"Gusto kong mapag-isa. Iwanan niyo na muna ako." walang emosyon kong sambit.
"Nathaniel! Makinig ka naman sa amin, oh. Hindi ka namin pwedeng iwan dito." rinig kong sabi naman ni Sebastian.
"Alam naming nasasaktan ka. Pero kasi matagal nang nangyari iyon. Kalimutan mo na lang ang lahat at mag bagong buhay ka na." sabi naman ni Arthur sa akin. Tinignan ko siya ng masama at biglang napayukom ng kamao.
"Maghihiganti ako. Ipaghihiganti ko si Liyanna! Papatayin ko silang lahat, uubusin ko sila. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa girlfriend ko!" galit na galit kong sabi sa kanila.
Bigla namang lumapit sa akin si Arthur.
"Huwag mong hayaan na lamunin ka ng galit mo dahil wala ka rin namang mapapala. Dahil wala na siya! Wala na si Liyanna! Matagal na siyang wala! At kahit ano pang paghihiganti ang gawin mo ay hindi pa rin nila maibabalik siya saiyo! Dahil hindi na nabubuhay ang mga patay, Nathaniel. Hindi na."
Napamura ako ng malakas sa narinig. Hindi ko alam pero sobra sobra ang galit ko ngayon kay Arthur dahil sa mga sinabi niya sa akin. Alam ko naman na wala na talaga siya, pero hindi ba puwedeng umasa pa rin ako sa isang himala? Liyanna is my everything. Siya na lang ang meron ako tapos biglang malalaman ko na wala na pala talaga siya? Sobrang sakit! Ang sakit sakit.
Lakas loob akong tumayo mula sa pagkakahiga sa hospital bed at bigla na lang sinugod si Arthur. Nanginginig ang mga kamao ko nang suntokin ko siya. Ginantihan niya rin ako pero natigilan lang kami nang biglang pumasok naman ang parents ko sa room.
"Stop! Ano bang ginagawa niyong mga bata kayo, ha?! Arthur! Bakit mo sinuntok ang anak ko?! At huwag mong subukan na magsinungaling sa akin dahil nakita ko ang ginawa mo!" galit na sabi ni Dad at bigla niyang tinulak si Arthur palayo sa akin. Inalalayan naman ako ni Mom pabalik doon sa hospital bed.
"Hindi ko po gustong saktan ang anak niyo, Tito. Pero kasi siya na mismo ang gumawa ng paraan para suntukin ko rin siya.." sabi ni Arthur at biglang binuksan ang pintuan. "Hindi na siya si Nathaniel! Hindi na namin siya kilala. At deserve niyang masuntok para magising siya sa katotohanan na hindi na talaga babalik si Liyanna sa kanya. Mas lalo niya lang sinasaktan ang sarili niya sa gagawin niya. Tapos ngayon sasabihin niya na gaganti siya sa mga kumidnap sa kanya? Anong laban niya doon? Hindi naman po ako magkakaganito kung hindi tunay na kaibigan ang turing ko sa anak niyo. Nag aalala lang kami para sa kanya. Dahil ayaw naming mawala siya sa amin." pagkatapos na sabihin iyon ni Arthur ay tuluyan na siyang umalis ng silid na ito.
"Sorry, Nathaniel." sabi naman nila Ralph sa akin pagkatapos ay lumabas na silang lahat.
Hindi na ako nakapagsalita. Nanatili na lang akong tahimik.. Ngunit ilang sandali pa at lumapit na sa harapan ko si Daddy.
At bigla niya akong dinuro.
"Nathaniel! Totoo ba lahat ng narinig ko? Maghihiganti ka?!" singhal niya.
Umiwas ako ng tingin at tumango.
"Fucking bastard! How could you do this to me?! Alam mo bang nakakahiya ka na? Tapos may nalalaman ka pang paghihiganti d'yan! Para ano, para saan? Para sa girlfriend mong patay na?! Hayaan mo ang mga pulis, hindi mo na 'yan trabaho! Bumawi ka na lang sa mga kasalanan mo sa akin! Mag bagong buhay ka na! Please, Nathaniel!" galit na sabi niya.
Hindi ko siya sinagot, kaya naman nagsalita na naman ulit siya.
"Nathaniel, naman. Ano ba kasing ginagawa mo sa buhay mo? Bakit kailangan mo pa kaming damayin dito sa gulo mo? Isa ka talagang kahihiyan! Sakit ka sa ulo. Hindi ko na alam ang gagawin ko saiyo! Nakakahiya ka!" dagdag pa niya.
Napatiim-bagang na ako sa sinabi niya.
Tinignan ko siya ng masama at nagsalita. "Alam niyo ba kung bakit ako nagkakaganito?" natatawa kong sambit. At biglang sumiryoso. "Dahil sainyo! Dahil sa'yo. Kung makapagsalita ka parang ang linis mo naman! Na para bang isa kang santo na dapat sinasamba ng lahat. Sino ka ba? Ama ko? Talaga ba? Kailan ka pa ba naging ama sa akin? Wala akong maramdaman, eh. Dahil ni minsan sa buhay mo wala kang ibang ginawa kung 'di ang itago ako at pag ingatan 'yang pangalan mo! Mas mahalaga pa sa'yo ang kayamanan mo, ang kompaya mo, ang lahat ng pag-aari mo kesa sa sarili mong anak!" matigas kong sabi. Pilit ko na lang talagang nilalakasan ang loob kahit na ang totoo ay sobra na talaga akong nanghihina.
"Son, please. Stop it.." sabi naman ni Mommy pero hindi ko ito pinansin.
"Yung babaeng iyon na sinasabi mo. si Liyanna? Siya lang naman ang buhay ko. Siya lang. Tapos biglang mawawala pa siya sa akin? Dapat nga matagal na kaming magkasamang dalawa, eh. Pero anong ginawa mo?! Di ba pinalayo mo siya! Nakuha mo pang bayaran ang magulang niya mailayo mo lang siya sa akin! Tapos noong kailangan ko nung tulong mo nasaan ka ba? Di ba wala ka? Mas pinaniwaalan mo pa ang mga sinasabi ng tao na ako ang pumatay sa kuya ni Gabriel! Sa tingin mo ba magagawa ko talaga ang bagay na iyon?! Ang pumatay?! Ano! Sumagot ka-"
Bigla akong natigilan lalo na nang magsalita na si Dad. "Oo! Bakit? Hindi ba?! Mali ba ako? Nakakaya mo ngang ipahiya ako! Ang pagpatay mo pa kaya sa ibang tao?! Baka nga gawin mo rin yun sa amin! Tama naman ako, di ba?!"
I let out a sarcastic laugh. "Fuck you, Dad. Fuck you!" di makapaniwala kong sambit.
ISANG TAON na rin ang lumipas ngunit tandang-tanda ko pa rin ang mga nangyari noon sa akin. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Liyanna kahit na wala na talaga siya ngayon sa piling ko.
Ang dami na ngang nag bago. Tuluyan na akong gumaling at isa na rin akong college student dito sa Wings University.
Simula nang mangyari ang lahat nang iyon sa akin ay nag bago na talaga ang pag-uugali ko. Hindi na ako tulad nung dati. Wala na akong pakialam sa mundo, sa mga taong nasa paligid ko at lalong lalo na sa parents ko. Hindi na ako umuuwi sa mansion at bumili na lang ako ng sariling bahay. Ayoko na umasa sa kanila. At kung ikinakahiya man nila akong anak nila, mas kinakahiya ko rin naman ang pagiging Sullivan ko. Ayoko na sa kanila kaya naman mas pinili ko na lang talaga na mapag-isa kesa makasama pa sila at magtiis doon. Wala na rin akong balak na bumalik dahil alam ko naman na wala na rin talaga silang pakialam sa akin.
Nandito ako ngayon sa puntod ni Liyanna. Inilapag ko sa tabi niya ang mga rosas na dala ko at sinindihan na ang kandila. Napatitig ako sa picture frame niya. Ang ganda niya talaga, lalo na pag nakangiti siya. Pero kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ko na talaga masisilayan pa ang mga ngiti niyang 'yan sa tunay na buhay dahil wala na talaga siya sa akin at ang sakit lang talaga dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makamove-on sa kanya. Hinding hindi ko rin makakalimutan ang ginawa sa kanya nila Gabriel. Sila ang pumatay kay Liyanna kaya hinding hindi ko sila makakalimutan. Kaya naman ngayon ay ipagpapatuloy ko na ang matagal ko nang plano.. Hahanapin ko na ang mga taong pumatay kay Liyanna. Hindi ako titigil hanggat hindi ko sila napapatay! Ipaghihiganti ko siya. Itataya ko rin ang buhay ko makuha lang ang hustisya sa pagkawala ni Liyanna.