webnovel

1

Tuwang-tuwa siya nang binalita ko sa kaniya na mag-o-overnight kami sa beach. Seeing her that happy makes my heart flutter. Alam kong malaki ang pagkukulang ko bilang boyfriend niya pero nandiyan pa rin siya sa tabi ko para alagaan at iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.

We often spend time together, kaya siguro ganoon na lang siya ka-excited sa sinabi ko. It's our first anniversary and I wouldn't miss it. Kahit maraming schedule na naka-line-up ay ni-cancel ko talaga para sa espesyal na araw na ito. Ito rin ang oras na dapat ay bumawi ako.

"Are you ready, love?" Sabi ko saka hinawakan ang malambot niyang kamay.

Nakangiting tumango siya. Halatang-halata sa mukha niya ang sobrang excitement. Hinila ko siya papalapit sa akin saka niyakap.

"Happy anniversary, love." Hinagod ko ang buhok niya saka hinigpitan ang yakap ko. Sobrang mahal na mahal ko ang babaeng ito kahit minsan ay na-di-disappoint ko siya sa mga bonding at dates namin. Palagi kasi akong tinatawag sa training kapag magkasama kami. Buti na lang talaga ay hindi siya nagsasawang unawain ako.

"Happy anniversary." Sabi niya saka kumalas na sa pagkayakap ko.

"Tara na? Excited na ako." Tumalon-talon pa siya na parang bata. Natawa na lang ako sa inasal niya.

Nakayakap siya sa akin habang nasa byahe kami. Inaamoy-amoy pa niya ang kili-kili ko. Ganiyan siya palagi kapag magkasama kami kaya sanay na ako.

"Miss na miss na kita, pandak." Sabi niya saka nakangising tinignan ako. Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya kasi ito ang unang pagkakataong tinawag niya akong pandak.

"Wow ha. Nagsalita naman ang matangkad." Natawa ako nang bigla siyang sumimangot. Kung mang-asar kasi, wagas.

"Ehh kasi, ang tatangkad ng mga co-trainees mo. Ikaw lang pandak." Tuwang-tuwa naman siya sa sinabi niya. Sasagot na sana ako nang biglang nagvibrate ang cellphone ko.

- Maknae Calling -

"Teka lang love ha?" Nakangiting tinanguan lang niya ako. Kumalas ako sa pagkaakbay sa kaniya saka sumandal sa bintana ng kotseng sinasakyan namin. Tinuon ko ang pansin sa labas ng daan.

"Hyung! Sa'n ka na? Di ka pa ba babalik dito?"

Natawa ako sa bungad sa 'kin ni Sanha - ang pinakabatang co-trainee ko. Mga dalawang oras pa nga akong wala, namiss kaagad ako?

"Nagpaalam na 'ko kay Sir Noh na may pupuntahan ako ngayong araw. Bukas pa ang balik ko. Bakit ba?"

"Ehh kasi, wala akong kalaro."

Muntik na akong napamura sa sinabi niya. Putcha, gawin ba naman akong kalaro. Palibhasa, sobrang bata pa nito. Puro laro ang iniisip.

"Si Minhyuk laruin mo kasi pareho kayong bata. Huwag ako."

Sinulyapan ko siya saglit. Mahimbing na itong natutulog habang nakasandal sa kabilang bahagi ng bintana.

"Hyung naman ehh. Alam mo naman ugali no'n, parang bato. Hindi namamansin. Titignan ka lang saglit 'tas wala na. Feeling ko nga mas matanda pa ang isang 'yon kaysa kay MJ hyung."

"Edi si MJ hyung na lang gawin mong kalaro."

"Hmm. Ita-try ko. Maiba tayo, sa'n ka ba ngayon?" Napailing na lang ako. Halata kasi na gusto pa niyang makipagkwentuhan sa 'kin.

"Beach." Maikli kong sagot sa kaniya. Paniguradong magmamaktol ito sa sinabi ko. Simula kasi no'ng nagtraining na kami ay wala na kami masyadong social life at lahat kami ay gustong mamasyal lalo na sa beach.

"HYUNG!! ANG UNFAIR NI JINWOO HYUNG, PAPUNTA SIYANG BEACH NGAYON!!" Rinig kong sigaw nito sa ibang co-trainees kaya medyo nilayo ko ang phone ko sa teynga ko. Iyong boses kasi niya ay nakakabingi.

Narinig kong umingay sila sa kabilang linya.

"Ya! Ba't ngayon mo lang sinabi na sa beach ang punta mo?! Sasama sana kami!" Narinig ko ang matinis na boses ni MJ hyung. Natawa ako. Kahit kailan at kahit saan talaga, sobrang ingay nito.

"That's the point. I don't want you here." Pabiro kong sabi. Pero totoo naman talaga. I arranged this event only for us. Kung isasama ko pa sila ay magmumukha ng outing ang espesyal na araw na ito.

"Ya! Ang sama mo!" - MJ

"Hyung, pag-uwi mo rito, babalatan ka namin ng buhay!" - Minhyuk

Narinig ko ang kaniya-kaniyang reaksyon nila kaya natawa na lang ako. Hindi nila alam na may girlfriend ako off-screen kaya mag-e-expect ako ng mga may sense at walang sense na tanong pag-uwi ko tungkol sa lakad kong ito.

"Hmmm... Ang sarap ng simoy ng hangin dito. Ang sarap sa pakiramdam." I teased them. Lalo akong natawa nang umingay na naman sila. Na-i-imagine ko tuloy ang mga pagmumukha nila ngayon.

"Sige na. Bababa na 'ko." Hindi ko na hinintay pang sumagot sila at binaba na agad ang tawag.

Huminga muna ako ng malalim bago nilapitan ang babaeng pinakamamahal ko. Sinandal ko ang ulo niya sa aking balikat upang makatulog siya ng maayos bago kami makarating sa pupuntahan namin.

Alas kuwatro na ng hapon nang makarating kami sa resort at medyo malamig na ang simoy ng hangin.

"Love, nandito na tayo." Dahan-dahan naman niyang ibinuka ang kaniyang mga mata at bumangon mula sa pagkasandal sa akin.

Habang tinitignan nito ang paligid ay kusa akong napangiti nang unti-unting sumilay ang ngiti nito sa labi.

Dali-dali itong bumaba sa kotse ay dinama ang simoy ng hangin.

"Hayst. Ang ganda rito. Nakaka-relax." Mahinang sambit nito.

"Uncle, salamat talaga sa paghatid sa amin dito ha?" Sabi ko kay Uncle Jason. Si Uncle ang naghatid sa amin dito sa beach. Kaibigan ko siya at alam kong mapagkakatiwalaan ito, lalo na sa mga bagay na katulad nito.

"Walang anuman, hijo. Basta ikaw, anytime pwede mo akong tawagan. I'm always willing to help you." Napangiti naman ako sa sinabi nito. Uncle Jason is a busy person pero iniwan niya talaga ang trabaho nang tumawag ako sa kaniya.

"Basta uncle ha? Secret lang natin 'to." Nag-okay sign lang siya sa kamay saka tumawa.

"Mag-iingat ka pauwi, uncle at salamat ulit." Paalam ko bago ito tuluyang umalis.

Isinukbit ko ang dalang bag sa balikat saka naglakad na papasok sa resort. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Angel. Nauna kasi itong pumasok kanina.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at naglakad pa ng konti hanggang sa makita ko na ang dalampasigan. Napapikit ako ng dumampi sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Ang gaan sa pakiramdam. Iyong lahat ng hirap at pagod sa training ay biglang nawala.

Sana nandito sila. Edi sana pati sila ay makaka-relax.

Napangiti ako nang saglit ay naalala ko ang aking ikalawang pamilya. Pati ba naman sa isip ko ay gagambalain nila ako? Ibang klase talaga.

Inilibot ko ulit ang tingin ko sa paligid at nakita roon ang babaeng nakatayo at seryosong nakatingin sa kawalan. Si Angel - ang babaeng pinakamamahal ko.

Nilagay ko sa bench ang dalang bag at naglakad papalapit sa kaniya. Ano kayang iniisip niya?

Nang makalapit ay hinubad ko ang suot na jacket, sinukbit ko sa balikat niya at niyakap siya patalikod. Nananatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago siya magsalita.

"Sana ganito tayo palagi." Iyong tono ng boses niya ay parang... Hindi ko mawari pero hindi ito ang usual na Angel na nakilala ko.

"Oo naman. Walang magbabago, pangako." Hinalikan ko siya sa ulo saka niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung wala nga ba talagang magbabago lalo na sa sitwasyon ko ngayon, but I will try my best to make her feel that nothing will change. Parang hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin. I can't imagine my life without her. She's an Angel God gave me. She's my Angel.

Kumalas siya sa pagkayakap ko saka humarap siya sa akin na nakangiti.

"Mahal na mahal kita, Jinwoo. At kahit na anong mangyari ay lagi mong tandaan iyan." Sabi niya saka niyakap ako.

Medyo naestatwa pa ako saglit sa sinabi niya. Ito kasi ang unang pagkakataong sinabi niya sa akin na mahal niya ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Para akong nanalo sa lotto na ilang bilyon ang premyo.

"Mahal na mahal din kita, aking Anghel."