webnovel

Chapter 4

Dumaan kami sa isang secret elevator sa kanyang office. Mukha namang diretso na ito papunta sa parking lot. Hindi ko magawang kumalma, knowing Mak-mak is on danger.

"Shocks." napaupo na ako sa sahig habang tumutulo ang aking mga luha.

Hindi ko mapigilang hindi mag-alala, lalo na't may kalayuan ang apartment ko mula sa office. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Mak-mak, please be safe." bulong ko habang tahimik na nagdadasal.

Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Hades na humaplos sa aking pisngi. Pinunasan nito ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi.

"Hush now." nakita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata tila pinapatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano.

"I can't afford to lose him too." mahina kong bulong habang nakatingin sa kanyang mukha.

"You won't lose him, baby." natigilan ako nang dumampi sa aking noo ang kanyang labi.

I can feel comfort on his gestures. I feel safe on his arms that are hugging me. He's.. Who is he?

"We're here." mahina nitong bulong. Hindi ko namalayan na nakapikit na pala ako the whole time.

Muntik na akong ma-out of balance nang pagdilat ng aking mata ay nasa eskinita na kami.

"P-Pano tayo napunta rito?" nagtataka kong tanong sa kanya na sinuklian lamang niya ng isang tipid na ngiti.

Niluwagan nito ang kanyang neck tie saka i-unbutton ang kanyang tux. He run his fingers through his hair. His head was observing everything that he see.

"Hoy! Devyn!" nagising ako sa pagpapantasya sa kanya nang marinig ko si Aling Rosa na papalapit sa amin.

"Mak-mak." tawag ko sa kanyang anak na umiiyak sa kanyang gilid.

Hawak-hawak ni Aling Rosa ang manggas ng damit ni Mak-mak na halos magkandapunit-punit na. May panibago na namang pasa ang bata sa palapulsuhan nito. Umaalingawngaw ang maingay na iyak ng bata sa buong eskinita.

Nakahakot na rin pala kami ng mga chismoso't chismosa. Akala mo eh nanonood lang ng telebabad tong mga to.

Halatang nakabatak na naman ang isang to. Namumula ang mga mata at nagsisibidahan ang maitim na eyebags nito. Halos maubo rin ako sa paghithit nito ng sigarilyo.

"Aling Rosa. Ano na naman po ba ang kailangan niyo kay Mak-mak? Pera ho ba? Kung pera po, ako na lang po magbibigay. Basta hayaan niyo na lang siya." kinuha ko ang aking wallet at kumuha ng 500 pesos.

"Aba ang yabang mo na, Devyn ha. Porket may kasama kang gwapo dyan. Sino ba yan ha? Eh ni hindi ka nga makapagpabayad ng renta eh." you heard her right. Siya ang kasera ng apartment ko.

"Oh. Ito na rin ho ang bayad ko sa renta. Akin na po si Mak-mak." inabot ko sa kanyang kamay ang 1,500 saka sinubukang abutin si Makmak ngunit iniiwas niya ito sa akin.

"Ate Devyn. Hayaan niyo na po. Magtitiis na lang po ako." lalo akong naawa sa kung paano umiyak ang bata.

"Ikaw. Manahimik ka! Wag kang nakikisali sa usapan ng nga matatanda ha!" kinurot nito si Mak-mak sa tyan at sinampal pa dahilan para matumba siya sa maruming sahig.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinila ang buhok ni Aling Rosa. Nanggigil na ako sa babaeng to eh.

"Hoy ikaw! Pano mo natitiis ang pananakit mo sa sarili mong anak ha? Kung hindi mo siya kayang alagaan. Ako ang mag-aalaga sa kanya. Hindi ka niya kailangan!" natumba siya sa sahig matapos ko siyang itulak nang malakas.

Kinarga ko si Mak-mak na umiiyak saka pumasok sa apartment. Pinaupo ko siya sa kama ko at pinunasan ang kanyang luha.

"Don't worry. Nandito na si Ate. Hindi kita papabayaan okay?" ngumiti ako matapos niya akong yakapin nang mahigpit.

"Salamat po, Ate." hinagod ko ang kanyang likod upang tumahan na ito.

Napansin ko naman si Hades na nakatayo sa pintuan kaya naman humiwalay ako kay Mak-mak at nginitian siya.

"Pasok ka, Sir." inayos ko ang isang upuan malapit sa mesa saka siya hinayaang pumasok at umupo.

"Pasensya na po sa apartment ko ha? Saka sa nangyari kanina. Salamat din po pala." ipinaghanda ko siya ng juice saka ito inilapag sa harapan niya.

"Mak-mak. Maligo ka muna. Tignan mo kung may tubig na dyan sa banyo. Nandito rin yung isa pang pares ng damit mo." umupo ako sa harap ni Hades saka siya nahihiyang tinignan. Umiinom ito ng orange juice na itinimpla ko.

"Hey.." hinawakan nito ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa.

"I'm sorry. Nakakahiya. Alam mo na kung bakit ako ganon umakto. Kasi taga squatters ako?" natatawa kong sabi habang nakatingin sa kanya.

Kumunot naman ang noo nito at pinagmasdan akong tumawa. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"You are differrent from them, Devyn." para akong nahipnotismo at ngumiti.

"A-Ate Devyn?" nagising ako nang tawagin ako ni Mak-mak.

Inalis ko ang kamay ni Hades na nakahawak sa akin at tinignan si Mak-mak na nasa harapan ko na. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi na parang inaasar ako habang nakangiti. The heck?

"Oh. Mak-mak, bakit?" nakangiti kong nilagyan ng pulbo ang kanyang likod.

Matapos niyon ay napagdesisyunan ko na umalis na sa lugar na ito. Mas okay kung makakahanap kaagad kami ng apartment na lilipatan namin. May nakita kasi ako sa kabilang kanto na nagpapaupa ng bahay. Mas maganda at mas tahimik doon. Mas better para kay Mak-mak.

Iniligpit ko na ang aking mga gamit. Konti lang naman ang mga ito kaya naman kayang-kayang buhatin na lang. Panigurado ay papalayasin din naman ako ni Aling Rosa pag nagkataon.

"Saan po tayo pupunta?/ Where are you going?" halos sabay na tanong sa akin ni Hades at ni Mak-mak.

Nagulat naman si Mak-mak at nagtago sa likod ko na parang natatakot. Kaya naman natawa ako nang mahina. Nakakatakot ba si Hades?

"Mak-mak, this is Kuya Hades. Siya ang boss ko.. dati." tinignan ko siya saka ngumiti.

"H-Hi po." nakita ko ang maliit na kamay niya na kumaway kay Hades. Ang cute-cute.

"Hi." malamig na sabi ni Hades kaya natakot lalo si Mak-mak at nagtago muli.

"Lilipat na tayo ng apartment. For sure, papalayasin din naman ako ng nanay mo." saad ko habang inaayos ang mga gamit ko.

"You're not going anywhere. You'll go home with me."