webnovel

The Glimpse of My Past [Tagalog]

THE 3D RIVERA SIBLINGS SERIES #1 [VOLUME 1 COMPLETED] “Could you ever forgive that someone who ruined your past?” Diane is trapped in the past she can't even remember. How can she live her life again once she figures out what really happened?

NihcRonoel · 综合
分數不夠
8 Chs

At The Backstage

Diane's P.O.V.

"Claire, pwede ba tayong mag-usap?"

Si Leandro. Kahit siya ay hindi alam ang totoo kong pangalan at wala akong balak na sabihin iyon sa kanya.

"Ikaw lang pala, Leandro. Ginulat mo naman ako." Ngumiti ako.

Kahit naman hindi ko siya gusto, I still tried to be nice to him as much as possible. For me, he was still a friend na dapat kong pakitunguhan nang maayos. Pero hindi ko maitatangging nakakailang pa rin na basta na lang niya akong hahawakan at hihilahin sa madilim na sulok na ito.

"Kailan mo ba ako sasagutin?" diretsong tanong niya sa akin.

I frowned. Ano raw?

Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya titingnan. In the first place, hindi ko naman talaga siya pinahintulutang manligaw. Right from the start, I already made it clear to him na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.

Why would he bother to ask such question?

Bigla tuloy sumakit ang ulo ko kung kaya't napapikit ako at napabuntong-hininga. Ito ang isa sa mga katangiang ayaw na ayaw ko sa kanya. He always have that controlling attitude na hindi madaling pakisamahan. He was undoubtedly possessive and there was no question to that!

Nasasakal ako sa kanya kahit hindi naman kami. It was already the worst part. How much more kung boyfriend ko na nga talaga siya?

"Teka, Leandro…"

Tinanggal ko muna 'yong kamay ko mula sa kanya dahil sumasakit na iyon sa tindi ng pagkakahawak niya. Hahawakan niya sana ulit ako pero umatras na ako sa kanya.

"Sa simula pa lang, hindi ba't sinabi kong wala ka nang aasahan sa akin? I don't want to be rude, pero friendship lang talaga ang kaya kong ibigay sa'yo. I'm sorry," malungkot kong sabi.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Pero mas mabuti nang sampalin ko siya ng katotohanan, kaysa naman paasahin ko lang siya sa kasinungalingan. Ayokong umasa siya sa wala. I didn't want him to assume that what we have was mutual.

"I'll go ahead," paalam ko sa kanya.

Tumalikod na ako. Nagsimula na akong humakbang palayo sa kanya, ngunit naramdaman kong sinundan niya pa rin ako hanggang sa hawakan naman niya ang kaliwa kong braso—dahilan para mapaharap akong muli sa kanya. Medyo mahigpit 'yon at tiyak kong mamumula ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Ano bang ayaw mo sa akin, Claire? Babaguhin ko! I just don't get it. Marami namang iba riyan na mas maganda at professional pa kaysa sa'yo pero ikaw lang talaga ang gusto ko. I can date lawyers and even the highest-paid celebrities, but I still keep on thinking about you. Ikaw pa rin talaga eh. Please, Claire… please! Allow me to be your boyfriend at i-aalis kita sa club na ito ngayon din. Ako ang bubuhay sa'yo at sa buong pamilya mo. Ako ang magpapa-aral sa mga kapatid mo. I promise, just say yes!" he pleaded with frowns all over his forehead.

But the way he said those words was telling me that he commands more than he pleases.

Napailing ako. "Hindi gano'n kadali ang sinasabi mo, Leandro… at lalong hindi ko kailangang umasa sa kahit na sino para lang mabuhay ang pamilya ko at mapag-aral ang mga kapatid ko. Kaya please, just let me go." I tried to be at ease as much as possible.

Pilit kong hinahatak ang braso ko pero ayaw niyang kalasin ang pagkakahawak niya rito. Medyo kinakabahan na ako sa inaakto niya, pero hindi ko 'yon pwedeng ipakita sa kanya.

Tinuloy ko ang gusto kong sabihin sa kanya, "And just like what you have said, you're right! Marami naman diyang iba. Mas maganda, mas sexy, mas may pinag-aralan at 'di hamak na kauri mo sa yaman. So bakit ako pa? Why bother to waste your time sa isang dancer na katulad ko, gayong pwede ka namang magka-girlfriend ng abogado? Ng artista? Ng businesswoman? 'Yong girlfriend na maipagmamalaki mo sa lahat? So please, let me go… nasasaktan na ako."

Sa pagsusumamo kong 'yon ay binitiwan niya rin sa wakas ang braso ko. Nag-aalalang sinipat-sipat ko 'yon dahil sigurado akong namula 'yon, kahit hindi ko klarong makita sa dilim ng paligid.

He fixed his necktie first, then he looked at me straight in the eyes. "I will try to kill my feelings for you, Claire… but I won't promise not to follow you ever again. I have eyes and ears everywhere. That way, I'm going to protect you whether you like it or not!" Sinabi niya ang mga katagang 'yon bago siya tuluyang umalis.

What is he talking about? So pinasusundan niya ako kahit saan ako pumunta?

Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa mga huling salitang binitiwan niya. Naging kaibigan ko rin naman si Leandro sa loob ng dalawang taon na nagtatrabaho ako rito sa Lucy's Club.

Hinayaan kong makita niya ang aking mukha at marami na rin naman akong mga bagay na naikuwento sa kanya, katulad na nga ng pagpapa-aral ko sa dalawang kapatid ko. He was nice and understanding at first, pero ibang-iba na siya ngayon. I couldn't imagine how his selfish love or should I say—his obsession made him such a monster. He had his own definition of love and affection, na malayong-malayo sa totoong kahulugan ng mga iyon.

Simula nang ma-realize niya na hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa akin ay na-realize ko rin na hindi na pala ako komportable sa tuwing kasama ko siya. Nandiyan 'yong iisipin ko na lang bigla na baka kung anong gawin niya sa akin lalo na kapag kami na lang dalawa ang magkasama.

Well, I really didn't know the meaning of his last words but those just gave me the creeps. I just closed my eyes trying to dismiss everything that he said.

Walang ganang tinanggal ko ang maskara ko. Papunta na ako sa pasilyo kung saan matatagpuan ang dressing room nang biglang mapukaw ang atensiyon ko sa anino ng lalaking tila nakatingin sa direksiyon ko.

I narrowed my eyes. "Leandro?"