webnovel

17. The Anniversary

(Shantell POV)

Nakaharap ako sa salamin dito sa kwarto ko. Pinagmamasdan ko ang itsura ko sa salamin.

Nakasuot ako ng white balloon gown. Hapit na hapit ito sa baywang ko. Pababa sa baywang ay nababalutan ng kumikinang ng seethrough ang tela kaya mas kaaya-aya itong tignan. Long sleeve din ito, at pabilog naman ang sa balikat ko, may suot din akong Silver Necklace kaya mas bumagay ang looks ko.

Nakaayos din ang buhok ko. Binilog ko ito habang may nakalambitin naman na buhok sa gilid ng tainga ko. Nagpasya akong lumabas ng masatisfy na ako sa looks ko.

Pagbukas ko ng pinto ay may isang nag-aalab sa kapogian at kasexyhan na prinsipe ang naghihintay sa akin. I check his looks. Naka ayos ang pagagasuklay ng pulang buhok nito. Napansin ko din ang itim na hikaw sa right ear nito. Naka pula itong pulo na pinatungan ng white tuxedo at itim na necktie. Itim na na pants and shoes.

Napatingin ako sa kanya dahil napansin kong nakatulala ito sa akin kaya lumapit ako sa kanya at bumulong para inisin ito. 'I know nakakatulala talaga ang ganda ko' I hear him hissed at napangisi ito dahilan upang kabahan ako.

Lumapit ito sa akin habang hapit nito ang baywang ko kaya hindi ako makaatras. "Yeah you're right, You're so beautiful to the point that I really want you right now" sexy niyang sabi. Agad na namula ang mukha ko at tinulak ito.

"Manyak!" At padabog akong umalis. Bweset! Kahit kailan ay hindi ako nananalo sa pang-iinis sa kanya! Ngunit napahinto ako sa paglalakad dahil sa ginawa niya.

He laughed! He just laughed! Nanlalaking mata ko siyang tinignan.

"You laughed? " di makapaniwala kong sabi. Tila nahiya naman ito at napaubo ng mahina. Bumalik ang pagiging seryoso nito at inangkla ang kamay ko sa braso niya.

"Let's go, kanina pa sila nandoon" he said.

Napangiti na lang ako dahil sa inakto nito.

Sus!! Nahiya pa eh hhhaha.

Paglabas namin ng dorm ay isang gintong kalesa ang naghihintay. Hindi ki mapigilang mapangiti dahil feeling prinsesa ako ngayong araw!! I can't imagine na maeexperience ko ang ganito.

He guided me until I manage to seat inside bago siya sumunod.

Ilang minuto lang ay nakarating kami sa venue which is ang training ground ng Elementalist. Pagpasok ko ay hindi ko na marecognice ang silid na ito as our training ground. Para na itong isang hotel!

Napakaraming chandeliers ang nakasabit sa ceiling. Napapalibutan ng mababangong bulaklak ang bawat gilid ng room. May red carpet na nakalatag sa daan at mapapansin ang sampung round table na naka arrangesa center. While nakapalibot ang napakadaming bench sa paligid para sa mga wizard at summoners.

Huminga ako ng malalim, at parang maiiyak ako sa sobrang magical ng paligid.

Sabay kaming naglakad ni Kael papunta sa mesa sa harap kung saan naka-upo ang kanyang mga magulang.

Kapwa sila nakasuot ng pulang damit at may gintong desinyo. Yumuko ako upang magbigay galang sa King and Queen ng Fire Palace.

"King Johan, Queen Scarlet this is Shantell" pagpapakilala ni Kael sa akin. Tumayo si Queen Scarlet at niyakap si Kael pagkatapos ay ako naman. "Nice to meet you the famous Shantell" malumanay na sabi ng reyna! God!! Nagmimistula akong dumi sa tabi niya.

"Maraming salamat po Queen Scarlet" buti nalang at di ako napiyok. Mabait ang kanyang ina ngunit ang kanyang ama ay masungit ang itsura kaya alam ko nakung saan nag mana si Kael haha.

Nilibot ko ang paningin ko sa mga kasama ko. Napangiti ako dahil masaya sila habang kasama ang kanilang mga magulang. Nakita ko pa si Shia na kumakaway sa akin maging ang Ina at Ama niya. Ang cute nila!

Tinignan ko din si Selena, nakangiti lang ito sa akin bago kinausap ang iama niya habang tinuturo ako. Dumako ang tingin ko sa isang mesa sa tabi ng mesa nila Kael. Nakaupo doon mag-isa ang isang babae habang nakatingin sa akin na parang nagugulat.

Hindi ko alam kung bakit ngunit parang may nag uudyok sa akin na puntahan siya. Kaya nilingon ko si Kael at sinabing pupuntahan ko yun, nagpaalam din ako sa mga magulang niya bago tuluyang umalis.

Nang makalapit ako sa mesa niya ay nabigla ako dahil sa biglang pagyakap nito. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang katawan kaya hinayaan ko nalang ito. Matapos ang ilang segundo ay bumitaw na ito.

"Pasensya kana, may naalala lamang ako sayo" malumanay nitong sabi. Ngayon ko lang napansin ang buong itsura nito. Sobrang ganda niya! Ginto ang kanyang mga mata at buhok, para akong nakatingin sa isang diwata! OhmyGod!

"Ako nga pala si Queen Sheraphine ng holy light palace" napataklob ako ng kamay sa bibig ko dahil sa gulat. Mahina itong tumawa dahil sa reaksyon ko. Sinabihan ako nitong umupo kaya sinunod ko ito.

"Ikaw si Shantell hindi ba? Kilalang kilala ka sa buong kaharian dahil sa iyong misteryosong paglitaw dito. " ngayon ko lang napagtanto ang sinabi ni Queen Scarlet na famous daw ako.

Ang totoo niyan hindi ko alam ang sasabihin ko, parang gusto ko lang siyang tignan at pagmasdan tapos makikinig lang ako sa malumanay niton boses! Hayy sana all!

"Ahh Queen Sheraphine nais ko po sanag itanong kung sino yung naalala mo sakin" God! Ang kapal ng mukha kong makipagtsismisan sa reyna pero dzaa curious ako kaya hayaan na.

"Ang aking nag-iisang anak, hindi na siya nasundan pa dahil sa isinumpa ako ng maykapal" napangiti ang ng mapait dahil dito. Itatanong ko sana kung bakit pero huwag na, ramdam ko talaga ang kalungkutan niya.

"Bakit po kayo lang mag-isa ang dumalo?" Ayan nalang ang itinanong ko.

"Ang mahal na hari ay masyadong abala na namumuno sa buong kaharian" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. The eff!! Ang hari mismo ang asawa niya? Bat di ko nalaman agad yun? Aishhh!

"Nagigiliw akong pagmasdan ka. At ang ganda ganda mo, nararamdaman ko din na isa kang mabuting tao. Tama, nasaan ang iyong mga magulang? " parang matutunaw ang puso ko sa mga sinabi niya!

"Matagal na po silang namatay"

"Ikinalulungkot ko ang nangyari." Malumanay nitong sabi. "Mukhang nakakaistorbo na ako sa inyo ng iyong kasintahan, kanina pa siya lingon ng lingon dito" halos mamula ang mukha ko dahil sa sinabi niya..

Winagayway ko ang dalawa kong palad sa harap niya at umiing iling.

"Nagkakamali po kayo mahal na reyna, hindi ko po yan kasintahan ha ha ha" God!

"Kung ganoon mauuna na ako, nais kong malaman mo na anumang oras ay pwede kang pumasyal sa aking palasyo kailan mo man gustohin" bago ito umalis ay binigyan pa ako nito ng isang mahigpit na yakap.

Kahit reyna siya, hindi niya parin nagagawang masaya dahil may kulang sa kanya, napangiti ako dahil hindi nalalayo ang estado naming dalawa. Ipagdadasal ko na sana ay matagpuan niya na ang  hinahanap niya.

I don't know why but I want to see her happy!

Nilibot ko ulit ang paningin ko sa paligid, nakikita ko na abala silang lahat sa pakikipag-usap sa kani-kanilang pamilya kaya naisipan kong lumabas muna.

Ayaw ko mang aminin ngunit nakakaramdam ako ng kaunting inggit. Iniisip ko din kung bakit sa dinami daming tao sa mundo bakit ako? Bakit ako yung nakakaranas mg magulong pagkatao.

Napadpad ako sa training field. Umupo ako dun at tinignan ang kalangitan. Napakagandang pagmasdan ng mga bituin, kumikislap kislap sila kaya nakakaayang pagmasdan.

Ngunit nabigla ako dahil may biglang umupo sa tabi ko. Si walking fire.

"Spill it" maikling sabi nito.

Nagmamaang-maangan ako. "Spill what? " taas kilay kong tanong.

Huminga siya ng malalim at nagsalita. "Fine, Just this once. I will listen to you. I will not annoy you, or speak. I will keep my mouth shut." Napalunok ako dahil alam kong seryoso siya sa sinabi niya.

Wala na akong magawa dahil feel ko kailangan ko to, kailangan ko ng mapagsabihan.

"I am longing for my real parents too. I want to know who am I, I want to make all things to be clear about me. Madami akong tanong sa sarili ko na walang kasagutan." Napahinga ako ng malalim at hinihinitay na magsalita siya pero hindi, talagang nakikinig lang siya.

"11 years, 11 years na akong nabubuhay ng mag-isa, you know how sad it is? Every time that I can see a one family poor or rich as long as they're together sharing each problems, happiness and love I couldn't help my self to feel jealous. " hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.

"Siguro nga ang sama kong tao dati kaya ngayong na reincarnate ako ay ganito ang kinalabasan haha" I joke para magbago ang mood pero hindi, nakatingin lang siya saken ng seryoso. Walang mababakas na emosyon dito.

"I'm sorry If I can't keep my words but I want to tell you that you are not alone anymore. You already have the gang and most specially you have me."

And then I realized that the barrier inside my heart was already broken into pieces.