webnovel

Chapter 3

Natawa ako nang mahina nang marinig ko ang sinabi niya. Ito ang dahilan upang tignan ako nito ng may mga nanunuring nga mata.

"No one owned me, Sir. No one." I pushed him as I said that and fix my blouse and skirt. Tinalikuran ko siya at humarap sa pinto ng elevator.

"No one? Are you sure, my Persephone?" naramdaman ko ang malamig niyang kamay na dumampi sa aking bewang.

"Stop calling me Persephone. I-I have my name." hindi ko alam kung ano ba ang problema sa akin at bakit ako nahihirapang huminga.

"Then.. Miss Devyn." nanindig ang mga balahibo ko sa batok nang madampian ng mainit niyang paghinga ang aking balat.

Humarap ako sa kanya dahilan para matanggal ang pagkakahawak niya sa bewang ko pati na ang pagkakadikit ng labi niya sa batok ko.

"A-Ano bang kailangan niyo, Sir?" tinignan ko siya ng may buong tapang sa kanyang mga mata.

Those mesmerizing eyes that seems so deep. It has the color of the ash and somewhat it's sparkling while looking at me.

"You. I need you." his deep, husky voice echoed inside the elevator.

*Ting*

Hinatak nito ang kamay ko palabas ng elevator. Ngayon na lamang ako nagtaka kung pano siya napunta doon.

Teka. Ako lang mag-isa doon kanina ha? At sumakay siya doon sa isang elevator. What the heck is happening?

"T-Teka. Paano ka napunta sa sinasakyan kong elevator? Wala ka naman don nung sumakay ako ha." humigpit lamang ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay.

"Rhea, cancel the rest of my appointments for today." malamig nitong utos sa babaeng nakaupo sa tapat ng malaking wooden double door.

"Y-Yes, Sir Hades." napataas ang kilay ko nang marinig ang malandi niyang pagkakasabi niyon.

Ibinaba pa nito ang kanyang neckline at itinaas ng sobrang taas ang palda niya saka huminto sa tapat ni Sir Hades.

Hindi naman siya pinansin ng huli at nagdire-diretso lang sa paglalakad hanggang sa malagpasan siya. At dahil doon nabugnot ang secretary niya at bumalik na lamang sa pwesto niya kanina.

"S-Sir Hades?" mahina kong pagtawag sa kanyang pangalan. Malademonyo pala talaga ang pangalan niya. Demonyong gwapo.

Shut up, filthy brain!

"What?" bugnot nitong sagot habang nakakunot pa ang noo.

Umupo ito sa kanyang swivel chair at tinitigan ako nang mabuti. Nakatayo ako sa kanyang harap na akala mo ay mag-aapply.

"Pwede na ba akong umalis? Fired na ko di ba? Kaya aalis na ko." sabi ko habang nakatitig sa kanyang mata.

There's something in there na parang kilala na niya ako. Na parang may kailangan nga siya sa akin. Ano ba iyon, Hades? Ano bang kailangan mo?

"No." matigas na utos nito at itinuloy ang pagtitig sa akin.

"Alam mo. Kung papairalin mo yang kamanyakan mo sakin. Wag na. Mabuti pang yung secretary mo na lang ipalit m-" nilaro-laro ko ang aking heels habang nakatingin sa mga ito.

Natigilan ako nang pag-angat ko ng aking ulo ay nawala siya sa kinauupuan niyang swivel chair.

"Kamanyakan?" I feel goosebumps running down on my spine when I heard him whisper on my ear.

"Anong ginagawa mo dyan?" I manage not to stutter then face him. Is he playing with me?

"Checking my Persephone." humagod ang tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa.

Lumakad ito papalapit sa akin habang ako'y patuloy naman sa pag-atras.

"Pinaglalaruan mo ba ko?" nakita ko ang pagguhit ng mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

"Do I look like playing, honey?" halos magalit ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang pagdikit ng dulo ng kanyang mesa sa aking balakang.

He pinned me into his table, putting his hands beside me, trapping me.  I can smell his strong perfume that lingers on my nose.

"Please let me go.." hindi ko alam kung saan nanggaling yon at bigla na lamang itong lumabas sa aking bibig.

"Are you scared of me? That's why you're begging? What's with the sudden mood change, my Persephone?" hinawakan niya ang mga tumatakas na hibla ng aking buhok saka iniipit sa aking tenga.

"Bakit naman ako matatakot sayo? Hindi naman kita kilala di ba? So hangga't mabait pa ako sayo, paalisin mo na ko." ngumiti ako sa kanya habang tinitignan ang kabuuan ng kanyang mukha.

"Are you sure you don't know me?" he cupped my chin and look at my lips, as if memorizing every details of it.

"Y-Yes. Kaya naman. Tabi. Aalis na ko." pinilit kong alisin ang kamay niya sa gilid ko pero matigas siya at parang nang-aasar pa.

*Tententenenen tentenen tentennententennenen tenten*

"Good ringtone. Mr. Bean." I heard him chuckle softly as he stepped backwards, letting me answer my phone.

"Wala kang pake." inirapan ko siya at kinuha ang phone sa aking sling bag.

Calling 638-***

Landline 'to sa bahay ha? Ano kayang problema ni Mak-mak? Tsk. Buti na lang at iniwan kong nakadikit sa table yung number ko.

"Hel-" naputol ang aking pagbati kay Mak-mak nang marinig ko ang hikbi niya.

"A-Ate Devyn.." nanginginig ang kanyang boses na parang takot na takot.

"Hoy! Mak-mak! Lumabas ka dyan! Bakit nandyan ka na naman ha? Sinabi kong huwag ka ng pupunta dyan sa Devyn na yan di ba?!"

"Nanay mo ba yon?" hindi na ako mapakali kaya naman agad akong naghanda papaalis. Pupuntahan ko siya at baka kung ano na namang mangyari.

"O-opo ate. " nauutal niyang sabi kaya naman halos mabiyak na ang puso ko nang maramdaman ko ang takot sa kanya.

"Don't worry. Pupunta na dyan si Ate, okay? Pupunta na ko. Hintayin mo ko, Mak. Maliwanag ba? Wag mong bubuksan yung pinto hangga't hindi ko sinasabi ang pangalan ko okay?" hindi ko na hinintay ang sagot niya at ibinaba ang tawag.

Tatakbo na sana ako papalabas ng office ni Hades nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Please.. Please.. Not now, Hades. Please." pagmamakaawa ko habang may mga namumuong luha sa gilid ng aking mga mata.

"I won't hurt you, Persephone. Let's go."