webnovel

The Dieties Heiress

SecretAppreciator · Fantasy
Not enough ratings
31 Chs

Chapter 4: Snake

Kevin's POV

"Lagi ka nalang palpak sa mga ginagawa mo! Alam mo kung laging ganyan tayo, mahihirapan talaga ang kumpanya nating umangat sa ginagawa mo!"dinig ko kay Mama sa harap ng hapagkainan.

Tinitigan ko si Papa. Hindi naman ito umiimik at patuloy parin itong sumusubo ng pagkain.

"Ikaw? Kamusta mga grades mo? Baka naman napapabayaan mo na ha!"tanong ng nanay ko. Agad naman akong nangulangot.

Oo, ugali talaga namin ni Sam mula bata pa yang pangungulangot kapag naiirita kami sa mga kaharap namin.

"Kevin, I'm asking you!"galit na sabi saakin ni mama.

Tumayo lang ako at hindi ko pinansin.

Aba. Bahala siya sa buhay niya kumuda ng kumuda.

Stress na ako sa Acads ko, masstress pa ako sakanya. Ano gusto ba niya double dead mangyari saakin?

Agad akong pumunta sa kwarto upang humiga sa aking kama tutal wala namang klase ngayon.

Unti unti na akong nilalamon ng aking antok ng biglang tumunog ang aking Cellphone.

Fucking shit!

Talaga bang ayaw nila akong magpahinga? Kahit isang araw lang?

Agad kong sinagot ito.

"Putang ina mo, Kevin! I'm gonna kill you! Asaan ka na?! Hindi ba sabi mo sasamahan mo ako today? Punyeta ka talaga!"galit na sabi ni Sam.

Ah. Oo nga pala. May lakad nga pala kami ngayon dapat. Eh paano ba yan, tinatamad ako.

"Pwede bang humanap ka na lang ng kasama mo?"tanong ko dito.

"Ikaw gusto kong kasama."sabi nito sa malamig na tono.

Ayiiieeehhh! Kinikilig ako. Putang ina!

"Tamad na tamad lang kasi talaga ako ngayon eh."sabi ko dito.

"Putang ina mo, Kevin. Kapag wala ka pa dito ng 30 mins. Sisiguraduhin kong babaliin ko yang mga paa mong bullshit ka!"pasigaw nitong sabi saakin.

Naloka ako sa 30 minutes niya ha. Ano ako? Si Flash?

"Give me 1 hour babe."sagot ko sakanya.

"30 minutes is enough."sabi nito bago pinatay ang tawag.

Ano kaya sa susunod kong siya rin patayin ko nuh?

Agad akong tumayo upang maligo sana.

Nang biglang tumawag si Nathalie.

Bakit ba lapitin ako ng mga babae ngayon?

"Hai babe. Where are you na? I'm waiting you here na sa favorite nating restaurant."bungad nito saakin.

Ay, sheyt! Oo nga pala. May date pala kami ngayon.

Siguro naman hindi magtatampo si Sam. Maiintindihan niya ako since pangangailangan ko ito bilang lalaki.

"Wait me there babe! See you!"ani ko saka ko agad pinatay ang tawag at kumilos ng mabilis.

🌺🌺🌺

Sam's POV

"30 minutes is over Kevin. Asaang lupalop ka na ba?" bulong ko sa hangin habang nagpapabalik balik ako sa kinalalagyan ko.

Kaibigan ko ba talaga ito?

Bigla na lamang sumakit ang batok ko.

Ano ba itong nangyayari saakin? Noong nakaraan pa ito.

Maya maya pa ay napaupo na lamang ako sa sahig ng matumba ako dahil sa pagkakabunggo ko sa isang matangkad na lalaki.

"Miss okay ka lang?"tanong nito saakin na akmang hihilain ako patayo.

Tumayo ako mag isa atsaka ko inayos ang aking sarili.

"Mukha ba akong okay?"sarkastiko kong sabi sakanya.

Ikaw ba naman mabunggo tapos mapapaupo ka pa. Ang sakit kaya sa pwet!

"Ah okay."sabi nito sa malamig na tono saka nagpatuloy sa paglalakad.

Aba. Walang sorry?

Tang ina nito ha!

Kinuha ko ang sandals ko mula sa aking mga paa saka ko ibinato sa kanya.

1....

2....

3....

At ayun! tinamaan siya.

"Wala bang sorry diyan?!"sigaw ko sakanya.

Tang ina. Heto nanaman ako, pinagtitinginan ako ng mga tao.

Dapat kasi magkikita lang kami ni Kevin eh. Eh, bwisit! Hindi ako sinipot.

Lumapit ito saakin saka inilapat ang labi niya sa labi ko.

Laking gulat ko ng gawin niya iyon kaya bigla kong inuntog ang noo ko sa noo niya saka ko siya sinipa sa mukha.

What the heck Kevin!

Malas ka! Malas!

Mukha namang napalakas ang sipa ko nang makita kong dumudugo ang ilong nito.

"I'm not going to apologize since it's your fault."mahinahon kong sabi dito.

Tumalikod ako at naglakad papalayo sakanya.

Pumunta ako sa favorite restaurant ko nang makita ko siya.

Oo, nang makita ko ang kaibigan kong nakikipaglandian.

Kaya pala hindi ako sinipot dahil diyan ha.

Then let's see.

Agad akong umuwi sa bahay.

"Kakauwi mo lang aalis ka nanaman?"tanong saakin ng Yaya ko. Yes, yaya ko. Mula ng mamatay ang mommy at daddy, si yaya na ang laging andiyan para saakin.

Kaya ko naman na mag isa kaya lang walang mag aalaga sa mga alaga ko habang wala ako.

"Opo, kinuha ko lang si Mel. Ipapahiram ko kay Kevin."ani ko sakanya.

Halata namang nagtaka ito dahil alam nitong takot si Kevin kay Mel. Sino ba namang hindi matatakot sa Cobra, hindi ba?

"Sige po, aalis na ako!"pagpapaalam ko sakanya.

Agad akong pumunta sa restaurant kung saan ko sila nakita.

Nilapitan ko sila.

Tinabihan ko naman ang babaeng kaharap niya para magkaharap narin kami.

"Sam, anong ginagawa mo dito?"tanong niya saakin.

"Hindi bat e-dedate mo ako dapat? Kaya ako dapat ang nagtatanong sayo ng ganyan, anong ginagawa mo dito?" ani ko sakanya.

"Kevin? What is this?"ani ng babaeng katabi ko.

Nangulangot ako at ipinunas ko sakanya.

"Ewwww!"ani nito sa harap ko.

Napangisi naman ako sakanya.

"Hindi na ako magtatagal. Since, you already choose. Ibibigay ko nalang siya sayo."ani ko habang nakatingin ako kay Kevin.

"We're over, Kev."sabi ko bago ako tuluyang tumayo sa kinauupuan ko.

Tumalikod ako sakanilang dalawa ngunit bago pa ako maglakad ay lumingon ako sa kanila.

"Tingin kayo sa baba."ani ko bago ako tuluyang lumayo sakanila.

Dinig ko ang sigawan ng marami tao dahil sa ginawa ko.

Ikaw ba naman magpakawala ng madaming ahas sa isang restaurant.

"Sam! You'll pay for this!"dinig kong galit na sigaw ni Kevin.

Nge! Nge! Nge!

Ulol! Magpasalamat ka nga si Mel at mga kaibigan niya lang pinakawalan ko eh.

Bwisit kang hayop ka!

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko siya. Yung lalaking sinipa ko dahil sa halik.

Bakit ba andito yun?

Sinusundan niya ba ako?

Leche! Ang pangit pangit ng araw ko ngayon dahil diyan sa lintik na Kevin na yan!

Hindi ko na talaga papansinin yan, nakakainis!

A/N: How's the sequel? Don't forget to hit the vote button and comment if you want to share any suggestions. Thank you!