webnovel

Reaching Out For you

Ang isang bully sa isang pribado'ng paaralan at ang isang babae'ng 'di perpekto o nuknukan ng ganda ang itinagpo ng tadhana. Ngunit paano 'yon nangyari? Ang mga salita'ng "I Hate You", "'Di kita gusto", "Hindi'ng-hindi ako papatol sa'yo"- ay nauwi sa "I Love You", "Hindi kita gusto kasi mahal kita", at "Papatolin ko lang yung iba kung marami ka".

SofiaToffee · Teen
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 3

Noel's POV

Maaga ako'ng pumasok sa school. Syempre, para mas malaki ang free time. Aminin, may mga studyante'ng maaga na pumapasok kahit malaking-malaki pa ang free para may oras para sa mga kaibigan, o kaya doon sa school ginagawa mga assignments or projects. Pero madalas maging rason ang pag sasaya kasama ang tropa.

Alas sais palang ng umaga ay pumasok na ako. Ipinark ko ang aking sasakyan sa parking lot, may mismong spot lang kami'ng lima, kasama na doon si Xam sa parking lot. Naging specific spot lang 'yon naming lima dahil binu-bully ni Xam- well naming lima, ang nag mamay-ari sa sasakyan na naka-parke sa pwesto namin.

Tningnan ko pa muna ang sarili ko at ichineck ang porma ko, kinuha ko muna ang phone ko bago ako lumabas ng kotse. Sumisikat palang ang araw kaya wala pa masyado'ng studyante. Ini-lock ko ang kotse ko tsaka tinahak ang daan papuntang Hallway. May mga room na'ng nakabukas, at may kakaunting mga studyante ang nasa loob.

Nasa kalagitnaan ako ng pag lalakad ng biglang nag-ring phone ko. Tumingin ako sa screen upang makita kung sino ang tumatawag, si Luejay. Nagtataka ako kung bakit tumatawag si Luejay ngunit sinagot pa rin. Nagtataka ako kasi bihira lang tumawag ang isa'ng 'yon.

"Oh? Ano?" Kunot ang noo ko'ng tanong sa kaniya.

"Hahaha! Dude! Pumunta kana dito sa restroom! Bilisan mo!" Muli pa'ng tumawa si Luejay bago ibinaba ang linya.

"What the fuck?" Naisambit ko. Mas lalo'ng nangunot ang aking noo. Sa sobrang pagkaka-kunot lumiliit ang paningin ko.

Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa ko tsaka tinahak ang restroom. Wala si Luejay sinabi kung saang restroom kaya doon nalang ako dumaan kung saan ang pinakamalapit na restroom. Public restroom 'yon, para sa mga janitor or other staffs. Nang medyo malapit na ako, naririnig ko ang mga tawanan nila Luejay.

Nabosesan ko agad sila Reo at Gio na tumatawa rin. May kung ano'ng tumtulak saakin para tingnan kung ano ang nangyayari. Naging mabilis ang aking pag lakad habang ang paningin ay hindi inaalis sa pinto ng restroom. Nangibabaw ang malalakas nila'ng tawa, nagawa ko naring matawa dahil sa kanila. May sabay pa minsan na palakpak sa pag tawa nila.

Nang marating ko ang restroom, biglang nawala ang ngiti na naka plastar sa aking mukha. May kaunting galit ang lumukob sa aking puso at lungkot para sa babae'ng nagugustohan ko. Pero hindi uri ng gusto na para'ng pag-ibig. May hanga ang akin, hanga ako sa babae'ng ito dahil nakita ko siya'ng lumaro ng Volleyball.

Nang umalis kasi bigla si Xam kahapon. Wala na kami'ng napuntahan ng atensiyon kundi sa mga nag lalaro ng Volleyball. Nakita ko ang angas, galing ni Hana sa pag lalaro. Lalo na nung siya ang mag spike ng bola, hindi ko makita ang bola sa bilis non.

Nakikita ko si Luejay na binubuhosan si Hana ng Mayonnaise mula ulo hanggang sa baba. Naninginig ang mga kamay ni Hana, nakikita sa mga mata ang takot, hiya, at kaba na nakatingin kay Luejay. Nangingilid rin ang mga luha sa mga mata ni Hana at sa isang kurap ay tutulo na 'yon sa mga pisngi niya. Nakaramdam ako bigla ng awa.

Ang buhok, parang 'di sinuklay at bagong bangon palang galing sa kama sa sobrang buhaghag. Marumi na ang uniporme. Hindi ko magawang alisin ang paningin ko kay Hana na mukhang naramdaman rin nito. Natuon sa akin ang paningin niya, alam ko'ng nagtataka si Luejay kung bakit hindi na sa kaniya ang paningin ng dalaga kaya sinundan nito ang tingin ni Hana.

Nag liwanag ang mukha ni Luejay tsaka tumatawa'ng lumapit sa akin. Gamit ang kanang braso, ini-akbay sakin habang ang isa ay hawak-hawak ang Mayonnaise. Kumunot ulit ang noo ko, hindi ko siya pinansin at itinuon lang kay Hana ang paningin. Nanatili rin naman sa aakin ang paningin niya, kung tama ang pag kakahula ko, nakikita ko sa mga mata niya ang pasikreto'ng pag hingi ng tulong. Hindi ko alam pero biglang sumaya ang puso ko sa isipang 'yon.

"Ang galing ko, 'no? Hahaha 'wag ka na mag salita, alam ko naman eh!" Pabiro pa niya ako'ng sinuntok pero 'di ko magawang matawa.

Sa halip na matawa, nag salita ako gamit ang malamig ko'ng boses.

"Leave her alone" Sambit ko na kay Hana pa ang paningin.

Gulat na inalis ni Luejay ang braso niya tsaka pumunta sa tabi ni Hana. Mula sa gilid ng mata ko, nakikita ko si Luejay na nakatitig saakin na para ba'ng napugutan ako ng ulo. Nakita ko naman kay Hana ang munting liwanag at pag luwag ng kaniya'ng nakakunot kanina na noo, Halata'ng lahat sila ay nagulat sa sinabi ko, lalo na't pinalamig ko ang tono ko sa pag sasalita.

"What the hell, bud?" Gulat na tanong ni Gio mula sa likuran ko.

"I said, leave her alone" Nag sisimula na'ng tumaas ang tono ng boses ko. Hindi ko maipaliwanag ang inis ko dahil sa ginawa nila kay Hana.

"What?" Gulat ring tanong ni Reo na nasa likuran ko rin.

"I said leave her alone!" Inis ko'ng sigaw.

Nakita ko pa'ng napaigtad si Hana, hula ko'ng nagulat siya sa biglaang pag taas ng boses ko. Ayaw ko man na aminin pero kahit buhaghag, marumi ang itsura ni Hana ay na cu-cute-an parin ako sa gulat niya'ng mukha.

"Dude," Nagugulohan na tanong ni Luejay na siyang nag simula na'ng lumapit sa 'kin "Are you out of your mind?-".

Naputol si Luejay sa pag tatanong ng marinig ko na nag salita si Gio mula sa likuran ko. Naramdaman ko pa ang presensiya niya na papalapit sa 'kin at hindi nga ako nag kamali dahil ilang segundo pa na lumipas ay may naramdaman na ako'ng kamay sa balikat ko na para bang pinapakalma ako.

"Lutang ka ba pre? 'Di ka ba nag breakfast?" Natatawa niya'ng ani.

"Kumain ako, mas busog pa ata ako kaysa sa inyo" Malamig ko'ng sabi.

"Woah woah woah hang on!," Si Reo "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Ba't ganiyan ka kung mag salita sa 'min? May sumingil nanaman ba ng utang sa 'yo?".

"I own a fucking car, how do you think that I have a loan?".

Nangibabaw ang katahimikan. Mukhang gulat na ulat talaga sila sa inaasta ko. Tinitigan ko si Hana, napakalma niya bigla ang inis na kumakalat sa puso ko. Napabuntong-hininga ako at nag-isip kung paano sila aalis dito, 'di ko naman 'yon pinahalata. Nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha ko.

Idiots!

Inis ko'ng singhal para sa tatlo. Muling nag lakbay ang isip ko kung paano mapa-alis ang tatlo'ng ito. Nang pumasok ang simple ngunit epektibo'ng paraan ay palihim ako'ng napangisi.

"Leave her alone..." Sinadya ko'ng bitinin 'yon para makuha ang buo nilang atensiyon maging si Hana rin "With me" Pagtatapos ko.

Bigla'ng tumawa ang tatlo, nanatili naman ako'ng seryoso. Ang kanina'ng takot, kaba at hiya na nakita ko sa mga mata ni Hana ay muli'ng nangibabaw. Mabilis rin na nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Naaawa ako, hindi dahil sa ginawa nila pero dahil hindi niya deserve lahat ng pagkadisgusto ng mga tao sa buong mundo.

"Eh yun naman pala eh! Galingan mo sa pag buhos ng Mayonnaise ah?" Natatawa'ng ani ni Luejay tsaka inilapag sa lababo ang Mayonnaise.

Tumango nalamang ako. Nag simula na sila'ng lumabas, at nang marinig ko ang pag sara ng pinto ay kaagad ako na lumapit sa lababo at kinuha ang Mayonnaise. Lumapit ako kay Hana na dala-dala ang Mayonnaise, nag baba siya ng tingin. Lihim ako'ng natawa.

"Look at me" Utos ko sa ma-awtoridad ko'ng tono ng pag sasalita pero hindi 'yon sinunod ni Hana.

Mukhang mas tumindi ang takot neto, tsk.

Napailing ako tsaka inulit ang sinabi. Pero 'di parin gumana kaya ang ginawa ko, gamit ang kanan ko'ng kamay, hinawakan ko ang panga niya tsaka maingat at dahan-dahan na itinaas para mag tagpo ang aming mga mata. Napaigtad siya ng matuon niya ang paningin sa akin.

"When I say look at me, LOOK. AT ME. Understood?" Masuyo ko'ng ani pero may bahid parin ng awtoridad ang tono.

Dahan-dahan siya'ng tumango. Natatakot, kinakabahan, nahihiya pa rin. Naging malambing ang aking mga mata nang makita'ng tumindi 'yon.

"Gusto ko mag bihis ka, bumalik ka dito kaagad".

"P-pero wala a-akong dalang damit" Napapahiya'ng sambit at kumalas sa kamay ko'ng nakahawak sa panga niya at muli'ng ibinaba ang tingin.

"Bakit?".

"N-nakalimutan ko".

Natahimik ako. Wala ako'ng choice kundi ang samahan siya hanggang sa gate ng Women's Dormitory.

"Sasamahan kita" Nakapamulsa ko'ng sabi.

Gulat siya'ng nag angat ng tingin sa'kin. Mahina naman ako'ng natawa sa inakto niya, nakakatuwa siya.

"M-mag bihis?" Gulat at ngayon may kaba at takot na'ng nakikita sa mukha.

Iba rin iniisip neto, tsk. Hahay, Hana.

"'Di kagaya ng iniisip mo, sasamahan lang kita hanggang sa gate tsaka sabay na rin tayo pabalik".

Napapahiya nanaman siya'ng bumaba ng tingin. Kung 'di lang ako nag aangas-angasan ngayon baka tumawa na ako ng napakalakas sa harapan niya. Ang cute cute niya hehe.

"'Di na kailangan, b-baka magalit mga babae'ng nag kakagusto sa 'yo at mas dumami pa ang mga mam-bully sa 'kin".

Natahimik ako. I am stunned, shook at the same time.

Ganon ba talaga siya mag isip? 'Di niya ba nakikita na prinotektahan ko siya sa mga kaibigan ko? Nice.

Sarkisto ko'ng ani sa isipan ko. Napatitig ako sa kaniya bago bumuntong-hininga. Tumikhim muna ako para ipahiwatig sa kaniya'ng mag sasalita ako.

"Ako bahala sa'yo, ang intindihin mo muna ang lagay mo. Pano ka makakapasok sa klase kung ganiyan itsura mo? Aga-aga tapos mabantot ka nanaman?" Biro ko.

Sumaya ako ng makita'ng mahina siyang natawa habang naka baba parin ang tingin. 'Di man rin 'yon kasing laki ng tawa pero sapat na 'yon para makumbinsi ako'ng napasaya ko siya sa oras ng madilim na sitwasyon.

"'Di ako mabantot, yung Mayonnaise lang hehe".

"Oo na, sige na.." Natatawa ko'ng ani tsaka hinawakan ang ulo niya at iginaya papunta sa pinto.

Intensiyon ko talaga na ipanatiling naka yuko si Hana, ayaw ko'ng makita niya ang mga studyante na tinatapunan siya ng mga nandidiri, masama'ng mga tingin. Nang makalabas kami sa restroom, hinapit ko ang balikat niya papalapit sa'kin at muling ipinatong sa naka yuko niya'ng ulo ang kamay ko habang ang isa ay bit-bit parin ang Mayonnaise.

Inlalayan ko siya'ng mag lakad. Nang makalabas sa gate, tinahak namin ang Dorm nila. 'Di naman 'yon malayo sa school kaya 'di ako masyado napagod sa pag lakad. Para sa ibang mga studyante, hindi sila tinatamad kapag wala sa bahay lalo na sa school ang punta, pero ako, tinatamad kahit pag dating sa pag kain.

Ganiyan ako katamad. Level 99999999.

Nang marating namin ang gate papuntanng Dorm nila, pinauna ko na siya. Nirerespeto ko siya, kahit pwede niya ako'ng papasukin at paupoin sa sala- 'yon ang sabi niya at mag hintay raw hanggang sa matapos siya ay kaagad ako'ng tumanggi. Kinumbinsi ko naman siya na okay lang ako na mag hintay sa labas, kaya wala siyang choice kundi sumunod.

Hana's POV

Napatitig ako sa kawalan habang nakababad sa bath tub.Masyado'ng malagkit ang Mayonnaise kaya napag desisyunan ko'ng mag babad kahit ilang minuto. Kumunot ang nuo ko ngunit nandoon ang lungkot nang maalala ang nangyari kahapon.

FLASHBACK~~

"Tama na!" Sigaw ko.

"Ha! Ano'ng tama na? King ina ka! Pagkatapos mo 'kong tarayan?!" Balik sigaw ng babae.

Hindi ko naman siya tinarayan. Nandito ako sa cafeteria, bigla kasi ako'ng nagutom pagkatapos naming mag laro. Ako lang mag isa, nandoon pa rin sa Field si Cy tsaka Rex. Nag lalaro ng habulan yung dalawa eh. Papaalis na sana ako kaso my nakita ako'ng babae na kunot na kunot ang nuo na nakatingin sa 'kin. 'Di ko man sinasadya, pumunta sa taas ang paningin ko tsaka umiwas ng tingin.

Sa pag kakaintindi ata ng babae na tinarayan ko siya kaya ganon na lamang kung sumugod sa akin na para ba'ng ang dami-dami at ang bigat ng mga atraso ko sa kaniya. Akala mo naman isa'ng babae'ng inutangan tapos 'di na binayaran kung makapag sugod sa'kin. Nang maharap niya ako, bigla nalang ako sinapak ng napaka-lakas!

Naging mabilis man ang laro namin sa Volleyball ay napagod pa rin ako. Akalain mo ako palagi pinapa-spike? Kasi malakas raw ako sumampal ng bola? Nice. Napabuntong-hininga ako tsaka muling niraramdam ang namamanhid na pisngi ko.

Kung maka sapak, kala mo inagawan ng asawa.

"Masakit? Gusto mo ulitin ko? Kulang pa 'yan eh" Pasinghal at sarkisto niya'ng sabi.

"Pag kamay ko dumapo sa pisngi mo, baka umikot-ikot pa ulo mo niyan" Mahina ko'ng sabi.

"Ano'ng sabi mo?!" Singhal niya tsaka muling sinampal.

"Wala!".

"Gago ka ah! Hoy! Transferee ka lang! 'Di namin kailangan ang mga studyante'ng gaya mo! Ang pangit-pangit mo! Ang taba mo rin hahaha!".

Aminin ko, nasaktan talaga ako. Hindi lang dahil ay sinabihan niya ako ng nakakainsulto, dahil rin ay natapakan niya pride ko. Noon, ayaw na ayaw ko ang may umaapi, nag iinsulto o kahit sumasama ng tingin sa'kin.

"Umalis ka na sa harapan ko kung gutso mo pa'ng itira kita sa mga nabiktima ko" 'Yan ang huli niya'ng sabi bago ako tinalikuran at nag lakad papalayo.

END OF FLASHBACK~~

Hindi ko alam kung ilang buntong-hininga ang ginawa ko mula ng inalala ko ang nangyari kahapon. Sandali ako'ng tumitig sa pader tsaka bumuntong-hininga. Drinain ko ang bath tub tsaka pumunta sa shower at nag simula ng maligo. Nilabhan ko kaagad ang uniporme ko tsaka driny-er. Muli ako'ng nag sipilyo, nag mumog ng mouthwash tsaka nag tapis ng tuwal'ya.

Ganon ang itsura ko ng pumasok ako sa kwarto para mag bihis. Nang matapos mag bihis, inayos ang buhok, uminom ng tubig tsaka ichineck ang kabuoan sa salamin bago kinuha ang bag at phone tsaka lumabas ng silid. Minadali ko ang pag lalakad dahil tuloyan nang nasa taas ang araw, nandoon ang lalaki'ng tumulong sa'kin na siya'ng kasama at kaibigan ng mga gumawa non sa akin.

Habang tinatahak ang daan papalabas, pasimple ko pa'ng tiningnan ang screen ko para alamin kung ano'ng oras na. Napabuntong-hininga nanaman ako ng makita'ng alas siete trenta na. Iniwan ko ang lalaki mga alas sais trenta. Tumakbo ako hanggang sa marating ang gate. Nakita ko siya'ng naka upo sa gilid ng gate at nakapikit. Tatawagin ko na sana siya ng aksidente ako'ng tumitig sa gwapo niya'ng mukha.

"Take a picture, it lasts longer".

Bumalik ako bigla sa ulirat ko nang marinig ang boses ng lalaki'ng 'yon. Kaagad ako'ng nag iwas ng tingin tsaka umakto'ng walang nangyari.

"Memory lasts longer, plus, the feeling of that moment stays in our heart. Taking a picture can't do that" Sagot ko habang nakatingin sa mga puno.

"Yeah right" Ani ng lalaki tsaka tumayo at pinag-pag ang pwetan bago tumingin sa'kin.

"What's your name?" Tanong ko.

Sandali pa siya'ng tumitig bago bigla'ng umakto na nasasaktan. Gulat naman ako'ng napataingin sa kaniya, bahagya pa'ng naka kunot ang nuo.

"You're hurting me.," Pad dra-drama ng binata "Nakalimutan mo na kaagad? Mahal ko?".

Gulat ako'ng napatitig sa kaniya. Napanga-nga ako sa sinabi niya. Syempre, 'di ako basta-basta na naniniwala. Tinitigan niya rin ako tsaka bigla nalang tumawa ng malakas! Napakalakas!.

"Hahaha! I'm just joking!," Huminto na sa pag tawa tsaka seryoso'ng umayos ng tayo "Noel Jensen Delera Mejos, at your service".

Hanep.

"Tara na nga! Mr. Mejos!" Yaya ko at nag una na ng lakad papunta sa school.

"Hey wait up!" Sigaw niya, naramdaman ko naman ang kaagad niya'ng pag sunod ng lakad.

Lihim ako'ng napangiti. Kung hindi lang pumunta si Noel ay baka nandoon parin siya sa restroom, umiiyak at nanginginig sa galit na may bahid ng kaba, takot at hiya. Pero hindi rin naman 'yon mangyayari kung hindi nung lalaki'ng 'yon tinawagan si Noel.

Kaagad na tumabi si Noel at sabay kaming nag lakad papunta sa school. Pero nang nasa tapat na kami ng gate, sinadya ko talaga'ng mag una ng lakad. Alam ko'ng nagukat siya bigla sa inakto ko pero para rin naman 'yon sa kabutihan namin. Kaagad ako'ng dumeretso sa classroom, nasa pinto palang ako nakikita ko na si Cy tsaka si Rex na nagtatawanan.

Napangiti ako bigla ng malapad. Mas binilisan ko pa ang pag lakad hanggang sa pumunta ako sa likuran nila. Tinapik ko pa muna ang mga balikat nila bago pumunta sa upuan. Nilagay ko muna ang bag ko tsaka umupo.

"Wow! Fresh na fresh ah!" Ani ni Cy tsaka pabiro na iwinagayway ang buhok ko.

"Ikaw lang naman ang haggard dito 'te!" Biro ko pa tsaka ngumiwi.

"Hahaha! Kala mo binuhusan ng Baby Oil" Si Rex.

Sumama ang tingin ni Cy sa amin sabay tampal sa aming braso. Malakas naman kami'ng natawa ni Rex habang tinuturo ang itsura ni Cy. Alam namin na naaasar na ng sobra si Cy kaya mabilis na tumigil ang pag tawa. Pero hindi doon natapos ang biruan.

"Ang sosyal naman kung Baby Oil, Rex" Nakangiwi ko'ng ani kay Rex na nag pipigil nanaman ng tawa.

"Eh ano gusto mo?" Natatawa'ng sabi ni Rex.

"Cooking Oil" Pag tatapos ko. At doon nanaman nangibabaw ang malakas na tawanan namin.

Buti nalang madali'ng humupa ang pagkakapikon ni Cy. Isa 'yon sa mga hinahangaan ko, sa una mapipikon, sa mga sumusunod doon na siya nakikitawa. Gano'n kami hanggang sa dumating ang unang Lec namin. Naging maganda ang buong klase, naiintindihan ko lahat ng itinuturo gano'n narin sila Rex at Cy.

Nang dumating ang lunch, kaagad nag sipag-puntahan ang mga kaklase namin. Nagpa-iwan kami mga ilang minuto. Wala na kasi kaming susunod na Lec pagkatapos ng lunch kaya 'di na kailangang mag madali.

"Kung ang sabi nila na ang imahinasyon ng isang tao ay walang limitasyon..." Nakakunot nuo ko'ng sabi, sinadya ko'ng bitinin para makuha ang atensiyon ng dalawa.

"Ano?" Sabay nilang tanong.

"Mag isip nga kayo ng bago'ng kulay" Pagtatapos ko.

Nangibabaw ang katahimikan. Ilang segundo mula nang mag salita ako bago 'yon binasag ni Rex.

"Grabe naman 'yang tanong mo, napa-isip ako ah?" Natatawa'ng sabi niya.

Napailing-iling ako'ng tumayo at kinuha ang bag. Sumunod naman si Cy at Rex at sabay-sabay kaming lumabas at tinahak ang daan papunta'ng canteen. Ngunit mukhang ayaw maki-sama ng swerte ngayon dahil mula sa hindi malayo'ng paningin ko, ay naaaninang ko ang lima'ng kalalakihan. Kasama na doon ang walang hiyang lalaking ginising ko sa Field.

Toffee | S.E.