webnovel

Chapter Four

Angel Sarren

First day of school namin ngayon dito sa Wings University. Finally, Isa na akong college student. Konti na lang talaga at makakapagtapos na rin ako atsaka makakahanap ako ng mas maayos na trabaho. Nagpapart time job lang kasi ako ngayon. Sa totoo lang hindi sapat iyon para sa amin na magkakapatid kaya nga pursigido na talaga akong makapagtapos nang mabigyan ko na sila ng magandang buhay.

"Angel! Wait for me!" sigaw ng bestfriend kong si Erica na kakalabas palang ng kotse niya. Napahinto ako sa paglalakad at hinintay siyang makapasok para sabay na kaming pumunta sa mga room namin.

Ngunit laking gulat ko nang bigla niya akong binatukan! Napamura ako ng wala sa oras sa ginawa niya. "Aray naman! Bakit mo ba yun ginawa sa akin?! Inaano ba kita?"

Bigla niya akong inirapan at mahinang tinulak. "Ano yung nalaman ko kay Hades na rumaket ka na naman daw kagabi?! Nakipagsuntukan ka na naman daw sa lalaki para lang sa pustahan na 'yan! Baliw ka ba, ha?! Gusto mo na ba talagang mamatay?!" sermon niya sa akin.

Tumawa naman ako ng malakas. Yung mukha niya kasi galit na galit na naman. Nakakainis talaga yung kapitbahay ko na si Hades! Yun talaga ang laging nagsusumbong sa tuwing may ginagawa akong hindi magugustuhan ni Erica eh. Hay naku, pero hindi naman ako nagsisisi dahil may nakakuha naman akong pera para sa pagpapagamot sa kapatid kong si Makmak. Atsaka hindi naman ako nasaktan kaya okay lang talaga sa akin iyon.

"Besh, wag ka na magalit. May nakuha naman akong one thousand five hundred, eh. Last na talaga yun! Di na mauulit!" matigas kong sabi pero ang bruha binatukan na naman ako. Ganito talaga sa akin si Erica, daig niya pa yung mga nanay sa pag care niya sa'kin. Gusto rin niya na sa lahat ng problema ko ay sinasabi ko sa kanya kasi lagi siyang nandiyan para tulungan talaga ako. Binibigyan nga niya ako ng pera eh. Pero ayoko na talagang tumanggap ngayon kasi sobra sobra na rin kasi talaga ang tulong na mga binibigay niya sa akin at sa mga kapatid ko.

"Di ba sabi ko pag kailangan mo ng pera nandito lang ako para tulungan ka? Nakakainis ka. Atsaka babae ka, Angel! Babae ka! Hindi ka dapat nakikipagsuntukan!" galit na sabi niya at malakas niya akong hinampas ng bag niyang balenciaga. Iba talaga pag rich kid! Tamang hampas lang sa mga mahihirap ng mga mamahaling bag. Hays.

"Oo na po, Miss Erica! Teka nga. Di ba 8 am pa naman start ng class natin? Pwede bang maglibot libot muna tayo dito? Ang laki pala talaga ng university na 'to. Akala ko nasa mall na ako kanina nung pagkapasok ko palang eh." sabi ko habang tinitignan ang mala mansion na school namin.

"Sure. Pero may kukunin muna ako sa library. Wait for me here!" sabi niya at bigla na lang tumakbo.

Hindi ko man lang natanong sa kanya kung saan dito yung music room! Ang bilis niya talagang tumakbo kahit kailan.

Napahinga ako ng malalim. Ilang minuto na kasi siyang hindi bumabalik! Kung ako na lang kaya muna ang maglibot libot dito? Sige! Pwede naman siguro 'yon. At kung sakaling maligaw man ako dito ay tatawagan ko na lang si Erica. Ang tagal niya naman kasi! At sobrang naiinip na din talaga ako dito. Muli akong napatingin sa paligid. Ang daming estudyante! At ako lang yata ang mukhang dukha sa kanila. Paano naman kasi kung di dahil sa scholarship ko ay di naman talaga ako makakapasok dito. Pero kahit hindi man ako kasing yaman nila buti na lang talaga at kahit papaano ay may tinira naman para sa akin si Lord, yun ay ang may utak naman ako kahit papano.

"Bro, she's hot."

"I know right. Mga brad, tignan niyo oh.  She's beautiful and sexy! Ayos! May bago na naman tayong target."

Rinig kong sabi nang grupo ng mga kalalakihan na biglang lumapit sa aking tabi. Tinignan ko sila ng masama. At dahil sa narinig ay naglakad na talaga ako ng mabilis papalayo doon sa kanila. Ano ba 'yan! Hindi talaga nawawala ang mga  manyak sa mundo! Kahit nasa private school puro kabustusan pa rin ang alam. Akala ko pa naman mababait ang mga boys dito eh. Nakakainis naman! Ang hirap na talagang magtiwala sa panahon ngayon.

Napatakbo ako papasok sa isang building na bago palang ang pagkakagawa. Wala pa kasing mga pintuan ang ibang rooms at halatang bago palang ang pagkakalagay ng mga tiles sa mga walls. At ngayon ko lang din napansin na hanggang sixth floor pala ang building na ito. May dalawang elevator at may isang hagdanan. Syempre sa takot ko na baka mastuck ako sa elevator dahil sa bagong gawa palang nga naman ito ay naisipan kong gamitin na lang ang hagdanan. Bakit ba? Gusto ko rin kasing ichallenge ang sarili ko na umakyat dito.

Nasa third floor palang ako pero feeling ko mahihimatay na agad ako. Kainis! Nakakahingal naman pala itong ginagawa ko. Parang pinaparusahan ko lang sarili ko!

Kaya ko 'to. Tatlong palapag na lang!

Nang makarating na ako sa fifth floor ay napaupo muna ako ng sandali sa hagdanan. Bigla kasing nanghina yung mga tuhod ko. Tapos nakakahilo pa.

Kinuha ko yung bottled water ko sa bag atsaka ito ininom.

"Let me go! Please! I didn't kill her! I'm telling you the truth, King! Please don't kill me."

Halos maibuga ko lahat ng tubig na nasa bibig ko nang may narinig akong sumisigaw doon sa may itaas. Hindi kaya multo iyon?! Pero imposible naman yata! Umaga palang kaya wala pang multo! Tama. Tao lang siguro ito at baka nangtitrip lang!

Tumayo na ako at dahan dahang umakyat papunta sa itaas. Hindi pa ako tuluyang nakaka akyat pero rinig na rinig kong may nag aaway talaga dito. Ano kayang dapat kong gawin? magsusumbong na ba ako sa principal? My god! First day of school tapos may magaguidance agad? Pipigilan ko na lang nga lang sila kesa sa isumbong kay Principal. Hay naku, ang bait bait ko talaga!

Huminga ako ng malalim atsaka na binuksan ang pintuan. Buti pa dito sa taas may pinto na! Ang laki pa. Teka.. Ang dilim naman! Ano bang meron dito sa loob?

Binuksan ko ang ilaw ang silid. At laking gulat ko nang may nakita akong isang lalaking may hawak na baril habang ang isang lalaki naman ay nakahandusay sa sahig at duguan na ito. Nanlaki ang mga mata ko. Hala, shit! Ano itong pinasok ko?! Wala naman ako sa narnia di ba?! Anong movie ba itong napasukan ko? Nakakaloka!

Halos hindi na ako makahinga nang mapansing nakatingin sa akin ang lalaking may hawak ng baril. Mas lalo pa akong kinabahan nang mas tumitig pa ito sa'kin. Kilala niya ba ako? At bakit ganito na lang siya makatingin sa akin. Hindi naman galit ang mukha niya, seryoso lang siyang nakatingin. At parang emosyonal din siya.

Lakas loob kong dinuro siya at sinabing,

"

Tama na 'yan! Kung hindi ka pa tumigil isusumbong na talaga kita sa mga pulis!"

Nakita ko ang gulat niya nang sumigaw ako. Bigla siyang napatayo nang sabihin ko iyon.

"What the fuck are you doing here?! This is my territory! How did you get in here?!" galit na galit na sigaw niya.

Doon na ako natakot. Ang laki kasi ng pagbabago niya! Kanina kung titignan siya nung pumasok ako sobrang amo lang ng mukha niya tapos ngayon daig niya pa si Hulk kung magalit! Sobrang nakakatakot.

"You have no right to enter here." sabi niya habang tumatagis ang ngipin niya sa galit. "Fine. I'll give you a chance to get out of here if you tell me your name." dagdag pa niya.

Ano daw? Pangalan ko? Bakit naman kaya? Crush niya ba ako?! Pangalan lang ba talaga o number ko hinihingi niya?  Lagot na ako!

"S-Sorry! Naliligaw kasi ako. Alam mo ba kung nasaan ang cr dito? Ay charot! Hindi na pala. Sige aalis na ako, ha? Bye!" anak ng tokwang palusot ko na 'yan! Natatakot na kasi talaga ako kaya wala akong ibang masabi sa kanya. At isa pa may hawak siyang malaking baril! Ano na lang ang laban ko sa kanya?!

Tinalikuran ko lang ito at mahigpit na napahawak naman ako sa doorknob. Tatakas na ako! Hindi ako pwedeng mamatay. Paano na lang ang mga kapatid ko nito? Kung tumakbo na kaya talaga ako?

"Sabihin mo sa akin ang pangalan mo kung ayaw mong isunod kita sa listahan ng mga taong papatayin ko."

Napahinto ako sa narinig at takot na takot akong lumingon sa kanya.

"ANGEL!" sigaw ko at tumakbo na palabas ng impyernong iyon.