Huminga ako ng malalim bago harapin si Shirley na nakangiti sa akin."Thank you! Shirley." Ngiti ko sa kanya at tumango lamang ito.
Tinignan ko ang Airport nang Pilipinas. Nagpapasalamat na nakarating akong buhay matapos kong makulong nang apat na taon.
Agad siyang pumasok sa isip ko at nawala ang aking ngiti sa mga labi. Tumingin ako sa maliwanag na ulap, padilim na nang makarating ako bago ngumiti ng mapait.
Bigla akong natauhan sa aking mga inisip mula sa nakaraan ko. Napangiwi ako nang mapasandak sa upuan ng kotse ko kung saan nandoon ang sugat sa likod ko. I was shot by the enemy, and thankfully hindi sniper or else I will be gone.
Tinignan ko ang Bar kung saan siya pumasok. Muling pumasok sa aking isip kung ayos naba talaga siya. Hindi ba niya nabalita na wala na ako dahil mukhang hindi sya nagulat nang maka banggaan ko siya.
Naalala ko bigla ang gulat sa mga mukha at mata nila nang makarating ako nang mansyon. Pagod akong nagpaliwanag bago pumasok nang kwarto at dahan-dahang nagbihis bago humiga nang patagilid.
Nahagip nang mata ko ang picture frame kung saan kasama ko ang mga kapatid ko doon nang maka Graduate ako nang College. Bigla ko na lamang na miss ang nakaran kung saan masaya kami at walang problema.
Hindi tulad ngayon na nagpakasal ako sa taong hindi ko mahal. Hindi ko aakalain na maitutuloy iyon dahil sa mga magulang ko at ni Jacob bago ako makulong.
"Kamusta?" Sambit ni Jacob nang puntahan niya ako sa mansyon. Tinignan ko siya at kita ko ang kasiyahan sa itsura nya.
Hindi ako nagsalita kaya naman dumaldal ulit siya. "Nakita ko yung best friend mo, may kasamang babae. Hindi ko alam kung girlfriend nya o ano." Biglang banggit nya kaya nilingon ko siya.
"Share mo lang?" Sarkastikong sambit ko at inirapan sya nang tawanan niya ako.
"Suss, alam ko naman na siya pa rin ang mahal mo. Wag kang in-denial." Iiling iling na sambit nya bago kinuha ang gamot at ibinigay sa akin.
Kinuha ko naman iyon at inilagay sa gilid nang lamesa dahil wala pa akong kain. Tumingin ako sa kanya bago magsalita. "Paano mo nagagawa yan?"
Kumunot ang noo nya sa pagtataka. "Ang alin?"
"Ang sumaya kahit na nasasaktan ka." Deretsong sambit ko kasabay nang pagkawala nang ngiti nya at napalitan nang buntong hininga.
"Marami akong realization Xy, hindi ko pwedeng ipilit ang mga bagay na hindi naman para sa akin." Ngiti nyang sambit bago tumingin sa akin.
"Bakit mo ako pinakasalan?" Pagtatakang tanong ko.
"Pressure din ako nang magulang ko, noong una ay gusto ko dahil wala akong matipuhan kaya tinatakot kita. Ayoko kasing mapunta ka sa iba e. Pero nagising na lang din ako na kahit pilitin ko ang sarili ko, kung hindi naman ikaw ang para sa akin, wala ding saysay." Deretsong sambit nito at ngumiti sakin bago umiwas nang tingin.
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin ito. "Stay strong, marami ka pang makilala na iba at mas nararapat mahalin." Kalmadong sambit ko bago tapikin siya sa balikat at lumabas.
Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin patalikod kaya hindi ko naiwasang mapa daing na ikinagulat ni Kuya Sean.
"Dahan dahan naman kuya!" Inis na sambit ko at huminga nang malalim dahil sa sakit ng nararamdaman ko.
"Ano bang nangyari sayo? Nawala ka lang nang apat na taon nagka ganyan kana?" Takang tanong nya habang naka nguso.
Umirap ako sa kanya at binigyan siya nang yakap panandalian bago bumitaw. Hindi ko pa pwedeng sabihin, hangga't hindi ko pa rin nalalaman kung sino ang may pakana at kung bakit ako ang naparusahan sa ginawa niyang kasalanan.
Lumayo ako ng kaunti kay Kuya Sean at umiling. Kuya Drake is not here and Kuya Axel was cooking breakfast.
Dumaan ang lungkot sa mata ni Kuya Sean nang makita niya akong lumayo sa kanya. Nginitian ko na lamang to at pumunta na nang kusina.
Umiwas ako nang tingin ng lingunin ako ni Kuya Axel. "Ok ka lang? Bakit parang iwas na iwas ka?" Kunot noong tanong nya nang sya ang magsalin nang itlog at canton sa akin.
"W-wala Kuya. Ok lang din naman ako, may pupuntahan lang kaya nagmamadali na rin ako." Binilisan ko ang kain at matapos non ay kasabay nang pagbaba ni Jacob.
"Kakarating mo lang kahapon ah? Ayaw mo ba talagang mag pa-party? O di kaya'y magpahinga kana lang muna."
Hindi ko siya pinansin at sinyenyasan si Jacob na sumunod sa akin. Nagpaalam muna siya sa mga kapatid ko bago niya ako sundan.
"Saan naman tayo pupunta, hindi kapa nakakaligo. Inumin mo yung gamot mo." Tumango ako sa kanya at nagpababa na lang sa condo.
"Salamat, mag-iingat ka" Sambit ko at hinalikan siya sa pisngi.
"No problem Wifey" Umirap ako nang tawagin nya ako nang 'Wifey'
Kumaway muna ako bago pumasok nang elevator at pinindot ang floor. Na miss ko bigla ang lugar na ito kung saan limang taon ko rin tinirahan ito.
Pagkalabas ko ay napatigil ako nang maalalang dito ko rin siya mismo nakita at nilagpasan ako. Umiling iling lamang ako bago kunin ang susi at pumasok doon.
"My home" Bulong ko nang tingnan ang mga paligid. Walang nagbago doon at maayos pa rin ang mga naiwan kong gamit dito.
Nang matapos maligo ay nagbihis na rin ako ng Blue off shoulder dress above my knee and silver sandals. I was wearing cycling inside so kung lilipad man ito sa hangin ay ayos lang. Kinuha ko ang sling bag ko matapos magpabango at pumunta na nang Bar.
***
"Welcome back again, Xyria. How's your love life?" Bungad sa akin ni Krisha.
"Jowa." Maiksing sambit ko kaya naguluhan siya. "Jowala," Dugtong ko kaya natawa silang dalawa ni Chloe.
"May kwento ako, dapat may baon kang tissue para kapag umiyak ka ay may bitbit ka pamunas sa luha mo." Biro ni Chloe kaya nahampas siya ni Krisha.
"Amp! Kakarating lang, papaiyakin mo na? Sana nag iisip ka muna bago ka magsalita diba?!" Inis na sambit nya kaya naman binelatan lang siya ni Chloe at ibinigay ang baso sa akin.
Ininom ko iyon bago nila ako higitin sa VIP room nang Bar. Nakita ko sina Irish, Nicole at Desiree. Niyakap nila ako agad nang makita nila ako.
"Ininvite ko si Ace ok lang ba?" Tanong ni Krisha kaya gulat ko siyang tinignan.
Bigla na lamang akong kinabahan at mas dumagdag pa iyon ng tingnan ako nang seryoso ni Nicole. Umiwas na lamang ako ng tingin at lumagok para maibsan ang kaba ko.
"Sino sino ba ininvite mo?" Tanong bigla ni Chloe
"Si Ace at Lia."