webnovel

2

"Saan ba tayo pupunta?" Natatawang sabi nito habang ang higpit ng hawak niya sa laylayan ng tshirt ko.

"Basta, malalaman mo kapag nandoon na tayo." Dahan-dahan ko siyang inalalayan sa paglalakad papunta sa surprise dinner na inihanda ko para sa kaniya.

"Kapag ako nadapa, lagot ka talaga sa 'kin!" Nakatakip kasi ang mga mata nito at alam kong takot ito sa dilim kaya kahit nakaalalalay ako sa kaniya ay labis pa rin ang pangamba nito.

"Sasaluhin naman kita. Yeeeii." Panunukso ko sa kaniya. Sinapak niya ako sa balikat kaya hindi ko mapigilan ang tumawa.

"Huwag kang mag-alala, nandito na tayo." Sabi ko nang dumating na kami sa venue. Sinadya ko talagang ihanda ito sa tabi ng dagat upang maaliwalas ang paligid at sariwa ang hangin.

"Suprise!" Dahan-dahan kong tinanggal ang nakatakip sa mga mata nito. Napangiti ako nang makitang nagliwanag ang mga mata nitong nakatingin sa surpresa ko sa kaniya.

"I love it!" Napatakip siya sa kaniyang bibig saka tinignan niya ako.

"Salamat, love!" Hinalikan niya ako sa pisngi saka niyakap. Seeing her like this is enough for me.

"Kain na tayo." Sabi ko sa kaniya saka inalalayan siyang umupo.

Nagkwe-kwentuhan lang kami habang kumakain. Nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay na hindi pa namin napag-usapan noon. Minsan lang kasi kami nagkikita kaya marami kaming kwento sa isa't isa.

"Alam mo, love, ang kulit na CJ." CJ ang ipinangalan niya sa asong binigay ko sa kaniya noong birthday niya.

"Talaga? Kailan ko kaya siya makikita?" Mag-iisang buwan na rin niya itong inaalagaan sa kanila at mag-iisang buwan na rin no'ng huli ko itong nakita.

"Bisitahin mo kami sa bahay kapag may time ka. Alam mo, pinaglaruan pa niya ang paborito kong sapat-"

Hindi niya natuloy ang pagkwe-kwento nang nagvibrate ang phone ko na nakalagay sa mesa.

- Maknae Calling -

Sinenyasan ko siya na saglit lang bago sinagot ang tawag.

"Oh? Ano na naman?"

"Wow. Ang ganda ng bungad mo hyung ah?" He said sarcastically. Ano na naman kaya ang pakay nito?

"Busy kasi ako ngayon kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin." Tinignan ko si Angel na seryosong kumakain. Iba na ang timpla ng mukha nito kaya napakamot na lang ako sa kaliwang kilay ko.

"Okay. Tumawag ako para sabihin sa 'yong lahat kami ay may inihandang parusa para sa 'yo." Natawa ako sa sinabi nito pero hindi ko pinahalata. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin nila ang hindi ko pagsabi sa kanila kung saan ako pupunta?

"Okay." Maikling sagot ko. Sinadya ko talaga iyon para hindi na humaba ang usapan. Ayoko kasing isipin ni Angel na kahit nandito ako ay sila pa rin ang iniisip ko.

"Putcha! Iyan lang ang isasagot mo?"

"Hoy maknae, huwag mo 'kong minumura-mura ha? Lagot ka talaga sa 'kin pag-uwi ko."

"HOY! Anong putcha? Marunong ka nang magmura ngayon ha? Halika nga dito, tuturuan kita ng leksyon!" Narinig ko ang boses ni MJ hyung sa kabilang linya kasabay ng pagtili ni Sanha.

"Hyung, ano'ng dinner mo?" Si Moonbin na itong kausap ko. Malamang, ni-wrestling na ni MJ hyung si Sanha.

"Steak." Maikling sagot ko. Kailan ba nila ibababa itong tawag?

"Wooaa! Ang unfair mo talaga hyung! Kami nga, kimchi stew lang na niluto ni Minhyuk." Medyo malakas ang boses nito at narinig ng iba kaya umingay na naman sa kabilang linya.

"Anong kimchi stew LANG? Ang sarap kaya ng luto ko." Narinig kong reklamo ni Minhyuk.

"Masarap naman. Sabi ko bang hindi?" Sagot naman ni Moonbin sa kaniya.

"Masarap nga ang kimchi stew ni Minhyuk, pero mas masarap pa rin ang steak na kinain ni Jinwoo hyung." - Eunwoo.

"Steak? Steak ang dinner ni Jinwoo?" - MJ

"Oo!" Sagot nilang lahat.

"Ya! Hindi mo na nga kami sinama sa beach, ang sarap pa ng kinain mo. Ang yaman ah? Libre ka pag-uwi mo ha!" - MJ

Hindi ako nakasagot agad nang makitang tumayo si Angel sa kinauupuan.

"Punta lang akong restroom saglit." Paalam nito saka umalis na kaagad. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong nakapasok sa loob.

"Hello? Andiyan pa kayo?" Tinignan ko ang phone ko. On-going pa rin ang tawag pero wala nang nagsasalita sa kabilang linya.

"Hyung, may kasama ka bang babae diyan?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Eunwoo. Baka narinig nila ang boses ni Angel kanina. Teka, ano'ng isasagot ko? Ayokong malaman nila kasi hindi pwede.

"Ha? W-wala ah. Pa'no niyo naman nasabi iyan?" Jinwoo ano ba. Huwag ka ngang mautal diyan. Baka iyan ang dahilan ng pagkabuking mo. Pagkukumbinsi ko sa sarili. Kahit kasi anong gawin ko ay ang bilis ng kalabog ng dibdib ko at hindi ko maiwasan ang mautal.

"Hmm? May narinig kaya kaming nagpaalam diyan na pupunta munang restroom." Ano bang sasabihin ko. Patay talaga ako nito.

"Ahh. Baka sa kabilang table lang. Kayo talaga, ang chichismoso." Tinawanan ko pa sila pero may halo itong kaba.

"Sige na. Kakain na ulit ako. Istorbo eh." Paalam ko sa kanila saka deretsong pinatay na ang tawag. Kumawala ako ng buntung-hinga pagkatapos.

Ang hirap pala ng ganito. Ang hirap magtago ng relasyon lalo na alam mong hindi talaga pwede. Pero hindi ko isusuko si Angel dahil alam kong malalagpasan din namin ang lahat ng 'to at dadating din ang panahon na pwede ko nang ipagsigawan sa buong mundo na siya ang taong mahal ko.

"Tapos na kayong mag-usap?" Tanong nito saka umupo ulit sa inuupuan niya kanina.

"Oo. Pasensya ka na ha? Ang kukulit lang talaga ng mga kasamahan ko. Hindi naman kasi pwedeng hindi ko sagutin ang tawag nila kasi baka mag-alala."

"Okay lang. Sanay naman na ako na sila ang inuuna mo." Naalarma ako nang ngumiti siya ng mapakla at awtomatikong hinawakan ang kamay niya.

"Angel naman..." Hindi ko gusto ang nakikita siyang ganito. Ayokong nakikita siyang malungkot dahil nalulungkot din ako.

"Sige na. Kain na tayo nang makapagpahinga tayo ng maaga. Alam kong pagod ka sa byahe." Ngumiti ulit siya pero alam kong pilit lang ito. Hindi ko alam pero hindi ako komportable sa mood namin ngayon.

Nang matapos kaming kumain ay dumeretso na kami sa room namin.

"Love, may regalo ako sa 'yo." Nakangiting ibinigay ko ang regalong binili ko para sa kaniya. I'm trying to enlighten our mood again. Ayoko ng ganoon kanina. Hindi ako sanay.

Nakangiting tinanggap niya ang regalo. "Hindi ako nag-eexpect ng regalo kasi alam kong busy ka, love. Kaya salamat talaga dito." Sabi niya saka niyakap niya ako.

"I'll do anything para sumaya ka lang, Angel." Sabi ko saka niyakap siya pabalik. Saglit lang iyon at kumalas na siya.

"Thank you, Jinwoo. And I'm sorry..." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit nagso-sorry siya?

"Bakit may sorry?" Hindi ko alam pero bakit kinakabahan ako sa mga sinasabi niya? May mali ba?

"Sorry kasi hindi ako perfect girlfriend para sa 'yo." Napatingin ako sa mga mata niya. Naluluha na ito.

"No no no! Don't say that. You are more than enough for me, Angel. Tandaan mo 'yan ha? At saka huwag ka magso-sorry sa akin. Okay?" Tumango-tango naman siya saka niyakap ko ulit siya. Tama siya sa sinabi niya kanina. Sana ganito na lang kami palagi.

Ang sarap pala sa pakiramdam na kasama mo ang taong mahal mo. Wala ka nang mahihiling pang iba kundi ang masaya lang kayo sa piling ng isa't isa.

Hindi ko alam kung ano ang buhay ko sa hinaharap pero pipilitin kong hindi magbago para sa kaniya...

Para sa aking anghel.

Next chapter