webnovel

16. Friends?

(Shantell POV)

Dalawang araw na ang nakalipas nung natapos namin ang misyon. Dalawang araw narin akong kinukulit ng mga girls well except Selena, about sa hug moment namin ni Kael.

About Selena? She's always busy with her training. Well ganoon din naman ako pero mas malala yung kanya, kulang nalang doon matulog sa training room.

"Girls wala din ako idea okay? Baka nabigla lang yun dahil nag-aalala"

"Wow, edi sana niyakap niya din ako nung malapit na ako lunukin ng Carnivore Plant! " pagmamaktol ni Shia.

Yeah naikwento nga niyan during noong training nila na wala pa ako dito. Kinain siya ng Carnivore plant but the rest of team managed to saved her.

"Let's go shopping nalang" masayang sabi ni Shia. Oo nga pala, bukas na gaganapin ang anniversary ng academy. Kahapon din ang bukas ang boundary ng tatlong class which is the summoners and wizard kaya malaya silang makapag ikot-ikot sa buong akademya.

Naglalakad kami sa hallway papunta sa pamilihan ng mga damit, nasabi ko ba sa inyo na may sariling mini mall at market ang academy? Kung hindi pa well, ayan nasabi ko na.

Nahagip ng mata ko ang dalawang nakasuot ng berdeng roba. Napangiti ako at dali daling pumunta sa kanila.

"Marie! Aklas!" Sigaw ko at agad na niyakap si Marie. Tila nahihiya pa ito haha.

"Uy. Shantell, grabe anlaki na ng pinagkaiba mo. " medyo nahihiya pa ito. Asus.

"Huwag ka nga! Ako pa din to no. " ngiti ko sa kanya. Tinignan ko silang maiigi at napansin ko na nag-iba din sila. I can say na mas lumakas pa sila and that's good to know.

Kaya pala nahihiya si Marie dahil sa tatlonv prinsesang kasama ko. Maging si Aklas ay namumula ang tainga habang nakayuko.

"Girls, si Marie at Aklas. Mga kasama ko sila dati noong papunta dito sa academy" hindi ko na pinakilala silang tatlo dahil alam kong kilala na nila ito.

"Hello!!!!! " masiglang sabi ni Shia habang kumakaway kaway, samantalang si Lucy at Almira ay nakangiti lang.

After that ay nagpaalam na din ako sa kanila ngunit bago yun ay binigyan ko sila ng 2000 Gold, para sa angkan nila dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila.

Nakadating kami sa isang bilihan ng mga damit. Puro gown ang mga nandito, so kahit papaano eh nag eexist ang gown sa mundong ito. Ngunit lahat ng klase ay yung parang namumukadkad ang gown. Yung parang katulad kay Cinderella.

Iba't-ibang kulay, kaya mahirap din pumili dahil magaganda din lahat.

After naming bumili ay kumain pa kami bago umuwi sa dorm.

Humiga muli ako sa kama at napabuntong hininga. Ilang buwan na ako dito ngunit kahit anino ni Miss Gabriella ay hindi ko makita. Ang sabi niya ay dito ko mapupunan ang kakulangan sa buhay ko.

Gusto kong malaman, gusto ko din gumawa ng hakbang ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Isa pa sa iniisip ko si Tatang, alam kong hindi siya pangkaraniwan, ngunit hindi ko na din siy nakikita doon sa gubat. Hindi rin maalis sa isip ko si Sevanna, ang guardian spirit of water. Nalilito ako at nagtataka kung bakit ganoon nalang ang respeto niya sa akin. Naramdaman ko din ang takot sa kanya. Tinawag niya din akong God of the Guardian? Tss ginulo ko ang buhok ko sa lahat lahat ng ideya sa isip ko.

Hindi ko alam kung anong uunahin ko! Aish! Napatayo ako ng may kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito.

Si Selena, pinapasok ko ito at pinaupo sa sofa sa salas. Nilibot nito ang paningin sa buong silid.

"Your room is the biggest I think in this dorm" malumanay nitong sabi. Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng nagtatanong kung baki siya naparito.

"I know I am being mean to you ever since, nag sorry ako sayo noon ngunit alam kong alam mo na walang sinseridad doon." Yumuko ito at nagulat ako dahil umiiyak ito.

"I am so scared and envious, kasi simula nung dumating ka lagi nalang ako nacocompare sayo. Inisip ko din na you are stealing my friends away from me, Pathetic right? " hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero tumahimik lang ako at nakikinig sa kanya. She needs this, she needs to let go of this burden.

"I'm scared that maybe my parents will get you and make their princess too, that can out me in the picture that's why I feel this hatred towards you. Sinasabi ko ito dahil bukas na bukas dadating sila, all the kings and queens of the ten palace, to celebrate with us, I just want to know your plan" napangiti ako sa sinabi niya.

"You're over thinking so much Selena, first I will never steal your friends because your friends are my friends too even you" napatingin siya sa akin na tila hindi makapaniwala.

"Second, you are their daughter kaya never ka nilang ipagpapalit, kung tutuusin nga dapat ako ang maiinggit sayo dahil nakakasama mo ang parents mo" napangiti ako ng mapakla pero agad ko iyong winala at pinalitan ng matamis na ngiti.

"Lastly, huwag kang mainggit sakin Selena, kasi ikaw buo na ang pagkatao mo samantalang ako, binubuo ko palang kaya dapat maging masaya nalang tayong lahat" napangiti siya sa sinabi ko.

"Friends? " inoffer niya ang kamay niya ngunit hindi ko ito tinanggap, dahil niyakap ko ito ng mahigpit. Kumawala ang luha ko pero mabilis ko itong pinunasan bago siya nilingon. "Silly! Friends na tayo dati pa no! Hahaha"

"Hoy hoy hoy! Bat kayo lang nagyayakapan jan? Sali kami!!! " masayang sigaw ni Shia kaya dinambahan niya kami ng yakap kasama sila Lucy at Almira, nasa pinto pala sila ng silid ko maging ang boys nandoon.

"Yey!! Sali kami!!" Akmang tatakbo na si Damon pero mabilis na hinablot ni Lucas ang braso nito kaya nagtawanan kami.

Napansin ko si Grim na nakangiting nakatitig kay Selena at ganoon din Selena sa kanya.

Hmmm, may something sa dalawang to for sure!

(Selena POV)

(Bago pa nangyari ang paghingi niya ng sorry kay Shantell)

Duguan kung hinaharap ang isang Blood Tiger, kulay pula ang buong katawan nito. Napakabangis nito kay hirap akong patayin ito. Ikadalawampu't dalawa na sigurong blood tiger to.

Tumakbo ito sa gawi ko kaya sinubukan kung umalis ngunit hindi na kayang humakbang ang katawan ko kaya napaluhod na ako sa sahig.

Sasakmalin na sana ako nito ngunit isang scythe ang tumama sa leeg nito kaya napugutan ito ng ulo. Grimuel.

"Magpapakamatay ka ba! " malakas na sigaw nito. Yumuko na lamang ako dahil wala na akong lakas na sumagot.

I know pressure eat my whole system, as well as scared, hatred and envy.

Nagulat ako ng isang mahigpit na yakap ang ginawa ni Grimuel. "Fuck Selena! The world is not yours to burden it all! I'm here okay? I'm always here, if you let me" damang dama sa boses niya ang pag-aalala, nanginginig pa ang katawan nito. Hindi ko namalayan na kagat kagat ko na ang labi ko at pinipigipan ang paghikbi.

"H..how? " I ask him. Kaya humarap ito sa akin habang pinupunasan ang pawis at luha ko.

"By this" he said and our lips met each other, it was a gentle kiss, I don't know why but I respond, it give me order to kiss back.

Humiwalay siya sa akin na may ngiti sa labi. "Let go Selena, and together we will make things better okay? " naintindihan ko ang sinabi niya. Napangiti ako ng mapakla, I am so disappointed in my self.

But I look at him in the eyes, even though I'm acting this way, he never leave my side and I am so fucking idiot on what I did to him. I think from now on I should lower my pride, for the sake of this man beside me.

Who cares if I win or lose in the game as long as I have him. Take too soon to realize. That I also love him.