webnovel

The Casanova’s Queen

Lucia Dela Rosa, isang pasaway at naging rebelde na anak dahil sa issue nila sa pamilya. Lahat ng gusto niya ay ginagawa niya. She is like a dangerous queen. Bukod doon ay isa rin siyang leader ng mga gangsters at kilala ito sa pagiging matinik at palaban. Samantalang sa kabilang banda, ay may isang binata na nag ngangalan na Evan Palermo. Kilala rin siya sa pagiging matinik at palaban...sa babae at kama nga lang. Anong mangyayari kapag ang dalawang ‘to ay nagka kilala at nagka inlove-an dahil sa isang pustahan? Will they find love and peace in each other?

Darlin_Reld · 现代言情
分數不夠
49 Chs

Chapter 21

We are on our way going sa event na ininvite sa amin ni Papa na attendan namin. We'll just meet him there in the party. I don't know what kind of party is that. I and Luke are wearing formal clothes. Naka tuxedo siya and he looks so fine with it. He bought me a black long dress exposing my flawless back. Alam niya talaga ang mga bagay na gusto ko. Even my fashion.

"Luke, ikaw ba pumili ng damit kong 'to?"

"Yes. My assistant showed me different kinds of designs. And I chose that one." He answered. Busy siyang nagda drive at focus na focus sa daan.

"You really know my style."

"Lucia, I know you so well. Kung may isang taong nakaka kilala sa'yo ng lubos it's me."

"Edi wow! Nandoon na ba si Papa? What about Mom?"

"Si Papa lang ang nandoon. Tita won't be there. She said she's tired and she wants to rest."

I'm so happy na kahit papaano ay maganda ang relasyon na meron si Luke at Mama. We all know na kapag nalaman ng wife na may anak sa labas ang asawa niya ay hindi niya 'yun matatanggap right? But my Mom is different. He accepted Luke as his own son too. And I salute her for that. I don't know how she easily accept that.

"We're here."

Bumaba kami ni Luke sa kotse at pumasok sa loob ng venue. Sa isang sikat na hotel gaganapin ang event. Inilibot ko ang paningin ko dito sa loob and there are many rich people who are here. Some are famous business tycoons and there are some celebrities too.

"Lucia, ayun si Papa. Let's go?"

I can see Dad standing on one side beside a round table and talking to a famous business man. As we walk towards him, my heart is beating so fast. I don't know why I'm nervous. Napagawi sa amin ang tingin niya at lumapad ang ngiti nito ng makita niya ako. Maybe he's happy to see his ungrateful child here.

"Pa." Yumakap si Luke sakaniya and he hugs him back too.

Humiwalay si Papa sa pagkaka yakap niya kay Luke at ibinaling niya ang tingin niya sa akin. Mukhang nag dadalawang isip pa siya kung yayakapin niya ba ako hindi. Para siyang na o awkward na hindi ko ma explain kung anong klasing mukha ba ang gusto niyang ipakita.

Siniko naman ako ni Luke at pinanlakihan ng mata kaya ako na mismo ang lumapit kay Papa at yinakap siya. Nahihiya pa kasi ih. PM!

/Pabebe masyado/

For the first time after forever ay ngayon ko lang ulit siya niyakap. He hugs me so tight and I even heard his small sobs. OMG. Is he crying?

"Pa, hinaan mo ang hikbi mo. Baka marinig ka ng ibang bisita dito sabihin gumagawa tayo ng eksena." Bulong ni Luke sa amin.

"I'm so sorry, Lucia. I'm really sorry anak."

Gustong bumagsak ng luha ko pero pinigilan ko yun. I don't want to ruin my make up. Humiwalay ako sa pagkaka yakap sakaniya and I just smiled at him.

"Stop the drama, Pa. We're in the party and this is not a teleserye show." I said to him.

"Maldita pa rin pala talaga 'tong bunso ko."

"Ini spoiled mo Pa e. Lumaki tuloy na ganiyan."

Napa kunot ang noo ko sa kanilang dalawa.

"Pinag tutulungan niyo ba ako?" I asked them while rasing my eye brows.

"Of course not." Sabay nilang sagot sabay tawa.

NTY? /Nakaka tawa yun/

"Hoy Papa! Huwag kang feeling close diyan. Hindi pa tayo bati!" I said to him and I walked out. Napa smile ako pagka talikod ko.

Yes it's still hurts but maybe one day mawawala rin 'to. Kung napatawad ko si Luke na kapatid ko, bakit naman hindi ko patatawarin si Papa? He's my father after all.  May mali rin naman ako at aminado ako doon. Maybe I'll talk to him one day. Para mailabas ko lahat ng sama ng loob ko sakaniya at para maka hingi na rin ako ng tawad.

I went here sa may buffet to get some foods. Bigla akong ginutom. I can't remove the smile on my face. Napapa hmm pa ako habang kumukha ng pagkain. This night is so great!

"Lucia."

"Ay palaka ka! Ano ba 'yan Luke! Muntik ng matapon!"

"I'm very happy. Very very very happy."

"And why?" I asked him as I continue to get more foods.

"Because we're okay. You and Papa are okay too."

"Who told you na okay na kami? Hindi ko pa nalalabas ang sama ng loob ko sakaniya. I'll talk to him one day para sumbatan siya sa lahat."

"You're crazy. Even though you're saying that you two aren't okay I know deep down there in your heart na okay na. I know you, Lucia. Ikaw yung tipo ng tao na nagagalit sa loob ng matagal na panahon but as long as you feel that it is the right time to  forgive, you'll forgive."

Kumuha ako ng isang kutsarang pagkain at sinubo yun kay Luke nang matahimik siya sa kaka dada. DSE. /Dami sinasabi e/

"Get your food. Let's eat. Gutom na ako."

He gets his own plate and gets him food. We walk in a table and Papa is waiting there. Naka smile siya ng umupo kami sa table. Naki creepyhan na ako sa ama ko ha. Daig niya pa si Joker.

"Pa, can you stop smiling? Mukha kang si Joker na kalaban ni Babalu." I said to him at inirapan siya.

"Babalu? Baka Batman."

"Masaya lang ako ngayon, anak. I'm happy to see the both of you okay."

"But Lucia is right, Pa. Para ka ngang si Joker."

"Aba bastos kayong mga bata kayo ah. Ako ang tatay niyo."

"WE." /What ever/ I rolled my eyes.

"Anyway, I want you to meet my new friend that I met in US 3 days ago sa isang conference. Hindi ko nga lang alam kung nasaan na sila ngayon. Mukhang hindi pa sila dumarating."

"Business man din, Pa?"

"Yes. Their business is all about Cars."

Hindi ko na sila pinakinggan dahil wala naman akong pakialam sa mga kaibigan ni Papa. Napaka friendly. Pero pina plastic niya lang naman niyan ang mga 'yun. Don't me.

"What's their family name?"

"Palermo."

"Palermo?"

"Yes. They own the Palermo Enterprises. Oh! Ito na pala sila."

Busy'ng busy pa rin ako sa pagkain at tumayo si Papa mula sa kinauupuan niya. Nasa likuran ko sila at nag tatawanan at nag babatian ng kung sino mang posyo pilato na kausap niya. Bakit parang pamilyar ang boses nila?

"It's nice to meet you here again! So where's your daughter?"

Naramdaman kong sumipa si Luke sa may paanan ko sa baba ng table kaya napa tigil akong kumain at sinamaan siya ng tingin.

"She's my daughter, Lucia. Anak, stand up. I want to introduce you to my new friends." Tinap ni Papa ang balikat ko at halos manlaki ang mga mata ko matapos kong lumingon at makitang sina Evan yun kasama ang parents niya. What the fuck?!

"Lucia? Oh my god! Is she your daughter, Luis?"

"Yes. Why? Hindi ba kami magka mukha?"

Napatayo na ako sa gulat at agad akong niyakap ng Mama ni Eclipse. Nang magka hiwalay ang yakap namin ay napa tingin ako kay Elaborate at ang sama ng tingin niya sa akin at kay Luke.

"No! This is my son Evan. And She's my son's girlfriend."

"Girlfriend? May boyfriend ka na anak?" Napa tingin ako kay Papa at mukhang gulat na gulat siya sa nalaman niya.

Sino nga ba namang magulang ang hindi magugulat kung on the spot mong malalamang may jowa na ang anak mo.

"Opo? Hehe." Awkward kong sagot.

"The world is too small talaga!"

Hindi ako maka tingin nang diretso kay Evan dahil kung nakaka matay man ang tingin ay baka bulagta  na kami ni Luke ngayon. Jusko! Ito ba ang dahilan kung bakit niyaya niya akong maging date? Akala ko pa naman normal na date lang. Like manonood kami ng sine sa mall. Ipag shoshopping niya ako at kakain sa park at mag susubuan!

"Why don't we sit?"

"Oo nga naman."

Umupo ang parents ni Evan dito sa may table at hindi pa rin niya ina alis ang titig niya sa akin. I tried to smile at him but he didn't smile back. He's really angry.

Nasa tabi ko na si Luke at nasa gilid ko naman si Papa. While nasa may harapan naman namin ang parents ni Evan. At kaharap niya si Luke.

"Anyway, who's this handsome guy? What's your name iho?"

"Luke po."

"Luke? Is he your son too, Luis?"

Hindi sumagot si Papa at naka ngiti lamang ito. Kahit kailan ay hindi niya dineny si Luke sa mga taong nag tatanong sakaniya. Everytime someone will ask him about Luke, he never answers. Instead ay ngingiti lamang ito.

Pasimple kong tinapakan ang paa ni Luke para siya na ang sumagot dahil wala talagang balak sumagot si Papa. Baka abutin kami ng madaling araw dito ay naka ngiti lamang siya.

"Ah no. I'm Luke Adams po. I'm Lucia's bestfriend."

Napa buga naman ng hangin si Entourage at umirap dahil sa sagot ni Luke. Mygod! He's so hot doing that.

"I see. Anyway Lucia, Evan didn't invite you to be his date tonight?"

"Ah, he invited me po, Mom. It's just that kasama ko po now si Papa so hindi po ako naka oo. I didn't know na same party lang po pala." Palusot ko.

But Evan doesn't seem convince.

"Wow. Mom na ang tawag mo sakaniya anak?"

"Ah yes. She already went and stayed in our Mansion before for several days. That's why Mom and Dad na rin ang tawag niya sa'min." Sagot ng Dad niya. Jusko talaga!

Ano nalang sasabihin ng tatay ko? Na napaka landi ng anak niya at nakuha kong kumirengkeng nang hindi niya man lang alam? Pero palagay ko maiintindihan naman niya ako specially we were not in good terms before.

"Malihim talaga 'tong anak ko. Lucia, update me later okay? Mukhang madami dami ang ikikwento mo sa'kin mamaya."

"Sure, Pa. Hehe." Bwisit talaga.

"Alam mo Luis, I think this is a very good moment to talk about their wedding. Isn't?"

"What?!" Sabay na napa what si Luke at Papa sa sinabi ng Mom ni Evan. Kahit naman siguro sino mapapa what sa sinabi ng nanay niya! Jusko talaga. Noon paman ay excited na excited ang Mom niya about sa kasal chemberlu na ito.

"Why? Don't you like my son for your daughter, Luis?" His Dad asked seriously. Susmaryosep.

"It's not like that. But my daughter is really young to get married. She's still studying. And in fact, we don't know what will happen in the future. Malay niyo umiba pa ang tibok ng mga puso ng mga anak natin. Alam niyo naman ang mga kabataan ngayon."

"I am sure that your daughter is the woman I want to marry, Sir."

Seryosong sagot ni Empower habang naka titig sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. LHITT? /Like hello is that true/ Kenekeleg eke.

"That's my son." Pag suporta ng Dad niya sakaniya.

"I heard you're a Casanova? How sure are you that she's the woman you want to marry if you can be easily get tempted by other women out there." Luke asked him.

"I won't deny that I WAS a Casanova. I may be a Casanova before but that is not a valid reason to question my feelings for her. People change."

"Really? So you are saying that you changed yourself just for her?"

Walang kumikibo sa amin at nakikinig lang kami sakanila. Maski si Papa, Tito at Tita ay tahimik lang. Para silang nagpa patayan na sa way ng tingininan nila sa isa't isa.

"I can say that."

"How can we make sure that you really changed? You know, once a Casanova always a casanova."

"And where did you get that saying? If marrying her can prove that I already changed and my feelings are true, I'm willing to marry her. Right. Now."

"Huh." Tumawa ng mapakla si Luke. Ayaw niya talagang mag patalo! Banaman 'yan oo. "Talaga lang ah? Baka mamaya after niyong mag honeymoon iwan mo rin siya. You're willing to marry her where in fact you and your friend have a b-"

Hindi na na natuloy ni Luke ang sasabihin niya dahil pinigilan ko siya. I don't want him to say that to Evan specially our parents are here.

"Masyado na yatang nagiging seryoso ang usapan ng mga bata." Naka smile na sabi ng Mom niya. But I know ramdam din nila ang tensyon mula sa anak nila at ni Luke.

"Calm down, boys."

"Mom, Dad. I'll just go outside." Pa alam niya sa parents niya.

Tumayo siya at umalis dito sa may table namin at hindi niya na hinintay pa na sumagot ang parents niya.

"I can see that Luke is a protective bestfriend. I admire you for that. I know that my son was a playboy before. I'm not telling this because I'm his mother, but I can tell you that my son really changed. I'm a witness. And I'm really thankful that it's because of Lucia."

Nag kibit balikat lang si Luke at ipinag patuloy niya ulit ang pagkain niya.

"Excuse me po. Sundan ko lang po si Empe. I mean yung anak niyo po."

Umalis ako sa table namin at hinanap ang malanding pokpok na yun.

Nagpa ikot ikot ako dito sa may hotel. And there, I saw him sitting on the bench habang may hawak hawak na bote. What the hell? Is he drinking? Take note na hard pa yata ang iniinom niya.

"Hoy!" Tawag ko sakaniya. Lumapit ako at tinitignan niya lang ako.

"Bakit ka umiinom?" I asked.

"Because I want to."

"Kaka alis mo lang agad agad may alak ka ng hawak. Iba rin."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko at naka tingin lang siya sa akin.

"Huwag ka ng uminom. Baka malasing ka." Bawal ko sakaniya.

"Stop showing that you care for me."

Napatigil ako sa pag agaw ng bote dahil sa sinabi niya. The fuck? Ano bang sinasabi niya? Of course I care about him, like how I care about my job sir! Charot.

"Lucia, hindi ako tanga para hindi maramdaman na iniiwasan mo ako kahit sinasabi mong hindi."

Hinawakan ko ang kamay niya pero inalis niya yun.

"I told you don't hurt me. But what are you doing? Bakit pinapa mukha mo sa akin na ang dali dali mo lang akong balewalain?"

Punyeta! Drama na ba 'to? At sinong nagsabi na madali para sa akin na iwasan siya?!

"Hindi kita iniiwasan. It's just that I-"

"Hindi mo ako iniiwasan pero mag kasama nanaman kayong dalawa? Umamin ka nga sa akin, Lucia. Ginagawa mo lang ba akong panakip butas?"

"What?! Of course not!"

Bakit ko siya gagawing panakip butas where in the first place wala namang butas na dapat takpan!

"Then give me a fucking reason why you're ignoring me! Halos mabaliw na ako kaka isip sa'yo kung bakit mo ginagawa 'to. Wala kang panahon para sa'kin pero sa putanginang Luke na 'yon meron? I'm not dumb."

"Evan please. Stop it. You're just over reacting."

"Over reacting? Kung para sayo nagpapaka oa lang ako, kung para sa'yo wala lang 'to, pwes para sa'yo lang 'yun. You promised me, Lucia. You promised that there'll be no other man. But you just broke your promise like how you're breaking my heart now."

Tumayo siya sa kina uupuan niya at nag lakad siya palayo pero huminto rin ito.

"Anyway, you look gorgeous. You look like a Queen but it's too bad that I'm not your King for this night. Don't worry about me. Kahit balewalain mo ako ngayon, darating ang panahon na ako na ang uunahin mo. I won't stop courting you. Just like what I have said, I'll make you say yes."

Tuluyan na siyang nag lakad palayo at naiwan akong naka nganga dito. OMG! What have I done? Anong ibig sabihin ng mga sinabi niya? Na nasasaktan siya dahil binabalewala ko siya? Putragis naman oo.

Wala na akong pakialam kung hindi niya pa sinasabing mahal niya ako. I can feel it! Actions are louder than words. That's it! Kahit hindi niya sabihin na mahal niya ako, I know he loves me! I'm going to confront him tomorrow magka alaman na.

Nag ring ang phone ko and it's Kennedy who's calling. Galing din ng timing nito.

"Hello, bru?"

"Bru! Nag away ba kayo ni Evan? Kasi wala siya sa sarili niya nitong mga nakaraang practice."

"Kwento ko nalang sa'yo bukas bru."

"May laban kasi kami bukas. Galit na galit na sakaniya si Kai dahil para siyang walang utak habang nagpa practice kami. Ang bobo niya bru. Inutusan lang ako ni Hong na tawagan ka at tanungin kung nag away ba kayo. Tsismoso si Hong e."

"We just have a small misunderstanding. What time is your game? I'll watch."

"10:00 am bru. Oo manood ka. Baka kasi kapag nanood ka bumalik na ang sigla niya. Para kaya siyang zombie bru! Akala ko nga galing siya ng Busan."

"Busan? Ano namang gagawin siya sa Busan?"

"Yung palabas sa Korea na Train to Busan. Baka kasi nag punta siya don tapos nakagat at na infect pala siya kaya ganun."

"Joke ba 'yan? Hindi nakakatawa. O siya sige. I'll see you tomorrow."

"Okay. See you."

I ended the call. So isa lang ang ibig sabihin nito, apektado talaga siya sa pag iwas na ginagawa ko. Mygosh! He can't even focus sa practice game nila! Ang haba talaga ng hair ko.

Umupo ako dito sa may bench na kinauupuan niya kanina. Huminga ako ng malalim at nag isip isip.

Okay! This is final. I'll support him tomorrow. Aaminin ko na rin sakaniya na alam ko ang bet na meron sila. Nasa sakaniya nalang yun kung aaminin niya ba sa akin o hindi. Hindi na ako makapag hintay na sabihin niya sa akin na mahal niya ako. Dahil kung hihintayin ko pa 'yun ay baka mauwi lang sa lahat ang lahat ng 'to sa kakatampo niya at sa ginagawa kong Realization101.

Napasabunot ako sa sarili ko! Ano ba kasi yang punyetang pustahan na yan! Pahamak ng kalandiaaaaaan! Kasalanan niya rin naman kasi ito in the first place e! Nakaka bobo. Tangina.