webnovel

The Phantom Slayers: The Destined Teens

missingnotion · Fantasy
Not enough ratings
14 Chs

11: Sacred Weapon

VION

"Vion? Gising na. May klase ka pa." Pag-gising sakin ni Hiruu. Nakatalukbong pa rin ako ng kumot. Gising na ako kanina pa. Tinatamad lang akong bumangon sa hindi malamang dahilan. Napagpasyahan ko namang bumangon at nakita kong nakabihis na si Hiruu. Ang aga niya talagang gumising kahit kelan.

"Suotin mo yung PT uniform mo. Nilagay ko sa study table mo." Aniya. Napatingin naman ako sa study table ko at may kulay dilaw na damit at jogging pants doon.

Umupo lang ako ng ilang minuto bago ko napagpasyahang maligo. Matapos maligo ay sinuot ko na yung PT uniform saka kumuha ulit ng isang t-shirt na pamalit dahil yung ang bilin samin ni Hiruu. Mukhang may gagawin kaming makakapagpapawis samin ngayong araw. Pagkatapos kong mag-ayos ay tiningnan ko si Hiruu. Pumipili siya ng salamin sa drawer niya. Tama kayo ng nabasa. May drawer siya na laman ay mga salamin niyang minamahal. Hindi ko alam kung bakit andami niyang salamin eh pare-pareho lang naman ang itsura.

"Tapos ka na pala. Tara na nang makakain na tayo." Yaya niya saka sinuot yung coat na maroon. Pinasok niya naman sa dala niyang bag yung coat niyang gold.

Pagkalabas namin ay saktong kakalabas lang nung Zask. Binati niya si Hiruu habang masama naman ang tingin na iginawad niya sakin. Ano kayang problema nun? Sa tuwing nakikita o nakakasalubong ko siya ay ganon ang inaasta niya.

"Hindi tayo pupunta sa room niyo kaya sumabay ka na sakin. Iba ang pupuntahan natin." Pagsasalita niya. Tumango naman ako. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa cafeteria. Tahimik akong nagmamasid sa paligid habang nag-o-order si Hiruu. Ngayon lang ako nakasama sa kanya sa pag-order. Sa paglilibot ng tingin ay may namataan ako sa hindi kalayuan. Yung babaeng nagbigay sakin ng box.

"Tulungan mo na ako. Naghihintay na satin sina Harley." Napatingin naman ako kay Hiruu. Dala na niya yung tray ng pagkain. Tinulungan ko naman siya.

Nang mahanap na namin kung nasan sina Harley ay agad na kaming nagsimulang kumain. Tahimik kaming apat habang kumakain. That's new. Himala ata na hindi madaldal ngayon si Ayumi. Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na rin kami. Nagpaalam naman kaming magkapatid na mauuna na sa dalawa. Tinguan lamang nila kami.

Iba ang daan na tinahak namin ni Hiruu. Papunta kami sa may building ng mga first year. Maya-maya pa'y tumigil sa isang building na sobrang laki. Ito yung building na itinuro sakin ng principal nung naglibot kami.

"Aita." Wika ni Hiruu gamit ang ibang lengguahe at bigla namang bumukas yung pinto. Nihonggo ba yun?

Pagkapasok ay bumungad samin ang napakalaking space ng room building. Para itong malaking warehouse. Malinis ang paligid. May iilang upuan. Nakarinig naman ako ng ilang ingay kaya napalingon ako sa pinanggingan nito. Naroon na sina Inari. Nakasuot din sila ng katulad sa suot ko.  Lumapit kami sa kinaroroonan nila at doon ko lang napansin ang napakahabang mesa na may mga weapons. Anong gagawin namin doon?

"Good morning sa inyo." Bati ni Hiruu.

"Good morning Sir!" Bati rin nila.

"Mukhang wala pa yung ibang teachers." Ani Hiruu habang nililibot ng tingin ang paligid.

"Sino may sabing wala pa kami, dear Hiruu?" Napatingin naman kami sa nagsalita. Si Ms. Safarah. Nakasuot ito ng ng katulad samin. Estudyante ba siya?

"Hello there dear Vion! Hindi ako estudyante! I really like your PT uniforms kaya kumuha ako sa office ni Principal Takano." Nakangiti niyang sabi. Pano niya nalaman na ganon ang iniisip ko?

"Students lumapit kayo rito!" Utos ni Sir Mounzeur. Agad naman kaming napalapit sa kanya.

Ngayon, kaharap na namin ang mesa na may mga weapon.

"These are the sacred weapons. Isa sa mga ito ang gagamitin niyo para sa pag-expell ng phantom. It is sacred dahil may holy water ito para madaling mapatay ang phantom." Pagpapaliwanag ni Ms. Safarah. Nakatingin lang ako sa mesa. May mga blades, iba't ibang klase ng knives, axes, may bow and arrow din, may mga baril, spears, swords at may iba't ibang klase ng katana.

"Choosing your weapon is not easy. Your weapon will be your other half. Kapag nagkaroon ng sira ang weapon mo, magkakaroon ka ng sakit. Much worst ay kapag nagkaroon ka ng blight pati weapon mo apektado. Madodoble ang sakit na mararamdaman mo." Paliwanag naman ni Hiruu. Tahimik pang kaming nakikinig habang nagpapaliwanag silang tatlo hanggang sa may narinig kaming pagbukas ng pinto.

"HELLO EVERYBODY! ANG SERYOSO NAMAN NG MGA TAO DITO!" Sigaw nito. Hindi na ako magtataka kung sino yun dahil sa sigaw pa lang kilala ko na. Walang iba kundi ang principal. Napasampal naman ako sa noo ko.

"ANONG GINAGAWA MO DITO SPENCER?!!" Lahat kami nagulat dahil sa sigaw na iyon ni Ms. Safarah. Tumawa lang si Mr. Takano dahil doon.

"I JUST NEED SOME FRESH AIR SAFI! DINALA AKO NG MGA MAGAGANDA KONG PAA RITO EH. HI KIDDOS!" Aniya sabay bati samin. Nakanganga naman yung mga kasama ko habang seryoso lang si Sir Mounzeur at Hiruu.

THORALD

Seryoso ba tong nakikita ko? Andito yung principal ng academy? Pero bakit ganon? I'm expecting him to be cold and serious pero iba nag nakikita ko. Sabi ng iba na nakakita na sa kanya ay strikto siyang tao pero bakit parang limang taong gulang ito kung umasta ngayon? At nakasuot pa siya ng pink! Mula sa coat niya hanggang sa sapatos niya puro pink. Bakla ba siya?

"Spencer, kung gusto mong tumingin sa mga bata then wag kang makigulo. Oras ito ng klase nila." Ani Sir Mounzeur sa malamig na tono. Kahit na lalaki ako ay hindi ko maiwasang hindi manginig sa kaba dahil sa boses na iyon.

"Thor , I think you make pansin-pansin that our principal here is like isip-bata." Bulong ni Areti na katabi ko. Minsan naririndi ako sa babaeng to lalo na sa pananalita niya. Mas maayos pang kausapin si Lonndin kaysa rito sa babaeng to.

"Wag ka na lang maingay, Areti. Naririndi ako eh." Wika ko rito. Inirapan niya lang ako.

"You're all going to choose what weapon will use on expelling a phantom. Choose wisely." Napatingin naman ako sa mesa na nasa harap namin ngunit isa lang ang nakaagaw ng pansin ko. Isa itong spear na ang haba ay halos isang metro. Kulay bronze ang hawakan nito at sa may bangdang ulo ay may dalawang gold rings. Matulis ang patalim nito.

Sanay akong gumamit ng spear dahil noong bata pa ako ay lagi na akong tinetrain ng tatay ko. Isang slayer si papa habang si mama naman ay normal na asawa lang.

"Mauna ka ng pumili, Mr. Matsumoto." Napabalik naman ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Sir Hiruu kaya lumapit ako sa kinaroroonan ng spear saka ito kinuha. Mabigat ito ng bitbitin ko.

"Great choice! A spear just like your father!" Rinig kong sigaw ng principal. Napangiti naman ako habang hawak-hawak ang spear.

VION

Matapos pumili ni Thorald ay tinawag na si Areti at kinuha niya ang bow and arrow. Nagkumento naman ang principal dahil doon. Bakit parang ang dali para sa kanila na pumili ng weapon? Hindi pa ako makapili ng gagamitin ko dahil never pa akong humawak ng mga ganyan pero sila parang sanay na sanay na.

"Mr. Valderama." Lumapit si Lonndin sa mesa at kinuha niya ang dalawang glock pistol gun. Woah! Hindi ko alam na marunong siyang humawak ng baril. Nagulat na lang ako ng itutok niya sakin ang baril.

"Mr. Valderama, violence is probihited here." Seryosong sabi ng principal. Nagulat naman si Lonndin kaya ibinaba niya ang baril na hawak. Napahinga naman ako ng maluwag.

"Ms. Delejas? It's your turn."

Kita kong nahihirapan si Inari sa pagpili ng weapon na gagamitin niya. Hindi siya mapakali lalo na ang kamay niya.

"Choose what your heart tells you to choose." Wika ni Ms. Safarah. Tumango-tango naman si Inari at saka kinuha ang isang viking axe. Kulay gold ang blade nito habang ang hawakan ay pinaghalong maroon at gold.

"Oohh! Such a nice weapon for an angel like you!" Kumento ng principal. Ako na ang susunod.

"Mr. Buencamino." Napabuga naman ako sa hangin habang nagtititingin sa mga weapon. Hindi ko alam kung ano ang kukunin ko. Wala akong experience sa mga paggamit ng mga iyon. Buong buhay ko wala akong nahawakang kahit na anong matulis maliban sa tindor.

"Are you having a hard time choosing your weapon?" Napatingin naman ako sa principal ng magtanong siya. Hindi ko alam kung napapansin ito ng iba ngunit seryoso ang mukha niya. Naalala ko tuloy yung araw ng maihatid niya ako sa dorm. Pareho ang tono ng pananalita nito. Bumalik ang tingin ko sa mesa't may napansin akong kumislap. Kinuha ko ito at tila gumaan ang pakiramdam ko.

"A katana! I'm so proud of you, dear Vion!" Masiglang sabi ni Ms. Safarah habang yakap-yakap ako. O-kay. What had just happened? Pumili lang ako ng weapon pero kung umasta siya parang nanalo ako sa lotto.

"The most sacred weapon. Great choice Mr. Buencamino." Seryosong sabi ni Sir Mounzeur ngunit may bakas ng ngiti sa labi niya. I guess this is my weapon now.