webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 综合
分數不夠
557 Chs

Chapter 1

"I need you. And you need to remember who's your man."

Kasabay ng kantang iyon ay ang pag-ilanlang ng malalakas na tilian sa Araneta Coliseum. Major concert iyon ng bandang Switch. Naka-base ang mga ito sa Pilipinas subalit nagsisimula na ring gumawa ng pangalan sa Asia. Guwapo ang halos lahat ng member ng band nito subalit ang puso niya ay nasa part-Canadian, part-Filipino na vocalist ng banda na si Jason Erwin Dean o mas kilala bilang JED.

"You are my man, JED!" tili ni Jenna Rose habang nakikipagsigawan sa sigawan ng iba ring kababaihan na patay na patay dito. Katulad niya ay walang pakialam ang mga ito kung makipaggitgitan sa iba pang mga nanonood. Nagkakaapakan na sila at nagkakahalu-halo ng amoy pero tuloy pa rin ang tilian.

Mga artista, socialites, models at mga estudyante. Bawat isa ay gustong mapansin ni JED. Kahit nga yata ang mga babaeng may asawa na at anak ay naroon din sa Araneta. Kahit saan kasi pumunta si JED ay puro tili lang ang naririnig.

Ipit na ipit na nga siya sa railings na naghihiwalay sa mga audience sa patron's box at sa stage pero wala siyang pakialam. Basta makalapit lang siya kay JED. Matagal na yata niyang pangarap na makita ito sa personal.

Umugong muli ang sigawan nang umuklo si JED sa mismong harap niya at tinitigan siya habang kumakanta. "Tell me how is it that you came into my life. And I can't stop. You blow me out and I am so lonely. I need you and you need to remember who's your man."

Napanganga na lang siya habang kumakanta ito. It was like the time was suspended and it was just the two of them. She felt like she died and had gone to heaven by just looking at those piercing amber eyes. Ni hindi siya nakagalaw para man lang para kunan ito ng picture.

Naestatwa lang siya habang hawak ang camera. Sa gilid ng mata niya ay natahimik pati ang mga babaeng nagtitilian dito at sa kanya na lang napatitig. Kung malaglagan siguro siya ng bomba nang mga oras na iyon, di pa rin siya gagalaw kahit na nagtatakbuhan na ang lahat. Mas gusto niyang titigan na lang si JED.

Nang tumayo si JED at bumalik sa gitna ng stage ay saka lang niya napindot ang capture button saka kumislap ang camera. "Sayang, sister! Di mo siya nakunan habang nakatitig siya sa iyo," anang bading na katabi niya. "Kung ako siguro ang tinitigan niya, baka himatayin na ako. Maha-heart attack ako!"

"Muntik na nga akong himatayin, eh!" aniya at saka lang nagawang tumili kung kailan wala na sa harapan niya si JED. Parang mababaliw siya. Tinitigan lang siya ni JED ng ilang segundo pero parang siya na ang pinakamagandang babae sa loob ng coliseum. "Marry me, JED!" tili pa niya.

"Hoy! Hindi ikaw ang tinitigan niya. Ako!" anang babae sa bandang likuran niya. "So huwag kang mag-ilusyon dahil mas maganda ako sa iyo."

Tinaasan lang niya ng kilay ang babae. "Whatever!" Basta ang alam niya ay siya ang tinitigan ni JED. "Marry me, JED!" tili ulit niya.

"He already said yes to me!" sabi ulit ng inggratang babae. "Kaya huwag ka nang mag-ilusyon dahil ikakasal na kami."

"Hoy! Ikaw ang nag-iilusyon na mamahalin ka niya. Ako nga ang maganda. Ako! Ako!" Inirapan niya ito sabay hampas sa mukha nito ng mahaba niyang buhok.

"Oo na. Oo na. Puro na lang kayo ilusyunada," sabi ng bading. "Wala na. Tapos na. Umalis na si JED." Saka nito itinuro ang bandang papunta na sa backstage habang kumakaway sa mga audience.

Napahawak siya sa railing at kulang na lang ay sumampa ng stage. "JED, don't you go yet! Huwag mo muna akong iwan!" Hanggang titig nga lang ito sa kanya. Ni hindi man lang niya nahawakan ang dulo ng daliri nito.

Sumampa din ang babae railing sa tabi niya. "Huwag ka munang umalis! Paano na ang pagmamahalan natin?"

"Ibalik ninyo ang bayad namin!" sigaw niya. Mahaba na ang concert na iyon. Tuloy-tuloy kasi ang mga kanta at halos walang pahinga ang banda sa pagtugtog. Pero bitin pa rin siya. "Jed, come back!"

"Hindi mo pa ako nakikilala! Ako si Fridah Mae Narcisso. Ako ang pakakasalan mo," sigaw ng babaeng katabi niya.

Humalakhak ang bading. "Ang OA naman ninyo! Nag-break lang naman ang banda nila. Hindi naman ninyo kailangang magdrama diyan." Natensiyon lang siya nang biglang umalis sila JED. Ayaw kasi niya itong mawala sa paningin niya.

Napakalma siya. Break lang pala. Akala niya ay tapos ang ligaya niya. "Alam ko naman na nag-break lang siya. Gusto ko lang magdrama," palusot niya.

"Gusto ko lang sulitin ang ibinayad ko dito!" nakapamaywang na sabi ni Fridah Mae pagbaba ng railing. "Mahal ang pamasahe ko dahil galing pa ako sa Zamboanga. May exam pa ako bukas at maaga ang flight ko. Hindi mo lang alam kung ano ang hirap na tiniis ko para lang mapanood si JED."

"Ako rin. Nag-ipon ako para lang makapunta dito," wika naman niya.

Nag-part time job siya sa isang fashion house para lang makaipon ng pera. Nagtitipid sila bahay dahil Law ang kinukuha ng Ate Jenevie niya kahit pa nga scholar ito habang siya naman ay magastos din dahil Fashion Designing ang course niya. Hanggang pang-Lower Box lang ang naipon niyang pera. Mabuti na lang at inilibre siya ng ticket ng boyfriend ng ate niya na si Rolf kaya nasa patron box siya ngayon. Suportado kasi ni Rolf ang kagagahan niya kay JED. Habang killjoy naman ang ate niya. Wala daw siyang mapapala sa pagkabaliw niya kay JED.

"Naiintindihan ko ang mga hirap ninyo para lang mapanood si JED," anang bading. "Pero ako na ang Mrs. Jason Erwin Dean." Ipinakita nito ang plain gold ring band. "Ito ang wedding ring namin. Read this encryption."

Namula siya sa inis nang makitang 'I will love you forever-JED' ang nakaukit sa singsing. "At ang bruhang baklang ito. Mas malakas ka pang mag-ilusyon sa akin. Kung kalbuhin kaya kita diyan?"

Inirapan siya nito. "Bakit? Kayo lang ba ang may karapatang mag-ilusyon?"

"Ayan na si JED!" tili ni Fridah Mae.

Sino ang excited sa new Stallion story na ito?

Well, while posting this, homecoming rin namin ni Sonia sa Stallion Riding Club.

Go to Sofia PHR Page on Facebook for Stallion Homecoming updates.

Sofia_PHRcreators' thoughts