VION
"Ngayon na nakapili na kayo ng nga weapon niyo ay bibigyan niyo ito ng pangalan. Ang pagpangalan sa sacred weapon ay kahulugan lang na ikaw ang may-ari at ikaw lang ang susundin nito. Wag niyong hahayaang magamit o mahawakan ito ng ibang slayers. We, slayers are capable to name a weapon kahit na may nagmamay-ari na rito. So be careful." Pagpapaliwanag ni Sir Mounzeur. Isa-isa namang may inabot samin na maliit na notebook.
"Dyan sa notebook na yan kayo kukuha ng ipapangalan. The japanese name for weapon is buki. At japanese names ang gagamitin niyo para sa pagpangalan ng mga buki niyo."
Binuklat ko naman yung notebook tumambad sakin ang napakaraming japanese names with its meaning. Nagbuklat ako sa napako ang tingin ko sa isang japanese name. Akuma. Ang meaning naman nun ay demon/evil. Cool. Perfect for my katana.
"Have you chosen the names for your bukis?" Tanong ni Ms. Safarah. Tumango naman kaming lahat.
"May chant kayong sasabihin sa pagpangalan ng buki niyo. That chanting will serves as your bonds with your weapon. Hindi lang iyan. May chant pa kapag may papatayin kayong phantom." Paliwanag ni Hiruu samin. Nagugulahan naman kaming lima na nagtinginan. Napatingin ako kay Lonndin at maging siya ay ganon din.
"Ready your weapons and their names. We'll start chanting one by one."
Pumorma kami ng bilog. Katabi ko si Inari sa kanan habang si Thorald naman sa kaliwa. Hindi ako sanay na katabi si Thorald. Hindi ko pa rin makalimutan kung pano niya kwestyunin ang pagpasok ko rito sa academy.
"Mr. Matsumoto, you go first. Step into the circle and repeat after me." Sinunod naman ito ni Thorald.
"You with no owner to go, I grant you a place to belong. My name is Thorald, bearing a posthunous name, you shall remain here. With this name and my blood, I make you my own. With this name and blood, I use my life to make a buki. I name you, Ryuu, for thee you are my weapon that will serve me and help me expell thy phantoms corrupting good in one's heart." Matapos nilang sabihin iyon ay biglang lumiwanag ang bilog at biglang lumutang si Thorald kasana ng spear niya. Nakapikit si Thorald na tila ba natutulog. May kung anong liwanag ang bumalot sa kanya at gumagalaw-galaw ito
"Ang weird naman ng ginagawa natin. Para tayong nasa kulto." Bulong sakin ni Inari. Tiningnan ko lang siya.
Biglang namang nawala yung liwanag sa bilog at nakatayo na ng maayos si Thorald. Napansin ko namang nawala yung spear niya. Saan napunta iyon?
"Next, Mr. Buencamino." Serysong tawag sakin ni Sir Mounzeur. Tumayo naman ako sa tinayuan ni Thorald habang bitbit ang katana ko.
"Repeat after me." Tumango naman ako.
"You with no owner to go, I grant you a place to belong. My name is Vion, bearing a posthunous name, you shall remain here. With this name and my blood, I make you my own. With this name and blood, I use my life to make a buki. I name you, Akuma for thee you are my weapon that will serve me and help me expell thy phantoms corrupting good in one's heart." Matapos naming sabihin iyon ay bigla akong napapikit sa hindi malamang dahilan.
Naramdaman kong bigla akong lumutang katulad kay Thorald. Habang nakalutang ay may kung anong masakit sa braso ko. Para itong hinihiwa't inuukitan. Masakit at mahapdi. Napakagat pa ako sa dila ko para kahit papaano'y mabawasan yung nararamdaman ko. Maya-maya ay nakita ko na lang ang sarili na nakatayo. Wala na yung katana ko kaya napatingin ako sa braso ko ng maalala yung paghiwa ngunit wala akong makitang sugat bagkus ay isang marka ang nakita ko.
"Next! Mr. Valderama!" Napukaw naman ang atensyon ko ng tinapik ako ni Lonndin kaya napaalis ako sa kinatatayuan ko.
Katulad kanina ay pinatayo rin siya sa bilog at saka nagchat. Hindi ko na ito tiningnan dahil abala ako sa markang nasa palapulsuhan ko.
"You with no owner to go, I grant you a place to belong. My name is Lonndin, bearing a posthunous name, you shall remain here. With this name and my blood, I make you my own. With this name and blood, I use my life to make a buki. I name you, Torao for thee you are my weapon that will serve me and help me expell thy phantoms corrupting good in one's heart." Rinig kong chant nila.
"You're done now, Mr. Valderama. You're up, Ms. Salazar. Wag kang aarte-arte riyan." Napatingin naman ako sa gawi ni Areti at nandidiri itong nakatingin kay Lonndin habang papalapit sa gawi namin. Ano bang nangyari? Masyado akong abala sa sarili.
"I'm not maarte, Sir. It's just that there's something on Lonndin's chest." Wika ni Areti habang naglalakad patungo sa circle.
"Anong nangyari?" Pabulong kong tanong kay Inari. Hindi sa nakikiusisa ako kundi dahil gusto kong malaman kung bakit ang itim ng aura ni Sir Mounzeur.
"You with no owner to go, I grant you a place to belong. My name is Areti, bearing a posthunous name, you shall remain here. With this name and my blood, I make you my own. With this name and blood, I use my life to make a buki. I name you, Mika for thee you are my weapon that will serve me and help me expell thy phantoms corrupting good in one's heart."
"Nag-iinarte kasi si Areti. Nakita niya kasi kung paano nalagyan ng parang marka si Lonndin dahil nasa may gawi niya nangyari iyon. Narinig ni Sir Mounzeur iyong pag-iinarte niya kaya sinita siya." Wika niya.
"Ouch! What is this?! Ouch!" Sabay kaming napalingon ni Inari sa circle kung nasaan si Areti na nakalutang at panay galaw.
"Stay still, Areti. Matatapos na rin yan." Utos ni Sir Mounzeur at maya-maya pa'y natapos na siya.
Matapos nun ay tinawag na si Inari. Katulad samin ay lumiwanag ulit yung bilog. Nagchant naman sila. Wala akong narinig na ingay habang may bumabalot na liwanag sa kanya. Maya-maya pa'y natapos na ang buong seremonyas. Biglang nawala yung bilog na nasa gitna namin at nakaramdam ako ng sakit.
"Cut it out! Masakit!" Sigaw ni Thorald na sinabayan pa ni Areti. Lahat kami nakaramdam ng panghihina at pananakit. Saan ba yon nanggagaling?
"Kumalma muna kayo. It won't lessen the pain you're feeling kung magsisipaggalaw kayo." Pagpapahinahom ni Ms. Safarah samin. Dahik sa sakit ay napaupo ako sa sahig. Hawak ko ang braso ko na pinagmumulan ng hapding nararamdaman ko.
"Ano po bang nangyayari? Ahh!" Tanong ni Inari.
"May mga marka kayo sa balat niyo. Ang mga markang iyan ay marka ng mga weapons niyo. Everytime na magsusummon kayo ng weapon niyo ay sa mismong marka na iyan ito lalabas. As for the pain, iyan ay dahil sa dugong hinahalo sa weapon sa loob niyo. Mawawala rin iyan maya-maya." Pagpapaliwanag ni Hiruu. Halos lahat kami ay nakahiga na sa sahig habang iniinda ang sakit. Ganito ba kahirap maging slayer?
"Hindi pa kayo pwedeng magpahinga. Get up! May mga gagawin pa kayo!" Agad kaming napatayo dahil sa sigaw na iyon ni Sir Mounzeur. Kahit may masakit pa sa katawan namin ay tumayo kami ng tuwid.
"Slaying a phantom have a chant. Kapag handa niyo na itong patayin ay may chant kayong sasabihin para tuluyan na itong mawala. But, that's not the case here. Tuturuan namin kayong magsummon ng sarili niyong weapon hanggang sa masanay kayo." Wika niya. Lumapit naman si Ms. Safarah samin.
"As what Hiruu said, ang mga marka niyo ang magsisilbing labasan ng weapon niyo. Kay Thorald. Ang marka para sa weapon niya ay nasa batok. While Areti ay nasa likod. Lonndin's on his chest, Inari's on her hand. And Vion, on his arm. Don't panic Areti, hindi ka mamamatay dahil sa weapon mo." Aniya. Napatingin ako sa markang nasa braso ko.
"By summoning your buki, you have to say your buki's name and kuru." Wika ni Hiruu.
"Let me show you." Itinaas naman ni Hiruu ang sleeves ng kanyang polo at tumambad samin ang mark niya na nasa braso rin. "Richa! Kuru!" Sigaw niya at biglang lumiwanag ang mark niya. Mula roon ay lumabas ang isang whip na kulay maroon.
"Try it." Dagdag niya.
Sinubukan naman namin ito ngunit walang nangyari. Mahapdi pa rin yung mark ko. After ng ilang ulit ay nasummon na namin bawat isa ang mga weapon namin. May bigla namang lumutaw na phantom sa gitna.
"In killing a phantom, you have a chant to say. Kapag handa mo na itong patayin ay sasabihin mo lang,
This is the land of peace and harmony. Your desecration shall not be allowed. I am Hiruu, a 1st grade slayer, I now lay thee waste with the buki and expel thy vast defilement!" Pagkasabi niya nun ni Hiruu ay hinampas niya ang whip sa phantom saka ito nawala.
"Richa! Kaesu!" Dagdag niya saka nawala yung whip. Nawala na rin yung liwanag sa marka niya. Sinubukan ulit naming magsummon ng weapon hanggang sa masanay kami. Ilang ulit naming ginawa iyon hanggang sa patigilin kami.