Franscene Point Of View
Naka tingin ako sa kalangitan at ramdam kong puno na ito ng sigla. Sa wakas natapos na rin ang lahat. Sa wakas malaya na kami. Sa wakas tapos na ang lahat.
"Mom and Dad masaya po ba kayo sa naging tagumpay namin? Alam kong naging maka sarili ako dati. Alam ko ring masama ang ugali ko dati. Pero sa lahat ng mga nangyari ang dami kong natutunan. Nagkaroon ako ng mga kaibigan na kahit kailan 'di ko naranasan dati. Lahat din ng 'yun gagawin kong treasure. Sana masaya kayo kong na saan man kayo."
Lumapit na ako sa kanilang anim. Si Hiro kasi hanggang ngayon wala pa ring malay. Medyo nag-aalala na nga kami. Mukhang malala ang naging impact sa kanya nong ginawa ni Venom.
"Group hug," sabi ko sa kanila at naka wide open na ang mga braso ko. Lahat naman sila napangiti sa akin at lumapit para mag group hug kami.
"Hinding-hindi ko kayo makakalimutan." Sabi ko sa kanila.
"Ikaw ba talaga 'yan? Baka nilalagnat ka lang." Sinapak ko naman sa braso si Jonh Ford.
"Sira! Totoo 'to no! Minsan lang akong ganito kaya dapat matuwa ka." Bago inirapan ko siya.
"Sabi ko nga 'di ba?" Nag hiwalay hiwalay na kami at umupo sa isang tabi.
Lumapit sa amin si Queen Harley, pati ang ina ni Windy at ni Wayne. Natutuwa ako para sa kanila kasi sa wakas nakita din nila ang totoong parents nila. Pero may hindi pa alam si Leigh.
"Hwag ka ngang malungkot. Nandito lang naman ang kuya mong pogi." Bago inakbayan ako. Hinayaan ko lang naman siya. Masyado akong good mood ngayon para ma badtrip.
Ilang oras na rin kaming naghihintay na magising si Hiro. Si Wayne nga kanina pa nandito at di na mapakali.
"Hey! Don't be panic everything will be alright." Sabi sa kanya nitong kuya ko.
"Yeah, my brother is right. Gigising rin naman siguro mamaya siya." Kaso nag-alala na rin kami nangingitim na kasi 'yong leeg n'ya. Bakat 'yon nag pa piga ni Venom sa leeg n'ya.
Lumapit naman sa amin si Queen Harley.
"May kailangan kaming sabihin sa inyo." Bago lumapit siya kay Hiro at hinawakan ito. Naka tingin lang siya dito at unti-unting tumulo ang mga luha n'ya.
"No, this can't be." Kong kailan tapos na ang lahat bago pa nagkaroon ng ganito.
Napailing naman si Wayne at umiling.
"No, 'wag n'yo na po sabihin. Hindi ko po matatanggap." Humagulhol na siya sa iyak.
Bakit sa mga bagay na ganito kailangan may mag sacrifice ng buhay? Bakit kailangan may mawala?
Naiiyak na rin ako. Nasasaktan ako sa mga nangyayari.
*****
Windy Point Of View
Sobrang saya sa pakiramdam ng nagawa ko ang mission ko at bumalik ang lahat sa dati. Lalo na 'yong mga ala-ala ko.
Mas nakakatuwa pa kasi buhay ang ina ko. Siya yong babaeng nag-utos sa amin pumunta ng mount stathatt para kunin anh reality warping.
Hindi ko akalain na nakasama ko na pala siya. Kaya pala sobrang gaan ng pakiramdam ko nong makita ko siya nong una.
Pero akala ko maayos na ang lahat kaso hindi pa pala.
Si Hiro.
Akala ko walang mawawala sa amin pero nagkamali ako dahil meron pala.
Umiiyak na sa harapan namin ngayon si Wayne at si Leigh. Nalulungkot ako sa mga nangyayari.
Lumabas ako dahil 'di ko na kaya pang pigilan ang sarili ko baka maiyak na rin ako.
Sumunod sa akin si Jake.
"Ayos ka lang ba?" Umiling ako sa kanya.
"Sa mga ganitong pagkakataon dapat 'di ako okay. Lalo na ganito ang nangyari. Napapatanong na lang ako sa sarili ko na bakit kailangan pang may mawala? Bakit kailangang may mag buwis pa ng buhay? Sobrang sakit nong nangyari dati sa mga parents natin lalo na halos lahat sila nag sacrifice. Akala ko sa atin walang mawawala but I'm wrong." Pinigilan ko ang sarili ko na 'wag maiyak.
"You can cry." Ngumiti ako sa kanya ng pilit. "Wala namang magagawa kahit umiyak ako, hindi na maibabalik ang lahat. Masakit man pero kailangang tanggapin."
May isa pa rin kaming nalaman mag kapatid pala si Leigh and Hiro at ang ina nila si Queen Harley. Hindi ako makapaniwala ng una kasi akala ko iba ang ina nila. Akala din ni Leigh iba, pero mukhang 'di namamalaman ni Hiro ang totoo.
*****
Wayne Point Of View
Sunod-sunod na pag patak ng luha ko ang lumabas ng sabihin ni Queen Harley na wala na si Hiro. Sobrang sakit..
Buong mag hapon na 'ata kami ni Leigh na nandito sa tabi n'ya. Ayaw kong umalis. Feeling ko pag umalis ako binitawan ko na rin siya.
"Please Hiro, wake up. Sabi mo diba after nitong lahat may sasabihin ka sa akin? Saan na? Sabihin muna please. Gumising kana." Pero walang sagot akong narinig mula sa kanya.
Niyakap ako ni Leigh at niyakap ko rin siya.
"Bakit ganon? Sana nong mga panahong nandito pa siya nilubos lubos ko na."
"Kasalanan kong lahat. Kong hindi ko sana siya iniwan at kong sinamahan ko sana siya nong lumapit siya kay Venom buhay pa siya. Kasalanan kong lahat."
"Walang may kasalanan!" Napabitaw kami ni Leigh sa isat-isa ng pumasok si Queen Harley.
"Anak mo siya diba? Please buhayin mo siya, sabihin mo sa aking di totoo lahat ng mga to!" Isang sampal ang natanggap ko.
"Gumising kana sa katotohanan Wayne! Wala na si Hiro! Akala mo ba 'di sa akin madali ang lahat ng 'to?! Sobrang hirap dahil ako ang ina n'ya akala mo rin ba hindi ako nagsisisi na sana nong mga panahong nandito pa siya. Sana sinabi ko na ako ang ina n'ya? Kaso 'di ko yon ginawa dahil isa 'yon sa gagamitin sa kahinaan ko ng mga kalaban! Lumabas na kayo!" Hindi na ako sumagot pa.
"Tara na Wayne," bago pa man ako lumabas lumapit muna ako kay Hiro.
"Babalik ako, please wait for me." Bago hinalikan ko siya sa pisnge.
*****
Leigh Point Of View
Ang bigat man ng nararamdaman ko ngayon pero kailangan kong kayanin.
"Baby," napayakap ako agad kay Jess Lloyd ng makita ko siya.
"Bakit ganon? Tama ka nga may kapatid ako, hindi ko alam 'yong pinsan ko lang pala. Hindi ko man lang naramdaman na kapatid ko pala siya. Sana 'di naging matigas ang ulo ko. Pwede ba akong humingi ng favor?" Bumitaw na ako sa kanya sa pagkakayakap.
"Ano 'yon?"
"Pwede bang sabihin mo sa akin kong anong nakikita mong mangyayari sa future? Gusto kong malaman kong tuluyan ba talagang nawala si Hiro. Nawala ba talaga siya? Kahit masaktan ako okay lang dahil alam kong kapag sobrang sakit na alam kong kusa na lang akong magiging manhid. Baka matanggap ko ring wala na talaga siya." Umiling naman siya sa akin.
"Hindi ko matiyak kong anong mangyayari sa future dahil sobrang gulo at blurred. Pero isa lang ang nakita kong malinaw ay 'yon ay bumalik tayo sa mga mundo ng tao." Tumango nalang ako mukhang kailangan ko ng tanggapin na wala na talagang pag-asa.
*****
Nasa harapan namin ngayon si Queen Harley este ina ko pala. Tapos ang ina ni Wayne at Windy. Alam kong nalulungkot din si Ilesha dahil sa kanya lang ang wala dito.
Kinuha ng ina ni Windy ang reality warping at reality restoration.
Umilaw ito ng napaka liwanag at mukhang may sinasabi siya dito na 'di nalalaman namin kong ano.
"Babalik ang lahat sa dati ngunit kapalit nito ang mga ala-alang pinagsamahan nyong lahat. Magkikita lamang kayong lahat kapag itinakda na ng panahon."
Pagkatapos non nahilo ako sa sobrang lakas ng echo na naririnig ko.
*****