webnovel

The Heiress (MayWard)

of love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avoid opportunists who are after his wealth

walakabampira · RPS同人
分數不夠
67 Chs

Chapter LX

Binuhat ni Edward si Maymay at dinala ito sa kwarto ng dalaga.

Sumunod si Shar sa kanila dahil doktor ito.

Habang ang mga tao ay sinabihan nila Atty Ric na magpatuloy sa kasiyahan.

Pagkalapag sa kama ay nilapitan ni Shar si Maymay.

Chineck nya ang pulso ng dalaga.

Napakunot ang noo nya.

"Edward, please ask Don to get my bag in the car! I need to double check something!" baling nya sa binata na halatang alalang-alala.

When Edward didn't move, she snapped her fingers.

"Edward!"

"Oh okay!"

Dali-daling lumabas ng kwarto si Edward para hanapin si Donato.

"Dodong...." ungol ni Maymay.

Kinapa naman ni Shar ang noo ng dalaga.

Namumutla ito at pinagpapawisan ng butil-butil.

Kumuha ng face towel si Shar at binasa ito para ipunas sa kaibigan.

Nagmulat ng mata si Maymay.

"What happened Shar?" tanong nya sa kaibigan.

"You fainted after saying yes to Edward's proposal!" nangingiting sagot ni Shar.

Hindi nakakibo si Maymay.

"Masyado bang masarap ang halik ni Dodong maylabs mo at hinimatay ka?" pagpapagaan nito sa sitwasyon.

"Medyo!" balik na biro rin nya sa kaibigan.

"Medyo lang talaga Yamyam?" tanong ni Edward na bitbit na ang gamit ni Shar.

"Mamaya na kayo maglandian! Ichecheck ko na muna itong fiancé mo!" natatawang saway ni Shar sa dalawa.

Iniabot naman agad ni Edward kay Shar ang gamit nito.

Kinuha ni Shar ang stethoscope at muling chineck ang pulso ng kaibigan.

"Wala ka bang kakaibang nararamdaman nitong mga nakaraang araw?" seryosong tanong ni Shar kay Maymay.

"Wala naman!"

"Hindi ka ba nahihilo?"

"Wala akong maalala!"

Nang marinig ito ay kinabahan si Edward.

Hindi kaya bumalik na ang ala-ala ng dalaga?

"When was the last time you had your period?" deretsang tanong nito sa kaibigan.

"Ah.... eh..." nauutal na sagot ng dalaga.

Nagulat naman si Edward sa tanong ni Shar.

Hindi kaya?

"You have to visit your OB to make sure!"

"Are you trying to say that she's pregnant?" gulat na tanong ni Edward.

"Bakit, Edward? Imposible ba?" baling ni Shar sa kanya.

"Ah... eh..." nauutal na sagot rin ni Edward.

Umiling-iling si Shar.

Tiningnan nya ang loob ng bag at nakita nya ang hinahanap nya.

Iniabot nya ito kay Maymay.

"Here! Use this!"

Nakita ni Maymay na pregnancy test kit ito.

Dali-dali syang tumayo at tumungo ng CR.

Para naman natulala si Edward.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman nya.

Ang akala nya masusurpresa sa proposal nya ang kasintahan pero mukhang sya ang masusurpresa nito.

Pero dapat pa ba syang masurpresa eh ginusto naman nya iyon.

Napapangiti sya ng maalala ang nangyari sa kanila ni Yamyam.