webnovel

The Casanova’s Queen

Lucia Dela Rosa, isang pasaway at naging rebelde na anak dahil sa issue nila sa pamilya. Lahat ng gusto niya ay ginagawa niya. She is like a dangerous queen. Bukod doon ay isa rin siyang leader ng mga gangsters at kilala ito sa pagiging matinik at palaban. Samantalang sa kabilang banda, ay may isang binata na nag ngangalan na Evan Palermo. Kilala rin siya sa pagiging matinik at palaban...sa babae at kama nga lang. Anong mangyayari kapag ang dalawang ‘to ay nagka kilala at nagka inlove-an dahil sa isang pustahan? Will they find love and peace in each other?

Darlin_Reld · Urban
Not enough ratings
49 Chs

Chapter 44

Sumunod agad ako kay Evan paakyat sa taas. Pagkapasok na pagka pasok namin ay pabagsak niyang isinara ang pinto.

"What?" I asked.

"What was that? What was your past with him?" Seryosong tanong niya sa akin.

"We had a thing before. Naging ka fling ko siya and he fell inlove with me. So I stopped flirting with him dahil may usapan kami na walang maiinlove."

"Why didn't you tell me?"

"For what? It's not important anymore Evan. It was all in the past. Maganda na ang relasyon na meron kami ngayon ni Hong kaya hindi ko na inuungkat pa kung ano mang meron sa aming dalawa noon."

"Did you love him?"

"No. I didn't. All I had before to him was pure lust. Siya ang nagmahal. Kaya tinapos ko ang namamagitan sa aming dalawa. We didn't talk for one year at nagka usap nalang kami at bumalik sa dati noong naka moved on na siya."

"Fuck. Bakit hindi ko alam ang bagay na 'to? Kaya pala ganon siya sa'yo kagabi."

"Evan, sinabi niya na sa'yo na kaya siya umaktong ganoon kagabi ay dahil gusto niyang pag selosan si Carmela! Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Huh." He chuckled. "So it was you? It was you who was he crying for before?"

Hindi ako sumagot sakaniya at ibinaling ko sa bintana ang paningin ko. Damn it. I don't want to talk about how much I hurt Dred before. It was too painful. At napaka sama kong babae noon para saktan siya nang ganon.

"Do you know how much he loves you, Lucia? Do you know kung gaano siya kawasak noon?"

"Evan, please lang. I know all of it! Akala mo ba hindi ko alam kung gaano ko siya nasaktan noon? Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat ngayon na maayos na kami. That's why I don't want Carmela dragging about it! Dahil ayaw kong maalala niya kung paano ko siya ipinagtabuyan noon. So please! You're my boyfriend now and he has his own girl. Let's stop talking about it!"

Naiinis ako! Naiinis ako na bakit pati siya kailangan pang ungkatin ito? Yes I know he's my boyfriend but I really don't wanna talk about the details kung paano ko sinaktan si Hong. Idinadaan ko sa biro ang pagiging mag fling namin noon at ang pagiging inlove niya sa akin dahil ayaw kong maalala niya lahat nang dinanas niyang sakit.

"Now I understand kung bakit ka pinagseselosan ni Carmela. I can't blame her."

What the fuck? Anong gusto niyang sabihin? Anong gusto niyang palabasin ngayon?

"So ano? Kasalanan ko?"

"I'm not saying na kasalanan mo. But I've been there Lucia. Noong mga panahong hindi ko pa alam na kapatid mo si Luke. I feel so insecure dahil siya ang una mong minahal."

"Edi magsama kayo! Puntahan mo siya don! I comfort mo! Letse! Naiintindihan mo pala e."

Tumayo ako sa pagkaka upo ko at lumabas ng kwarto. Si Carmela at Dred ang may gulo dito. Sila ang may away. Pero bakit pati ako nadadamay? Bakit pati kami ni Evan dito ay nadadawit?! Tangina.

"Luke, let's go home." 

Dire diretso akong lumabas ng Mansion nila. Nakasunod sa akin si Luke at alam kong nagtataka siya sa inaasta ko ngayon.

"Hey! What's wrong? Nag away ba kayo?"

Lumabas ako ng gate at naglakad papalapit sa kotse niya. Pumasok ako doon at pabagsak kong isinara ang pinto.

"Anong nangyari?" Tanong niya nang makapasok siya sa loob ng kotse.

"Tangina e!" Hindi ko na napigilang maiyak dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon.

"I'm just asking you, Lucia. Why are you crying?"

Ini start niya ang kotse niya at nag drive.

"Bakit parang kasalanan ko? Pati si Evan hindi ko maintindihan. Bakit ba inuungkat pa nila yung sa amin ni Dred? Fuck. It's all in the past. And they don't know kung anong ginawa ko magka ayos lang ulit kami ni Dred. Tapos ngayon gaganyan ganyan sila. Ang labas pa ay parang kasalanan ko?!"

"Ang mali mo lang kasi Lucia, hindi mo agad sinabi kay Evan ang tungkol sa inyo ni Dred. Syempre magdaramdam yun lalo na't magkaibigan sila. At ang mali rin ni Dred ay hindi niya agad sinabi kay Carmela at ang mahirap ay dineny niya pa. So syempre anong iisipin ni Carmela diba?"

Hindi ako sumagot at pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Naiintindihan ko naman si Dred kung dineny niya e. Maybe he doesn't want to talk about it too. He doesn't want to remember.

"Ang ano pa kasi diyan, yung ginawa sa'yo ni Dred kagabi. Alam na nga niyang may issue si Carmela sa pagiging first love niya sa'yo ginatungan pa niya. Aba malamang magdududa lalo 'yon. Gago rin e. He just added some fuel on the fire."

"But it wasn't my fault! Wala akong alam na pinagseselosan niya na pala ako. Sana kinausap niya ako. Atsaka wala ba siyang tiwala sa boyfriend niya?!"

"Sapalagay mo sa nalaman niya kaninang nakipag sex si Dred sa ibang babae ay magtitiwala pa siya? When a man cheated to his girl, it's hard to bring her trust back. Tandaan mo 'yan."

"E labas na nga ako don diba? Tangina talaga! Tapos itong si Evan ganon pa ang sinasabi sa akin! Na naiintindihan niya raw si Carmela if she's behaving like that."

"Hindi sa kinakampihan ko si Evan sa point niyang 'yan. But actually naiintindihan ko rin si Carmela. Darating talaga tayo sa point na maiinsecure tayo lalo na kapag first love ang pinag uusapan. Mahirap kalabanin ang first love, Lucia. Lalo na kung alam mo sa sarili mo na hindi mo kayang lamangan ang pagmamahal niya sa first love niya. We both know how much Dred loved you before."

"What do you mean?"

"I think it's better if you stay away from Dred habang hindi natatapos ang problema nila ni Carmela. Habang hindi pa sila nagkaka ayos. Lalaki ako Lucia. Hindi sa pinagdududahan ko ang pagmamahal na meron siya para kay Carmela pero ramdam ko na hindi pa nangangalahati ang pagmamahal ni Dred na meron siya kay Carmela kumpara noong minahal ka niya."

"What? You're crazy. You're talking non sense, Luke. We all know how much he loves Carmela. Siguro noong may naka one night stand siya hindi niya talaga ginusto 'yon o-"

"Uulitin ko, Lucia. Lalaki ako. At alam ko kung mahal talaga ng isang lalaki ang isang babae. Hindi ako naniniwala na hindi ginusto ni Dred na makipag sex sa iba. He's drunk? Fuck that excuse. Lasing ka man o ano, kung alam mong may syota ka manahimik ka."

"Punyeta! Punyeta talaga."

"Kaya sinasabi ko sa'yo. Just stay away from him now. Baka hindi natin alam, mahal ka pa rin pala niya."

"Yan ang hindi mangyayari Luke."

"Well, I don't know. Baka lang naman. It's just my assumption."

Evan is calling me since umalis ako sakanila but I'm not answering his calls. Nabibwisit ako sakaniya. Alam kong may mali rin naman ako sa hindi ko pag sabi sakaniya about Dred pero mygosh. Huwag naman na sana nilang gawing big issue pa ito. Huwag na sana nilang ungkatin pa dahil okay na ang lahat e. 

"Lucia!" Dinig kong sigaw ni Luke sa labas ng kwarto ko. "Open the door."

Tumayo ako sa may higaan ko at binuksan ang pinto. Nagulat ako nang makita kong nasa likod niya si Evan.

"He's been calling you but he said you're not answering it. Mag usap kayong dalawa. Iwan ko na kayo."

Tinalikuran ko sila at humiga ulit ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. I heard him closing the door. Umupo siya sa may kama ko at naramdaman ko ang kamay niya sa may tiyan ko.

"Baby. Please talk to me."

Hindi ko siya sinagot. Kala niya diyan! Gigil niya buong pagkatao ko.

"I'm sorry." Humiga siya sa tabi ko at yinakap niya ako. Pati ang binti niya ay idinantay niya sa akin. Ang bigat hayup.

"Please don't get mad at me. Nagulat lang talaga ako kanina na may past pala kayo ni Dred. At hindi ko babawiin ang sinabi kong naiintindihan ko si Carmela because I know that kind of feeling, baby. Pero hindi ibig sabihin noon ay inaano na kita or what."

Hindi pa rin ako kumikibo.

"I may not know na ikaw pala ang babaeng iniiyakan noon ni Dred but I know na minahal ka niya ng totoo. I think you were his great love. I don't want to judge Hong because he's my friend but I won't hide the fact na medyo kinakabahan ako ngayon dahil sa nalaman ko."

"Bakit ka naman kinakabahan?" Tanong ko.

"Na baka agawin ka niya sa akin." Napa irap ako. Inalis ko ang pagkaka talukbong ko sa kumot at hinarap siya.

"Evan, just like what I have said. Wala nang malisya ang kung anong meron sa amin. Past na nga sabi 'yon. At kahit agawin niya ako sapalagay mo magpapa agaw ako? I'm all yours."

"I know that. I trust you. He told me that he did that last night just because he wanted Carmela to get jealous. But after what I heard? I don't know. I'm doubting him now."

Napa upo naman ako sa kama. Nakahiga pa rin siya at naka titig lang siya sa akin.

"Evan, if he's really your friend you'll trust him. Sapalagay mo aagawin niya ako sa'yo? Really?"

Hindi niya ako sinagot at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Tell me what happened to the both of you before."

Napa irap naman ako sakaniya. Okay. He deserves to know what happened between me and Hong. Kahit ayaw ko nang pag usapan pa ito ay may karapatan siyang malaman.

Huminga ako ng malalim at ibinaling ko ang tingin ko sa may harapan ko. I'm looking at my reflection on the television.

"Naging magka fling kami. So of course we always talk and hang out. Lagi niya akong pinupuntahan kahit saan pa ya-"

"Did you make out with him?" He cut me off.

"Yes. We did it. Pero hanggang make out lang Evan. You're my first."

"Just by thinking of him kissing you, fuck it. Gusto ko siyang suntukin."

"E bakit mo pa kasi pinapakwento in the first place?! Tapos mag seselos ka diyan!"

"I'm sorry. But, why didn't you love him? Bakit siya na fall pero ikaw hindi?"

"I see Dred as my friend only. Yes, nagkaroon kami ng ganoong past but I didn't see him as my boyfriend or what. Hindi ko kailan man naramdaman o naisip na mahalin siya nang higit pa sa pagkakaibigan. And in fact, we talked na hanggang fling lang kami. But he broke the rule. He fell. And that was our biggest mistake. You know what? If I can go back in the past, hindi na ako papayag na maging magka fling kami. I hurt him so much, Evan. I hurt him so much."

Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko sa mga mata ko dahil na alala ko nanaman ang ginawa niya noon. Mabilis kong pinunasan ang mukha ko.

"Why are you crying baby?"

"Did you know? Hong tried to suicide before because of me."

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong pag usapan ang past. Ito ang pinaka malalang ginawa niya noon na hinding hindi ko makakalimutan kailanman. Lancie, Kent and Kennedy lang ang may alam nito including his parents. Alam din ito ni Luke dahil naka bantay siya sa akin noon.

Kapag ino open namin ni Dred ang tungkol sa amin noon, we don't go this far. Because it was so deep and painful.

"W-what? But I didn't hear anything about it before."

"They kept it a secret. Remember when he was out of the country for how many months? Ang pinaalam nila ay nagbakasyon siya but the truth is he was having a therapy sa ibang bansa. He had a car accident. Ang sabi nila aksidente ang nangyari. Pero noong pina imbestiga ng Mom niya ang aksidente, at pina imbestiga ko rin sa mga ka grupo ko, it turned out na sinadya niya pala 'yon. That was the night na lumuhod siya sa harap ko at nag makaawa but I turned him down for the nth time. Dred doesn't know na alam namin ang totoo. Pinili ko nalang na itago sakaniya ito. Pinaniwala ko nalang siya na aksidente ang alam kong nangyari sakaniya."

Ilang beses akong tinanong ni Dred noon kung pwede ba kami at ilang beses ko rin siyang tinurned down. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses niyang pinilit at ilang beses siyang nagmaka awa. At noong gabing na aksidente siya ang kahuli hulihang tanong niya sa akin. He begged. He begged for my love. Kaya ganoon na lamang ang takot niyang tanungin si Carmela if she can be his girl.

"Do you know how much pain I felt when he had an accident? Sinisi ko lahat sa sarli ko 'yun Evan. Ako ang may kasalanan." Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko.

"I wanna go there in US nang dinala siya doon. But his parents didn't want me to dahil baka mapalala lang ang sitwasyon niya. So you can't blame me kung bakit ayaw ko nang pag usapan ang past namin sa harap niya. I don't want him to remember everything. Kasi Evan, okay na kami e. Ayos na ang lahat. One year. One fucking year na hindi niya ako kinausap o kinibo man lang. Alam mo ba na hanggang ngayon kahit okay na kami, hindi pa rin ako kinikibo ng parents niya? Binabati lang nila ako kapag naka harap si Dred. Pero kapag wala na siya, hindi na nila ako pinapansin. Alam kong may galit at hinanakit sila sa akin. Dahil pati sila mismo  ay nakiusap sa akin noon na baka pwede. Na baka pwede kong pagbigyan ang anak nila na mahalin ko. But I know what's better. Pahihirapan ko lang si Dred kung magpapanggap ako na pwede kami. Mas lalo lang siyang mahuhulog sa akin kung paasahin ko siya sa wala."

"I'm sorry baby. I'm sorry." Pa ulit ulit na humingi ng sorry si Evan sa akin. Umupo na rin siya sa may kama ko at yinakap ako mula sa likuran.

"Hindi nila alam kung gaano ako kasaya nang bumalik siya dito sa bansa and said that he was doing okay. I did everything to contact him when he was in US but I failed. Kaya nang bumalik siya dito ay ginawa ko ang lahat para magka ayos at pag usapan ang sa aming dalawa. Pero wala e. Hindi niya ako pinapansin at pinalayo rin ako ng mga magulang niya. He was talking to some of our friends pero hindi ako. Then one day, I was so happy when we became friends again. Siya ang lumapit sa akin. Sinabi niya na naka move on na siya. Na binaon niya na sa limot ang lahat. Na nag sisisi siya dahil sa nangyari. We talked. And we decided na ibalik ang pagkakaibigan na meron kami. Sinisi ko ang sarili ko sa lahat nang nangyari sakaniya noon but he said it wasn't my fault. I love Dred. But I love him as a friend only."

"Do you think he finally moved on with you?"

"Yes. I trust him." Confident kong sabi. "Ang sabi niya pagkatiwalaan ko siya na wala na talaga at nag tiwala ako Evan. Dahil alam kong alam na ni Dred kung hanggang saan lang kami. Kung hanggang saan lang siya sa buhay ko. At nakita ko naman mismo sakaniya that he doesn't have any feelings for me."

"Base on your story I therefore conclude that he really loved you. I feel sorry for him. And I hope he doesn't feel bad dahil ako pa na kaibigan niya ang naging boyfriend mo. I don't want him to think na inagaw kita sakaniya. Dred is like a brother to me."

"I know he's not thinking that way. Remember siya pa ang naka pustahan ko sa'yo?"

"Yes baby. I remember. Thank you for telling it to me. I know it's hard for you to tell me this. Sorry kung hindi kita inintindi. I didn't know may ganitong kalalang past pala sa inyo."

"It's okay Evan. Ako dapat ang humingi ng sorry dahil hindi ko sinasabi sa'yo agad."

"And please, don't blame yourself for what he did. Hindi mo kasalanan ang ginawa niya."

"Opo. Hindi na."

"So are we okay now?"

"Yes. We're okay. Isa lang pakiusap ko Evan. Huwag na nating ungkatin pa ulit ito. I don't want him to feel bad. And let's help them. Tulungan natin silang magka ayos ni Carmela. You don't know how happy I am nang mainlove siya kay Carmela. I want them to end up with each other."

"Yes baby. Don't worry, we'll help them. And this will be the last time I'll open about your past with Dred. Pero tangina. Huwag niya lang ma ulit ulit ang ginawa niya kagabi. Promise, Lucia. I'm gotta forget that we're friends once he cross the line again."

"Baliw."

"Pero hindi pa rin ako makapaniwala na nakipag one night stand si Dred sa ibang babae. That's very painful for Carmela."

"Ewan ko ba don! Bakit niya kaya nagawa 'yon? Sinasabi ko talaga sa'yo Evan subukan mo lang gawin 'yun malilintikan ka sa akin!"

"I won't do that to you. Never. I love you so much. Faithful ako sa'yo na pati tong alaga ko ay faithful rin sa'yo. Sa'yo nga lang tumatayo e."

"Gago ka. Manyak mo. Pero ako rin e. Sa'yo lang ako na wewet." Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ko. Jusko. Bakit ako nagkaganito?

"Ang bastos mo na rin baby."

"Nahawa na yata ako sa'yo. Letse ka."

"So we're really okay now baby eh?" Tanong niya ulit sa akin.

"Sila lang naman 'tong may problema nadamay lang ako. Bwisit sila!"

🌸🌸

We are all busy sa pag papass ng requirements. Nag umpisa na rin kaming mag practice for our graduation ceremony. At kung mamalasin ka nga naman. Cum Laude sina Kennedy, Evan, Dred at Kent samantalang ako nganga. Mga punyemas. Kung maaga ko lang nakilala si Evan at kung alam ko lang na magiging ganito ako kawawa sana noon palang nag aral na ako ng mabuti. Gusto ko na ngang bayaran ang SWU para lang maging Cum Laude ako. Bwisit.

Tapos si Lancie naman ay Magna Cum Laude. O diba? Biruin mo kahit babaliw baliw lang 'yon naging Magna pa. Ako lang talaga ang kulelat sakanila. Nakaka inis. But I feel so proud for them. Lalo na kay Evan na honeybabe ko.

"Isusumbong ko kay Kai ang prof natin. Napaka daming pinapagawa!"

"Ang dami mong reklamo Kent. Pasalamat ka nalang na ga graduate ka."

"Pero biruin mo 'yun? Kahit ganiyan si Kent naka Cum Laude pa siya. Siguro nandaya ang gago."

"Don't judge me! You're not a judge! Nag aaral ako ng mabuti."

Nag tawanan kaming lahat. Minsan na aawa na talaga ako kay Kent dahil lagi nalang siya ang binubully. Sana hindi 'to mamana ng magiging anak niya. Yung binubully ng mga tropa.

"Lancie, si Patricio ba a attend ng graduation?"

"Bakit mo ako tinatanong? Boyfriend ko ba siya?"

"Hala! Ang sungit. Nag tatanong lang e."

"Huwag mo ngang mabanggit banggit ang pangalan niya dahil ayaw kong marinig."

"Ay wow bakla! Ikaw ba yan?! May lagnat ka yata!"

Nag tawanan ulit kami dahil napipikon na siya. Pulang pula ang mukha niya sa inis. Tumigil naman ang tawanan namin nang dumating sina Dred at Carmela na magkasama dito sa Cafeteria.

Okay na ba sila? Nagka usap na ba sila?

Wala ni isa ang umimik sa amin at pare pareho kaming nagpapakiramdaman.

"Lucia." Tawag sa akin ni Carmela.

I looked at her and she walks towards me.

"May I talk to you?"

Tinignan ko muna ang mga kaibigan ko at sumenyas si Lancie sa akin na kausapin ko na. Tumayo ako sa upuan ko.

Nakatingin sa akin si Dred at nag lakad na ako palabas ng Cafeteria habang naka sunod sa akin si Carmela.

Huminto ako sa isang tabi kung saan walang mga studyante ang narito.

"Anong gusto mong pag usapan?"

"I want to say sorry. Sorry kung pinag selosan kita. Sorry kung nadamay ka pa sa gulo namin. Aaminin ko, pagkatapos kong malaman na first love ka ni Dred nakaramdam ako ng insecurities. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naramdaman ko 'yon sa'yo. I know Dred loves me. But I just can't help my self to stop feeling this way."

"Alam mo na ba ang lahat?" Tanong ko sakaniya.

"Y-yes. Inamin sa akin lahat ni Dred kagabi. Nag usap kami. He was crying in front of me habang kinikwento niya lahat nang nangyari sa inyong dalawa." Tumulo ang luha niya sa mata at mabilis naman niyang pinunasan iyon.

"You know what Carmela? Malaki ang pasasalamat ko sa'yo. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na nakilala ka ni Dred at minahal ka niya. Kasi ito 'yong pinaka hihintay ko e. Yung matagpuan niya 'yong babaeng mamahalin niya at mamahalin din siya. Kasi ako hindi ko nagawa 'yon sakaniya. That's why I'm really happy that you two are together. Gabi gabi kong ipinagdarasal noon na sana makahanap si Dred ng babaeng mamahalin siya at 'yong hindi siya sasaktan. And God is really good because He gave you to him. A perfect girl who can love him and give the love that he deserves."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Huminga siya ng malalim bago nag salita muli.

"Lucia, kaya gusto kitang kausapin ay may gusto sana akong ipakiusap sa'yo." Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.

Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin at may mga luhang pumapatak doon. Bigla akong kinabahan sa gusto niyang sabihin.

"Mahal ko si Dred. Mahal na mahal. Hindi ko na kayang malayo pa sakaniya. May tiwala ako kay Dred kahit pa nakuha niya akong lokohin. Kahit nakuha niyang makipag sex sa ibang babae habang kami. Pinatawad ko siya. Nag explain siya and I accepted all his excuses that he was drunk and he didn't like it. Pero Lucia, may parte sa akin na" hindi niya tinapos ang sasabihin niya. Kinagat niya ang labi niya tanda ng pagpipigil niya sa sarili niyang maiyak pa lalo.

"A-ano ba 'yon Carmela? Pinapakaba mo ako. Sabihin mo na."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. 

"Pwede ba layuan mo siya? Kung pwede bang bawasan niyo ang closeness niyo? Na kung pwede huwag ka munang dumikit dikit sakaniya at kung lalapitan ka niya ay iwasan mo siya? Pwede ba 'yon Lucia? Nakikiusap ako sa'yo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mygosh. She's really asking me this?

"Carmela, mag kaibigan kami ni Dred. Hindi pwedeng basta basta ko nalang siyang lalayuan. Dahil ba sa nag seselos ka? Dahil na iinsecure ka? Mahal ka ni Dred alam mo 'yan. Ikaw na ang mahal niya at hindi na ako."

"Hindi mo ako naiintindihan, Lucia. Alam mo ba 'yung pakiramdam na natatakot ka na baka mawala pa siya sa'yo? Lucia natatakot ako. Takot na takot ako ngayon. Kagabi habang kinikwento niya ang lahat sa akin, I can feel the love and the pain that he had for you noong mga panahong ikaw pa ang mahal niya. And it makes me scared, Lucia. Paano kung may nararamdaman pa rin siya para sa'yo? Paano kung ikaw pa rin pala? Paano kung rebound lang ako? Alam mo ba 'yung pakiramdam na 'yon? Ang dami kong what if's and those what if's are killing me."

"You said, you trust him. Kung pinagkakatiwalaan mo siya, pagkatiwalaan mo rin ang pag mamahal na meron siya sa'yo. Ako ang una niyang minahal pero naka bangon siya. Naka bangon siya at nag mahal muli which is you now. I trust Dred. May tiwala ako sa pag mamahal niya sa'yo. Pero kung 'yan ang gusto mo sige pag bibigyan kita. I'll distant myself to him starting now. Kung 'yan ang ikakatahimik ng isip mo sige. I'm going to give the peace that you want."

Siguro mas mabuti na ngang iwasan ko nalang siya. Ito rin ang gusto ni Luke. Ang iwasan siya. Tapos ngayon ito ang hinihiling sa akin ni Carmela. Ayaw kong maging dahilan nang pag aaway nila. At kung kailangan kong isantabi muna ang pagiging magkaibigan namin ni Dred ay gagawin ko maging maayos lang sila.

"Thank you, Lucia. Thank you so much." Niyakap ako ni Carmela at yinakap ko naman siya pabalik.

"Tara na sa loob?" Aya ko sakaniya.

Pinunasan niya muna ang mga luha niya atsaka na kami nag umpisang maglakad pabalik ng Cafeteria. Pagkapasok namin sa loob ay nandoon pa rin ang mga kaibigan ko. Naka tingin sila sa amin at nginitian ko naman sila pabalik.

Tumayo si Dred sa kinauupuan niya at sinalubong kaming dalawa. Naka tingin siya sa akin pero iniwasan ko ang mga titig niya.

"Lucia." Tawag niya sa akin. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"We're cool right?" Tanong niya.

"Yes we are."

"Still the same? Walang ilangan?"

"Still the same. No malice at all. Never ako nag lagay ng malisya after what happened to us."

Tahimik lang ang mga kaibigan namin na nanonood sa amin.

"Thank you, Lucia." Lumapit siya sa akin at hinila niya ako tsaka niya ako niyakap.

Nagulat ako sa ginawa niya. I didn't hug him back. Hinayaan ko siyang yakapin niya ako dahil masyado naman akong bastos kung itutulak ko siya palayo.

Humiwalay siya sa pagkaka yakap sa akin at lumapit siya kay Carmela. He's hugging Carmela now. I hope these two will be okay. And I hope I won't get involved again sa mga problemang darating sakanila.

Because starting from now, I won't have the same treatment for you Dred. Siguro mas maganda na rin ito. Para wala nang issue. Para wala nang gulo. Para sa ikakatahimik ni Carmela, isasantabi ko muna ang pagkakaibigan na meron tayong dalawa.