webnovel

Play for you (Gawong Story) (COMPLETED)

May mga bagay at pangyayari sa buhay natin na pilit nating iniiwasan. Pilit na nating tinatalikuran pero paulit-ulit parin tayong hinahabol ng nakaraan. Bakit ba sadyang mapaglaro ang mundo? Binibigay sa atin ang mga taong hindi natin inaasahan na muling magbibigay ng ngiti sa ating mga labi. Darating ang taong magbibigay kulay sa madilim nating mundo. Magbibigay ng sigla sa mapait na damdamin. Pero ang tanong, ito ba ay pang habambuhay na o katulad lamang din ng iba na dadaan lang sa mga buhay natin upang tayo ay muling wasakin?

Jennex · LGBT+
分數不夠
38 Chs

Chapter 37: Just happy, No ending

Now palying: Thousand Years

Jema POV

"Congratulations, ladies! We did it!" Masayang sigaw ni Bea sa aming lahat habang nagtatatalon.

"Finally! We're Graduate. Good bye High school and Hello, College!" Ganting wika naman ni Alyssa.

"Oh, come on guys! It's just a beginning!" Sabay kampay na sabi naman ni Celine habang iwina-wagayway ang kanyang hawak na diploma.

"Okay...what are you waiting for?" Singit ko sa kanilang lahat. "Group hug, guys!" Dagdag ko pa atsaka kami sabay-sabay na nagyakapan sa isa't isa.

We finally made it! Hindi ko alam na ganito pala kasaya ang magiging graduation ceremony namin, lalo na at kasama naming lahat ang aming mga magulang, kapamilya at mga kaibigan.

And of course, mas lalo akong naging masaya dahil kasama kong na achieve ito nang nandiyan ang aking asawa. Yiieee!

Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na asawa ko na ang babaeng na meet ko lamang noon sa waiting shed mula sa labas ng kanyang eskwelahan.

Grumaduate kami ng sabay kahit na halos sukuan na namin ang isa't isa noon. Nagawa parin naming makapagtapos ng high school ng sabay sa tulong na rin ng aming mga kaibigan at ano pa nga ba? Syempre, sa tulong na rin ng aming mga magulang.

Pagkatapos ng ceremony ay nagkanya-kanya na muna kaming magkakaibigan. All of us are with our parents in different destinations.

Kasama kong mag cecelebrate at magdidinner ay sina Mommy Lucy, Daddy and of course, my one and only wife, Deanna. We went to the Restaurant together, owned by my Godfather.

"Congratulations, to both of you!" Masayang pagbati ni daddy sa aming mag-asawa habang itinataas ang kanyang baso as a toast. "Cheers for more achievements to come in your life. And as a couple." Dagdag pa niya.

"Thank you daddy." Masayang pasasalamat ni Deanna and so do I.

Hinayaan namin ang aming mga sarili na mabusog sa mga pagkain na nakahain sa aming harapan, at i-enjoy ang moment kasama ang aming magulang bilang selebrasyon sa aming napagtagumapayan.

Alam kong hindi pa dito matatapos ang lahat. Mayroon pa kaming kolehiyo na pagdadaanan pareho ni Deanna. But no matter what trials come in our way, alam ko at natitiyak kong hawak-kamay namin iyong haharapin at malalampasan.

At sa pagtahak namin sa panibagong kabanata ng aming buhay, bilang college student, pagbubutihin namin pareho ang aming pag-aaral, pagtutulungang buhatin ang isa't isa at aalalayan namin ang bawat isa. At bilang mag-asawa, nakasisiguro akong mas pagbubutihin namin iyon at mas sisiguruaduhing wala ng kahit na sino o ano pa man ang sisira sa aming dalawa.

I intend to get a BSBA, Major in Marketing. Since I am the heir and will be running the University soon, once Daddy has given it to me. Habang si Deanna naman ay kukuha ng kursong BS Education, Majoy in MAPEH, dahil isang siyang star player ng volleyball plus Scholar ng University. At isa pa, mahilig din siya sa music at mayroon ding magandang boses. Pangarap din kasi nitong maging Coach dito sa Galanza University kung saan ako magtatrabaho pagdating ng araw.

Swerte ko, ano? Dapat kung saan ako, nandoon din siya. Which is more I like it because we always meet, have lunch together and go home. Hayyy. I can't wait for the future that Deanna and I can build together, to have what we called our own happy family.

------

"Hey, wife! Ready kana ba?" Tanong ko kay Deanna habang inaayos ang sarili.

"Kanina pa mahal."Sagot nito habang naka upo sa ibabaw ng kama at halatang naiinip na sa kahihintay sa akin na matapos. "At kanina pa rin sila naghihintay sa baba." Dagdag pa nito bago ako napatawa.

"Alright, I'm done." Naka ngiting wika ko sa kanya at muling tinignan ang sarili sa salamin.

"Now, tumayo kana dyan. At sorry rin PO, kung pinaghintay man kita ng matagal." Pilit na pina inosente ko ang aking mukha para hindi na ito magtampo pa.

Sa halip na sagutin ako nito at sundin ang sinabi ko ay malungkot na napayuko lamang siya habang naka nguso.

"Mahal, bakit ba kasi nagpapaganda ka pa? May pinagagandahan ka pa ba bukod sa akin?" Parang nagtatampo na bata na tanong nito sa akin.

I can't help but to laugh because of her craziness and cuteness. Ugh! Pasalamat siya at asawa ko na siya.

Humakbang ako papalapit sa kanya atsaka walang sabi na naupo sa kanyang kandungan. Awtomatikong nag-angat ito ng kanyang ulo at sinalubong ang aking mga mata. Hinawakan ko siya sa kanyang baba at marahan na dinampihan ang kanyang labi na agad din naman nitong ginantihan.

"Wala akong ibang pinagagandahan kung hindi ikaw lang." Bulong ko nang magkahiwalay ang aming mga labi. "At ikaw lang ang mahal ko." Dagdag ko pa bago ito muling siniil ng halik.

Ngunit bago pa man niya ako tuluyang matanggalan ng saplot sa katawan at maihiga sa kama ay agad na pinutol ko na ang aming halikan.

"Let's go...before we could miss our flight." Namumungay ang mga mata at hinihingal na sabi ko sa kanya. Agad naman siyang napatango at sumunod sa akin.

"Good." Muling tugon ko at tuluyan ng lumabas mula sa loob ng aming kuwarto.

We're going to New York today with our parents, because that's where they plan to get married. And so Deanna and I could take a vacation before Enrollment for College.

Ito rin ang unang beses na lalabas kami ng bansa na magkasama, bilang mag-asawa at ako bilang isang ganap na, na Mrs. Wong.

Hindi naman kami magtatagal doon. Mahaba na ang dalawang linggo dahil madami pa kaming requirements na dapat paghandaan for enrollment.

At pagbalik ko, balak ko rin na bisitahin ang aking ina. My biological mother. Yes, I found her. With the help of my hired Private Investigator.

Walang humpay ang saya ng malaman ko ang balita na nakita na siya nito. Sa isang Probinsya sa IloIlo. But sadly to say, she's gone.

Nalaman ko na two years ago lamang ito pumanaw. Dahil sa isang car accident. It hurt me so much. Dahil ang buong akala ko ay makikita ko pa itong muli at mahahagkan. Pero huli na ang lahat. Hindi ko na rin ito binanggit pa kay Daddy.

I don't know if he heard what happened and he just kept it to me. Or he just forgot about mommy. But it's fine. Kung ano man ang desisyon ni daddy, naiintindihan ko iyon. At ganoon din si mommy, sa naging desisyon nitong iwanan kami noon.

Masaya na ako para kay daddy, at ganoon din kay mommy kung nasaan na man siya ngayon. But I promised that when I returned to the Philippines I would visit her, to say that I forgave her for everything that happened, even though she had left daddy and me. And so I can introduce Deanna, as my wife. Sayang nga lang dahil hindi siya nito nakilala at nakasama.

But even so, I knew she would still be happy with the decisions I made in life. Especially to myself, to the person I choose to love for the rest of my life.

-------

It's been one week and a half since we arrived here in New York. So far, I'm happy to see Deanna enjoying it. It was her first time out of the country. And I was REALLY happy to witness that day.

"Mom, have you seen Deanna?" Tanong ko kay Mommy Lucy dahil kanina pa ako paikot-ikot dito sa buong bahay pero hindi ko ito makita. Mayroon nga pala kasi kaming bahay dito sa New York na ipinagawa ni daddy when I was ten years old.

Napa tango ito bago ako binigyan ng isang malawak na ngiti. Oh, that's so sweet of her.

"Nasa likod lang siya ng bahay kanina." Wika nito bago napa iwas ng tingin. "Try mo ulit tignan, baka sakaling magkasalubong na kayong dalawa."

Napa tango ako atsaka mabilis na tumalikod papunta sa likod ng bahay. Again, sinubukan ko muling hanapin ang babaeng kanina ko pa gustong makita.

And there she is, smiling widely and me while holding on to something. Kunot noong nilapitan ko ito.

"What's that?" Nagtataka na tanong ko bago muling ibinalik ang mga mata sa kanyang mukha.

Hindi parin nawawala ang mga ngiti niya.

"Mahal, happy monthsary!" Pagbati nito bago hinila ang tali mula sa kanyang likuran kung saan lumabas ang isang napaka cute na puppy.

Oh my god! Bakit sa lahat ng araw ngayon pa ako nakalimot? Argh! Nanlalaki at naluluha ang mga mata na napatingin ako sa puppy bago napa yuko at kinuha ito.

"Awww. Your so cute." Komento ko habang pinaglalaruan ang balahibo nito.

"Dahil hindi pa tayo pweding magka-baby. Kaya naisipan kong mag-alaga na muna ng aso." Paliwanag nito. Dahil sa sinabi nito ay mas lalo akong napa luha ng tuluyan. "Okay lang naman sayo kung siya muna ang magiging baby natin, hindi ba?" Dagdag pa niya.

"Of course! Thank you and I love you." Lumuluha sa saya na wika ko bago lumapit sa kanya upang bigyan ito ng isang mahigpit na yakap.

"Happy monthsary, mahal. Sorry kung wala man lamang akong regalo. Nakalimot pa." Dismayadong sabi ko sa kanya. Napa iling ito.

"Mahal, hindi na kailangan pa. Sapat na at kontento na ako sa singsing na naka sukbit sa ating mga daliri. Para sa akin, wala ng mas hihigit pa sa regalong iyon, ang maikasal ka sa akin. Isa pa, okay lang. Alam ko namang naaalala mo, sadyang bagong gising ka lang." Sabay tatawa tawa pa ito pagkatapos.

"Oh shit! Napaka tamis." Halos pabulong na, na bigkas ko rito.

Dahil sa hindi ko na mapigilan pa ang sobrang saya na nararamdaman ko, basta ko na lamang hinila ang kwelyo ng kanyang suot na shirt at siniil ito ng isang mainit at matamis na halik.

Wala na rin akong ibang mahihiling pa, kung hindi ang mas lalong maging masaya at healthy pa ang pagsasama namin ni Deanna, bilang mag-asawa.

- The End -

-Love is just for two brave people. It is not for the cowards who give up easily when they are in trouble. Because if you love a person, you must be able to fight for her/him and to do everything you can for her/him to just stay with each other.

Again guys, maraming-maraming salamat sa lahat ng sumuporta ng kanilang kwento. Abangan pa po sana ninyo ang mga susunod ko pang nobela. And please, support niyo rin po sana ang Ongoing Stories ko ngayon at mga paparating pa. God bless you all guys! And stay healthy! :)

Jennexcreators' thoughts