webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · History
Not enough ratings
41 Chs

Chapter 31

"May balak kapa bang kumain?" Bungad ni Jacob pero hindi ko sya pinansin at nakatulala lamang ako.

Tinignan nya ako ng may awa sa mata kaya tinawanan ko siya. Hindi naman dapat niya ako kaawaan. Deserve ko ang ganitong parusa para na rin sa sarili ko dahil sa kapalpakan ko.

Ilang minuto kaming tahimik habang nakasandal lang ako sa pader at naka upo sa sahig, tulala at walang gana sa lahat.

"Para saan pa kung mawawala rin lang naman ako?" Sarkastikong sambit ko at tinignan siya. Dumaan ang gulat sa mukha nya nang sabihin ko iyon.

"Hindi ka mawawala, hindi kita papabayaan." Umiling lamang ako nang ilapit nya sa akin ang pagkain.

"Wala akong gana kumain, sa iyo na lang." Inusog ko ng kaunti ang tray papunta sa kanya.

Narinig ko ang pag buntong hininga nya. "Kinabukasan na ang pagpunta natin sa U.S, help yourself Xyria! Walang mangyayari kung mag be-breakdown ka lang."

"Fine." Pumayag na ako.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Pinilit kong kumain kahit na ayoko. Para na rin sa kinabukasan ko ang gagawin ko sa ilang araw akong hindi kumain ay ngayon ako makakabawi upang bumalik ang lakas ko.

Tama sya, hindi basta basta ang sasalubong sa amin dahil kinabukasan, nakita na lang namin na nasa tapat na kami nang mansyon at tinutukan kami ng baril.

Bago makapasok ay inilagay namin ang finger print bago magbukas ang itim na gate kasama ang tauhan ni Boss

"Mukhang nandito si Boss," Bulong sa akin ni Jacob at sinyenyasan ko siya na manahimik bago pa kami mabaril dito.

"Welcome! welcome! Jacob and Xyria." Sigaw nya bigla na ikinagulat namin kaya natawa ito ng pagkalakas lakas.

Nangilabot ako doon at nanatiling tahimik ng umecho sa buong mansyon ang kanyang boses.

"You may seat." Umupo kami matapos ay tinignan ko ang nilalagay nilang kape sa aming mga baso.

"I already heard that Xyria is a very dangerous here huh? They wanted to kill our Xyria because of what?" Tanong nya sa amin ngunit wala ni isa sa amin ang nagsalita.

"It is because, you killed their family, love once. Or it is because of your one brother are automatically involved but you are exchanged of these groups and make them to suffer you?"

Nagulat ako nang magtama ang tingin namin pero agad din akong umiwas. Ano ang ibig niyang sabihin? Masyadong maraming nalalaman ang Boss namin.

"It is true that your brother is afraid to being punish or suffer for 4 years of jail?" Ngising sambit nya habang nakatingin sa akin. Mas lalo akong kinabahan nang dahan dahan siyang lumapit sa pwesto ko at ipinaalis sina Jacob upang kami ang mag usap.

"Please, speak." Umupo sya sa harapan ko at itinago ang kaba na nararamdaman ko dahil sa hindi malaman kung bakit nadamay ang Kuya ko dito.

"I... I really don't know what you're saying." Pilit na sabi ko at hindi makatingin sa mata niya.

"Oh, so you really didn't know?" Bakas ang gulat sa mata nya at mas mukhang natutuwa pa siya sa nalalaman nya.

Umiling ako kaya mas lumawak ang ngisi nya. "What an unlucky girl, your family is a cursed Xyria. I didn't also know that you really didn't know what your brother do."

"Poor Xyria, you don't deserve your family. You will be suffer because of your brother and also your mom." Kinilabutan ako bigla sa sinabi nya at gulong gulo ang isip ko nang matignan ko sya.

"I don't know what you're saying. It's not true and please don't involved my family here." Kalmadong sambit ko at kinakabahan sa magiging reaksyon nya.

"No dear, why would I make a story? I have no time for that, you should be careful whom you trust."

Ayun lamang ang huli niyang sinabi matapos nyang mawala sa paningin ko. Masyado akong nababahala sa sinabi ni Boss. Ni hindi ko maka usap si Jacob matapos noon.

It shouldn't be him right? May biglang pumasok sa isip ko nang maalala ang sinabi ni Boss. Iniisip ko pa lang, para na akong trinaydor nang sarili kong kapatid.

Dapat nga ba akong maniwala sa sinabi nang mismong Boss namin? o dapat muna akong mag isip kung itatanong ko sa mga kapatid ko?

Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan nang simulang ikulong nila ako. Sa apat na taon na nandito ako ay halos magkasakit ako at ilang beses dinala sa hospital nang malaman nilang hindi ako kumakain.

Parang robot na lamang ako habang nakatulala. Ilang buwan, at taon na bumibisita dito si Jacob at kinaka usap ako pero wala pa rin akong kibo.

Matapos nila akong parusahan at pahirapan ay dito nila ako idinala. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang ala ala sa akin na ilang beses nila akong sinubukang lasunin o patayin ngunit palaging nandyaan si Jacob para iligtas ako.

"You should die here and suffer because of your brother's mistake."

Naalala ko ang sinabi noon ng Boss namin habang naka ngisi siya sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon kung bakit ako ang nandito sa posisyon at hindi ang kapatid ko. Kung bakit ako ang nagbabayad sa kasalanang ginawa nya na hindi ko alam.

Inakala nilang patay na ako at ipinalabas nila iyon para hindi na muli akong hanapin ng mga kaibigan ko puwera na lang kaila Krisha na alam kung nasaan ako.

"It's a good news, you'll be free from jail for 4 years. You're a lucky girl. You didn't die to him"