webnovel

The Casanova’s Queen

Lucia Dela Rosa, isang pasaway at naging rebelde na anak dahil sa issue nila sa pamilya. Lahat ng gusto niya ay ginagawa niya. She is like a dangerous queen. Bukod doon ay isa rin siyang leader ng mga gangsters at kilala ito sa pagiging matinik at palaban. Samantalang sa kabilang banda, ay may isang binata na nag ngangalan na Evan Palermo. Kilala rin siya sa pagiging matinik at palaban...sa babae at kama nga lang. Anong mangyayari kapag ang dalawang ‘to ay nagka kilala at nagka inlove-an dahil sa isang pustahan? Will they find love and peace in each other?

Darlin_Reld · 现代言情
分數不夠
49 Chs

Chapter 43

It's been one month and 2 weeks had passed. Napaka bilis talaga nang takbo ng panahon. My goodnes! We only have two weeks for graduation and I'm so excited. Excited na akong makapag tapos at makawala sa College life! Though hindi naman ako gaanong nag hirap sa pag aaral dahil panay ang bulakbol ko. Mas marami pa nga yata ang pagloloko ko sa pag aaral kaysa sa matinong pag aaral.

"Bakla paki abot nga 'yong toyo." Utos sa akin ni Lancie.

Kinuha ko naman ang toyo na nasa may tabi ko at inabot sakaniya ito.

"Ang sarap talaga dito sa Mang Inasal no?" Masayang tanong niya sa amin.

"Halata ngang sarap na sarap ka e. Pang ilang rice mo na 'yan uy! Hindi ka ba ma eempacho niyan?" Tanong ko sakaniya.

She invited us to eat here in Mang Inasal dahil namimiss niya na raw ang manok dito. If I know stress lang siya kaya nag aya siya dito. I know Lancie well. At kapag may bumabagabag sakaniya ay sa Mang Inasal kami bumabagsak. This is her way in solving her problem. Idadaan niya sa unli rice. Ganon siya ka abnormal.

"Ayaw ko na. Suko na 'ko. Masakit na ang tiyan ko."

"E kasi naman bru, sino bang nag sabi sa'yo na hamunin mo sa palakasan kumain si Lancie? Pabida ka rin e."

"Idol ko si Jollibee. Bakit ba?"

Kaming tatlo lang ngayon ang narito. Luke is busy on his Mafia. I don't know where is Dred. Maybe he's with Carmela. At si Evan naman ay busy sa pagtulong sa kapatid niya sa baby shower nito mamaya. Well si Kent? Malay ko doon. Wala akong paki sakaniya. Dejoke! Kasama niya si Evan na nag aayos. Mabait 'yun e. Tunay na maasahan. 

"Bakla, umamin ka na. Tutal tatlo lang naman tayo dito. Anong problema?" Seryoso kong tanong kay Lancie habang nginangatngat niya ang manok.

Minsan iniisip ko kung anak mayaman ba talaga siya o hindi e.

"May problema ka Lancie?" Inosenteng tanong ni Kennedy sakaniya.

"Wala! Ano ba kayo. Wala akong problema no." Nangingilid ang luha niya habang sinasabi 'yon.

"Sinungaling ka Lancie. Matalino ako. Iba ang sinasabi ng bibig mo sa gustong ipahiwatig ng mga mata mo. Umiyak ka na. Huwag ka nang mahiya. O tissue." Inabutan siya ni Kennedy ng tissue at bumagsak na nga ang luha niya na kanina niya pa pinipigilan.

Sabi na e. Hindi nga ako nagkamali. May problema nga siya.

"Ang sakit sakit na kasi. Sobra na akong nasasaktan kay Patricio. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko mahalin niya lang ako."

"Hindi ba umubra ang plano niyo ni Luke? Hindi ba siya nagselos man lang kahit kaunti?"

Umiling siya sa amin at sumubo siya nang napaka laking kanin. Letse!

"Bakit mo kasi ipinag sisiksikan ang sarili mo Bakla? Noon pa namin sinasabi sa'yo na tama na. Makulit ka rin e. Pa ulit ulit nalang tayo."

"Mahal ko e."

"Hindi ka naman mahal."

Sinampal ko ang bibig ni Kennedy dahil sa sinabi niya.

"Aray ko bru ha! Totoo naman kasi 'yon. Hindi niyo kasi alam kung gaano kamahal ni Patricio si Margo. Hindi niyo alam kung anong isinakripisyo ni Patricio para sakaniya. Wala kasi kayo don at hindi niyo alam ang nangyayari sa probinsya. Kita niyo nga pati ako napapunta doon sa probinsya dahil nakiusap si Patricio sa akin though kaibigan ko naman talaga si Margo at sabay kaming lumaki."

"Kennedy, mahal na mahal niya ba talaga ang bestfriend niya? Kahit ba kaunti walang chance na malamangan ko si Margo?"

"Hindi ko alam. Hindi naman ako si Patricio e. Tanungin mo siya. Siya makakasagot niyan."

"Tangina mo bru. Umayos ka ng sagot. Seryoso tayo dito."

"Hehe. Sorry. Pero Lancie alam mong tulad mo nasasaktan din si Patricio. Tulad mo umaasa rin yun sa kaibigan niya. Kasi kahit anong pilit niya at kahit anong gawin niya alam kong hindi masusuklian ni Margo ang pagmamahal na meron si Patricio para sakaniya. Wala e. Parehas kayong nag mamahal ng taong may mahal ng iba." 

Naluha nanaman si Lancie and I can feel her pain. Mygod. Sana dumating ang araw na mahalin na siya ni Patricio. Para happy happy na sila! Ako ang nahihirapan para sakaniya.

"Bakit hindi nalang kasi si Luke ang pagtuonan mo ng pansin?" Tanong sakaniya ni Kennedy. Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Kennedy, you know Luke and I are friends. Walang malisya."

"E paano kung meron?"

"Walang gusto sa akin 'yun. At si Lucia ang priority ni Luke. Walang time magka gusto sa babae 'yun. Diba bakla?"

"Huh? Ewan ko dun. Hindi naman siya nag o open sa akin pagdating sa ganitong topic."

Bakit sa tono niya parang umaasa siya na sana may gusto sakaniya si Luke? Si Patricio nga ba ang iniiyakan nito o kyeme lang? Sasabunutan ko 'to e.

"Alam mo bakla, bilisan mona riyan. May baby shower pa tayong aattendan. Doon nalang tayo mag walwal!"

Inabot ko ang tissue at ako na mismo ang nag punas ng mga luha niya. Ang ganda gandang babae pero umiiyak sa lalaki.

"Huwag ka ng umiyak bakla. Malay mo dumating ang araw masuklian niya rin yang pagmamahal mo."

"Kailan pa kaya mangyayari 'yun?" Tanong ni Kennedy at sinamaan ko siya ng tingin. Nag peace sign lang siya sa akin.

"Bru, pupunta ba 'yong bestfriend ni Bella sa party?"

"Sinong bestfriend?"

"Si Crane."

"Sino 'yun? Hindi ko kilala. Bakit?"

"Ah wala wala."

"E kung bestfriend ni Bella yang sinasabi mo malamang pupunta 'yon. Bestfriend nga diba? Gusto mo magpa baby shower ako tapos hindi kita iinvite?"

"Hindi ka naman buntis e. Ipapa unfriend ko nga kay Bella 'yon para hindi siya maka punta sa party."

Abnormal.

The party is held here at Evan's mansion. Pinili nilang dito nalang ganapin ang baby shower para after nang party ay makapag pahinga na agad si Bella at wala nang byahe na magaganap. Grabe yung tiyan niya. Simula nang umamin silang buntis siya ay bigla itong lumobo. Mas obvious na obvious na ito kumpara noong itinatago pa lamang.

"Thank you for coming mga Ate! Kahit late na kayo! Thank you rin sa gifts." Bati niya sa amin ni Lancie sabay halik sa mga pisngi namin.

"Sorry na. Kasalanan ko kaya na late kami." Sabi ni Lancie.

E paano kasi nag aya pang mag inom kanina after sa Mang Inasal. Nauna nang umalis si Kennedy kanina at iniwan niya kami dahil may kailangan pa siyang puntahan.

"Naku! Ang laki laki na ni baby. How are you my future pamangkin?" Inilapit ko ang tenga ko sa may tiyan ni Bella at nagulat ako nang maramdaman kong sumipa ito.

"Oh my god! The baby just kicked me! What a bad kid!"

"Nag mana siguro sa Dad niya Ate."

"Nasaan nga pala ang Kuya mo?" Tanong ko sakaniya.

"Nandoon sa may garden. Kinakausap niya si Ate Carmela at Kuya Dred. Mukhang nag away yata. Kanina pa hindi nagkikibuan yung dalawa pagdating nila e."

"Napano sila?" Tanong ko naman kay Lancie.

"I don't know bakla. But these past few days mukhang napapa dalas ang away nang dalawa."

"Baka nag aattitude nanaman sakaniya si Dred?"

"Ewan ko ba don. Umiiyak nga noong minsan sa akin si Carmela pero ayaw naman sabihin ang dahilan. Weird nga e."

Ano naman kaya ang problema nila? Bigla akong na curious ah.

"Buti pa Ate puntahan niyo nalang sila. Nandoon sila sa may garden. Kanina pa umiinom si Kuya at Kuya Dred e."

Kaya pala hindi sumasagot sa mga tawag ko itong si Evan ay dahil busy pala sa pagiging peace maker.

Hinila ko na si Lancie papuntang garden. Pag dating namin doon ay naabutan ko ang mga dating ka grupo ni Jayden kasama si Luke.

Naroon din si Kennedy katabi ang isang babae. Wait? Kilala ko 'to ah. Siya 'yung kaibigan ni Bella. Siya ba 'yung sinasabi niya kanina at tinatanong kung pupunta? Hmm. Close ba sila?

"Yow! What's happening here? Hindi niyo man lang kami hinintay!" Sigaw ni Lancie habang papalapit kami.

Napa tingin sa akin si Evan at katabi niya si Carmela at mukhang nag uusap sila nang masinsinan. I looked for Dred at nasa kabilang dulo siya habang kumakanta at naka akbay kay Kent.

"'Cause if one day you wake up and find that you're missing me

And your heart starts to wonder where on this earth I could be

Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet

And you'll see me waiting for you on the corner of the street

So I'm not moving, I'm not moving"

Infairness naman sa boses ni Hong dahil ang galing niya talagang kumanta. This is one of the reason why I agree na makipag fling sakaniya noon. Dahil aside sa pagiging gwapo niya ay nadala ako sa pakanta kanta niya sa akin. He always sings for me. Potek na boses na 'yan. Bakit ko nga ba iniisip 'yon? Erase erase!

Tumayo si Evan mula sa upuan niya at nilapitan ako at sinalubong.

"Baby."

"Anong nangyari kay Dred? I heard from Bella na kanina pa raw kayo umiinom. Did they fight? Feel na feel niya pa ang kanta."

"Yes. I don't know what's the problem of these two. I'm talking to Carmela pero hindi niya sinasabi. Ayaw din namang mag salita ni Dred."

"Nag iinarte nanaman siguro si Dred."

"Did you eat? I'm gotta get you some food."

"Ah no. I'm fine. Busog na busog pa ako. Naparami kain namin ni Lancie kanina tapos nag aya mag shot."

"So you're already drunk?"

Lumapit siya sa akin at inamoy ako.

"Damn it baby. You really smell good." He wraps his arms around my waist.

"Hoy gagu ka ang daming tao dito." Bawal ko sakaniya dahil hinahalikan niya na ako sa may leeg.

Kumalas siya sa yakap ko. Umupo ako sa may tabi ni Dred at naka sunod sa akin si Evan.

"Where did you eat baby? I'm sorry if I didn't fetch you."

"Mang Inasal." Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko 'yon. "It's fine. I know you're busy. Understanding girlfriend ako. Hindi katulad nitong katabi ko na hindi understanding at panay ang pag iinarte." Sigaw ko kay Dred. Inis niya ako.

"People talk about the guy who's waiting on a girl, oh, oh

There are no holes in his shoes but a big hole in his world, hmm

And maybe I'll get famous as the man who can't be moved

Maybe you won't mean to but you'll see me on the news

And you'll come running to the corner

'Cause you'll know it's just for you

I'm the man who can't be moved

I'm the man who can't be moved."

"He's drunk. Hayaan mo na."

Napa tingin sa akin si Dred at tumigil siya sa pag kanta niya. Ibinaba niya ang microphone na hawak niya at pilit niyang ipinapantay ang paningin niya sa akin.

"Lucia! Lucia nandiyan ka pala?" Lasing na tanong niya habang tumatawa.

Mygosh! He's really drunk. Ni hindi niya na maitama ang paningin niya sa akin. Siguro memorize niya lang ang kinakanta niya kanina?

"Sleep, Dred. Take a rest. You're drunk."

"I'm not drunk! I'm Dred. Hindi ba Kent?"

"Oo nalang." Pilit na sagot ni Kent sakaniya at binatukan siya.

"Akyat ka na don, Dred. Look at you. Wasted ka na."

"Aakyat ako sa taas kung ikaw ang mag aakyat sa akin." Tinuro niya ako gamit ang index finger niya.

I rolled my eyes.

"Ako ba girlfriend mo? Doon ka sa girlfriend mo magpa akyat para magka ayos na kayo. You two should talk."

Binawal ako ni Evan pero hindi ko siya pinansin.

"Carry me, Lucia. I don't want here." 

Lumapit siya sa akin at sinakbit niya ang mga braso niya sa balikat ko. Nagulat ako sa ginawa niya. He's hugging me. Napatingin na ang mga kasama namin dito sa pwesto namin.

"Bro, lasing ka na." Awat sakaniya ni Kent.

Tumayo na si Kent sa kinauupuan niya para ihiwalay ang pagkakayakap niya sa akin pero ayaw niyang kumalas.

Sinulyapan ko si Carmela at naka titig siya sa amin. Mygosh! Baka anong isipin niya.

"Dred. Stop hugging me. Your girlfriend is looking at us. Ano nalang iisipin niya?"

"I don't give a damn. Isipin niya ang gusto niyang isipin."

"Bro, umayos ka. Nahihirapan si Lucia sa'yo." Bawal sakaniya ni Evan.

Alam kong kahit kaibigan niya si Dred ay hindi niya nagugustuhan ang pagkakayakap nito sa akin ngayon.

Lumapit na rin si Kennedy at Luke sa amin.

"Evan, intindihin mo nalang. He's drunk. Makulit na 'yan." Luke tapped Evan's shoulder.

"Dred, tumayo ka na nga diyan. Bitawan mo na si Lucia. Nahihirapan na siya sa ginagawa mo." Bawal din ni Carmela sakaniya. Nandito na rin pala siya.

Humigpit ang pagkaka yakap niya sa akin at umiling iling ito habang nakabaon sa leeg ko ang mukha niya. The fuck. What's wrong with him?!

"Gusto ko si Lucia. Siya lang ang gusto ko wala ng iba."

"What the fuck bro?" Badtrip na tanong ni Evan.

"Baka ang ibig niyang sabihin ay siya ang gusto niyang mag akyat sakaniya sa taas. Yun ba 'yon Dred?" Tanong ni Kent sakaniya.

"Oo. Yun ang gusto ko."

"Just bring him upstairs Lucia. I'll help you. Dred umayos ka na. Dalawa kami ni Lucia ang mag aakyat sa'yo."

Kumalas na sa pagkakayakap sa akin si Dred at nakahinga na ako ng maluwag. Putek! Naiinis ako sakaniya dahil sa pinapakita niya. I looked at Evan's face at nakakunot at magka salubong ang dalawang kilay niya. He's jealous. That's for sure.

"Lucia!" Sigaw ni Dred nang maramdmaan niyang si Luke lang ang humihila sakaniya.

"I'm here! Fuck you, Hong."

Lumapit ako sakanila at umakbay siya sa akin.

"Evan, which room?" Tanong ko kay Evan at siya na ang unang naglakad papasok ng Mansion nila.

Umakyat kami hanggang taas at sobra ang bigat ni Dred. Sumasakit ang balakang ko sakaniya.

Nakatutok sa may tenga ko ang bibig niya at may ibinibulong siya ngunit hindi ko naman maintindihan kung ano ang sinasabi niya.

"Ano bang nangyari sakanila ni Carmela at nagka ganito 'to?" Tanong ni Luke nang makarating kami sa harap ng kwarto.

Evan opened the door at ipinasok namin doon si Dred. Hiniga namin siya sa may kama. I removed his shoes and socks.

"I don't know. He's not telling us. Walang may alam. Hindi rin naman nag sasalita si Carmela." Sagot ni Evan.

"Maybe some sort of misunderstanding?"

"Lucia." Tawag nanaman niya sa akin habang naka sara ang mga mata niya. 

"Why do he keep on calling you? Gago tong Dred na 'to ah." Inis na sabi ni Evan habang naka pamewang.

"Lucia." Tawag niya ulit.

"Oh?" Sagot ko.

"Stay. I want you to stay. Please."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Why does he want me to stay?

He's reaching for my hand pero naka titig lang ako sakaniya. Gulong gulo na ako sa pinapakita niya at inaakto niya ngayon.

"Lucia." Tawag niya ulit and this time he opened his eye.

Lumapit ako sakaniya at hinawakan ko ang kamay niya.

"Napano ka ba?" Tanong ko.

Nagulat ako nang mahawakan ko ang kamay niya. Mygosh! He started to cry.

Oh my god! What's wrong with him? Sa ulo ba napunta ang alak na ininom niya at hindi sa tiyan niya?

"Hong, stop crying. Mukha kang tanga diyan."

Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya. Kahit naman papaano ay concern ako sakaniya dahil magkaibigan kami.

"Hindi ko na kaya."

"Anong hindi mo na kaya?"

Hindi siya sumagot at humigpit ang pagkaka hawak niya sa akin. Bumukas ang pinto ng kwarto at napalingon ako. It's Carmela.

"Ako nang bahala sakaniya. I'm sorry for the trouble." Sabi niya sa amin.

"Yeah. Kahit nag away kayo ikaw pa rin dapat ang mag asikaso sakaniya not my girlfriend."

"Evan." Bawal ko.

Kinalas ni Evan ang pagkaka hawak ko sa kamay ni Dred at hinila niya ako palabas ng kwarto.

"Tanginang Dred 'yon. Pasalamat siya kaibigan ko siya kung hindi nasuntok ko na siya sa mukha."

"Evan, he's our friend. Lasing lang 'yung tao. He has problem. Just understand him."

"Bakit hindi si Lancie ang ganunin niya? Bakit ikaw pa?"

"You know that Dred and I are really close to each other. Mas close kaming dalawa kumpara kay Lancie."

"I know that but fuck. He's crossing the line. I don't like the way he hugs you baby. I don't like  the way he holds your hand. I don't fucking like it."

Magkahawak kamay kaming bumaba nang hagdan at pumunta nang garden. Nag iinuman pa rin sila at mukhang napapasarap na ang kwentuhan. Umupo kami ni Evan sa may table nila Lancie.

Sunod namang umupo sa tabi ko si Luke at inabutan siya ni Lancie nang shot. Tinanggap niya naman ito and he bottoms up.

"O bakla, tagay mo na. Nasaan na siya? Tulog na?"

"Iniwan na namin sila ni Carmela sa taas. They need to talk."

"Epal kasi yang si Dred. Feeling ko nasa kaniya ang problema wala kay Carmela." 

"Malay ko ba sakanila. Hindi naman ako updated sa buhay pag ibig nila. Bahala sila diyan."

"Lucia, paano kung may gusto pa pala sa'yo si Dred?" Bulong sa akin ni Luke na nasa may tabi ko. Napatingin ako sakaniya dahil sa tanong niya.

"Shut up Luke."

"Why? Malay mo nga diba."

"Walang kakwenta kwenta ang sinasabi mo." Inirapan ko siya at tinungga ko ang shot na nasa harap ko.

Hindi na siya pwedeng magkagusto sa akin dahil boyfriend ko na si Evan and we're all friends here. He has a girlfriend and I know he loves his girl.

"Kent, may alam ka ba kung bakit nag aaway yung dalawa? Napapa dalas na rin ang away nila nitong mga nakaraan." Tanong ni Lancie kay Kent.

"I actually don't know. Pero noong isang araw narinig ko na parang may pinag seselosan si Carmela."

"Who?" I asked.

"Yun lang. Hindi ko alam kung sino."

"Makiki tsismis ka na nga lang Javier hindi mo pa pinakinggan lahat."

"O ikaw ang makinig sa susunod Kennedy!"

"I think it's you, Lucia." Bulong ulit sa akin ni Luke.

Alam mo kanina pa to! Nabibwisit na ako sakaniya. Sa mga pinagsasabi niya. The fuck!

"Alam mo sasampalin na kita. Shut the fuck up."

"Gago siya. Kung may away silang mag syota huwag niya nang idamay si Lucia. Tangina."

"Evan. Chill."

"Why? Ano bang nangyari?"

"I don't fucking know but he's acting strange towards Lucia upstairs."

Naramdaman ko ang mga titig sa akin ni Kent, Kennedy, Lancie at Luke. Alam nilang lahat na ako ang first love ni Dred. But Evan doesn't know about it. Saksi silang apat kung gaano ko nasaktan si Dred noon. But fuck. It's all in the past. Tapos na ang kung anong meron sa amin. We both settled about it. 

"Shot nalang tayo. Bukas niyo na kausapin si Dred kapag okay na siya." Inabutan kami ng shot ni Kent.

Fuck you, Hong. Nang gugulo ka nanaman ng isipan.

WE all slept in Evan's Mansion. Hindi na kami pinauwi ng Mom at Dad ni Evan dahil mga nakainom na silang lahat at mga lasing na kagabi. I think we finished drinking at 2:00 am? I don't know kung saang kwarto sila nagsipag tulugan dahil dumiretso na ako kagabi sa kwarto ni Evan.

"Evan, wake up. Late na." Inalog alog ko siya habang tulog pa rin. He's topless. Na tetempt tuloy ako sakaniya. Hinawakan ko ang abs niya at pinirmi ko ang kamay ko doon.

"Hmm."

"Baby, I said wake up. 11:00 na oh. We need to eat."

"Eat me." Hinila niya ang kamay ko kaya sumubsob ako sa dibdib niya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Baby." Bulong niya sa tenga ko.

"Hmm?"

"Please distant yourself to Dred. I don't want you seeing close to him."

"Evan."

"Alam kong magkakaibigan tayo. But really. I was jealous last night. I don't know why pero nabawasan ang tiwala na meron ako sakaniya."

"You're just overreacting Evan. Wala naman siyang ginawang masama kagabi. In fact, Dred has a girlfriend so don't think something bad towards our friendship."

"Oa na kung oa. But I want you to do it."

Humiwalay siya sa pagkaka yakap sa akin at tumayo mula sa kama. Pumasok siya sa CR at pabagsak niyang sinara ang pinto. The fuck? Nabadtrip ba siya?

Don't tell me kami naman ang mag aaway ngayon? Bahala nga siya diyan!

Lumabas ako ng kwarto at hinanap kung nasaang kwarto sila Lancie. I'm going to wake them up para maka kain na kami at maka alis. Nag lakad ako sa may hall way dito sa taas at isa isa kong chinicheck ang mga kwarto.

"Lucia." Napa hinto ako sa ginagawa ko. Nilingon ko ang tumawag sa akin and it's Dred. Mukhang kaka gising lang niya.

"What?"

"About last night, I'm sorry. I was drunk."

"Yes. You were fucking drunk and you don't know what you were doing. Dred, please. Huwag ka sanang gumawa ng bagay na magpapa bigay malisya at hinala sa girlfriend mo at sa boyfriend ko. Because honestly speaking, Evan doesn't like what you did last night. Ayaw kong magkaroon kayo ng gap. Magkakaibigan tayo dito. At ayaw kong mag isip nang kung ano si Carmela sa akin."

"That's why I'm saying sorry."

"Umamin ka nga sa akin. Ang sabi ni Kent may pinagseselosan siya. Sino ang pinag seselosan ni Carmela?"

Hindi siya sumagot. He looked away.

"Tell me, Hong."

"It's you. She just found out that you're my frist love. And I don't know why she's so insecure about you."

So tama nga si Luke? Punyeta.

"Gago ka pala e. Alam mo na palang nag seselos siya sa akin pero ano 'yung ginawa mo kagabi? You should do things na magpapawala ng selos at insecurities niya sa akin. You're doing the wrong move Hong. Hindi nakakatulong 'yun and you just made it worst because Evan doesn't like it too."

"I'm sorry. I was carried away by my emotions. Gusto ko lang siya mapa selos ng husto kagabi dahil nagselos din ako."

"Jealousy is not the answer. Grow up, Hong. Hindi na tayo mga bata para mag gantihan na kapag may nag selos e pag seselosin mo rin. Fix this."

Naiinis ako. Nag seselos na pala sa akin ang girlfriend niya tapos ganon pa ang ginawa niya sa akin? Ano nalang iisipin niya? I don't want to put malicious thing on what he did last night pero kung ako si Carmela ay iisipin ko at lalagyan ko talaga 'yun ng malisya. Punyeta talaga.

"I'm really sorry."

"Makipag ayos ka nalang. And please, don't make her jealous. And don't use me dahil dalawang tao ang maapektuhan mo. Your girl and my boyfriend. Remember, kaibigan mo ang boyfriend ko."

"What's happening here?"

"Nothing. We're just talking." I said to Luke at iniwan sila doon.

Naiinis talaga ako! Naiinis ako dahil kung kailan okay na ang lahat tsaka gumagawa ng issue itong sina Carmela at Dred. At bakit naman ako pinag seselosan ni Carmela? Like hello?! We all know that Dred loves her. Ano pa bang kina ka insecure niya? Gigil niya ako. Ako ang first love pero siya na ang mahal ngayon. Yun ang importante.

I went in the kitchen at feel at home na kung feel at home pero nagugutom ako.

Pagdating ko sa kusina ay may mga pagkain nang naka handa sa mesa. Umupo ako doon at nag umpisang kumain. Bahala kayo diyan. Hindi ko na kayo hihintayin pa.

"Baby."

Tumigil ako sa pag subo nang umupo si Evan sa may tabi ko at yinakap ako.

"I'm eating Evan."

"I'm sorry." He said. Ipinatong niya ang baba niya sa may balikat ko. He kissed me on my cheek.

"Ayaw kong nag iisip ka nang ganon Evan."

"Kaya nga sorry na."

As long as I want to ayaw kong malamatan o mabahiran ang pagkakaibigan na meron sila. Namin.

"Pa walk out, walk out kapang nalalaman at pag pasok sa CR."

"Syempre. Bawal ba gawin 'yon?"

"Oo. Bawal."

Sinubuan ko siya ng kanin at ulam.

"I just love you so much."

"I know that and I love you more."

Binitawan ko ang kutsarang hawak ko at hinarap siya. I kissed him on his lips and he smiled. Ayan nanaman yung ngiti niyang nakakatunaw!

"Baby we only have 2 weeks. Remember the promise that we made?"

"Ofcourse. Tandang tanda ko pa po." Tumayo ako sa upuan at kumandong ako sakaniya. I wrap my arms around him.

This is what I like about us. Kapag nagkatampuhan agad agad din naming na aayos.

"No one can ever get you away from me, Lucia. Even Dred."

"Alam mo ang gago mo."

"Joke lang. Tawa ka para mabenta!"

"Ha-ha." Sabi ko sakaniya at inirapan siya. Sumubo ulit ako at kumain.

"Dred talked to me and he said sorry."

"I talked to him nang lumabas ako ng kwarto. I told him not to do that again. He wanted Carmela to get jealous. He wanted to get fair dahil nag selos daw siya."

"Hindi ko rin naman siya masisi. But he used the wrong girl to make his girlfriend jealous."

No Evan. You're wrong. I want to say this to him but I chose not to. Actually I'm the perfect girl para pag selosin niya si Carmela pero syempre dapat hindi niya na ginawa 'yon.

"Nevermind about them. It's their relationship. Labas na tayo doon."

Umayos ako nang pagkakandong sakaniya at sinubuan siya ulit.

"Ang aga aga ang sakit niyo sa mata." Umupo si Lancie sa may harapan namin at mukha siyang bruha sa pagmumukha niya.

"Bakla, nag suklay ka man lang sana."

"You looked like a witch."

"Tigilan niyo ako. Nasaan na si Dred? Okay na ba sila ng jowa niya?"

"I don't know. Nasa taas pa e."

"Gago rin kasi e. Mga gago talaga kayong mga lalaki."

Natawa ako sakaniya. She sounds so bitter.

"Huwag mo akong idamay."

"Bitawan mo ako!"

Napalingon kaming tatlo nang marinig namin ang sigaw ni Carmela sa labas. What the hell is happening again?

"Bakla, nag aaway yata sila. Tara maki chika tayo!"

Mabilis kaming tumayo at lumabas ng kitchen. Naabutan namin si Dred na nakayakap kay Carmela habang umiiyak ito. Potek! What is this?!

"Dred, bitawan mo sabi ako."

"No. I won't let you go."

"Anong nangyayari?" Tanong ni Kennedy na mukhang kakagising lang din.

"Dred, sabi mo ako lang e. Pinag selosan ko pa si Lucia. Si Lucia na kaibigan natin. Paano mo nagawa sa akin 'to?"

"What is this again bro?"

"I'm sorry babe. I'm sorry. I was drunk that night. Hindi ko alam na may nangyari sa amin. Believe me."

"Kaya pala. Kaya pala parang iba ka. Yun pala may tinatago ka sa akin."

"That's why I'm telling it to you now dahil ayaw ko nang mag tago nang kung ano pa sa'yo!"

"Bitawan mo sabi ako!" Nag pumiglas si Carmela mula sa pagkaka yakap sakaniya ni Dred at nakawala siya.

"Tinanong kita noon. Ilang beses kitang tinanong tungkol sa babae na 'yon. Pero wala diba? Dineny mo. Even your feelings before to Lucia you fucking deny it to me!"

"Wait? What are you talking about? Anong feelings para kay Lucia?"

Nakatingin sa akin ngayon si Evan habang naguguluhan. Shit! Dapat kasi noon ko pa sinabi sakaniya 'to.

"Why Evan? Hindi mo ba alam?"

"Lucia, ano 'to?"

Bigla naman akong na stress sa nangyayari! Potek! Bakit ba ako nadadamay dito?!

"Lucia is my first love bro. I loved her. Bago pa kayo magkakilala ay naging ka fling ko siya."

"What the fuck? Bakit hindi ko alam 'to?"

"Evan, it was all in the past. Past is past. So Carmela you don't need to drag about Dred and his feelings for me before. Ano bang pinuputok ng butsi mo at kailangan mo pang ipangalandakan yan? We're okay. We're fine! Parang kasalanan pa namin na nagkaroon kami ng past ah. He already moved on for fuck's sake! Kaya huwag mo akong pag selosan!"

"Bakla, chill ka lang." hinawakan ni Lancie ang braso ko. Nag iinit ang ulo ko.

"Hindi e. Kasalanan ko ba na ako ang una niyang minahal? Ikaw ang mahal niya ngayon. At kung may ibang babae siyang naikama yun ang pagtu unan mo ng pansin huwag ako."

Hindi siya sumagot at naka yuko lamang siya. Drer told me na naiinsecure siya sa akin. Ano pa bang dapat niyang ika insecure? I know I'm prettier than her pero jusko. Wala akong balak agawin sakaniya ang pinaka mamahal niyang boyfriend!

"I'm so sorry."

Lumabas siya ng living room at tumakbo palabas.

Lumapit ako kay Dred at hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya nang pagka lakas lakas.

"Lucia!" Sigaw ni Lancie sa akin.

Ipinantay niya ang mga mata niya sa mga mata ko. Namumula ang mga ito. I can see pain in his eyes.

"Dred, habulin mo. Huwag kang tumunganga diyan. And fuck you for having sex with another woman."

Para naman siyang natauhan sa sinabi ko. He immediately ran outside at iniwan kami dito.

"Lucia, we need to talk."

Matigas na sabi ni Evan at padabog siyang umakyat sa taas. Punyeta talaga!