webnovel

Chapter 22

Pag karating ko palang sa aking silid ay bumungad sa akin ang heneral na nakaupo sa aking silya at mataman nya akong tiningnan.

"Kayo po pala heneral, may kailangan ba kayo?" tanong ko. Lumapit ako sa kanya.

"Narinig ko na nakipag away ka daw sa dalawang babae na nakatira sa harem, totoo ba yun?" napabuntong hininga ako.

"Opo, pero sila naman ang nauna, tahimik lang akong nag lalakad lakad ng mag bulong bulungan sila sa aking harapan. Mga hindi na nahiya..." paliwanag ko.

"Pero hindi mo na dapat sila pinatulan pa, wala kang mapapala sa pag patol mo sa kanila" sabi nya.

"Alam ko naman po yun, pero hindi ako yung tipong tao na basta na lang mag papa api sa kagaya nila" tugon ko. Napatingin ako sa kanya ng tumayo siya.

"Tsk, ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi mo pwedeng gawin ang mga gusto mo dito ng wala ang pahintulot ko at ng emperador. Wala ka sa lugar para gawin yun" sabi nya.

"Naintindihan ko po heneral..." yumuko ako sa kanya at nag lakad na sya palabas ng aking silid habang ako naman ay umupo na lang din.

Hindi ko na ata kakayanin pa kapag nanatili pa ako dito ng mas matagal. Pero mahirap din para sa akin na kalimutan na lang ang lahat, kaya ipagpapatuloy ko ang aking nasimulan at tatapusin ko ito sa pinakamadugong katapusan.

Napangisi ako sa aking naisip at saka tumingin sa labas na may ngisi sa aking labi.

Prinsipe Haru Pov

"Kamahalan, saan po kayo nanggaling? Kanina ko pa kayo hinahanap?" Bungad na tanong sa akin ng aking tagasunod.

"Naglibot libot lang diyan sa tabi-tabi, at nag saway sa mga pasaway na babae" sagot ko.

"Anong ibig nyong sabihin kamahalan? Sinong mga nag away?" tanong ulit nya.

"Mga babaeng mula sa harem at ang babae ng heneral. Nakita kong na nag aaway away sila kanina kaya agad ko silang sinaway ngunit..." Napaseryoso ang aking mukha ng maalala ko ang mga sinabi ni izumi kanina.

FLASHBACK

Napatingin ako kay izumi ng bigla syang mag salita habang nakatingin sa babaeng katapat lang niya.

"Wag na wag mo akong hinuhusgahan agad dahil lang sa nakikita mo, hindi mo pa ako kilala" sabi nya. At kasabay nun ang paglapit nya sa tenga ng babae.

"Ito ang tatandaan mo, kapag inulit mo pa itong kahibangan mong ito. Hindi ako mag dadalawang isip na tapusin ka sa isang iglap lang kasama yang kasama mo...naintindihan mo?" sabi nya. Dinig ko ang mga sinabi nya doon sa babae na bakas na ngayon ang takot sa mukha habang tumatango pa.

"N-naintindihan k-ko" tugon nya. Mataman ko na tinitingnan si izumi habang nakangisi sya doon sa babae.

"Mabuti kung ganun" anas nya. Napatingin ako ng bigla syang humarap sa akin.

"Pasensya na sa nangyari kamahalan, hindi na muli ito mauulit pa" hinging paumanhin nya sa akin. Mataman pa din ang tingin ko sa kanya at sa ako ako nag salita.

"Ayoko na muli pa itong mauulit pa dahil parte rin ito ng kautusan ng emperyo na may kasamang kaparusahan kapag lumabag. Pag bibigyan ko kayo ngayon ngunit sa susunod hindi na, nag kakaintindihan ba tayo?" usal ko.

"N-naintidihan p-po namin k-kamahalan" sagot nung dalawa.

"Naintindihan ko po kamahalan" sagot naman ni izumi. Tinanguan ko na lang sila at saka sila tinalikuran paalis.

Hindi ko alam na may ganito pala siyang pag uugali, mayroong nakakatakot na aura at mabagsik kung tumingin. Ngising demonyo kapag ngumingiti, kailangan ko siyang maobserbahan ng mabuti para malaman ko ang buong pag katao nya.

END OF FLASHBACK

"Ngunit ano po, kamahalan?" tanong nya. Napatingin ako sa kanya.

Kailangan kong mapag aralan ang pag katao ng babaeng yun, hindi sya basta bastang babae lamang. Parang may kung ano sa pag katao nya na mas gusto ko pang alamin at malaman.

"Wala..." sagot ko. Napakunot ang noo nya at saka sya bumuntong hininga.

"Ganun po ba..."

"Bakit mo pala ako hinahanap? May kailangan ka ba?" tanong ko. Tumikhim sya sandali.

"Ipinapatawag po kayo ng inyong ama, may kailangan daw kayong pag usapan" sagot nya.

"Ano namang pag uusapan namin?'

" Hindi ko po alam kamahalan..."

"Pupuntahan ko na lang siya..." sabi ko. Lumabas ulit ako ng aking silid at nag lakad patungo sa kwarto ng aking ama habang ang aking tagasunod ay nakasunod lang sa aking likuran.

Matapos ang ilang segundo ay nakarating kami sa silid ni ama, kumatok muna ako bago ako pumasok.

Toktok! Toktok! Toktok

"Pumasok ka!" sabi nya. Ang aking tagasunod ang nag bukas ng pinto at ng buksan nya ay pumasok na ako at pumunta sa tapat ni ama kung saan sya nakaupo. Yumuko ako sa kanya pag katapos ay tumingin ulit sa kanya.

"Ano ang nais nyong pag usapan natin ama?" tanong ko.

"Nais kong pag usapan at pag planuhan na natin ang pag sakop sa ibang emperyo. At kasama ka doon anak" sagot nya. Napahinga ako ng malalim at saka sya tiningnan ng mataman.

"Ipag papatuloy nyo pa rin pala yan? Hindi ba talaga kayo nag sasawa?" tanong ko ulit. Napatingin ako sa kanya ng tumayo sya at tumungo sa bintana habang nasa likod nya ang mga braso nya.

"Kung yan lang din naman ang pag uusapan, aalis na ako. Wala din naman ako mapapala..." sabi ko. Tatalikod na sana ako ng bigla syang mag salita.

"May mapapala ka dahil ikaw ang mas makikinabang sa ating gagawin, bakit hindi mo na lang ako tulungan kaysa puro ka reklamo. Para din naman sa kinabukasan mo at ng ating emperyo, gusto kong maging maayos ang lahat kapag ikaw na ang sunod na mamuno"  saad nya. Pumunta sya papunta sa aking harapan at saka ako hinawakan sa balikat.

"Kailangan mo akong tulungan anak, pagbigyan mo na ako bilang iyong ama. Para din naman sayo itong ginagawa ko, mapupunta lang sa wala ang mga pinag hirapan ko kung hindi mo ako tutulungan" dagdag nya pa.

Hindi ako nakapag salita at pinag iisipan ang mga sinabi nya, alam kong para din naman sa akin ang kanyang ginagawa ngunit manggagaling din naman iyon sa masamang balak, hindi ko gugustuhin ang ganung bagay. Maraming buhay ang masasayang at masisira kapag ganun ang nangyari.

"Pag iisipan ko...bigyan nyo ako ng konting panahon para mapag isipan lahat ito" tugon ko.

"Kung iyan ang iyong gusto sige, pag bibigyan kita" saad nya. Tumalikod sya at nag punta sa silyang kinauupuan nya at saka umupo. Yumuko na lang ako sa kanya at saka humakbang paalis, pag katapos ay binuksan ko ang pinto at saka ito isinara ng makalabas. Pagkalabas ay agad kong bumaling sa aking utusan.

"Ikuha mo ako ng alak at dalhin mo sa aking silid" utos ko.

"Masusunod po kamahalan..." tugon nya. Pag katapos nyang yumuko sa akin ay agad na syang umalis. Habang ako naman ay nag lakad pabalik sa aking silid.

Nang nasa tapat na ako ng aking silid, ay kaagad ko rin binuksan ang pinto at ng makapasok ay isinara ko ulit to. Nag tungo ako sa may silya at hinila upang maupo ngunit naihampas ko ng napalakas ang dalawa kong kamay dahil sa galit na nararamdaman ko.

"Kahit ikaw pa ang aking ama ay hindi ako makakapayag sa gagawin mong plano. Kung kailangan kita pigilan at suwayin gagawin ko para lang pigilan ka" nangigil na saad ko

"Sa lalong madaling panahon ay kailangan ko agad sya mapigilan, kung hindi maraming buhay ang masasayang" dagdag ko. Inihampas ko ulit ang dalawa kong kamay sa lamesa at saka yumuko.

"Kamahalan, ano pong nangyayari?" rinig kong tanong nya. Napatingin ako sa aking utusan ng nasa loob na sya at bitbit nya ang alak na aking inutos.

"Ilagay mo na yan dito at pagkatapos lumabas ka na" utos ko. Kaagad syang sumunod at pumunta sa akin. Kaagad nyang inilapag sa lamesa ang bote ng alak at pati na rin ang kopita.

Nang matapos ay kaagad syang yumuko at lumabas na agad. Habang ako naman ay nag simula ng uminom.

"Kailan ba matitigil ang kalokohan na to? Nakakainis" bulong ko matapos sumimsim. Kung papayag ako sa kagustuhan ng aking ama ano naman ang mangyayari kapag may nakaalam nito? Anong gagawin ko?

Sa pag kakaalam ko hindi naman kaaway ni ama ang emperador ng suchien ngunit anong dahilan nya at kailangan nya pa itong gawin. Kapag naulit na naman ang nangyari noon hindi na nakapag tataka na  maraming magagalit sa amin at marami din ang mag tatangkang paslangin kami.

"Tss, matanda na pero wala pa rin iniisip kundi kasamaan" inis na saad ko. Uminom ulit ako ng alak at saka tumayo papunta sa bintana at doon ako sandaling nag isip.

Kailangan kong makumbinsi si ama na matigil ito, para walang digmaan ang mangyari. Pero sadyang matigas si ama at alam kong hindi iyon magiging madali.

"Tch, isang malaking abala ito bwisit..." inis na reklamo ko.

Makalipas ang ilang oras na pag iinom ay naramdaman ko na ang kalasingan sa katawan, nakaramdam na din ako ng pag hihilo at inaantok na rin. Tumayo ako mula sa mahabang oras na pag kaupo at pasuray-suray na humakbang patungo sa aking higaan, ngunit di sinasadyang natabig ko ang bote na may lamang alak at nalaglag sa sahig at saka nabasag, lumikha ito ng ingay kaya agad na nag bukas ang pinto.

"Kamahalan, ano pong nangyari?" tanong nya. Hindi ko sya sinagot, at tinuloy ang pag hakbang patungo sa aking higaan. Dahil sa pasuray suray kong pag hakbang ay inalalayan ako ng aking tagasunod upang makalakad ng maayos hanggang sa marating ko na ang higaan.

Agad akong humiga at saka pumikit dahil na rin sa pag kaantok, ang aking tagasunod naman ay inayos nya aking pag kakahiga. Yung paa kong nasa sahig ay inilagay sa kamay, pag katapos ay tumalikod na sya at niligpit ang aking mga pinag gamitan pati na rin ang bote na nabasag.

To be continued.