiretso na sa front desk.

"M-miss Melody kayo po pala! Kung si Sir V-vincent po ang sadya niyo... wala ho siya sa o-office niya ngayon." bati nito matapos akong makita kasunod ni Cllide.

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang panginginig sa boses ng babaeng nasa front desk.

Hindi ko napigilan na mapahalakhak dahil sa inasta ng babae kaya naman mas lalo pa kaming pinagtinginan ng mga empleyado na nasa lobby o kahit ang mga napapadaan lang.

Natigil lang ako sa pagtawa ng sikuhin ako sa tagiliran ni Cllide. I'm making the girl uncomfortable because of my sudden laugh.

It was out of the blue. Sino nga ba naman ang hindi magtataka at manginginig kung tumatawa ang anak ng Gobernador ng walang dahilan.

"Did I scare you? Oh, dear I'm sorry," I giggled after that. "Hindi si Daddy ang sadya ko dito and please just call me Yeshia. You're too formal aren't you?" and then I laughed again.

Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko dahil sa isiping hindi lang pala sila takot sa'king ama kung hindi pati rin sa'kin. Nakakatakot ba talaga ang paninitig ko? O ang presensya ko?

"Yeshia!" narinig ko ang pagsaway sa'kin ni Cllide dahil sa inaasta ko. But I can't just stop laughing!

"What's wrong, Cllide? Nakakatawa lang dahil hindi naman ako katulad ni Dad na strikto," bumaling ako sa babae na nasa front desk. She looks constipated. Hindi na matigil ang panginginig ng mga kamay niya. "Nasaan nga pala ang sekretarya ni Daddy?" pag iiba ko ng usapan dahil sa mismong sadya ko.

Lumingon-lingon sa kung saan ang babae at saka bumaling sa'kin.

"N-nasa katabing opisina po ata ng Daddy niyo, Miss Y-yeshia." pilit itong ngumiti sa'kin. Hindi maitago ang kaba sa mukha.

Nginitian ko ito ng pagkatamis-tamis at saka nagpasalamat. Babaling na sana ako papunta sa itinuro niya pero agad din akong tumigil sa balak na pag hakbang.

"Kakausapin ko si Daddy na hanapan ka ng kapalit," nakita ko ang paglaki ng mga mata niya dahil sa sinabi ko. "I mean not to fire you. Ihahanap kita ng kasama dito sa front desk, you know, ang hassle ng trabaho kapag ikaw lang ang mag aasikaso dito." I flash a genuine smile.

Nasanay na ako sa iilang mga tingin ng mga empleyado dito sa City Hall. Ang iba sa kanila ay malalapit sa'kin at nakakabiruan ko pa. Ilang buwan ko nang napansin na mag isa lang iyong nasa front desk na babae dahil ang kasama nito'y sinesante ni Dad ilang buwan na ang nakalipas. Hindi pa ata nakakahanap ng kapalit o walang balak na humanap pa.

I want to be considerate dahil ang ilan sa mga empleyado rito ay naging kaibigan ko na. Ilang taon ang tanda nila sa'kin pero mabilis kong makasundo. Ewan ko ba, mas malapit ako sa medyo mas matanda sa'kin ng ilang taon.

"Naku! Maraming salamat po Miss Yeshia!" narinig ko ang galak sa boses nito matapos magpakita ng isang malaking ngiti.

Well, she deserve a rest.

Everyone deserves it.

Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad papunta sa elevator.

"I'll wait here."

Napalingon ako kay Cllide nang magsalita ito. Muntik ko ng makalimutan na nakasunod pa rin pala ito sa'kin.

Inismiran ko siya at saka umirap. "Don't tell me na natakot ka sa pagtawa ko kanina? Hell no, hindi naman ako mukhang mangkukulam." ipinagkrus ko ang aking kamay sa dibdib at saka siya sinimangutan.

He chuckled a bit. "I'll just wait you here. Ayusin mo ang dapat mong ayusin."

Hindi niya na ulit hinintay pa ang sagot ko at naglakad na papunta sa lobby.

Nakaramdam ako ng matinding kaba imbis na guminhawa ang pakiramdam ko dahil hindi na siya mangingialam sa'kin. Mag isa na lamang akong dumiretso sa elevator.

Hindi matigil sa pamamawis ang mga palad ko dahil sa isiping baka mahuli ako ng kung sino.

Dapat ko bang ipag pabukas na lang 'to?

Ilang minuto pa ang lumipas nang tumunog ang elevator kayat nawala ang mga gumugulo sa isip ko. Dumiretso ako sa opisina ng sekretarya ng aking ama na nasa fifth floor lang malapit sa mismong opisina na talagang sadya ko.

Tatlong mahihinang katok ang ginawa ko bago pumasok sa opisina nito.

Ilang beses na akong nakapasok sa opisina niya kayat hindi na bago sa'kin ang paligid. Modernong disenyo at mamahaling mga muwebles at mga furnitures. May isang mahabang sofa sa corner at malaking cabinet na may iba't ibang nakadisplay na larawan. White, black, and brown ang tema ng opisina nito at masyadong malinis ang paligid. Isang upuan naman ang nasa harap ng desk nito at doon ako naupo.

"Anong sadya mo?" agaran na tanong nito pagkaupo ko pa lang sa malambot na upuan.

Kagaya ni Cllide, panira rin ng postura ang isang 'to.

"Sa tono ng pananalita mo'y para bang may hinanakit ka sa'kin ah. Hindi naman ako pumunta dito dahil may kailangan ako sa'yo, I just want you to do me a favor."

Humalakhak ito na nagpairita sa'kin. Sinimangutan ko siya at itinuon ang siko sa magarang lamesa nito.

"May ipinag kaiba ba 'yon?"

Pinanlisikan ko ng mata ang lalaking sekretarya na iilang taon lang ang agwat ng edad sa'kin. Hindi nakatuon ang buong atensyon nito sa pinga uusapan namin at mukang pilit na inaabala ang sarili sa pagpindot sa kaniyang laptop.

"Mag kaiba 'no! Magkaiba ang may kailangan sa nanghihingi ng pabor! If I need something from you, I'll force you at hindi na hihingiin pa ang abiso mo." lantaran kong singhal sa lalaki at halos maputol na ata ang litid sa lalamunan ko dahil sa pag sigaw.

Isa, dalawa, tatlo...hindi ko mabilang kung ilang segundo siya tumawa matapos ko siyang sigawan ng ganoon. Kasing laki lang ata ng munggo ang utak ng isang 'to! Kainis.

"Galit ka na niyan?" tumawa ulit ito matapos itanong kahit obvious naman ang sagot sa mukha ko.

"Sa tingin mo'y mukha ba 'kong masaya sa lagay na 'to?! Are you nuts, Rheysan?!" hindi ko mapigilang angil sa kaniya bago pinag hahagis ang makita kong gamit sa ibabaw ng lamesa niya.

He seems so amuse with my actions. Manghang-mangha at nakikita akong namumula na sa galit at inis. Kulang na lang ata ay bumuga ako ng apoy sa harapan niya at kainin siya ng buhay.

"Woah. Kung palagi kang ganyan kapag galit ka ay baka maubos na ang mga matinong gamit dito sa opisina ko."

Doon ako napatigil sa pag bato ng mga gamit niya. Sinamaan ko siya ng tingin at umupo na ulit na parang walang nangyaring pagtatalo.

"Andami mong satsat. Sabihin mo kung papayag ka ba o hindi. Tss." , napairap ako at hindi na siya muling tiningnan. "Sumunod ka sa'kin. Bilisan mo."

Lumabas ako sa opisina niya at hindi ko na tiningnan kung sumunod ba siya sa'kin. Naglakad ako papunta sa opisina ng aking ama at inilabas ang duplicate key na itinago ko.

"Trying to steal something huh?"

Mula sa likod ko ay kitang-kita ko ang namumuong ngisi sa labi ni Rye. Mapaglaro ako nitong pinagmasdan habang ipinapasok ko ang susi.

"I'm too pretty to steal something, fool."

Nang sa wakas ay bumukas na ang pintuan ay agad akong dumiretso sa loob. Walang pag aalinlangan akong dumiretso sa desk sa opisina ng aking ama.

"Doon ka sa labas ng pinto. Sabihin mo sa'kin kapag may paparating na kahina-hinala." taboy ko sa kaniya bago itinuon ang pansin sa laptop na nakaligtaan pa atang patayin.

"Dapat na ba akong sumigaw dahil mas mukha kang kahina-hinala?" the jerk chuckled again.

Ibinato ko sa kaniya ang isang lapis na agad naman niyang nasalo. Kung hindi pa ito titigil sa kakatawa ay bago itong laptop na ang maibato ko sa kaniya.

Hindi ko na siya muling pinansin nang naglakad na ito palabas para ata sundin ang utos kong maghintay na lang. Pagkatapos niyon ay natuon ko ang aking atensyon sa naka bukas na laptop.

"Amadeus downfall"

Isang article ang bumungad sa'kin. Hindi ko masyadong nabasa ang nilalaman dahil ang kalahati nito ay nakalock na. Lumipat ako sa pagbubukas ng mga drawer at naghanap ng mga rason base sa mga ikinikilos ng aking ama.

Wala akong nakita na kahit isa manlang at puro mga papeles pang opisina at ang iba ay mga papeles na naglalaman ng mga pangalan ng ospital dito sa Quezon.

Teka...

Ospital?

Ang alam ko'y may private doctor kami kaya bakit pa siya mag hahanap ng ibang ospital?

Did he...

"Yeshia!"

Isang malakas na boses ang nagpatigalgal sa'kin dahilan para mabitawan ang mga papeles na hawak ko. Halos mapuno ng kaba ang buong sistema ko nang marinig ang pag sigaw nito.

"What are you doing here?!" may diin at halos pagalit na tanong ni Tito Euan na nakatayo malapit sa couch.

Ni hindi ko manlang narinig o naramdaman ang pagdating nito sa opisina ng aking ama.

Pinandilatan ko ng mga mata ang lalaking sekretarya na may malapad na ngiti. Nasa may hamba ito ng pintuan at nakikisagap pa ata ng chismis. Inirapan ko muna ito bago bumaling kay Tito Euan.

Ang lintek na Rheysan, hindi manlang sumigaw!

"T-tito Euan kayo po pala. Namasyal lang po kami ni Cllide." sambit ko na may lambing at saka malapad siyang nginitian.

Napasapo na lang ako sa noo dahil sa naisagot. Pakiramdam ko'y para akong batang nahuli na naglalakwatsa imbis na nag aaral.

"Namasyal? Mukha na bang theme park o mall itong opisina ng ama mo?" , tumawa ito at napailing pagkatapos ay naging seryosong muli ang mukha. "Mag impake ka na ng gamit mo. You need to leave as soon as possible."

Nangunot ang noo ko at pagkatapos ay dali-daling pinulot ang mga nagkalat na papel sa sahig. Dumapo ang tingin ko sa plane ticket na hawak ni Tito Euan sa kaniyang kaliwang kamay. Inangat ko ang tingin ko sa plane ticket papunta sa serysong mukha ni Tito Euan. Walang bahid ng pagbibiro.

Ginapangan ako ng kaba nang ilahad niya sa harapan ko ang mismong plane ticket na hawak niya. A plane ticket to Romblon.

"You're not safe here. Hanggat hindi pa siya nakikita, hindi ka magiging ligtas dito sa Maynila."

***