webnovel

The Four Powerful Element [Tagalog]

KishJaneCy261928 · Fantasy
Not enough ratings
23 Chs

Victory

Francene Point Of View

Bumalik na kami kong saan kami nanggaling kanina at naabutan namin dun si Hiro at John Ford.

"Saan kayo nanggaling? Kanina pa kami nandito." Halata sa boses ni John Ford ang inis. Ngayon ko lang 'ata siya nakita na nainis ng ganito.

"Kailangan na nating umalis ngayon."

"What? Hindi man lang ba kayo magpapaliwanag?"

"Magpapaliwanag kami pero mamaya na. Kailangan na nating makarating ng charhelm bago pa mag hating gabi." Sagot ko sa kanya.

"Oh right. Kailangan nating gumawa ng portal para makarating tayo agad dun. Kumain na muna kayo." May mga dala silang prutas pero 'di ako familiar sa mga prutas na 'to.

"Are you sure these fruits are safe?" Naninigurado lang ako dahil kailangan naming maging malakas.

"Yea, actually nauna na kaming kumain para sa inyo talaga 'yan."

"Siguro for now ang gamitin nating pang teleport 'yong ability mo John Ford."

"Yeah, it's lightning right? Para magandang intro." Nakangiti kong sabi sa kanila. Nag smirk naman sa akin si John Ford.

"Okay," tumayo lang kami at hinihintay ang gagawin n'ya. Naka pikit siya at mukhang nag fo-focus after that dumilim ang kalangitan. May lumabas na rin na mga lightning pero 'di pa 'to ganon kalakas.

Hanggang sa.. tinamaan kaming lahat then black out.

"Ilesha!" Nagising ako ng may umaalog sa akin. It's John Ford.

"We're here." Napabangon naman ako agad. Nandito na nga kami sa labas ng Charhelm.

"Dito lang kayo. Mauuna na kami sa loob. Gagamit ako ng tubig para maging invisible kami ni Hiro." Tumango naman ako kay Wayne. Naglakad na sila palayo sa amin.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo, tara na." Pero paano kami makakapasok sa loob?

"Do you remember Xian?" Napatingin naman ako kay Leigh.

"What? Who's that? I don't know him." Sagot ko sa kan'ya.

"I saw him." Agad siyang napatakbo sa 'di kalayuan. Isang leon ang lumabas pero kakaiba na ang kulay n'ya, color black na ito.

"Anong nangyari sayo Xian?" Nagulat kami ng bigla n'yang nilundag si Leigh mabuti na lang na control ni Leigh ang Leon gamit ang ability n'ya.

"Xian, what happened to you?" Lumapit naman kami sa kan'ya ni Ford.

"Leigh, tara na. Hayaan mo na 'yan kailangan na nating mapigilan sa loob. Malapit na mag hating gabi." Malungkot naman n'yang iniwan si Xian na hanggang ngayon 'di pa rin maka kilos.

"Babalikan kita." Sabi n'ya dito.

Tumakbo naman kami.

"Gawin na natin ang plano natin." Sabi ni Ford.

Pero ang unang purpose ko dito ang hanapin ang kapatid ko. Sana buhay pa siya.

"Leigh," sabi ko. Tumango naman si Leigh at ginamit ang ability n'ya para sa ilalim kami ng lupa maka daan.

Isang saglit lang nasa loob na kami ng Charhelm.

"Mauuna na ako kailangan kong mahanap si Windy. Ford, gawin mo na rin ang dapat." After n'yan nag hiwa-hiwalay na kaming lahat.

'Kailangan kong maka pasok sa loob ng Palace.'

'Umaasa akong na sana nandoon lang si kuya. I miss him.'

Naka cloak ako na itim. May mga nagkakasiyahan sa mga nadaanan ko. Meron din naman akong mga nakita na mga malungkot.

"Baka mahuli tayo dito ni General. Hindi tayo pwedeng maging maging ganito lalo na walang nagbabantay." Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila. Nag-iinuman sila at may mga iniihaw din sila na mga hayop.

"Hayaan mo siya. Yong Jess Lloyd na 'yun isa siyang white incantation dapat 'di natin pinagkakatiwalaan ang mga ganon." Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan ng kapatid ko.

Buhay pa siya..

"Pero magiging isang ganap na rin siyang Black Enchanted mamaya." No, I won't allowed that!

Agad akong umalis ng marinig ko 'yon. Kailangan ko siyang mahanap. Sana rin magawa nila Wayne ang dapat nilang gawin.

Napatingin ako sa malaking orasan ng Palace na nakalagay sa pinaka taas.

Isang oras na lang at maghahating gabi na.

"Sino ka?" Napatigil ako sa paglalakad ng may nag salita mula sa likuran ko. "Ngayon lamang kita nakita dito. Mukhang hindi ka taga dito." I deep sigh bago ako humarap sa kanya.

Una kong nakita ang mga mata n'ya..

"Kuya" nangunot naman ang noo n'ya. Mukhang hindi n'ya ako naaalala.

"Nagkakamali ka 'ata hindi ako ang kapatid mo. Sumama ka sa akin." Hinawakan n'ya ang dalawa kong kamay bago tinali n'ya ito.

"Alam kong makakalimutan mo ko." Gusto ko ng umiyak pero pinigilan ko. "Pero bakit kahit alam ko ang sakit pa rin? Ang sakit makitang 'di mo na ako natatandaan. Namimis ko na 'yong mga panahong lagi mo kong pinapagalitan sa mga kagagahan ko na ginagawa." Walang emosyon na makikita sa mga mata n'ya.

"Manahimik ka. Hindi ka pwedeng maka gulo." Tinulak n'ya ako sa isang hawla.

"Jess Lloyd, you can't do this to me. I'm your sister kailangan kong matulungan sila Leigh. Do you remember her?" Nakita kong nagkaroon ng emotion ang mga mata n'ya ng mabanggit ang name ni Leigh. Nakakatampo lang kasi bakit nong name ni Leigh nagkaroon ng emotion ang mga mata n'ya. Bakit ako hindi? Inlove na inlove talaga siya kay Leigh.

"I remember her. Where she is?" Parang sinaksak 'yong puso ko ng marinig ko 'yan sa kanya. Sobrang sakit bakit akong kapatid n'ya 'di n'ya ako maalala?

"Pinagloloko mo lang 'ata ako. May mga part sa isipan ko na naalala ko. Katulad na lang ng Fire, Wind, Water and Earth. Tapos 'yong name na Leigh. Sino ka ba?"

"Kahit sabihin ko 'di ka naman maniniwala." Malungkot na sagot ko pero pinilit ko pa ring ngumiti kahit ang sakit.

Tinitigan n'ya lang ako bago umalis na.

Kailangan kong makaalis dito. Magiging marupok ba 'tong bakal kapag uminit siya? Nakakainis naman kasi. Sana lang maging ma tagumpay ang gagawin nila.

*****

Windy Point Of View

Nag diritso muna ako sa silid ko dahil may nakalimutan ako. Pero nagulat ako ng may lumulutang na isang palaso. Hindi ko alam kong anong gagawin ko dito? Nandito din ang bow n'ya pero 'di siya lumulutang nasa kama ko siya tanging ang arrow lang ang naka lutang.

'Yong dulo ng arrow naman kumikinang parang may kakaiba. Parang may super power 'to na kayang controllin ang lahat.

"Windy!" Agad akong humarap sa lalaking tumawag sa akin.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?" Tinutok ko sa kanya ang palaso na kanina lumulutang.

"Chill okay? Alam kong pogi ako at 'di mo paghahalataang magnanakaw ako." Hindi ko binaba ang arrow na nakakatutok sa kanya.

"Wala akong panahon para sayo! Kong ayaw mong maparusahan at kong gusto mo pang mabuhay ng matiwasay! Sabihin mo kong sino ka at kong anong ginagawa mo dito?!"

"Okay, mukhang tama nga sila na wala kayong natatandaan."

"Anong ibig mong sabihin?" Umiling naman siya sa akin.

"Gusto ko lang sabihin na ang Bow at Arrow na 'yan ay pag-aari ng 'yong ina." Ngumisi naman ako sa kanya.

"Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo? You're stranger to me? You can't fool me idiot!"

"What the hell? Bakit bumabalik pagiging bitchy attitude mo?"

"You can speak english?" Bihira lang kasi ako makakita ng fluent sa english na taga charhelm. Maliban na lang kong may mga position sila. Hindi ako nag hinala kanina sa sinabi n'ya na 'chill' dahil akala ko narinig n'ya lang 'to kong saan.

"Ofcourse tingin mo sa akin noob?"

"No! So, you're not ordinary. Anong ginagawa mo dito? What do you need from me?"

"I already said it to you, but you're not believing me!"

"Paano ako maniniwala sayo! In the first place, I don't know who you are! Pero ako kilala mo ko."

"We're just childhood friend, don't you remember?" Umiling naman ako sa kanya. Wala akong maalala. Mukhang ginagago lang ako ng lalaki na 'to.

"Please Windy, just remember me. Do you remember when we are a kids and when you are crying I am always who wipes your tears. Kasi hindi nila tanggap sa family nila. 'Yong kahit anong gawin mo to prove to them that they are wrong but you end up lost. Kasi 'di ka lumalaban pero pag dating sa akin gumagana pagiging bitchy mood mo." Napatigil ako sa mga sinabi n'ya kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ko ng marinig ko ang sinabi n'ya. Pero bakit?

"Hindi pa rin ako naniniwala!"

"Ano pa bang gusto mo? Gusto mo bang sabihin ko, kong sino crush mo?" Napa simangot naman ako.

"Anong pinagsasabi mong tukmol ka?!" Napangiti naman siya.

"I'm happy, you never changed. Nakalimutan mo nga ako pero 'yong personality mo 'di pa rin nagbabago. Kay Jake ka lang 'ata mabait."

"Do you know him?" He nodded.

"Pero katulad mo rin siyang walang maalala. Sana maalala mo na kailangan na nating magawa 'yong mission natin. Ikaw lang ang tanging paraan para matapos 'to. Kailangan mong panain si Venom gamit 'yang arrow. Pagkatapos non babalik na ang lahat. Please Windy." Nag da-dalawang isip pa rin ako.

"He's right." Napahinto kami ng pumasok si Jake.

"You need to trust him."

"I don't know what to do and what's happening." Sagot ko.

"I know it's hard to believe but Windy just trust him. He's part of your past. Kapag nagawa mo 'yon babalik na rin pati ala-ala mo." Lumutang naman ang bow palapit sa akin. Mukhang kailangan ko ngang gawin. Wala naman akong paki alam kay Venom kasi in the first place ayaw ko ang batas n'ya.

"Kailangan mong magawa 'yan bago pumatak ang hating gabi." Napatingin naman ako sa whole clock ko dito sa loob ng silid. 30 minutes nalang at mag ha-hating gabi na.

Hindi ko pa rin alam kong bakit kailangan ko 'tong gawin. Pero mukhang para sa ikakabuti 'to ng lahat.

"You remember everything Jake?"

"Yeah, na control ko ang ability ng ama ko kaya bumalik ang lahat. I'm sorry kong iniwan ko kayo nong mga panahong kailangan n'yo ko." Tinapik n'ya naman si Jake sa balikat.

"No need to, mukhang naka takda 'atang mangyari ang mga bagay na 'yun." Bago tumingin naman siya sa akin. "Windy, kailangan mo munang gawin."

Lumabas na ako ng silid ko habang hawak ko ang arrow at bow. Pero tanging ako lang ang nakakita na hawak ko sila. Kailangan kong maka hanap ng spot na matatamaan ko si Venom.

*****

Wayne Point Of View

Kasama ko si Hiro na nagmamasid sa mga nandito. Napahinto kami ng tumayo si Venom.

"May nararamdaman akong kakaiba sa paligid. Hanapin n'yo kong sino man ang mga iyon o kong anong nilalang sila." Mukhang napakalakas nga ng reality warping. Kahit naka invisible na kami naramdaman pa rin kami ni Venom.

"It's Windy." Napatingin naman din si Hiro kong saan ako naka tingin. Nasa balcony ng second floor si Windy. Si Venom naman ay nasa baba. Mukhang alam n'ya na ang gagawin n'ya.

"Nakita mo na ba kong saan nakalagay ang reality warping?" Umiling naman sa akin si Hiro.

"Kailangan kong makalapit kay Venom para makita ko."

"Mag-iingat ka."

Kinabahan ako ng makita kong nasa malapit na ni Venom si Hiro. Katabi ni Venom si Queen Harley na naka tulala lang.

Napatingin ako sa orasan na nakalagay sa wall. 20 minutes na lang at mag ha-hating gabi na.

Tumayo Venom at si Queen Harley.

"Sa pagpatak ng hating gabi lahat tayo ay magiging isa na." Lumabas ang reality warping na nasa leeg ni Venom. Napa tingin naman ako kay Windy at naka ready na siya para panain si Venom.

"Panginoon!" Napatingin naman kami sa bagong dating. "May mga ibang nilalang na nandito." Napangisi naman si Venom ng makita n'ya si Ilesha. Umiilaw na ang kwentas ni Venom, hudyat 'to na mangyayari na kong anong nasa isip n'ya.

"Hiro!" Pero bago pa man maging Ice ang stone ng reality warping. Nakita kong si Hiro ay kinikiga na ni Venom.

"Hindi mo ko malilinlang!" Lumitaw na rin ang katawan n'ya dahil 'di na na control ni Hiro ang ability n'ya para maging invisible.

"Natutuwa akong makita ko kayo dahil lahat kayo masasama sa magiging katulad namin."

"You can't do that!" Nag Ice na ang kalahating katawan ni Venom pero balewala lamang 'to sa kanya.

"Hindi n'yo ko matatalo kahit magsama-sama pa kayo! Kong ako sa inyo 'di na ako bumalik pa dito." Mukhang mauubusan na ng hininga si Hiro kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya. Pero napatigil ako ng 'di ako maka kilos.

"Hinding hindi n'yo ako matatalo! Lahat ng kilos ko alam ko!"

"Hiro!" Namumutla na si Hiro at mukhang mauubusan na siya ng hininga.

"No!" Pinilit kong makalakad kahit 'di talaga ako makakilos. Hindi din gumagana ang ability ko. Bakit ganon? Mukhang napigilan lahat ni Venom.

"Hiniling ng utak ko na kahit anong ability ang gamitin n'yo 'di n'yo ako magagawang talunin. Harley."

No! Naiiyak na naman ako dahil mukhang 'di na naman kami mag ta-tagumpay.

Isang napaka liwanag ang nangyari at halos 'di makakita si Venom. Agad akong tumakbo palapit kay Hiro na ngayon ay naka higa at walang malay.

Si Jake naman nasa likod ni Venom at hawak nito ang ulo ni Venom. Mukhang kinokontrol n'ya ang utak nito.

Pero nabitawan n'ya rin agad ng dumating ang ama n'ya.

"Jake hanggang ngayon ba naman 'di ka nagtitino?!" Binalot ko ng tubig ang bato ng reality warping at si Hiro rin. Wala pa rin kasi siyang malay.

Windy, na saan ka na ba? Nagkaka gulo na rin. Wala na kasi siya kong saan ang pwesto n'ya kanina.

Si Jonh Ford nandito na rin at nakikipag laban sa mga kawal.

Naramdaman ko ang lakas ng impact ng tumilapon ako dahil sa ginawa ni Venom.

Unti-unti n'ya na ring nawawasak ang barrier na ginawa ko sa bato ng reality warping. Hindi kasi gagana ang reality warping kapag hindi ito umilaw.

Bago pa man masira ng tuluyan ni Venom ang barrier na ginawa ko. Tinamaan siya ng bolang apoy sa mga kamay n'ya kasabay ng bolt.

Halos lahat rin kami biglang naubusan ng hininga. Hindi ako maka kilos dahil nahihirapan ako maka hinga ganon din si Venom. Pero bago 'yon isang pana ang tumama sa likod n'ya.

*****

Leigh Point Of View

Nakita ko ang ginawa ni Jess Lloyd kay Ilesha. Nalungkot ako ng 'di n'ya na maalala ang sarili n'yang kapatid.

"Jess Lloyd!" Tinawag ko siya at halo-halong emotion ang nakita ko sa mga mata n'ya.

"Sino ka?" Mukhang pinipigilan n'ya ang sarili n'ya.

"Alam kong naalala ako ng puso ko."

"Ikaw ba si Leigh?" Hindi ako sumagot sa kanya at niyakap siya.

"Akala ko tuluyan ka ng nawala. Mis na mis na kita lalo na 'yong pangungulit mo sa akin." Bumitaw na ako sa kanya. Pero wala na siyang reaction.

Naka titig lang siya sa akin.

"Jess Lloyd," naka titig pa rin siya sa akin. Hindi man lang siya kumilos or kumarap man lang.

Ngumiti ako sa kanya. "I guess, you don't remember me anymore." Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko palayo sa kanya.

"Baby," napa hinto ako ng tawagin n'ya ako. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Ilang segundo lang din ang tinagal nun.

"Si Ilesha," sabi ko. Agad naman siyang na tauhan ng sabihin ko sa kanya. Bumalik kami kong saan n'ya iniwan si Ilesha, pero wala na 'to doon.

"Mukhang nakita na siya ng ibang mga kawal dito."

"Naalala mo na ba ang lahat?"

"Hindi pa rin, pero naalala ko na kayo ni Ilesha."

"Kailangan nating pigilan si Venom."

Pag pasok namin sa loob ng Palace hindi ako maka kilos man lang. Tanging si Jess Lloyd lang.

"Anong nangyayari?"

"Mukhang nalaman ni Venom na narito kayo. Kaya ako lang ang nakakakilos. Dito ka lang." Tumakbo na siya pa pasok sa loob ng Palace.

Ilang minuto na akong nandito.

Kahit anong gawin ko 'di talaga ako maka kilos. Napatingin ako sa oras at isang minuto na lang..

Pero bigla akong nanghina ng halos wala akong malanghap na hangin. Pero nakakahinga pa rin naman ako dahil na co-control ko ang mga puno na nasa tabi ko para gumalaw sila at magkaroon ng hangin.

Ilang saglit lang 'din bumalik na ang hangin at naka hinga ako ng maluwag. Na tumba ako sa sobrang panghihina. Nakaka kilos na rin ako.

Agad akong tumakbo pa pasok sa loob. Naabutan kong walang malay si Wayne at Hiro.

Naka tayo naman si Windy at si Jess Lloyd. Si Ilesha naman naka upo lang sa 'di kalayuan pero mukhang pagod din siya.

Si Jake naman naka tingin lang sa walang buhay ng kanyang ama at si Venom na unti-unting nagiging abo.

At nang tuluyan na siyang maging abo lumitaw ang dalawang mga batong kumikinang. Ang reality warping at reality restoration.

"Nag tagumpay kayo." It's Queen Harley at ngumiti siya sa amin. "Hindi ko inaakalang magagawa n'yo 'tong lahat. Nagpapa salamat ako sa lahat ng mga sacrifice na ginawa n'yo." Bago dinampot n'ya ang dalawang bato.

Napa tingin din ako sa labas ng Palasyo. Ang kalangitan unti-unti ng bumabalik sa dati. Nagkaroon na rin ng mga alitaptap sa paligid.

Pero ang 'di ko inaasahan ay may dalawang babae na dumating. They are really gorgeous. Na kilala ko ang isa, siya ang ina ni Wayne. Yong isang babae naman siya 'yong nag utos sa amin kunin ang reality warping.