webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · General
Not enough ratings
557 Chs

Chapter 2

Natigil ang pagtatalo nina Jenna Rose at Fridah Mae at ang lahat ay nakatutok ang mata kay JED na lumabas sa stage. "Nice crowd we have here! Are you having fun tonight?"

"Yes!" sigawan ng lahat.

"The rest of the band is not ready to come up on stage yet. They are just human so they still need a break. Well, I just want to grab this chance. A while ago, something just run through my mind. Would you believe that I was able to compose a song in the middle of the concert? Someone inspired me. So this is for the girl who makes my heart sing."

"Sino naman kaya ang babaeng iyon?" tanong ni Fridah Mae at nagpalinga-linga. "Wala naman siyang girlfriend, hindi ba?"

"Baka naman ire-reveal na niya ngayon ang aming relasyon," kinikilig na sabi ng bading. "Aaminin na niya sa lahat…"

"Magseryoso ka nga," saway ni Fridah Mae dito.

"Shhh… huwag kayong maingay." It was JED's new song. At para pa sa isang taong mukhang espesyal dito. Kahit man lang sa kanta, maramdaman niyang siya ang mahal nito. Di na niya iisipin kung para kanino nga iyon. I'M THAT GIRL!

"You are in the middle of the crowd and you caught my eye. My world simply drowned when you gaze at me. And I thought that angels sing when you smiled at me," pumailanlang ang boses nito sa buong stadium. It was an acapella. Kaya naman dinig na dinig ng lahat ang boses nito. It was very masculine and romantic. And intimate, too. Na parang siya lang ang kinakausap nito.

Naglakad ito papunta sa direksiyon niya. Bagamat nakatutok ang mata at tainga niya dito, pasimple rin siyang nakikiramdam. Sino naman kaya ang babaeng kinakantahan niya? Maganda ba siya? Mas maganda sa akin.

Tumigil ang utak niya sa pag-iisip nang tumuntong ito sa malaking speaker na nasa harap niya at umuklo. He gazed at her intently. Katulad kanina. Subalit sa pagkakataong ito ay di na nito inaalis ang mata sa kanya.

"What's in you girl that makes my heart tick? The look in your eyes, there's love that I can't miss. You make my knees weak." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "What is your name? I want to know. 'Coz you're the girl who makes my heart sing."

Inabot niya ang kamay nito. Marami ring nakikiabot ng kamay dito. Take my hand, JED. Gusto ko na ako ang babaeng tinutukoy mo sa kanta. Please!

Sa panggigilalas niya ay hinawakan nga ni JED ang kamay niya. It was firm. Di siya nito binitawan. In a heartbeat, she thought that she was the luckiest girl in the world. Siya ang babaeng pinili nito. Matagal na niyang pangarap iyon. Ngayon ay nagkakatotoo na lahat.

The crowd just drowned around her. Para sa kanya, sila lang ni Jed ang nag-e-exist sa Coliseum. Sila lang dalawa.

"Hindi na kita pakakawalan!" usal niya. Hindi na siya masaya na mahawakan lang ang kamay nito. Hinatak niya ito. She wanted him to take her in his arms. She wanted to kiss him like the one in her dreams.

"Oh! Whoow!" sigaw ni JED dahil na-out of balance ito. At babagsak ito sa kanya. Napaurong siya maging ang iba sa paligid niya.

"Jed!" sigaw niya subalit di niya binitiwan ang kamay nito. Nagkagitgitan sa likuran nang tumalon ito papunta sa patron box.

Dahil doon ay dinumog ito ang mga audience. "JED!" sigawan ng mga ito. "Jed!" Everyone wanted to have a piece of him.

"No!" usal niya. Awtomatiko siyang yumakap kay Jed upang protektahan ito mula sa nagkakagulong mga fans.

Maraming kamay na humahablot sa kanya upang ilayo kay JED. "Don't get in the way, bitch!" narinig niyang usal ng isa.

May humatak pa sa damit niya. "Si JED ang gusto namin. Go away!"

Naliliyo na siya sa dami ng mga tao na gumigitgit sa kanya at humahatak. Pakiramdam niya ay papanawan na siya ng ulirat. Subalit nanatili pa rin siyang nakayakap kay JED. Wala siyang pakialam kahit na masaktan pa siya at mabali ang mga buto niya matiyak lang niya ang kaligtasan nito.

Napatingala siya kay JED. "A-Are you okay?"

Umikot ito habang yakap pa rin siya at siya ang napasandal sa may railing. Pinrotektahan siya nito. "Just stay there. I won't let anything happen to you."

Pumikit siya at ihinimlay ang ulo sa dibdib nito. It was like a very nice dream. Yakap siya ni JED at pinoprotektahan siya. She felt safe and warm in his arms.