webnovel

The Dieties Heiress

SecretAppreciator · 奇幻言情
分數不夠
31 Chs

Chapter 5: Kicks

Sam's POV

Nagising nalang ako nang may narinig akong tila ba nabasag na salamin.

Iminulat ko ang mata ko at saka ako tumayo.

Tang ina! Gabing gabi may paganito.

"IVERY SAMANTHA LOUISE DELA FREUD!"sigaw ng lalaking asa labas ng bahay ko na ngayon ay bumasag ng salamin ng bahay ko.

Alam ko naman kong sino yung bullshit na yun eh.

"HOY, SAMANTHA! LUMABAS KA DIYAN!"dagdag pa nito.

Sinilip ko ito mula sa bintana at nakita ko siya. Oo, siya! Si Kevin.

"Gabing gabi, sinisira mo mood ko."sabi ko dito bago ako humikab saka ko itinaas ang mga kamay ko at parehas kong senenyasan ito ng pakyu.

"Bumaba ka diyan! Kung ayaw mong mabalitaan ka ng buto!"banta nito saakin.

"KEVIN CHRISTIAN DEL VALLE, BAKA NAKAKALIMUTAN MONG MAS MALAKAS AKO SAYO!"sigaw ko dito saka ko nilabas ang dila ko para sumenyas ng belat.

Aba. Hinahamon ako nitong bullshit na to ha. Hindi maganda pagkakagising ko gawa ng ginawa niya.

Akalaon mo yun, nabasag yung bintana ko. Ang pinakamamahal kong bintana. Bullshit talaga kahit kelan!

Napahawak na lamang ako sa ulo ko ng bigla kong maramdaman ang sakit galing dito.

Binato ako ni Kevin ng malaking bato dahilan upang dumugo ang ulo ko. Pakshit talaga ito! Akala mo hindi babae yung binabato eh. Sinamaan ko siya ng tingin saka ako bumaba.

"Ma'am, anong nangyari diyan?"tanong saakin ng kasama ko sa bahay ngunit hindi ko ito pinansin at nag dirediretso lang ako palabas ng bahay ko.

Nakita ko siya kaya sinugod ko agad ito.

"Hoy, ano bang problema mo?!"sabi ko sakanya habang hawak hawak ko siya sa kwelyo ng kaniyang damit.

"Ikaw. Bakit mo ginawa yun?"tanong nito saakin. Agad ko naman siyang binitawan at nangulangot.

Naupo ako sa isang tabi kaya naman sumunod ito saakin.

Nangulangot muli ako saka ko ipinunas sakanya.

"Ew ha."ani nito saakin. Aba, malupit akala mo kung sinong malinis. Samantalang, gawain niya rin ito nung wala pa siyang nilalandi. Nakakaloka talaga kapag nagkakaroon ng kalandian itong lalaking ito.

Nangulangot ulit ako at nang ipupunas ko na sakanya sa pagkakataong ito bigla nitong hinawakan ang kamay ko.

"Don't you dare, sam."babala nito saakin.

Ngumisi naman ako at ginamit ko ang isa ko pang daliri sa kabilang kamay ko upang mangulangot saka ko ipinunas sakanya.

Humalakhak ako ng humalakhak ng makita ko ang reaksyon niya dahil sa ginawa ko. Aba'y diring diri ang mokong. Akala mo naman napakalinis.

"Ivery Samantha Louise!"sigaw nito bago niya ako sinapak.

Hinawakan ko ang ilong ko na duguan na ngayon.

Tignan mo itong tangang ito. Bukod sa pambabato, sinuntok din ako. He's gonna pay for this!

Ang maganda kong mukha!

Tang ina lang ha!

Tumayo ako saka ko siya sinipa.

Nahilo naman agad ito ng sipain ko siya ng malakas sa side ng leeg niya. Aba, magkaibigan kami pero ganito.

Tinignan ako nito ng masama at akmang susugod na muli. Hindi naman ako nagdalawang isip at sinabayan ko rin siya ng pagsugod niya.

Sinipa ko siya sa mukha. Sunod sunod na sipa ang inabot niya saakin. Sinubukan niyang kumawala sa sipa ko kaya lang hinahabol siya ng paa ko. Akala niya ha!

Nanggigigil ako sayong bullshit ka. Gago ka eh!

"Sam, tama na!"sigaw nito saakin. Kitang kita ko naman ang luha nito sa gilid ng mga mata niya. Kalalaking tao napakaiyakin.

Huminto na ako sa kakasipa sakanya saka ko inayos ang aking sarili.

Pinunasan ko ang dumudugo kong ilong maging ang ulo ko.

Tinignan ko siya ng masama nang makita ko ring nakatingin ito ng masama sa direksiyon ko.

"Ano lalaban ka pa?"tanong ko sakanya. Sabihin niya lang talaga at hindi ako magdadalawang isip na tuluyan ko siya.

"Pumapatay ka ba ng tao?"tanong nito saakin kaya naman napahalakhak ako ng malakas.

"Seryoso ka ba? Sabay tayong lumaki, may alam ka ba na pinatay ko?"tanong ko sakanya. Nagpapatawa ata kasi ito eh. Porket nabugbog ng babae, mamamatay tao na. Kalerke!

"Tst...Amazona!"sigaw nito saakin.

"Gago! Kalalaki mong tao nananakit ka ng babae."ani ko sakanya.

"Huwag kang mag alala, mukha ka namang lalaki hindi babae."pang aasar nito saakin. Itinaas ko naman ulit ang binti ko, akmang sisipain ko ulit ito.

"Gusto mo pa ata ng round 2 eh."ani ko sakanya saka ako ngumisi.

"Joke lang boss."sabi nito saakin. Hays! Pinagod ako ng gunggong na ito.

"Maam, Sir, pumasok na po kayo sa loob anong oras na po."dinig kong sabi ng kasambahay ko na kanina pa pala nakatingin saamin.

Hays. Si ate talaga. Napakabait sa gagong hinayupak na bisita ko lalo na dito kay Kevin. Ewan ko ba. Bwisit!

"Hindi na po. Uuwi narin po ako."sigaw ni Kevin sa direksiyon ng kasambahay ko.

"Uuwi na ako. Matulog ka na ng mahimbing."ani nito saakin.

Aba, ngayon naman sweet. Balak ba ako nitong patayin talaga? Wala kang maluluko dito, Kevin.

"Ulol, paano ako matutulog ng mahimbing kung basag yung bintana ko?"sarkastiko kong sabi dito.

Nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong hilain palapit sakanya at yakapin.

"Basta matulog ka nalang ng mahimbing, huwag ka ng maarte."ani nito saakin.

Kinalas nito ang yakap niya mula saakin at saka agad itong tumalikod at lumakad papalayo saakin.

Problema nun? Ang weird talaga ng lalaking yun.

Bago pa man ito tuluyang mapalayo saakin ay humarap ito at kinawayan ako gamit ang kanang kamay nito.

Hindi parin talaga siya nagbabago.

"Sorry!"sigaw nito sa direksiyon ko saka ngumiti.

"Fuck you!"sigaw ko rin naman agad sakanya dahilan upang mapangiti kami sa isa't isa at tuluyan na itong lumakad papalayo.

Ganito kami. Parang aso't pusa pero never naman kaming magpapatayan.

SANA. Hahahahahaha!

Akmang papasok na ako sa loob ng biglang sumakit ang batok ko at napaluhod sa sahig dahilan upang mapatakbo saakin ang kasambahay ko.

"Okay ka lang?"tanong nito saakin.

"Opo ate. Wala kang dapat ipag alala."ani ko.

Tinulungan naman ako nitong tumayo ng dahan dahan papasok sa loob ng bahay ko at maging narin sa pagpasok ko sa kwarto ko.

Ano na ba itong nangyayari saakin. Jusko! Hindi pa ako tapos sa college ha! Baka naman, lord.

Patapusin mo muna ako.

Gusto ko pang grumaduate kahit leche minsan ang mga Prof. eh.

A/N: Kamusta ang sequel? Any suggestion po para sa mga susunod na mangyayari? Feel free to comment and don't forget to vote. Thank you!