webnovel

Play for you (Gawong Story) (COMPLETED)

May mga bagay at pangyayari sa buhay natin na pilit nating iniiwasan. Pilit na nating tinatalikuran pero paulit-ulit parin tayong hinahabol ng nakaraan. Bakit ba sadyang mapaglaro ang mundo? Binibigay sa atin ang mga taong hindi natin inaasahan na muling magbibigay ng ngiti sa ating mga labi. Darating ang taong magbibigay kulay sa madilim nating mundo. Magbibigay ng sigla sa mapait na damdamin. Pero ang tanong, ito ba ay pang habambuhay na o katulad lamang din ng iba na dadaan lang sa mga buhay natin upang tayo ay muling wasakin?

Jennex · LGBT+
分數不夠
38 Chs

Chapter 35: The Jedean Wedding

Now playing: Take my hand

Jema POV

Namumula ang ilong nitong naka titig sa aking mukha habang hinihintay ang aking kasagutan. Hindi ko alam pero nanginginig sa galak at saya ang aking buong katawan sa mga nangyayari. Kung tutuosin, tila ba isa lamang itong panaginip para sa akin.

Napa singhot ako bago ito hinawakan sa kanyang kamay atsaka hinila siya papatayo. Marahan na hinawakan ko ito sa kanyang pisnge bago sandaling dinampihan ang kanyang labi.

Hindi ko na itatanong pa kung paano at bakit biglang nagbago ang mga desisyon niya. Hindi ko na ito tatanungin pa kung sigurado na ba siya, dahil sa mga mata palang niya, nakikita ko na kaagad ang mga kasagutan.

"Of course, I will marry you, Deanna." Umiiyak sa tuwa na bigkas ko sa kanya.

"Yes? Yes?" Tanong nito sa akin habang lumuluha rin dahil sa saya, dahilan upang ako ay mapatango.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa akin pagkatapos atsaka ako marahan na hinalikan sa aking ulo.

"Thank you, Jema. Pangako, aalagaan kita at magigi akong isang mabuting asawa. I love you so much!"

---------

Kinabukasan, pasado alas sais ng umaga ako ginising ng isa sa mga maid namin. May kung anong isang bagay na ibinagsak ito sa sahig dahilan upang mabilis na bumalik ang aking kaluluwa sa aking katawan at tuluyang mawala ang antok.

"Paumanhin madame!" Paghinge ng tawad nito. "Pero kailangan na ninyong maghanda para sa inyong kasal ngayong araw. Maya-maya lamang din po ay aakyat na ang inyong mga kaibigan para ihanda ang lahat ng kailangan ninyo." Sabay talikod na sabi nito sa akin.

Naguguluhan na napatingin ako sa pintuan kung saan ito lumabas.

Kasal?

At ngayong araw?

Teka, ano bang nangyayari at bakit hindi ko yata alam na ikakasal na ako? Kanina lang pagkatapos naming salubungin ang bagong taon, nag propose sa akin si Deanna, pero hindi naman iyon nangangahulugan na ikakasal na kami kaagad. Tama ba ako?

Hindi nagtagal, muling bumukas ang pintuan ng aking kuwarto at iniluwa noon ang aking mga kaibigan. Lahat sila ay naka suot ng simple fitted dress na kulay puti at hanggang tuhod labang ang haba.

Agad na bumungad sa akin ang kanilang walang humpay na matatamis na ngiti at lahat sila ay mayroong mga hawak sa kanilang mga kamay. Lalo na ang isang malaking kahon na nakaagaw ng aking pansin kung saan, pinagtutulungang buhatin ni Alyssa at Bea.

"Congratulations!" Tumitili pa sa pagbati sa akin ni Kyla bago nagbeso.

Habang si Celine naman, agad na hinila ako papaalis sa ibabaw ng kama atsaka kinaladkad patungo sa loob banyo.

"Alam naming marami kang katanungan, pero mamaya namin sasagutin ang lahat ng yan oras na nakapag ligo kana." Natatawa na sabi ni Alyssa sa akin.

"A-anong sabi ninyo? Paki ulit nga?" Naguguluhan na muling tanong ko sa kanilang apat. "Ikakasal ako ngayong araw at hindi ko man lamang alam. Tapos sasabihin ninyong tapos na kasi lahat pag planuhan?"

Tapos na ako sa pagligo at nagsisimula na sila na ayusan ako. Naka handa na ang lahat, make up, heels na aking gagamitin, white gloves, ang aking bouquet, lalong lalo na ang aking wedding gown at iba pa.

Kaya naman hindi ko na talaga mapigilan ang hindi magtanong dahil sa sobra-sobrang pagtataka.

"K-kailan pa ito pinag planuhan ni Deanna?" Muling tanong ko pa.

"Right after you left for Christmas with Rae." Simpleng sagot ni Kyla sa akin.

"And Rae is one of those who planned this wedding? Is that so?" Pag kokomperma ko pa atsaka sila sabay-sabay na napatango.

Bakit pakiramdam ko, I feel betrayed but in a good way. Natatawa ako sa aking sarili na marinig ang lahat ng ito ngayon. Sa lahat ng tao, ako lamang pala ang huling nakaalam na ikakasal na pala ako agad-agad. Bagay na alam ko namang hinding-hindi ko pagsisisihan pagka't isa ito sa mga pangarap ko. Ang makaisang dibdib ang babaeng habambuhay na ipaglalaban ko.

Nanging mas madali na naayos ang lahat ng kakailanganin sa kasal dahil ang Uncle ni Alyssa na isang Pari ay nagmula pa Canada. Siya mismo ang magkakasal sa amin ni Deanna dahil doon ito naka rehistro, kaya doon din mang gagaling ang mga dokumento na aming pepermahan. At ang ama naman ni Kyla ay isang Attorney na siyang kinuha ni Deanna upang mag-asikaso ng mga kakailanganing dokumento.

--------

Handa na ang lahat nang makarating kami sa tapat ng simbahan sakay ng isang puting sasakyan. Kasama ko sa loob ay si Celine na siyang naging maid of honor ko pa.

Kinakabahan na napa buga ako ng hangin sa ere, mula dito, natatanaw ko ang mga bisita na pumapasok sa loob Simbahan.

Marahan na hinawakan ako ni Celine sa aking kamay dahilan upang ako'y mapatingin sa kanya.

"Try to calm down first." Pagpapakalma nito sa akin.

"This is the biggest event of your life that you should be excited about. And there, inside the Church, Deanna is waiting for her bride to come." Naiiyak na sandaling niyakap ko ito.

"Thank you, Celine." Pagpapasalamat ko sa kanya. Napailing ito.

"Isipin mo na lang na, isa ito sa mga pangarap ko para sayo. I may not the person who is waiting for you from within that Church, at least, I am one who will bring you to the aisle." Naluluha na sabi nito sa akin bago ako muling niyakap.

"Be happy Jema, that's all I ever wanted for you." Naluluha na niyakap ko rin itong muli pagkatapos. "Oh siya, it's time to go. Your bride is waiting for you." Natawa ako bago pinunasan ang sariling luha. Nagpapasalamat ako dahil mabuti nalang, waterproof iyong make up na ginamit para sa akin ni Bea at Kyla.

Lumabas na kami at bumaba mula sa loob ng sasakyan. Nakita ko na wala ng ibang tao sa labas ng Simbahan, lahat ng mga bisita ay nasa loob na. Sarado na rin ang ang malaking pintuan na magbubukas lamang oras na humakbang na ako papasok sa loob.

Ngunit may isang lalaki na naghihintay sa akin sa labas at naka ngiting hinihintay akong makarating sa kanyang harapan. He was wearing a white toxedo and white pants. His hair is also neat and clean. It is still very sweet even in old age.

Kagat labing napa tingin ako sa kanya nang tuluyang makarating sa kanyang harapan. "What are you doing here?" Agad na tanong ko sa kanya. Hindi ko parin kasi siya napapatawad dahil sa pagtututol nito sa relasyon namin ni Deanna.

"Every fathers dream is to bring their daughters to the aisle." Tinitigan ako nito sa aking mga mata bago marahan na inabot ang aking kamay.

"Please." Paki-usap nito habang may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Let me take you to the aisle and witness the most important day and big event of my daughters life, with the woman she loves."

Makakatanggi pa ba ako? Kahit naman pagbali-baliktarin pa ang mundo, ama ko parin siya at anak lang niya ako. Siya parin ang maghahatid sa akin sa altar kahit na anong mangyari. So, pumayag na ako. Isa pa, ayaw kong sirain ang moment na meron kami ngayong araw.

Ilang sandali pa ang aming itinagal sa labas ng Simbahan. Bago tuluyang bumukas na rin ang pintuan. Doon din mismo tumunog ang background music na siyang magsisilbing kanta hanggang sa makarating ako sa harap ng aking mapapangasawa.

Lahat ng mata ay nasa akin, nasa amin ni daddy. Lahat naka ngiti, lahat masaya at punong-puno ng galak ang makikita mo sa kanilang mga mata at mukha.

Nandito ang lahat ng naging saksi sa pagmamahalan namin ni Deanna, simula sa aming mga kaklase, teammates, mga dati nitong kapitbahay at iilan na kabarangay, mga board of directors ng University, mga kaibigan at business partner ni daddy, iilang kamag-anakan namin at ganoon din kay Deanna.

And there, I saw a smile but tears that I could marry. She's wearing a white toxedo and white pants just like daddy's. Her long hair was tied in a pony tail. She's literally so beautiful in white. The woman, I will cherish and care for forever, more than anyone.

Napapunas ito ng kanyang mga luha habang naghihintay sa aking pagdating, ganoon din ako. Katabi nito si Aling Lucy na naluluha rin habang naka tingin sa akin.

Sa bawat habang ko papalapit sa babaeng mahal na mahal ko, lahat ng sakit, lahat ng pait na napagdaanan namin, sa lahat ng emptiness na naibigay namin sa isa't isa, sa mga masasakit na salitang nabitiwan, sa lahat ng luha na pumatak at natuyo...lahat ng iyon ay unti-unti ng napapawi ngayon at nabibilang na lamang sa alaala.

Worth it ang lahat ng pinagdaanan namin dahil kami mismo, pinaglaban namin ang isa't isa. Hanggang sa maabot namin ito pareho.

Nakarating ako sa kanyang harapan, kapwa umiiyak rin ang aming mga magulang. Hinawakan ko siya sa kanyang pisnge at pinunasan ang kanyang luha. Hindi nagtagal ay sabay na kaming nagtungo sa harapan, kung saan si Father.

Nagsimula ang ceremony nang wala ng sino pa ang tumututol. We bound one another, exchanged rings, and swore an oath before God.

"I, Deanna Wong, take you, Jemalyn Galanza, to be my wife and to have and to hold. With this ring, I will give you my promise. From this day on, I will offer you all my love, so you won't walk alone. Your love has always been my anchor." Sandaling pinunasan nito ang kanyang luha bago nagpatuloy.

"The trust that you give me is my strength. Let my heart provide you shelter and consider my arms as your home. This ring has no start or end, just like my love for you. As I place this ring on your finger, I give you all that I am, all that I have and all that I will be."

"I, Jemalyn Galanza, take you, Deanna Wong, for my lawful wife, standing here in front of you and the people that we love, promise to always love you. I will always love you. Your love to me is like water. It's shapeless and it's formless. It's peaceful, yet strong. It's all that I ever need in this life. You're my heart. I promise to support you, through thick and thin. I also promise that if a zombie apocalypse would happen, you could count on my ax." Sandaling nagtawanan ang mga nanonood at nakikinig sa akin bago ako muling nagpatuloy.

"I can't wait to start spending the rest of my life with you. Everything that I am and everything that I have will be yours, too."

Hindi na ako nakapag antay pa na sabihin ni father ang pinakahihintay ko nang basta ko na lamang hilain papalapit sa akin si Deanna, atsaka ito hinalikan ng mariin at punong-puno ng pagmamahal sa harapan ng maraming tao.

Kanya-kanyang hiyawan at palakpakan ng mga tao ang maririnig sa buong paligid.

Finally, I was tied to this lady Lord. I will never lose it again. Masayang sabi ko sa aking sarili.

-----------

Kanina pa hinahanap ng mga mata ko si daddy mula dito sa loob ng reception ngunit hindi ko makita. Kaya sinubukan ko pang hanapin ito hanggang sa matagpuan ko ito sa may hallway habang naka tanaw sa pumaparoon at parito na mga tao.

"Dad." Pag tawag ko rito atsaka lumapit sa kanya. Alam kong narinig ako nito kahit na hindi pa man siya lumingon.

"Why?" Tanong ko rito. "Why are you doing this?" Hanggang ngayon kasi, hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari, in a positive way, of course. Lalo na sa pagpayag nito na maikasal kami ni Deanna.

"Paano iyong lahat ng napag sabihan ninyo na ni Aling Lucy about your wedding? Iyong mga importante at malalaking tao na kilala ka---

"You deserve this grand wedding more than I do, Jema." Wika nito sa akin. Parang tinutunaw ang puso ko ngayon sa saya. Napa tingin ito at humakbang papalapit sa akin bago hinawakan ang aking mga kamay at hinalikan ang likod nito.

"As your father, you are my pride. At wala ng makakahigit pa roon. It doesn't matter what anyone else says. Oo, mahalaga parin ang opinyon ng iba, pero kung para sa nag-iisang anak ko.." Hinaplos nito ang aking pisnge.

"It doesn't matter what they say as long as I know you're happy. That's the best thing I can do in your life as your father. To support you in your happiness and with the person you care about." Paliwanag nito. Awtomatikong nag unahan sa pagpatak ang aking luha dahil sa emosyon na nararamdaman.

Parang buong ceremony kanina sa Simbahan umiiyak na ako, hanggang dito ba naman? I can't believe na mangyayari ang araw na ito. Pinunasan nito ang aking luha gamit ang kanyang hinlalaki na daliri.

Nakita ko rin kung paano pumatak ang luha galing sa kanyang mga mata habang naka tingin sa akin at pagkatapos ay apologetic na napangiti.

"Forgive me for being an stupid and being a selfish father. Sana hindi pa huli ang lahat para sa atin anak." Mabilis na niyakap ko ito ng mahigpit.

"You are forgiven dad. I'm sorry rin, kung nagalit at naka bitiw man ako ng mga salita sa iyo." Napailing lamang ito bago napangiting muli.

"I love you." Sambit nito bago ako hinalikan sa noo.

"I love you too, dad." Tatalikod na sana ito ng magsalita akong muli.

"Pero paano ang napag planuhan na ninyo ni Aling Lucy? You also deserve to get married, dad." Napailing ito.

"We plan to get married in New York this coming Summer." Naka ngiting bigkas nito. "Will you join us? It's also a vacation, so you can relax there with your wife, what do you think?"

Awtomatikong gumihit ang matamis at malawak na ngiti sa aking mga labi.

Wife.

Napaka sarap lamang sa tenga pakinggan.

"I'd love to, dad. Deanna will definitely be happy when I tell her." Kagat labing sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat lamang ito bago tuluyan ng napa talikod at nagsimulang mag lakad habang nag simulang kalikutin ang kanyang cellphone.

"Then I guess, I need to book a ticket to my secretary right away." Pagkatapos ay napatawa ako habang iiling-iling na pinapanood siya habang naglalakad papalayo.

It was the happiest day I'll never forget. The day the Lord gave me was more than I expected it to be.