Habang masayang nagkukwentuhan si Maymay at ang lolo ni Edward ay panay ang hikab ng binata.
Bago magpaalam sa matanda ay inimbita ito ni Maymay sa kanyang kaarawan.
"Sana po makapunta kayo!"
"I wouldn't miss it for anything!"
"Sige lo, ihahatid ko na si Yamyam!"
"Mag-ingat kayo sa byahe!"
"Bye po lolo Edison!"
Pagkalabas ng mansyon....
"Give me your keys, I'll drive!" sabi ni Maymay kay Edward at tumapat na sa driver's side ng sasakyan.
"Bakit ikaw magdradrive?"
"Alam kong puyat ka kaya ako na! Wag ka nang makipagtalo sa akin Dodong! Hayaan mong makabawi ako sa hindi ko pagpapatulog sa'yo!" at ngumiti sya ng pagkatamis-tamis sa binata.
"You mean, you did it on purpose?" sabay abot ng susi sa dalaga.
Sumakay na silang pareho ng kotse.
"I tested you and you passed with flying colors!"
Nanlalaki ang matang nakatingin lang si Edward sa dalaga.
"Salamat Dodong ha!" at hinaplos nya pa ang pisngi ng binata.
Napangiti rin si Edward.
Buti na lang pala ay pinigilan nya ang sarili kagabi.
"Matulog ka na muna! Ako ng bahala sa byahe!" at hinalikan nya pa sa pisngi ang binata.
"Thanks Yamyam!" at nakatulog nga sya ng may ngiti sa mga labi.
Gabi na ng makarating sila sa mansyon ng dalaga.
"Wake up, sleepy head! We're here!" marahan nyang ginising ang binata.
Ngumuso ang binata ng hindi minumulat ang mata.
"Kiss mo muna ako!" paglalambing nito sa dalaga.
Marahang idinampi ni Maymay ang kanyang labi sa binata.
"O ayan! Gising na dyan para makapagpahinga ka ng maayos sa kwarto!"
Edward crossed his arms without opening his eyes.
"Hindi ko naman naramdaman yung kiss mo! Paano ako magigising non?" at lalo pa syang ngumuso.
Dahil ayaw nyang magtaka ang mga tauhan nila sa mansyon kung bakit hindi pa sila lumalabas ng sasakyan ay ginawa na lang nya ang hinihiling ng binata.
Diniin na nya ang labi nya sa nakangusong labi ng binata.
Edward immediately uncrossed his arms and pulled Maymay closer to him in an embrace.
Nasa magkabilang gilid ni Maymay ang mga braso nya.
Ang totoo kayang kaya nyang makawala sa pagkakayakap ng binata pero ayaw nyang gawin.
Hinayaan nya lang ang binata na halikan sya.
Pinalalim pa ni Edward ang halikan nila ng dalaga ng maramdaman ang pagpapaubaya nito.
His hands started roaming her body landing on her butt.
He can feel his member waking up from its deep slumber when somebody knocked on the car window.
Good thing his car is tinted so they can't be seen.
He groaned in so much frustration.
Maymay got off him at inayos ang sarili.
"Tara na!"
Ayaw man ni Edward ay nag-ayos na rin sya.
Lumabas sila ng kotse at nakitang si Marco ang kumatok.
Tiningnan ni Edward ng masama si Marco.
Nakangiti lang sa kanila si Marco.
"Baka gusto nyong magdinner muna?" nakangising tanong nito sa dalawa.
Lumapit si Maymay kay Marco at binulungan ito.
"Sarap mong ibalibag Marco Antonio!"
At si Marco naman ang napalunok sa takot.
Lumipas ang mga araw na patuloy na kinikilala ni Maymay at Edward ang isa't-isa.
Katulad ng pinangako ni Edward ay araw-araw nya pa ring nililigawan ang dalaga kahit na sinagot na sya nito.
Sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo lang nahuhulog ang loob ng binata sa dalaga.
Ganon din naman ang dalaga sa binata.
Dumating ang araw ng ika-dalawampu't apat na kaarawan ng dalaga.
Simpleng salu-salo lang ang ipinahanda ng dalaga dahil hindi naman sya mahilig sa mga magarbong pagdiriwang.
Katulad ng nakasanayan ay naroon ang lahat ng tauhan nila sa hacienda pati ang mga pamilya nito.
Naroon rin sila Rivero, Donato at ang kasintahan nito na si Shar.
Syempre naroon rin si Atty Ric at ang maybahay nito.
Naroon din syempre si Marco at Juliana.
Ang lolo Edison ni Edward ay naroon na rin.
Ang lahat ay nagkakasiyahan.
Wala ng mahihiling pa ang dalaga.
"Masaya ka ba?" tanong ng binata sa dalaga.
"Sobrang saya! Wala na akong mahihiling pa!"
"Well, ako meron pa!"
"Ano naman po ang kahilingan ng Dodong ko?"
"Umupo ka muna dyan!" at iginiya nya sa upuan na nasa gitna ng malawak na hardin si Maymay.
Piniringan nya ng panyo ang mga mata ng dalaga.
Kinapa iyon ng dalaga.
"Ano na namang kalokohan 'to Dodong?"
"Don't worry! Magugustuhan mo ito!"
Sinenyasan ni Edward ang mga kaibigan.
Ang mga tao ay nag-umpisang palibutan sila na ang bawat isa ay may hawak na led candle.
Pumuwesto ang isang lalaking may hawak na violin.
Sa harap ay nagset-up ng projector ang ilang kalalakihan.
Habang nangyayari ang lahat ng iyon ay tahimik ang lahat kaya naman kinakabahan na si Maymay.
Lumapit na sa tabi nila sila lolo Edison, Nanay Remedios, Atty Ric, Tita Lucy, Juliana, Marco, Rivero, Donato at Shar.
Sumenyas si Edward na iplay na ang AVP.
Nag-umpisang tumugtog ang violinist.
Dahan-dahan na tinanggal ni Edward ang piring ng dalaga.
Nagulat pa sya ng makitang nakapalibot sa kanila ang mga tao.
Itinuro ni Edward ang projector.
"Panoorin mo!"
Mga larawan ng dalaga ang naroon mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan.
Habang ipinapakita ang mga iyon ay maririnig ang boses ni Edward na nagkukwento kung paano sila muling nagkakilala ng dalaga.
Nang huminto ang projector sa huling larawan na ipinakita ay nagsalita si Edward.
Tumugtog ang violinist ng Perfect ni Ed Sheeran.
Hinarap ni Edward ang dalaga at hinawakan nya ang mga kamay nito.
"Nangako ako sa tatlong taong gulang na si Yamyam na babalikan ko sya pero hindi ko nagawa! Marahil dahil may ibang plano ang tadhana para sa amin! Gumawa rin sya ng paraan para magkita kami at muling magkakilala! Gusto kong tuparin ang pangako ko, this time I want to stay in your life if you let me and to fulfill every promise that I make! Miss Mary Dale Entrata, My May, Yamyam, will you marry me?" at lumuhod sya sa harap ng dalaga at iniabot ang singsing.
Naiiyak ang dalaga.
Hindi nya alam kung anong gagawin nya.
Tumingin sya kanila Nanay Remedios at nakita nyang masaya ang mga ito para sa kanya.
Tumingin syang muli kay Edward.
He looked at her with anticipation mixed with apprehension.
He cleared his throat.
"Yamyam, will you be my wife?" tanong nyang muli sa dalaga.
Hinawakan ni Maymay ang pisngi nya.
"Yes, Dodong! Yes!"
Nanginginig ang kamay ni Edward na isinuot ang singsing sa dalaga.
Pagkatapos ay tumayo sya at hinalikan ang dalaga sa labi.
Nagpalakpakan ang mga taong naroon.
Masaya na sana ang lahat ng biglang himatayin si Maymay.
"Yamyam!" natatarantang sigaw ni Edward.