Xam's POV
Akalain mo nga namang sumegway ang swerte ngayon at pumalit sa daan ang malas. Makakasalubong ko nanaman ang matabang pangit na 'yon!. At.. may mga kaibigan siya?Na sinasamahan pa talaga siya?. Hah! May kumakaibigan pa pala sa asungot na 'yon? Sabagay parehas mga nerd. Tsk, tsk, tsk.
Kalalabas lang naming lima sa canteen, wala pa kasi si Kim doon kaya naisipan ko'ng puntahan siya sa classroom nila baka nagliligpit pa ng mga gamit. Ang saya-saya ko papalabas ng canteen taos biglang sisirain ng pangit na matabang 'yon?! Tsk.
Naalala ko pa yung pag gising niya sa'kin sa Field. Gusto ko siyang murahin ng malutong! Pero ayaw ko mapahiya, labag na 'yon sa batas ng isang lalaki ang murahin ang babae. Well, slight lang. Sinamaan ko ng tingin ang papalapit na pangit.
Habang nag lalakad at naka tingin parin sa kaniya, nag isip ako ng paraan kung pano ko siya ma iinsulto, maaasar sa hindi malalang paraan. Masyado ako'ng gwapo para ibuhos lahat ng talento ko sa pambu-bully kung sa mataba ko 'yon itutuon.
Sinalubong niya naman ang tingin ko ngunit kaagad rin siya'ng nag iwas. Gusto ko'ng tumawa ng malakas dahil nandoon sa mukha niya ang hiya, takot, at kaba.
Tss, weak ka pala eh.
Nang malapit na malapit na siya, sinadya ko'ng lumapit sa gawi niya tsaka malakas na binangga ang balikat niya upang bahagya siya'ng mapaharap samin. Natigilan ang dalawa niya'ng kaibigan, tumgil na rin kami. Tiningnan ko sila, ang dalawang mag kaibigan ay may nag tatanong na mga mukha, ang asungot ay nakababa lang ng tingin.
Ngumisi pa muna ako bago sila tuloyang talikuran tsaka nag patuloy sa pag lakad papunta sa classroom nila Kim. 'Di pa man kami nakarating ay malaki na ang pag kakangiti ko. Sino ba naman ang hindi? Masaya ako dahil makakasama ko nanaman si Kim, panibagong araw, panibagong.. bente kwatro oras. Haha joke lang.
Makakasama ko nanaman ang babe ko.
May mga studyante'ng nag sisipag tilian kapag dumadaan kami sa mga classroom. 'Di ko man sila tinatapunan ng tingin, ngingisi naman ako na para bang pahiwatig na ipagpatuloy lang nila ang pag suporta sa amin.
Naningibabaw ang boses ni Luejay habang nag lalakad.
"Dude, epic talaga yung nangyari kanina. Anong ginawa mo sa Hana na 'yon? Pinaliguan mo ba ng Mayonnaise?" Tumawa pa si Luejay sa huli.
Nalilito ako. 'Di ko alam kung sino tinutukoy ni Luejay pero nasisiguro ko'ng hindi ako ang kausap niya. Nangunot ang nuo ko tsaka tumigil sa pag lalakad.
"Anong nangyari kanina?" Kunot ang nuong baling ko kay Luejay na siyang tumatawa parin.
Ilang segndo pa muna ang lumipas bago mag salita si Luejay. Ngunit parang pinipigilan ni Luejay ang matawa, pinipilit rin nito'ng maging seryoso. And not to mention, nabanggit niya ang kinamumuhian ko. Nabanggit niya ang pangalang nakakapag intriga ng galit at inis ko. Pangalan.. na ayaw ko.
"Kanina'ng alas sais ng umaga, kaming tatlo," Sabay turo kay Gio at Reo "Nakita naming nasa loob ng restroom si Hana, at sakto namang bumili si Reo ng Mayonnaise kasi kakainin niya- like what the fuck?," Tumawa pa muna siya bago nag tuloy "Kaya ayun, sinabihan ko siya'ng bibilhan ko nalang siya ng bago'ng Mayonnaise dahil naisipan ko'ng ibullyb si Hana".
Saglit ako'ng natigilan at napatitig sa kaniya. Gusto ko'ng ibalik ang oras kung saan nag alarm ang cellphone ko ng alas singko ng umaga para kaagad ako'ng makapunta ng school ngunit imbes na bumangon agad, natulog ulit ako! Kaya 'di ko tuloy nakita kanina ang ginawa nila.
"At heto namang si Noel, nang makarating sa restroom bigla nalang kami pinaalis" Nakangisi si Noel na sinusulyapan ang nag iiwas ng tingin na si Noel.
Mas nangunot ang nuo ko at nakaramdam ako ng hinala sa inaakto ni Noel.
"Ha? Bakit?" Baling ko kay Noel.
"Sosolohin niya daw kasi si Hana" Ani ni Luejay.
"Oh eh.. inano mo?" Nagtataka ko'ng tanong.
Nakatingin sa kung saan si Noel, bago pa man sumagot sa tanong ko ay bumaba muna ang tingin niya tsaka napabuntong-hininga na para bang nauubusan na ng pasensiya. Ilang segundo ang lumipas, 'di ko na mabilang kung ilang buntong-hininga ang nagawa niya bago kami lingunin.
"Ayun, binuhusan ko ng Mayonnaise tsaka iniwan sa restroom" Aniya tsaka nauna nang mag lakad.
Tumawa ng malakas si Luejay tsaka tumango nalang bago nag patuloy sa paglalakad. Nag katinginan kami ng tatlo tsaka sumunod nalang sa kanila. Kumunot ang nuo ko. 'Di ko maiwasang isipin kung nandun ako nung nangyari.
Ha! Sigurado epic 'yon.
Nawala lang ang kunot ko'ng noo ng masilayan ko ang babae'ng palaging nag bibigay buhay sa bawat lumilipas ko'ng araw. Ang mapula nito'ng mga labi, ang makorba nito'ng katawan, ang mala gatas na kulay ng balat nito, ang mahahaba'ng pilik-mata, ang walang kupas nito'ng ganda.
Sa kaniya lang ako adik, tsk.
Araw-araw ko inaabangan ang ngiti niya, at SIYA mismo ang inaabangan sa mga pumaparating pa'ng oras. Ewan ko ba! Adik na adik na ata ako kay Kim to the point na kahit ngiti niya kung hindi ko makita kahit isang araw lang ang lumilipas.
I love her. And no one can replace her in my heart.
Hana's POV
Urgh! Nakakainis naman ang isang 'yon! Peste siya! Sa harapan pa talaga ng mga kaibigan ko?! Ayan tuloy! Panay tanong ng dalawa, walang tigil kanina pa!
Kanina kasi, nakasalubong ka ang aso na 'yon. Alam mo ba kung bakit siya mukhang aso? Kasi mukha naman na animal. Pero mananatili ako'ng kalma, ayaw ko'ng ilipat nanaman ng school. Nakakasawa na, tsaka ngayon, may mga kaibigan na ako.
Kasalukuyan kami'ng nandito sa Field. Naging tambayan na namin ang Field pag katapos mag lunch. Ang ginagawa namin kasulukuyan, ako, nakahiga sa Field habang nakapatong ang braso sa noo at nakatingin sa asul na asul na langit. Si Cy, nakaupo sa tabi ko at nag babasa. Si Rex, gamit ang dalawang braso, ginamit na 'yon as stand at naka upo. Nakatingin rin sa langit.
"Hana" Tawag pansin ng Cy, binalingan ko naman.
Umangat lang ang kaliwa ko'ng kilay, pinapakita ko na mag patuloy siya sa pag salita kung ano.
"Ba't ka ginaganon ni Xam?".
Bakas ang alala sa mukha ni Cy, kaagad naman ako'ng nag iwas ng tingin at itinuon 'yon sa langit. Mula sa gilid ng paningin ko, nakikita ko si Rex na nakatingin na rin sa gawi ko. Napabuntong-hininga ako. Andiyan nanaman siya sa mga tanong niya.
"Anong ganon?" Pinakita ko'ng nalilito ako, ayaw ko man mag lihim sa kanila. Ayaw ko sila'ng mamroblea ng dapat na akin lang.
"Hana, 'di ako bulag okay? Nakita ko kung pano ka niya tapunan ng tingin" Pa-sermon na sabi niya.
Tsk, nanay na nga.
"Oh ano naman? Baka may pag-ibig sa tingin niya?" Biro ko at tumawa pa ng malakas pagkatapos.
"Anak ng ipis..." Ani ni Rex.
"Hoy! Hana! Galit ang nakikita ko sa mga mata niya kanina!" Tinampal pa ang hita ko ng napakalakas!
"A-ano ba?! Baka galit kasi naaagawan ko na ng spot girlfriend niya?" Biro ko.
"Hoy tumigil nga kayo'ng dalawa" Seryoso'ng ani ni Rex.
Kaagad naman na nakinig si Cy ganoon na rin ako. Nag biruan, nag kwentuhan kami. Kadalasan, ako ang nag papatawa, mas madami jokes ko eh. Kasalanan ko ba? Hindi 'di ba?. Mahilig rin ako sa mga trivia and facts.
"Cy" Tawag pansin ko kay Cy na siyang tawa ng tawa.
"Oh?".
"Sino mas malinis? Mga babae o mga lalaki?".
"Mga lalaki!".
"Mali, alam mo kung bakit?".
"Bakit?" Nag hahamon ang tono ng tanong ni Rex.
"Kasi kapag oras na namin sa kada buwan, naitatapon namin mga dugo'ng hindi malinis".
"Oo nga 'no.." Natauhan na sabi ni Cy.
Tumawa ng mahina si Rex hanggang sa napalakas at sumampal-sampal pa sa lupa. Nagkatinginan pa muna kami ni Cy, pareho ang nasa isip namin.
Bakit tumatawa 'tong buang na 'to?
Sabay kami'ng nag kibit-balikat tsaka ulit na binalingan si Rex na mukhang humuhupa na ang tawa. Napailing-iling pa muna si Rex bago ko marinig na bumuntong-hininga tsaka kami binalingan.
"Pasalamat nga kayo 'di pa kayo kinukulong na mga babae" Sarkisto nito'ng ani.
Natigilan ako. 'Di ko alam kung ilang segundo ang lumipas na walang nag sasalita, pero natuhan lang ako ng marinig ko ang boses ni Cy.
"Ba't naman kami makukulong? Aber?" Mataray nito'ng ani.
"Well, because when you have mentruation, one egg cell expires," Natahimik kami'ng dalawa ni Cy "And if an egg cell expires, that means a baby is being killed".
Nangibabaw ang katahimikan ng ilang segundo pag katapos 'yon ni Rex sabihin. Natatawa naman si Rex na tumayo at tinampal ang pwetan. Tahimik kami'ng sumunod ni Cy tsaka pumunta sa Gym.
Naupo kami sa pinakamataas na bench tsaka doon ulit nag simula'ng mag kwentuhan. Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ng biglang bumukas ang entrance door ng Gym. At andoon nanaman si aso kasama ang apat niya'ng alagad na mukha'ng mga tubol.
"Kailan birthday mo, Hana?" Tanong ni Cy sa 'kin na nakatingin kay Rex na matiim na nakatitig kay Aso.
"September 23, 2006" Sagot ko sabay baling sa kaniya.
"Ako naman ay August 19, 2006 kaya ahead ako 1 month and 4 days" Nakangiting ani niya.
"Ikaw Rex? Kailan Birthday mo?" Tanong ko.
Kaagad naman siya'ng lumingon tsaka tumikhim. Nilingon niya kami ng naka ngisi.
"Every year".
Napatanga ako. 'Di ko akalaing ganito siya ka sarkisto.
Buang gudman.
Gudman (Waray) - Talaga
"Sipain kita eh" Naiinis ngunit mahina'ng ani ni Cy.
"Halika na, 'di pa ako nakakapag bili ng libro eh" Yaya ko sabay sukbit ng bag.
Ang kanina'ng 'di maipinta na itsura ni Cy ay kaagad na umaliwalas. Parang bata'ng nakatingin sa kaniyang mama ng napakaganda dahil bibilhan siya nito ng laruan.
"Pupunta tayo ng mall-?".
"Hindi, pupunta tayo ng sementeryo" Pagpuputol sa tanong ni Cy, si Rex.
"Ba't naman sementeryo?" Inis na tanong nito.
"Magbabasa" Kaswal na sagot ni Rex tsaka isinukbit na rin ang bag.
"Ng?!" Pasinghal na ang pag tanong ni Cy kaya sinenyasan ko siya na hinaan ang tono ng boses.
"Mga lapida" Sarkisto nito'ng ani.
"Buang".
Mahinang bulong ni Cy pero rinig na rinig ko, hula ko'ng narinig rin 'yon ni Rex pero dahil napaka-matured na ng pag iisip. Hinayaan niya nalang para 'di na humaba ang pagtatalo nila.
Pikon kasi, kaya masayang asarin.
NANG MAKARATING na kami sa mall, kaagad naming tinahak ang daan patungo sa National BookStore. Hinanap ko ang Harry Potter. Ilang libot pa ang ginawa namin bago binayaran ang mga libro'ng binili. Nagugutom na rin kasi ang dalawa kaya dumeretso kami sa Ganas De Comer.
Kung ang pinili naming Cuisine noon ay Korean, ngayon naman ay Japanese. Masarap syempre. Pagkatapos kumain, naglakad-lakad muna kami hanggang sa bigla nalang tumigil ng paglalakad si Cy. Tiningnan namin ni Rex si Cy na nakatingin sa isang shop. Mga stuff toy 'yon.
Narinig ko'ng bumuntong-hininga si Rex kaya binalingan ko siya. Napailing-iling nanaman siya na nakatingin kay Cy.
Ano ba ang nangyayari?
"Cy, kalimutan mo na ang nangyari. Nasa nakaraan mo na 'yon," Nilapitan siya ni Rex "You have to be strong. For him, okay? You have to let him go, you have to move on" Sabay patagilid na yumakap sa kaniya ni Rex.
Akala ko ba bakla ang isang 'to?
Nilapitan ko sila. Nasa kaliwa ako ni Cy, si Rex naman sa kanan. Tiningnan ko pa muna ang mukha ni Cy, natigilan ako at nagulat nang makita ko ang mga luha'ng gustong tumulo at kumawala sa mga mata ni Cy.
Kaagad ako'ng nakaramdam ng lungkot para kay Cy. 'Di man niya sabihin pero hula ko'ng may nawala sa mga mahal sa buhay si Cy. Parang ang lungkot ni Cy ay nag ra-radiate sa mga nakapalibot sa kaniya.
"Pero 'di ko kaya eh. Masakit pa rin, parang kahapon lang nangyari, Rex."
"You know.. Life is not Life without Death, Cyrine. Imagine Life and Death playing on the Seesaw, Life can't play without Death, therefore they balance" Ani ko.
"Hana is right, 'di masakit maiwan, yung masakit yung part na hindi mo na siya makakasama sa mga plano mo sa buhay-".
"Oh look who's here! Si Majinbu".
Nangibabaw ang pamilyar na boses mula sa likuran namin. Nag tagpo ang dalawang kilay ko.
Parang kilala ko kung kanino'ng boses 'to nanggagaling ah..
Marahas ako'ng humarap sa tao'ng 'yon. Lihim ako'ng nag mura ng makita ko ang kasintahan ng aso na 'yon. Laking gulat ko pa ng makita siya na may kasama'ng lalaki at hindi si aso 'yon.
"What do you want?" Pormal ko'ng sagot.
At dahil doon ay nakuha ko na agad ang atensyon ng dalawa. Humarap na sila sa gawi namin. Naramdaman ko namang natigilan si Cy.
"Woah easy there, Majinbu. I'm going to introduce myself to you, properly this time" May landi sa tono ng boses nito.
"I don't need your introduction".
"Ha!," Maarte'ng singhal nito, iniikot-ikot pa ang strand ng buhok nito "Ang yabang mo, alam mo," Pinasadahan pa muna ako ng tingin "kamukha mo si Anabelle, pangit na nga, creepy pa! Hahaha!".
"Atleast 'yon may laban sa mga makukulit at ayaw maging pormal. At tsaka wow ah," Sarkisto ko'ng ani tsaka pinasadahan na rin ang mukha "Nahiya ako sa mala Pennywise mo'ng mukha".
Napanganga siya, nakatingin siya sa akin na para ba'ng may sinabi ako'ng nakakagulat at the same time napakasama. Ngunit binigyan ko lang siya ng na bo-bore na mukha.
"Tsk, Pennywise, tara na nga" Paguulit ko tsaka yaya sa dalawa'ng nakamasid lang sa pag uusap namin ng babae'ng 'yon.
"Hoy anong eksena 'yon 'te? Umurong luha ko ah" Natatawa'ng ani ni Cy.
Napangiti ako ng palihim sa sinabi ni Cy. Kahit papaano ay napagaan ang nararamdaman niya, pero sa parte ko ay gusto ko'ng kutusan ang sarili ko sa mga sinabi ko kanina. Pero, iniinsulto ako eh, Majinbu raw?. King ina siya.
"Ayos ba?" Mayabang ko na sabi tsaka siya nginisian.
"Omg hahaha" Tumili ng tumili si Cy habang tumatawa.
"Nice comeback there, Hana" Nakangisi ring ani ni Rex.
"Bumalik tayo sa school, alas kwatro pa naman eh. Pero first, iuwi na muna natin 'tong mga pinamili natin" Ani ko.
Tumango silang dalawa.
Kim's POV
Mamaya ka sa 'kin, peste ka'ng babae ka.
"Ah babe?," Tawag ko kay Oliver na nag titipa sa phone "Sandali lang ah? Punta lang ako sa restroom, pwede ba?"
Nakangiti ko'ng hingi ng permiso. Tumango naman siya'ng nakangiti at sinenyasan ako'ng bumalik kaagad. Pumunta ako'ng restroom tsaka idinial ang phone number ni Xam.
"Hello babe?" Sagot nito. Batid ko'ng nakangiti naman 'to.
"Ah hello babe? Kanina kasi nakasalubong ko yung babae'ng 'yon" Nakanguso ko pa'ng sabi para mas kapani-paniwala.
"Sino?".
"Eh di sino pa ba? Yung mataba'ng pangit".
"Ha?! May ginawa ba siya sa 'yo?!" Nag aalalang tanong ni Xam.
Napangisi ako.
"Oo babe, ininsulto niya ako kanina dito sa Mall".
"Ano'ng sabi niya- Teka! teka! Anong Mall?! Andiyan ka sa mall ng wala ako? Ano'ng ginawa mo diyan? Sino'ng kasama mo?" Sunod-sunod nito'ng tanong.
Lihim ko'ng minura ang sarili ko.
Nadulas pa!
"A-ah babe, kasi, yung kaibigan ko nag pasama, bibili raw siya ng bago'ng damit".
Napapikit ako ng mautal ako sa salita'ng kaibigan. Alam ko'ng mali ang pag tu-two time pero ano'ng magagawa ko? Eh mas gwapo si Oliver pero mas mayaman naman si Xam. In short, I need both of them.
"Ahh sige sige, ano? Ano'ng sinabi niya sa 'yo?" Halata sa boses ni Xam ang pag pipigil ng galit.
"Sinabihan niya ako'ng kamukha ko daw si Pennywise".
Npakagat-labi ako ng marinig ko siya'ng mag mura. 'Yan ang gusto ko kay Xam, palagi niya ako'ng ipinagtatanggol, palagi niya ring inaaway mga nang-aaway sa akin. Siya ang tipo ng lalaki'ng pinapangarap ng karamihan pero dahil nasa tabi ko ang swerte, sa 'kin siya napunta.
"Okay, I'll do something to make her regret" Aniya tsaka agad na pinatay ang tawag.
Alam ko'ng galit na galit na siya dahil inuunahan niya lang ako sa pag patay ng tawag kapag galit na galit na siya. Sumbongera ako kaya alam ko 'yan.
Noel's POV
"Tara samahan niyo 'ko!" Galit na singhal ni Xam.
Gulat kaming napatingin sa kaniya. Minsan lang magalit nang ganyan katindi si Xam at alam ko na kung ano ang dahilan.
May sinumbong nanaman si Kim.
"Dude, sa'n naman tayo pupunta? Nag lalaro pa kami oh!" Sabay turo ni Gio saaming apat.
"Mamaya na 'yan! Kailangan ko'ng puntahan ang Hana na 'yon!".
Mas nagulat ako sa ibinanggit niya'ng pangalan. Wala ako'ng maisip na dahilan kung bakit may nagawa si Hana kay Kim. Masyado'ng mabait si Hana para patulan si Kim, unless.. frine-frame up lang siya ni Kim?
"Huh? Bakit?" Tanong ni Reo na nag dri-dribble ng bola.
"Akalain mo'ng sinabihan niya si Kim na Pennywise? Eh siya nga mukhang balyena!" Singhal nanaman nito.
Kailangan ko'ng gumawa ng paraan. Kasi kung hindi, baka hindi pa lilipas ang isang semana ni Hana dito ay baka umalis na dahil kay Xam. Ayoko'ng mangyari 'yon.
"Uh Xam?," Tawag ko sa kaniya, inis niya naman ako'ng tinapunan ng tingin. Napabuntong-hininga nalang ako "Kilala mo si Kim, hindi sa lahat ng oras tama siya. 'Wag mo namang suportahan sa kalokohan 'yang kasintahan mo. Wala 'yon sa kontrata mo bilang kasintahan niya, mag isip ka".
"Ano?!".
"Bingi?," Sarkisto ko'ng ani "'Di na 'to bago, Xam. Naalala mo yung babae'ng binully mo last year? Ginawa mo ang lahat para lang mapa-alis ang babae'ng nan-insulto kuno, kay Kim. Tapos sa huli, ano yung paliwanag ng babae'ng 'yon? Na siya naman talaga ang ininsulto." Binigyan ko'ng diin ang salitang kuno.
"Pero iba ngayon eh! 'Yong Hana na 'yon ang nan-insulto kay Kim!".
"Pero nakita mo ba? May ebidensiya ka ba?," Natigilan siya at kaagad na umiwas ng tingin "Xam, siguradohin mo muna. Tanongin mo muna si Hana at kapag inamin na niya, 'wag mo namang saktan ng pisikalan".
"T-teka ba't ba?! Ba't parang prinoprotektahan mo yung babae'ng 'yon?!" Galit na tanong sa akin ni Xam.
Ako naman ang umiwas ng tingin ng muli siya'ng bumaling sa akin. Nananaliksik ang mga mata na nakatingin sa akin. Palagi'ng ganiyan si Xam kapag may nababalitaang may nangyari'ng masama sa kasintahan niya. Palagi siya'ng nag wawala, hinahanap niya talaga ang may gumawa ng masama kay Kim.
Kung 'di ko lang ata kaibigan si Xam, baka binnigwasan ko na 'to ng todo. Napakaisip-bata! Akala mo naman mag Wo-world War III!.
"Bakit nga ba ganiyan ka?" Nangibabaw ang boses ni Luejay.
Damn it! Pinagkakaisahan ako ng mga 'to!
"Kasi babae 'yon, at kilala mo si Kim. End of Discussion".
Ani ko tsaka sila tinalikuran at nag lakad patungo sa bag ko. Kaagad ko 'yon sinukbit sa balikat ko. Tinahak ko ang daan papunta sa Men's Shower Room, may dala ako'ng damit. Palai naman, in case of emergency. Nang makarating doon, kaagad ko'ng hinubad ang mga damit ko at isinampay sa gilid ng pinto.
Naligo ako, nag patuyo, nag bihis. Nag ayos pa muna ako bago ko kinuha ang bag at ilagay doon ang puno ng pawis ko'ng damit tsaka ulit na sinukbit sa balikat ko at lumabas ng MSR.
Sana lang talaga nakinig si Xam.
Toffee | S.E.