(Shantell POV)
Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng nayon matapos magpaalam nina Aklas at Marie sa kanilang pamilya. Maging ako ay nagpaalam at nagpasalamat kay Lola Soli.
Si Marie ay may itim at kulot na buhok, matangkad din siya at kayumanggi ang mga balat. Si Aklas naman ay may itim na buhok at gaya ni Marie ang kulay, pansin din ang pagkakahawig nilang dalawa dahil kambal sila.
Kaunti lamang ang bilang ng mga kabataan na nasa wastong edad na sa nayon ng Hilya. Ngunit silang dalawa lamang ang may lakas ng loob na subukin ang akademya.
"Nga pala Shantel, anong propesyon ba ang nais mong pasukan?" Napaharap ako kay Marie dahil sa pagtanong nito.
"Ughh.. Propesyon? Hindi ko alam" nanlaki naman ang mata ni Marie samantalang si Aklas ay napatingin lamang sa akin.
"Hindi mo alam? Ang kaharian ng manta ay may tatlong propesyon. Una ang Summoners. May kakayahan silang magtawag ng mga hayop o spirito na naging katuwang nila. Ang mga Wizard naman na may tatlong propesiyon na nakapaloob. Una ang mga healer katulad namin, sunod ang mga Priest o ang mga may basbas ng kalangitan at ang mga spell caster na na may kakayahang magpalabas ng kapangyarihan gamit ang kanilang magic wand o staff." Napakunot ang noo ko dahil sa mga narinig.
Kung ganoon ang propesyon na kanilang sinasabi ay parang class sa online games. Kung saan mamimili ang player kung saang class nila gusto. Parang kumukulo ang aking dugo dahil sa mga narinig mula kay Marie. Naeexcite ako na ewan!
"Pero teka?? Marunong ka mag english? " takang tanong ko kay Marie, kumunot lamang ang noo nito?
"English?? Ano yan?" Nagtaka naman ako. Marahil ang mga english term na ginamit niya ay yun lang talaga ang mga english na alam nila dahil yun na mismo ang tawag nila sa mga bagay na yun, pero hindi nila alam na english yun. Hayyy ang complicated naman nito.
"Ahhh wala, sige ano yung pang huling propesyon? " errr so dapat straight tagalog ako dito.
"Ang panghuli ay ang mga Elementalist. Ang propesiyon na ito ay napipili lamang sa mga kabataang may taglay nito. Ice, Water, Fire, Earth, Nature, Thunder, Light, Dark, at Air. Ibig sabihin tanging siyam na kabataan lamang ang maaaring maging estudyante bilang Elementalist, At alam na namin na nabibilang sila sa siyam na palasyo ng Kaharian." Paliwanag nito.
"Eh diba kambal sampu ang palasyo ng kaharian? Maliban pa dito ang mismong Palasyo ng Hari ng Manta" sabat ni Aklas.
Ako ay nakikinig lamang sa kanila. At pinaprocess ang mga sinasabi nila. God!! Buti nalang kahit papaano ay matalino ako kays hindi ako ganoon nahihirapan sa mga bagay bagay.
"Hmmm.tama ka kambal. Ngunit ayon sa libro ang pang sampung palasyo ay walang naipapadalang estudyante dahil nagkaroon ng sumpa sa reyna nila na hindi ito magkakaanak, ngunit ang dahilan ay hindi nabanggit sa librong nabasa ko"
"kung ganoon, ano ang elemento nila?" Pagtatanong ko na ikinaseryoso nila.
"Ayon mga sabi sabi, ay mayroon silang dalawang elemento! Ang elemento ng Fire at Light!" Hindi na nakakapagtaka yun dahil maaaring ang Ina niya ay light at fire nama ang tatay. Ngunit bakit nabigla sila mula sa pagkakaroon ng dalawang elemento?
Sinabi ko ito sa kanila dahil nagtataka ako sa ekspresyon nila.
"Shantell hindi mo ba alam na kung anong dugo o kapangyarihan ang mabubuo sa sanggol ay kakainin nito ang maliit na kapangyarihan upang maging isa? Napag aralan namin yan noon"
"andito na tayo" napalingon ako sa paligid dahil sa sinabi ni Aklas.
Biglang umingay ang paligid. Nasa sentro kami ng bayan ng Manta. Nakikita mula dito sa kinatatayuan namin ang mga nakahinyang tindahan or maliit na store, sa ginta naman ay isang malaking fountain. Hindi ko inaasahan na madaming tao ako ditong makikita! May mga naghahabulan din na mga kabataan. May mga naglalakad at nagpapatro na mga guwardiya sa palikid ngunit ang kaibahan lamang ay espada ang kanilang daladala instead of gun!
Para talaga akong nasa sinaunang panahon! Pero hindi ko rin maiwasan na mamangha dahil natukalasan at nakikita ko ang mga ganitong eksena.
Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid, ngunit huminto ito sa isang napakalaking palasyo hindi kalayuan sa kinatatayuan ko, ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang nasa likod ng palasyong ito. Kung malaki ang palasyong ito, ang nasa likod nito naman ay sobrang taas na palasyo. Like really?? Ang yaman nila sa palasyo huh.
"Yan ang Manta Academy, ang sa likod naman niyan ay ang palasyo ng mahal na hari. Sobrang layo niyan mula sa akademya, malapit lang tignan mula dito" napa wow na lamang ako matapos magsalita ni Marie.
Hinila ako nito sa mga nagtitinda ng mga pagkain, well tinapay. Kakaiba din ang hugis ng mga tinapay nila dito, extra large!
Sa mundong ito, Tanso, Pilak at Ginto ang kanilang pera. Like 1000 tanso is equal to 1 Pilak, 1000 pilak is equal to 1 Gold. Imagine? Tapos ako kahit isang tanso wala ako! Wala akong pera!
Bigla akong bahala dahil dito, paano ako makakapag-aral jan kung wala akong pera??
"Nga pala Marie, wala akong pambayad jan sa akademya eh, kahit nga isang tanso wala ako" nakakaawa na talaga ang kalagayan ko ngayon!
"Huwag kang mag-alala, kapag natanggap ka sa akademya, ay hindi mo na kailangan ng pera, dahil libre lahat doon!" Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. Libre? As in free?? All??
Kung may ganito sanang paaralan sa Pilipinas edi sana pati mahihirap nakakapag-aral.
"Kaya ang poproblemahin mo nalang ay kung makakapasok ka sa bawat propesyon!" Dugtong pa nito habang kinukuha ang mga tinapay at nilalagay sa kanyang sisidlan. Kinuha nito ang isang tinapay at hinati sa tatlo at bingay sa akin ang isang hati ng tinapay.
Napaisip ako kung ano bang propesyon ko? Wala! Wala naman talaga dahil wala naman akong powers no! Isa lang akong normal na tao na napadpad sa lugar na ito dahil sa gold mem... Teka? Si Miss Gabriella!! Tama alam kong alam niya ang nangyayari sakin dito! Kailangan ko siyang mahanap sa lalong madaling panahon!
"Marie may kilala ka bang Gabriella Sy?" Nagtanong ako kay Marie at nagbabakasakali ngunit sa pagkunot ng kaynag noo ay alam ko na ang kanyang sagot.
"wala eh, atsaka kakaiba yung pangalan niya, maging ang sayo kakaiba din" sabi nito pagkatapos kumain ng tinapay.
"Humayo na tayo papuntang akademya, magsasara ito paglubog ng araw" sabi naman ni Aklas.
Kaya nagpasiya na kaming maglakad sa kinaroroonan ng akademya. Akala ko malapit lang ito mula sa bayan ngunit akala ko lang iyon! Dahil mag dadalawang oras na kaming naglalakad ngunit parang hindi naman lumalapit sa paningin ko ang akademya!
"Malayo pa ba tayo???" Tanong ko na nayayamot na din. Tinawanan lamang ako ni Marie. Hay sana naman uso dito ang public vehicles no? Buti nalang at nageeexercise ako sa bahay tuwing umaga. Ngunit nakakapanibago pa din talaga ang maglakad ng ganito kalayo!
"Huwag kang mag-alala, malapit na tayo." Seryosong sabi ni Aklas.
Maya maya pa nga ay isang barrier ang kumikinang sa aking harapan, nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Tinanaw ko ang akademya ngunit napakalayo pa nito. Hindi kaya nasa likod lang ito ng barrier? Tinignan ko ang aking mga kasama ngunit wala na sila sa tabi ko.
Maya maya pa ay isang kamay ang lumitaw sa barrier at hinila ako nito papasok, doon ko lang nalaman na si Marie pala ito. Halos malaglag ang panga ko sa aking nakikita!
Isang napakagandang palasyo! Silver is the dominant color of the palace na may mga linyang gold! Isang napakalawak na lupain ang nasa harap ng malaking gate, nakakonekta naman sa magkabilang gilid ng gate ang nagtataasang pader paikot sa buong akademya! Oh my! Ibig sabihin hindi uso ang over the bakod dito dahil walang sino man ang makakaakyat jan!
Nahagip din ng paningin ko ang mga ibon na lumilipad sa himpapawid at may bahaghari din na makikita sa kalangitan, kapansin pansin din ang napakaraming alitaptap na lumilipad lipad sa paligid! Oh my!! Para akong naiiyak sa mga nakikita ko na pang TV lang nakikita! Pero the eff!! Pati ba naman mga ibon dito extra large din?
"Ang mga ibon na yan ay tinatawag na Wild Eagle, tanging mga summoners lamang ang nakakapaamo sa kanila at nag aalaga, pero huwag kang mag-alala, dahil hindi tayo aatakehin ng mga yan dahil alam nilang kakampi nila tayo."
Napahinga ako ng malalim dahil dito, pero ang cool din na maging isang summoner no? Tapos magsusummon ako ng dragon tapos lilibutin ko ang buong mundo!!