webnovel
avataravatar

Chapter 21

Izumi Pov

Izumi Pov

"Ano po yung sasabihin nyo sa akin" Tanong nya ng makapasok kami. Nag tungo ako papunta sa aking higaan at pag katapos ay naupo ako.

"Maupo ka muna" sabi ko. Tumango sya at saka humakbang papunta sa upuan malapit. At saka sya umupo.

"Nais ko sanang sabihin sayo, na may mahalaga akong kailangan puntahan bukas. Gusto ko sanang samahan mo ako" tugon ko.

"Oo naman po, sasamahan ko kayo. Pero nakapag paalam na po ba kayo kay heneral" tanong nya. Tumango ako.

"Oo at pumayag na sya. Sa katunayan nga gusto ka nyang ipamasama sa akin" sagot ko.

"Mabuti naman, pero saan po kayo pupunta?" Tanong nya ulit.

"Sa aking bayan kung saan ako ipinanganak at lumaki. Kailangan kong asikasuhin ang lupain namin doon dahil matagal ng walang nakatira doon"

"Ganun po ba. Maganda nga siguro kung titingnan nyo kasi mahirap na, baka maangkin ng iba" anas nya.

"Tama ka..." tugon ko.

"May iba po bang kayong sasabihin?" tanong nya.

"Wala na, sige na. Bumalik ka na doon..salamat sa oras mo" nakangiting tugon ko.

"Mauuna na po ako" sabi nya. Tumango ako sa kanya at siya naman ay tumayo na sa kanyang pag kakaupo at yumuko muna sa akin at saka sya humakbang papunta ng pinto.

Binuksan nya ito at saka sya lumabas. Pag katapos ay isinara na nya ulit to. Ako naman ay napabuntong hininga na lang at saka tumayo mula sa may higaan. Nag tungo ako sa may bintana at saka tumingin sa buong paligid.

Ang hirap naman ng ganito, hindi ako makalabas kung kailan ko gusto. Gusto ko na ring bumalik sa aming bayan at makasama sila shimaru, ngunit kailangan ko pang tapusin ang mga kailangan kong gawin dito.

Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa aking mga naiisip, tumalikod na lang ako upang bumalik sa aking higaan. Ngunit napatigil ako sa aking pag hakbang ng makarinig ako na parang may sumisitsit.

Pssst! Pssst! Pssst!

Kaya naman napabalik ako sa bintana at saka sumilip kung may tao ba o wala. Pag tingin ko ay nakita ko ang mahal na prinsipe na nakasandal at mag kukrus ang mga braso habang nakasandal at nakatingin sa akin ng nakangisi sa kanyang labi. Medyo nag taka ako sa inaasta nya.

"Alam mong mukha kang tanga dyan, anong problema mo?" asar nya. Tiningnan ko lang sya na parang walang pakialam.

"May kailangan ba kayo mahal na prinsipe?" tanong ko.

"Wala naman, pero mukha ka kasing tanga dyan sa ginagawa mo kanina" asar nya ulit. Napakuyom na ang isa kong kamay habang nakangiti sa kanya. Ngiting napipikon.

"Ah ganun ba..." sabi ko na lang. Tinalikuran ko na lang sya at babalik na ulit ng mapatigil na naman ako dahil sa pag sigaw.

"Sandali! Kinakausap pa kita!" Sigaw nya. Napapikit na ako sa inis kaya naman bumalik ulit ako.

"Mahal na prinsipe, nag sasaya lang kayo ng oras. Hindi kayo pwedeng makipag usap o makipag lapit sa katulad ko" tugon ko.

"Sino naman nag sabi sayo nyan? Kahit sino pwede kong kausapin!" Napabuntong hininga ako.

"Pasensya na po..." anas ko. Umalis na ako sa may bintana at saka ulit bumalik sa aking higaan. Hindi na sya muli pang sumigaw o tinawag ako.

Maya-maya lang ay napag pasyahan ko ding lumabas ng aking silid dahil nakaramdam na din ako ng pag kainip. Tumayo ako mula sa aking pag kakaupo sa higaan at humakbang patungo sa pintuan.

Binuksan ko ang pinto ng aking silid at saka lumabas, pag katapos ay isinara ko na ito at saka ako nag lakad paalis. Hindi pa ako nakakalabas ng makasalubong ko si hirushima.

"Saan ka pupunta?" tanong nya. Tumigil ako sa pag lalakad at saka humarap sa kanya.

"Dyan lang sa labas, mag papahingin" sagot ko.

"Sigurado ka?"

"Opo, heneral..."

"Sige, mag iingat ka" sabi nya na lang at saka nya ako tinalikuran paalis.

Nag patuloy na lang ako sa aking pag lalakad hanggang sa nakarating ako ng pintuan. Binuksan ko ang pinto at saka ako lumabas, pag katapos ay isinara ko na ito.

Pag kalabas ko ay nakita ko si shin na nasa bandang dulo at inaayos ang mga bulaklak. Napangiti ako sa kasipagan nya.

"Mukhang abala ka dyan sa ginagawa mo ah..." anas ko. Napalingon sya.

"Kayo pala lady izumi..." tugon nya.

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko.

"Inaayos ko lang po ang mga bulaklak para hindi sila masira at malanta. Ano na nga pala ang ginagawa nyo dito?"

"Ang sipag mo talaga at tsaka nainip kasi ako sa aking silid kaya lumabas ako" sabi ko.

"Maganda po ang araw ngayon lady izumi. Gusto nyo po bang mag libot sa buong emperyo?" tanong nya. Napatingin ako sa kalangitan at tama nga sya dahil maganda ang araw ngayon.

"Oo naman" sagot ko. Ngumiti sya sa akin.

"Sige po, tatapusin ko lang po ito" tugon nya. Bumalik na sya sa kanyang ginagawa habang ako naman ay naupo na muna sa isang tabi. Maya-maya lang natapos na sya sa kanyang ginagawa at tsaka tumayo. Pag katapos ay pumunta muna sya sa akin.

"Sandali lang po lady izumi, mag huhugas lang po ako ng mga kamay" sabi nya. Tumango ako sa kanya at sya naman ay umalis kaagad.

Nag antay ako ng ilang sandali habang nakaupo pa din at nakatingin sa mga bulaklak. Hindi rin nag tagal ay dumating na rin sya.

"Tara na po..." Sabi nya habang nasa harapan ko na sya. Tumayo na ako mula sa aking pag kakaupo at saka nauna nang mag lakad sa kanya. Pagkalabas ay natanaw na namin ang napakalaking bulwagan ng emperyo kung saan nandoon ang trono ng emperador, sa may malaking pintuan papasok ay merong dalawang kawal ang nakabantay pati na rin sa tarangkahan.

Nag patuloy ang aming pag lalakad habang nakatingin sa mga istrakturang nakatayo sa bawat sulok ng emperyo, katulad ng kusina, ang punong tanggapan, ang silid kung saan nag pupulong ang mga taong may mataas ng katungkulan, ang silid kung saan nililitis at kinukulong ang may nagawang kasalanan. Isa sa mga yan ang mga nakita ko habang nag lilibot libot.

Ngunit napansin ko ang dalawang babae papalapit sa amin na parang nakatingin sa akin habang ang isang ay bumubulong bulong pa. Yung isa nakangisi sa akin habang ang kanyang mata ay mula sa taas hanggang baba ang tingin na parang sinusuri nya ako habang ang pangalawa naman ay nakangisi sa sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa pag tataka sa kanilang inaasta.

"Sya pa lang yung naririnig kong napili ng heneral...hmm di rin naman pala kagandahan" rinig kong sabi nya. Tumaas ang kilay ko.

"Oo nga, akala ko nga din mas maganda sya sa atin. Yun naman pala ay hindi" tugon ng isa.

"Hindi ko alam kung ano nakita sa kanya ng heneral, samantalang wala namang maganda sa kanya" dagdag nya.

"Sinabi mo pa. Kung titingnan ay mas maganda tayong dalawa sa babaeng yan" tugon ulit nung isa. Napatawa ako sa mga sinabi nila at napatingin na ng masama dahilan upang sila ay mapatingin sa akin.

"Natatawa ako sa mga pinag sasasabi nyo" natatawang anas ko. Tumaas ang kilay ng isa.

"Ano namang nakakatawa doon?" tanong nya.

"Natatawa ako dahil para kayong desperada habang sinasabi ang mga yun. Yung totoo maayos pa ba kayo?" tanong ko habang nakangisi.

"O-oo naman! Anung akala mo sa amin hindi maayos?"

"OO!" sigaw ko. Nawala ang pag ngisi ko at tumalim na ang tingin ko sa kanila.

"Wala ba kayong matinong gagawin? Alam nyo nag sasayang lang kayo ng oras sa walang kakwenta kwentang bagay. Hindi ko na kasalanan kung ako ang napili ng heneral, sya ang mismong pumili sa akin hindi ako. Kaya mag tigil kayo..." saad ko.

"Bakit naman kami titigil? Sino ka ba para pigilan kami? Ikaw na parang basura ang itsura? Ha! Wag ka ngang mag yabang porket ikaw ang napili!"

"Anong sinabi mo? Ako basura ang itsura? Baka sarili mo yun hindi ako..." nakangising asar ko.

"Tama na po lady izumi. Baka makita kayong nag aaway away dito" pag pigil nya ngunit hindi ko sya pinansin.

"Aba't talagang!" Lumapit na sya sa akin upang sugurin, iaamba na sana nya ang kamay nya sa aking pisngi ng agad ko itong nahawakan upang pigilan sya.

"Subukan mong padapuin ang marumi mong kamay sa aking pisngi kung ayaw mong mamatay ng maaga" banta ko sa kanya. Diniinan ko ang pag hawak sa kanyang kamay at sya naman ay napangiwi na sa sakit.

"Bitawan mo ang kamay kong babae ka!" sigaw nya. Mas lalo ko pang diniinan ang pag hawak habang nakangisi sa kanya.

"Bitawan mo! Nasasaktan na ako!"

"ANONG NANGYAYARI DITO?" napatigil kami sa aming ginagawa ng may malalim at matigas na boses ang biglang nag salita dahilan upang mapalingon kami. Pag lingon namin ang mahal na prinsipe na pala ang nag salita habang seryosong nakatingin sa amin.

"Sya po!" napalingon kami sa babaeng nag salita. " Sya po ang nauna! Nag lalakad lang po kami ng bigla nya kami sugurin at kung ano ano ang pinag sasasabi!" sumbong nya. Napatawa ako sa kasinungalingan nya.

"Sinungaling ka!" sigaw ni shin sa kanya.

"Tumigil ka! Bakit naman ako mag sisinungaling?" Napalingon sya sa akin.

"Totoo ba yung mga sinabi nya?" tanong nya. Napabuntong hininga ako.

"Hindi po kamahalan, wala namang dahilan para gawin ko yun. Hindi ako yung tipong tao na gagawin ang ganyan, hindi ako ganun" paliwanag ko.

"Kung ganun bakit ikaw ang itinuturo nila?"

"Ha! Pag katapos nyo ako unahan ako pa talaga itinuturo nyo. Ibang klase din kayo" sarkatisko kong anas. Nginisian ko na lang sila at saka tumalikod upang umalis ngunit hindi pa ako nakapag lalakad ng mag salita ang prinsipe.

"Saan ka pupunta? Kinakausap pa kita..." tanong nya.

"Kailangan ko na pong bumalik..."

"Tingnan nyo kamahalan, napakabastos nya! Hindi man lang kayo ginalang" sigaw nya. Nag isang linya na ang kilay dahil nakaramdam na din ako ng pikon kaya naman humarap na ako sa kanya at sumugod na at ng makalapit ako ay hinawakan ko sya ng napakahigpit sa kanyang kamay dahilan ng pag singhap nya.

"Lady izumi!"

"Wag na wag mo akong hinuhusgahan agad dahil lang sa nakikita mo, hindi mo pa ako kilala" at saka ako lumapit sa kanyang tenga upang bumulong.

"Ito ang tatandaan mo, kapag inulit mo pa itong kahibangan mong ito. Hindi ako mag dadalawang isip na tapusin ka sa isang iglap lang kasama yang kasama mo...naintindihan mo?" banta ko sa kanya. Mas hinigpitan ko pa ang pag diin ng hawak sa kamay nya at saka naman sya tumango ngunit halata ang takot sa kanya.

"N-naintindihan k-ko" utal utal nyang sagot. Inalis ko na sa pag kakahawak ko sa kamay nya at saka sya muling hinarap.

"Mabuti kung ganun" sabi ko. Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya at saka muling humarap sa prinsipe.

"Pasensya na sa nangyari kamahalan, hindi na muli ito mauulit pa" anas ko. Bakas sa kanyang mukha ang pagka seryoso habang nakatingin sa akin.

"Ayoko na muli pa itong mauulit pa dahil parte rin ito ng kautusan ng emperyo na may kasamang kaparusahan kapag lumabag. Pag bibigyan ko kayo ngayon ngunit sa susunod hindi na, nag kakaintindihan ba tayo?"

"N-naintidihan p-po namin k-kamahalan" utal na sagot ng isa. Napabaling ang tingin ko sa kanya at saka sya nginisian pero daglian din akong humarap sa prinsipe.

"Naintindihan ko po kamahalan" sagot ko din. Tumango na sya at saka sya tumalikod paalis. Lumapit sa akin si shin ng mawala na din ang dalawang bruha.

"Okey lang po ba kayo lady izumi?" tanong nya. Ngumiti ako sa kanya.

"Oo naman, bumalik na tayo doon" sagot ko. Nauna na akong mag lakad sa kanya habang siya naman ay nakasunod lang.

To be continued.