(Shantell POV)
Unti unti kung minulat ang aking mga mata, ngunit hindi ko tuluyang naimulat ito dahil sa liwanag na nagmumula sa araw. Ramdam ko din ang hilo at sakit ng aking ulo.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang minulat ang aking mga mata at nilibot ang aking kinaroroonan. Mga damo, puno, liwanag ng araw, mga huni ng ibon at ang paghampas ng hangin sa mga dahon. Ayan ang aking mga nakikita at naririnig.
Teka?? Nasaan ako??
Kumunot ang noo ko at inisip ang mga pangyayari, gold memory, computer, biglang nanlaki ang mata ko dahil sa posibilidad na aking naiisip.
Hindi kaya? Nasa loob ako ng game? Ganito yung mga nababasa ko eh. Pero kung nasa loob ako ng game dapat, dumaan ako sa customization ng character ko, tapos may mag aannounce ng mga manual about game such rules and introduction of the game pero wala. Binaggit ko ang inventory sa aking isipan ngunit walang lumabas.
May nakita akong maliit na kahoy, agad ko itong pinulot at tinusok sa aking palad ngunit napahiyaw ako sa sakit, tumulo din ang dugo ko mula dito. Ibig sabihin hindi ako nananaginip.
Napakamot ako sa aking ulo dahil sa naguguluhan ako okay!! Naguguluhan na ako!!
Nagpasya akong maglakad lakad sa kagubatan, umaasa na sana ay makakita ako ng mga tao dito upang makapagtanong tanong kung nasaan na ako! Jusko!! Kailangan kung makauwi, may exam pa ako bukas!
Sa paglakad lakad ko ay nakita ko ang isang maliit na nayon, ang mga bahay nila ay maliit na parang kubo. Nakalinya ang mga ito, at sa harap ng mga bahay, ay ang taniman ng mga halaman.
Nagpasya akong pumasok sa tarangkahan nila or yung maliit na gate. Kapansin pansin ang mga batang naglalaro at naghahabulan. Samantalang ang kanilang mga magulang ay namimitas ng mga halaman na hindi ko naman alam kung anong klaseng halaman.
Sa aking paglakad ay napansin ko ang paghinto ng kanilang mga ginagawa, kaya nakaramdam ako ng ilang. Nakatingin silang lahat sa akin na may pagtataka. Aisshhh. Ano ba itong pinasok mo Shantel!!
"Ughh.. Hi" kaway kong sabi na medyo naiilang pa din. Nagulat ako dahil nagsitakbuhan ang mga bata sa loob ng kanilang mga bahay, samantala ang mga nakakatanda naman ay mabilis na kumilos at kinuha ang kanilang mga kagamitan sa pagtatanim at itinutok ito sa akin. Nanlaki ang aking mga mata at napataas nalang ng dalawang kamay. The eff!!
Isang matanda na may dalang baston ang umabante at tinignan ako ng malamunay. "Sino ka? At anong kailangan mo sa maliit naming nayon?"
"Ahh. Ako po si Shantel. Nais ko lang sana magtanong kung alam niyo ang daan papunta sa Maynila" nagtaka ako dahil biglang kumunot ang kanilang mga noo.
"Maynila?? Walang lugar dito na tinatawag na Maynila" nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Hindi maaari! Kailang kung umuwi. Ngayon ko lang napansin ang kanilang mga kasuotan. Ito yung mga sinusuot noong unang panahon. Mga gawa sa balat ng hayop. It seems like I'm in the past o baka nangtitrip lang o trip lang nila na ganito ang suotin?
Itinago ko ang pagtataka at muling nagtanong. "Kung ganon alam niyo po ba kung nasaan ako?"
"Ang maliit na nayon na ito ay tinatawag na Hilya, ito ay nasasakupan ng kaharian ng Manta" napataas ang kilay ko dahil wala akong nagets sa mga sinabi niya.
"Kung wala ka ng kailangan makakaalis ka na. Banta sa aming buhay ang mga dayuhan kaya pinapayo kong umalis ka na" sabi nito bago tuluyang naglakad paalis ngunit muli itong huminto dahil sa pagpigil ko.
"Wala po akong masamang intensyon, nais ko lang makauwi sa aking tahanan dahil ako ay nawawala, nagising na lamang ako sa kagubatan"
Kasalukuyan akong nakaupo sa sahig sa bahay ni lola Soli, siya ang namamahala sa maliit na nayon na ito. Pinatuloy nila ako matamos malaman na wala akong intensyon sa kanila ng masama.
Umupo si lola Soli sa harap ko at kinuha ang palad na may sugat. Itinapat nito ang kanyang palad sa palad ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kulay berdeng liwanag na lumabas sa kanyang palad, hindi lang iyon, tuluyang naghilom ang aking sugat. Oh my God!!
"Trabaho namin na gamutin ang mga sugat at pinsala na natamo ng mamamayan ng Manta. Ang nayon na ito ay ang nayon ng mga manggagamot, ang nayon ng Hilya"
Mga healer?? Kung sa online games pagbabasihan, ang mga healer ay mga Shaman ang propesyon. Kinikilala silang mga support sa game.
Iniisip ko pa din na nasa loob lamang ako ng game at hindi totoo ang mga ito ngunit, unti unti ay pinapatunayan ng mundong ito na totoo ito. Kulang pa ang mga rason na nagpapatunay na tunay nga ang mundong ito kaya kailangan ko pang magresearch.
"Ahh, Lola Soli, ano pong ibig niyong sabihin na banta sa nayon ang mga dayuhan?" Hindi ko na maiwasang magtanong dahil Nacucurious din ako.
"Kinukuha nila ang aming mga pananim na aming kinakabuhayan. Kaya kapag nakuha nila ang aming mga pananim ay isang buwan bago kami ulit makakapag ani kaya wala rin kaming pagkain sa loob ng isang buwan" naawa ako sa lagay nila. May mga tao talaga na kayang tiisin na maging masama at makasakit ng iba alang alang sa pansarili nila.
"Even in this world, greedy and selfish exist" bulong kong sabi.
"Ganyang linggwahe ba ang ginagamit niyo sa inyong mundo? " tanong ni lola Soli kaya tumango na lng ako. Ayaw ko na din magpaliwanag dahil wala din silang maiintindihan.
"Nga pala, nabanggit mong labingwalong taong gulang ka na. Maaari ka ng pumasok sa akademya" akademya?? May academy dito?
"Ano pong akademya lola?"
"Ang akademya ng Manta kung saan ang mga kabataan na gaya mo ay mag-aaral at magsasanay at upang malaman kung mayroon bang talento ang isang bata mula sa tatlong propesiyon ng kaharian" nagugulohan man ay pinilit ko itong inintindi.
"Tama! Bukas na bukas ay maglalakbay si Marie at Aklas papunta sa bayan ng Manta, upang subukin kung makakapasok sila sa akademya. Kung nais mong sumabay ay sasabihin ko ito sa kanila."
"Maraming salamat po Lola Soli" tama, sasabay ako sa kanilang paglalakbay. I still need a lot of reasons to prove my statement. Na nageexist ang lugar na ito. That I am out of the world.