3 Admirer Or Stalker

Leandro's P.O.V.

Hindi ko sinasadyang sabihin ang mga katagang 'yon kay Claire o mas kilala ko sa tawag na Diane.

I didn't mean to scare her or anything, I just wanted her to know that I would be always here for her at kahit kailan ay hindi ako susuko kahit sino pa ang makalaban ko sa pagkuha ng puso niya. I would always protect her sa paraang alam ko at hindi ko siya kailanman iiwan.

Oo, sa simula pa lang naman talaga ay alam ko na ang tunay niyang pangalan. Dayanara Clariz Rivera. Pero sinasakyan ko na lang ang kung ano mang trip niya dahil kahit baliktarin ko man ang mundo, alam ko sa sarili kong siya lang talaga ang babaeng gusto ko.

I experienced dating a lot of famous personalities all my life. Ang ilan nga sa kanila ay abogado at mga artista pa sa America, pero bumabalik pa rin talaga ako kay Diane.

Lahat ay gagawin ko mapasa-akin lang siya. Gano'n ko siya kamahal!

Nandito ako ngayon sa mansiyon namin, prenteng nakaupo sa sofa habang umiinom ng red wine na pampa-init. Walang sawa kong tinitingnan ang mga naggagandahan at nagseseksihang larawan ni Diane sa cell phone ko. Dahil doon, lalo lang tuloy nag-init ang pakiramdam ko.

Ang ilan doon ay ako mismo ang kumuha—lalo na kapag sumasayaw siya sa club. Pero ang karamihan doon ay galing sa taong inutusan ko para manmanan siya.

I could still remember the first day I saw her and how I made some moves para lang mapansin niya. Graduating student ako noon sa Quego del Mar Exclusive School for Business and Finance—isang prestihiyoso at pribadong unibersidad na katapat lang ng Quego del Mar Public University na pinapasukan naman ni Diane. Freshman siya noon at ako nga ay nag-aasikaso na ng requirements ko for graduation.

Aminado akong na-love at first sight ako sa kanya nang minsang makita ko siyang lumabas mula sa gate ng kanilang school. Kahit pa sabihing may girlfriend ako noon, hindi ko naiwasang maakit sa maliit niyang mukha na kinabagayan ng katamtamang tangos ng ilong. Natural na mapula ang kanyang mga labi na tingin ko'y napakasarap angkinin. Hindi lang 'yon, napakayaman din ng kanyang dibdib na halata naman sa suot niyang puting uniporme.

Siya ang pinakamaputi, pinakamaganda at pinaka-sexy sa lahat ng mga babaeng nakita ko. Idagdag pa ang tangkad nito na sobrang layo sa pandak na girlfriend ko. Hindi ko nga lang mahiwalayan ang isang 'yon noon dahil napakagaling sa kama, tapos ay palagi pang deep throat ang ginagawa. Kung pwede nga lang bumalik ako noon ng first year college ay ginawa ko na. Kung bakit naman kasi matanda pa ako ng apat na taon kay Diane.

Business Administration ang course ko at siya naman ay Accountancy. Kahit hindi ako masipag mag-aral noon, willing akong turuan siya dahil ang ilang subjects niya ay natapos ko na rin.

Dahil anak-mayaman ako at natural lang na marami akong koneksiyon sa loob at maging sa labas ng campus ay agad kong nakuha ang kanyang pangalan. Diane—short for Dayanara. Kasing-ganda niya ang pangalan niya. Ang problema, maging sa loob ng campus nila ay wala raw kahit isa mang lalaki na kinakausap itong si Diane.

From what I had heard, she was truly a man-hater kung kaya't mas na-challenge pa ako. Lalo kasing nakaka-challenge 'yong mga tipong pa-hard to get eh! Getting her was like an achievement of winning a golden trophy, lalo na ang isipin kong virgin pa siya? Tang-ina, lalong nakadadagdag ng libog sa katawan!

So that was why I made a plan. Nakuha ko ang schedule niya at inabangan ko siya sa oras ng kanilang uwian. Matagal akong naghintay roon pero para sa kanya, I was willing to wait no matter how long it would take for me to get her heart.

Tumambay muna ako sa tindahan sa labas ng campus at saka ako nag-abang sa gate ng university nila. Nang masilip kong papalabas na siya ng gate ay dali-dali akong nagpapogi at inayos ang aking props.

Nilagay ko ang softdrinks sa baso at saka patay-malisyang naglakad pasalubong sa kanya… hanggang sa nagkabungguan na nga kaming dalawa.

Damn, ang kinis at ang lambot ng balat niya!

As I was already expecting, natapon 'yong softdrinks. Pero dapat ay sa akin. Hindi ko naman inaasahang sa kanya pala matatapon at matatalsikan lang ako. Basang-basa tuloy ang suot niyang puting uniform at hindi naiwasang bumakat ng kanyang malulusog na dibdib dito.

Saglit akong natigilan dahil kailangan kong lumunok. Parang may bumara sa lalamunan ko at pakiramdam ko ay biglang nag-init ang buong katawan ko. Baka kung anong magawa ko sa kanya kung kaya't panandalian akong tumingin sa malayo. Naramdaman kong tumigas din ang alaga ko. I couldn't control it. Hindi ako mapakali sa una, pero mabuti na lang talaga ay agad din akong nakabawi.

"Miss, I'm so sorry." Lumapit ako sa kanya at agad siyang inalok ng panyo. I made sure na pinabanguhan ko pa talaga 'yong panyo ko.

God! Mas maganda pala siya sa malapitan, sigaw ng utak ko. Nagsimula namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi siya umimik. Saglit siyang tumingin sa akin, ngunit halata namang pinipigilan lang niya ang sarili na magalit. Naglabas siya ng tingin ko'y wet tissue mula sa bag at tumalikod na habang pinupunasan ang bahagi ng kanyang dibdib.

"Miss, basang-basa ka. Uuwi ka ng ganyan? You know, I can offer you a ride. I can even take you home if you would let me," paghabol ko sa kanya. Naka-ready na rin ang red sports car ko sa 'di kalayuan para ihatid siya sa bahay nila.

I didn't want to give up. If she was a man-hater, then I would make sure na kakausapin niya pa rin ako in any way possible.

Hindi pa rin siya nagsalita bagkus ay dire-diretso lang sa paglalakad.

Woah! Ganito ang gusto ko eh… pahabol!

At humabol nga ako sa kanya at sinabayan siya sa paglalakad. "Miss… I'm sorry, okay? Hindi ko sinasadya. By the way, I'm Leand," pakilala ko sa nickname ko para medyo katunog ng Diane. I extended my right hand on her.

Alright! This will be our start, Diane. Mahawakan ko lang ang kamay mo ay sobrang saya ko na!

Tumigil siya sa paglalakad at isang naiiritang tingin ang ipinukol niya sa akin. Ni hindi man lang nga niya sinulyapan ang kamay kong gustong makipag-kamay sa kanya. Iyon, nangalay lang.

"Hindi ko tinatanong ang pangalan mo, Kuya. Apology accepted, okay? Now, get out of my way kung ayaw mong isumbong kita sa pulis na stalker ka! Ano?" She gritted her teeth while pointing at the policeman a few meters away.

Nabigla ako. I even blinked my eyes because I couldn't believe her. Ang sungit niya pala talaga. Dahil doon ay hindi ako nakapagsalita. Parang na-guilty ako roon dahil totoo naman ang paratang niya sa'kin na stalker ako. Gwapong stalker!

Peste naman kasing softdrinks 'yon! Dapat ay sa akin natapon 'yon para ako sana ang inasikaso niya. Hinayaan ko na lang siyang lumayo. Mahirap na at baka lalo lang siyang magalit sa akin kapag sinundan ko pa. Ayokong mapahiya rito gayong may ilang tao na rin ang dumadaan.

I didn't want her to be mad at me. I wanted her to love me.

avataravatar
Next chapter